"KAILAN kaya ako pwedeng ma-discharge dito sa ospital, iha. Maganda naman na ang pakiramdam ko," sabi ng matandang pasyente ni Grecela sa kanya.
Ngumiti siya rito at saka tinulungan itong humiga ng maayos. Inayos din niya ang kumot nito. "Ang doctor na po ang makapagsasabi kung kailan, Nay. Huwag po kayong mag-alala at baka mabinat kayo," malumanay niyang sabi rito.
"Haysss. Tatlong linggo na ako rito, iha. Minsan lang ako dinadalaw ng mga anak ko dahil may trabaho sila. Gusto ko na sanang umuwi na," may bahid ng lungkot ang boses na sabi nito.
"Huwag kayong mag-alala, Nay. Inoobserbahan na ng doctor ang kalagayan ninyo kung pwede na kayong makauwi. Baka sa susunod na linggo ay makakauwi na kayo," masigla niyang sabi rito.
"Sana nga, iha," nakangiti nitong sabi. Nagulat siya nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya. "Maraming salamat sa pag-aalaga sa akin, iha."
"Naku, Nay, walang anuman po 'yon."
"May nobyo ka na ba?"
Nagulat siya sa tanong nito. "Ah— haha— O-Opo, meron na po," nauutal niyang sabi. May pag-aalinlangan siya nang sinagot niya ito. Kailangan kasi niyang mag-ingat dahil baka malaman ito ng ama niya. Ayaw din naman niyang sabihing single siya dahil talaga namang may karelasyon siya at iyon ay si Vas.
"Sayang. Sa palagay ko bagay kayo ng anak kong titser. Ang ganda mo pa naman," nakangisi nitong sabi.
"Ah— hehe— magpahinga na po kayo, Nay," nahihiyang sabi niya.
"Oh sya sige."
Lumabas na siya ng room at saktong paglabas niya ay nakasalubong niya ang kasamahan niyang nurse.
"Kain na tayo, Ella," sabi nito sa kanya at kumapit sa braso niya. Nurse Ella ang palayaw niya dito sa ospital na pinagtatrabahuan niya.
"Half day ako ngayon, Jane eh," sabi niya rito. "Medyo masama ang pakiramdam ko."
"Naku! Uminom ka kaagad ng gamot."
"May dala na akong gamot rito. Iinumin ko mamaya pagkatapos kong kumain."
"Dito ka ba kakain sa ospital? O uuwi ka na?"
"Uuwi na ako eh. Sinabihan ko na si Doc at pumayag naman siya."
"Sige, Ella. Kanina pa ako nagugutom eh," natatawa nitong sabi. "Kitakits ulit bukas."
"Sige, Jane."
Pumunta siya sa locker niya at saka kinuha ang sling bag at cellphone niya. Agad siyang pumara ng taxi paglabas niya ng ospital.
Hindi naman talaga masama ang pakiramdam niya ngayon, pupuntahan niya lang ang ama niya sa ospital kung saan ito nanatili nang hindi nagpapaalam rito. Simula kasi noong bumalik siya sa bahay nila ay napansin niyang parang palaging nakasunod at nakabantay sa kanya ang tauhan ng ama niya.
And she is also starting to doubt everything after reading her mother's diary. Iba ang pakiramdam niya at hindi siya mapakali kung kaya't naisipan niyang magsimulang mag-imbistiga. Nagi-guilty man siya sa gagawin niya pero hindi siya mapapanatag kapag nakaupo lamang siya at walang ginagawa.
Napalunok siya at biglang nakaramdam ng kaba nang matanaw na niya ang ospital. Pagkatapos niyang magbayad ay kinakabahan siyang lumabas sa taxi.
Pagpasok niya sa loob ay napansin niyang abala ang mga tao kung kaya't dumiretso na siya sa elevator. Pinindot niya ang numero kung saang palapag ang silid ng ama niya. Ilang sandali lang ay bigla itong bumukas at agad naman siyang lumabas.
Tinahak niya ang mahabang pasilyo papunta sa kwarto ng ama niya. At nang makarating siya sa harapan ng pinto ay humugot muna siya nang malalim na hininga bago hinawakan ang doorknob. Pero bigla itong bumukas.
"M-Miss G-Grecela," gulat na sabi ng personal nurse ng ama niya.
"Hi. I'm visiting my father," sagot niya rito. Papasok na sana siya pero kunot-noo niya itong tinignan nang hindi ito umaalis sa kinatatayuan nito. Napansin niyang kinakabahan ito at nagsimula ring lumitaw ang pawis sa noo nito.
"I-I'm s-sorry but you're not allowed to enter," kinakabahan nitong sabi.
"Why not?" takang tanong niya.
"U-Umalis na k-kayo, Miss Grecela," sabi nito at mahina siyang itinulak kaya napaatras siya ng ilang hakbang. Gulat at hindi maintindihang tinignan niya ito.
"At bakit mo ako pinapaalis?"
"H-Hindi kayo pwedeng pumasok ngayon."
"At bakit hindi?"
"Please, umalis na ka'yo."
"May tinatago ka ba sa akin?"
"Wala, Miss Grecela."
"Nandyan ba sa loob ang papa ko o wala?"
Napahinto ito dahil sa sinabi niya. Mabilis niya itong hinila palayo sa pinto at saka binuksan ito. Napasinghap siya nang makitang walang tao sa loob ng silid. Pumasok siya sa loob at wala nga ang ama niya. Pumunta siya sa restroom ng silid at wala rin ito.
"Why is he not here?" tanong niya sa
sarili.
Mabilis niyang binalikan ang nurse na nakatayo pa rin sa may pinto. "Nasaan ang papa ko?" kunot-noong tanong niya rito.
"H-Hindi ko po a-alam," kinabahan nitong sagot.
"At bakit hindi mo alam? You're his private nurse. Dapat alam mo kung nasaan ang papa ko," tanong niya rito. Puno na ng pagtataka ang isip niya ngayon. Gusto niyang magalit rito pero alam niyang hindi tama iyon at ayaw niyang mag-iskandalo. Malakas siyang nagbuntong-hininga. "Please, just tell me where he is."
"M-Miss G-Grecela, I-I'm sor—."
"Is there something wrong here?"
Sabay silang napalingon sa lalaking dumating. Si Dr. Renan Mendes ll ito, ang private doctor ng ama niya. Ang Amanda pnito ang orihinal na doctor ng ama niya pero dahil nagretiro na sa pagiging doktor, ay ang anak nito ang pumalit. Magkasing-edad lang silang dalawa. Palagi niya itong nakikita nuon sa tuwing bumibisita ang ama nito sa bahay nila kasama ito.
Gwapo rin ito. May maipagyayabang lalong-lalo na at doktor ito. Minsan ay sinabihan siya noon ng ama niya noong nasa koliheyo pa lang siya na ang gusto nitong makatuluyan niya ay itong si Dr. Mendes. Pero wala siyang gusto rito. Sadyang hindi tumitibok ang puso niya rito.
"Bakit wala dito ang papa ko?" agad niyang tanong rito.
"Miss Grecela, don't worry, we moved your father to another room since need naming mag-disinfect dito sa floor na ito," pagpapaliwanag nito.
"Mauna na po ako, Dr. Mendes," sabi ng nurse at mabilis na naglakad paalis. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang papalayo nitong likuran.
She should have told me. But something's fishy.
"Saang room inilipat ang papa ko?" tanong niya sa doctor.
"He's sleeping right now. Hayaan mo na muna siyang magpahinga, Grecela," nakangiti nitong sabi sa kanya.
"It's okay. Hindi ko naman siya gigisingin. I just want to see him," sabi niya rito.
"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong nito bigla na ipinagtaka niya.
"I'm not feeling well kaya nag-half day ako. Bibisitahin ko lang ang papa ko bago ako umuwi."
"If you're not feeling well, you should go home straight," seryoso nitong sabi sa kanya.
"I will go see my father first."
Ngumiti ito sa kanya at tumango. Muli silang sumakay ng elevator. Nakarating sila sa pinto ng isang silid at bubuksan na sana nito ang pinto pero naka-lock ito.
"I think your father doesn't want to be disturb," sabi nito.
Sinubukan niyang buksan ang pinto pero hindi niya ito mabuksan. "What if may masamang mangyari sa kanya sa loob? It's not okay to lock this door," puno ng pag-aalalang sabi nito.
Pero nagulat siya nang bigla itong umakbay sa kanya. Nagsimula itong maglakad paalis kung kaya't napalakad na lang din siya.
"Don't worry, Grecela. Your father is getting better each day," sabi nito at hinawakan ang wrist niya hanggang sa makapasok ulit sila sa elevator. "You're not feeling well right? Ihahatid na kita sa bahay ninyo."
"It's okay. No need."
"No, darling. I insist," nakangiti nitong sabi.
Hindi na siya nagpumilit pa at hinayaan na lang ito. Inihatid siya nito sa bahay at agad naman siyang dumiretso sa kwarto niya. Pabagsak siyang humiga sa kama at malakas na nagbuntong-hininga.
"Sigurado akong wala sa ospital ang papa ko pero pinagtatakpan nila ito," mahinang sabi niya.
Muli niyang kinuha ang diary ng mama niya at paulit-ulit itong binasa hanggang sa gumabi na. Pagkatapos niyang kumain ng hapunan ay agad siyang bumalik sa kwarto niya at muling tinitigan ang diary.
She's sure that her mother wrote this diary. It was her mother's handwriting. Ang hindi lang niya maintindihan ay ang mga isinulat nito.
"Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," nahihirapan niyang sabi.
Muli siyang humiga sa kama at ipinikit ang mga mata niya. Biglang pumasok sa isip niya si Vas kaya muli siyang dumilat at bumangon.
"Sa kabila ng lahat, why am I even thinking about him?" naiinis na sabi niya sa sarili.
Tumayo siya at binuksan ang laptop niya. "I don't know who I am going to trust now."
"I can't completely trust my father after reading my mother's diary. And I also can't trust Vas."
********