Chapter 4 - Monster

1438 Words
“HINTAYIN mo lang na magising ang iyong ama, Grecela,” sabi ni Manang Rosie sa kanya. “Kailangan ko ng bumalik sa mansyon. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka.” Tipid na ngumiti siya sa ginang. “Maraming salamat, Manang Rosie.” Nang makaalis na ito ay muli niyang tinitigan ang mukha ng kanyang ama na mahimbing na natutulog. Bigla siyang nakaramdam ng guilt dahil sa ginawa niyang pag-iwan rito. Hindi niya akalain na may sakit pala ito. Napaigtad siya sa gulat nang makita niyang biglang gumalaw ang kamay nito. Napatingin siya sa mga mata nito at dahan-dahan itong dumilat. Kinakabahan siyang nakatingin rito at mas lalo siyang kinabahan nang magtama ang mga mata nilang dalawa. “G-Grecela?” paanas nitong bigkas sa pangalan niya. “P-Papa— a-ako po ito,” kinakabahan niyang sagot. Ngumiti ito sa kanya. Dahan-dahan itong bumangon kaya agad naman niyang tinulungan. Nagdadalawang-isip pa siyang tulungan ito pero dahil nakita niyang mukhang nahihirapan ito ay agad siyang tumulong. “How are you, my daughter?” nakangiti nitong sabi. Pero napansin niyang ang ngiti nito ay may bahid ng lungkot at pagod. "I hope you were doing fine." Medyo nagulat siya sa sinabi nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtanong ito sa kanya kung kamusta na siya. Simula kasi noong pumanaw ang ina niya ay bigla itong nagbago. Naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya at palagi niyang nararamdaman na parang ayaw siya nitong makita. Hindi rin naging maganda ang trato nito sa kanya. Minsan ay nagawa siya nitong sampalin. Minsan ay sinisigawan siya. Sinasaktan siya physically, mentally, at emotionally. Kaya masasabi niyang ang bahay nila ay naging parang kulungan niya sa loob ng mahabang panahon. Nabalik siya sa katinuan nang bigla itong maubo. “A-Ayos lang po ako,” kinakabahan niyang sagot. Ngumiti ito sa kanya at saka dahan-dahan na sumandal ng maayos. Pinagmasdan niya ito ng mabuti at nakikita niyang mukhang nahihirapan itong gumalaw. Namumutla din ito at mukhang pagod na pagod tignan. Mukhang malala ang sakit na iniinda nito. “I'm sorry anak, sa lahat ng nagawa kong hindi mabuti sa iyo. I'm sorry sa lahat ng mga nagawa ko dahilan para masaktan ka.” Gulat siyang napatingin rito pero seryoso itong nakatingin sa kanya. “P-Pa—.” “Sana mapatawad mo ako, Grecela. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana bumalik ka na sa bahay natin.” Napalunok siya ng ilang beses. Hindi niya alam kung ano ang isasagot o sasabihin niya. Hindi niya akalain na maririnig niya ang mga katagang iyon mula sa ama niya. “Hindi kita pipilitin anak na patawarin ako at bumalik sa bahay. Ang importante sa akin ngayon ay ang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko at makita ka habang ako’y nabubuhay pa," hinihingal nitong sabi at biglang umubo. Bumagsak ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Mabilis naman niya itong pinunasan at saka ngumiti sa ama niya. “I-I'm sorry too, papa. I'm sorry dahil umalis ako. I'm sorry dahil wala ako nung kailangan mo ako.” Napahagulgol siya dahil sa bugso ng damdamin. She couldn't believe it. Biglang bumangon sa puso niya ang pag-asang magiging masaya ulit siya kasama ang nag-iisa niyang pamilya. Ngumiti ito sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. “Don't say sorry, Grecela. Ako ang may nagawang mali,” seryoso nitong sabi. “Masayang-masaya ako na pinuntahan mo ako rito,” dugtong nito. Ngumiti siya pabalik rito at saka muling pinunasan ang luha sa pisngi niya. “Walong buwan din kitang hindi nakita, anak. Sa pagkawala mo ay madami akong natutunan na mga bagay-bagay lalong-lalo na tungkol sa pagiging isang mabuting ama," maaliwalas na mukhang ngumiti ito sa kanya. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. She never imagined hearing those words from him. It felt like she's just dreaming. She really wanted to get close with her father and it seems like it will finally happen. Sa wakas, mukhang matutupad na din ang kahilingan niya na matagal na niyang inaasam-asam. “P-pa—.” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. The mixed feeling that she's feeling right now is very overwhelming. Tumitig sa kanya ang ama niya. “Give me a chance to become a better father to you, my daughter.” Biglang nawala ang kurot, lungkot, at hinanakit sa puso niya. Biglang sobrang gaan ng pakiramdam niya. “I want to make up for those years that I'm not a good father and not even a good influence on you, Grecela. I want to prove to you that I regret everything that I did," seryoso nitong saad. Ngumiti siya rito at saka dahan-dahan na tumango. “Thank you for reaching out to me, pa.” “I hope I'm not too late, Grecela.” Mabilis siyang umiling. “It's never too late, pa," nakangiti niyang sabi. Lumapit siya sa kanyang ama at niyakap siya nito ng mahigpit. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang mainit nitong yakap sa kanya. Nanatili siya ng ilang oras sa ospital. Ayaw niyang matapos ang araw na ito. Gusto pa niyang makausap ang ama niya pero kailangan na muna niyang umuwi. Magpapaalam na sana siya sa ama niya pero napahinto siya sa sinabi nito. “I know Vas Zakharov,” seryoso nitong sabi dahilan para mapatingin siya rito. “Don't get me wrong, Grecela. I just thought you ran away to your friends but after knowing that you are with him, I couldn't help but get scared.” Kumunot ang noo niya. Bigla siyang kinabahan. “I don't understand, pa.” Tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa kaba. Kinuha nito ang isang black envelope na nasa ibabaw ng bedside table. “I want to protect you even if I'm bedridden. I want to protect you until my last breath, Grecela," seryoso nitong sabi habang matiim na nakatitig sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang black envelope at tinanggap niya ito. Binuksan niya ito at napasinghap siya nang makita ang mga larawan ni Vas. “You don't know how dangerous Vas Zakharov is.” Shock and horror are visible in Grecela's eyes while she's staring at the pictures. Biglang nanlamig ang buong katawan niya at tila hindi siya makahinga. Malalaki ang mga matang lumingon siya sa ama niya. Puno ng iba't-ibang emosyon ang mukha niya. Maraming katanungan ang nagsimulang lumitaw sa isip niya. Paano nalaman ng ama niya ang tungkol kay Vas Zakharov? Ano itong mga nakakagimbal na larawan nito? Anong klaseng tao ba itong tumulong sa kanya? Anong klaseng tao itong pinagkatiwalaan niya? "You know Attorney Roben- my friend. I asked for his help to know more about that guy- Vas," panimula ng ama niya. Muli niyang tinignan ang mga larawan. May hawak na baril si Vas sa larawan at puno ng dugo ang katawan nito. Nakatutok ang baril nito sa ulo ng lalaking nakaluhod sa harapan nito. Base sa larawan ay mukhang nagmamakaawa ang lalaking nakaluhod, pero sa kasunod na larawan ay nakahandusay na ito sa sahig at duguan na ang ulo nito. "I thought about letting you go and have your freedom forever, Grecela. But after I found out that that guy is very dangerous and cruel, I promised to myself that I will save you from him before it's too late." Muli niyang tinignan ang ibang larawan na mas lalong nagpasikip sa dibdib niya. Nakaupo si Vas at nakatingin sa mga babaeng nakahubad na nasa harapan nito. Ang ibang larawan naman ay nakatayo ito sa harap ng maraming bangkay na nakahandusay. Hindi lang kamay nito ang duguan kundi pati na ang buong katawan nito. Biglang tumulo ang luha sa pisngi niya na agad naman niyang pinunasan. Puno ng pagkadismaya at lungkot ang puso niya. Hindi niya akalain na nagbabalat-kayo pala ang lalaking gusto niya. Isa-isa niyang ibinalik sa black envelope ang mga larawan. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng ama niya. Nahihiya siya sa sarili niya. "He's a Mafia Boss, Grecela. You are not safe with him. And you will never be happy with him." Napatingin siya sa ama niya nang marinig niya ang sinabi nito. She couldn't believe in everything. Nagmukha siyang tanga. Nagmukha siyang bulag. She trusted Vas easily without questioning his identity. Hinawakan ng ama niya ang kamay niya. "Come back home. Find time and tell him that you are going back home for good. Huwag mong ipahalata na alam mo ang totoong pagkatao niya at baka ano pa ang gawin niyang masama sa iyo." Dahan-dahan siyang tumango. Sobrang bilis ng mga pangyayari pero kailangan niyang makinig sa ama niya. Alam niyang ang iniisip lamang nito ay ang makabubuti sa kanya. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD