“GRECELA!” Nanlaki ang mga mata ng matalik niyang kaibigan na si Janeca nang makita siya nito. Mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Where have you been!? You were gone for eight months!” hindi makapaniwalang sabi nito sa kanya.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at ngumiti. “I'm alright, Janeca. Anyways, happy birthday!” nakangisi niyang sabi.
“Oh my god! Thank you, Grecela. But—.” Hindi muna nito tinapos ang gusto nitong sabihin. Hinila siya nito papalayo sa mga bisita nito. Kasalukuyan kasing may birthday party na nagaganap dito sa bahay nito. “Saan ka ba nagpunta? Why did you run away from your father?” tanong nito nang makalayo na sila.
Humugot siya ng malalim na hininga. “You know the reason. Alam mong napakahigpit niya sa akin noon pa mang nag-aaral pa lang tayo. Gusto ko lang makahinga mula sa kanya.”
“No. I don't think ‘yan lang ang reason kaya ka umalis,” nag-aalalang sabi nito. “You can tell me, Grecela.”
Malungkot siyang tumingin sa mga mata nito. “Gusto niyang ipakasal ako sa business partner niya. Pero ayokong pumayag. At ang makaalis sa bahay ay ang tanging paraan lamang para makatakas ako sa bangungot na iyon.”
“Oh my god! I didn't know your father would come this far. Hindi na yata tama iyan,” hindi makapaniwalang sabi nito.
“Grecela?” Sabay silang napalingon sa babaeng tumawag sa kanya.
“Sulyka.” Agad na nakalapit sa kanya ang isa pa niyang matalik na kaibigan at agad siyang niyakap ng mahigpit.
“Grecela! We've been waiting for you!” bulalas nito sa kanya. “Ang tagal mong nawala. Eight months! Saan ka ba nagpunta!?”
“I'm sorry, Janeca at Sulyka, kung hindi man lang ako nag-message sa inyo sa loob ng walong buwan,” malungkot niyang sabi.
Hinawakan ni Sulyka ang kamay niya. “It's okay, Grecela. We received your message eight months ago. Sobrang nag-alala lang kami nung matanggap namin ang message mo na tatakas ka sa bahay niyo at huwag e-report sa police station ang ama mo. At kailangan lang naming maghintay sa susunod mong message.”
“Gusto na naming mag-report sa police nung dalawang buwan na ang lumipas at hindi ka pa rin nagme-message sa amin. But we respect you and trust you, kaya naghintay kami hanggang ngayon,” wika ni Janeca.
“Saan ka ba ngayon nakatira? Hanggang kailan mo pagtataguan ang father mo?” pag-aalalang tanong ni Sulyka.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at saka nagbuntong-hininga. “You both know how dangerous my father is. Para sa safety ninyong dalawa, hindi ko muna sasabihin kung saan ako nakatira. At baka matagal-tagal pa ulit bago ako makabisita sa inyo.”
“Grecela, all of these must be really hard for you. I really want to help you,” malungkot na sabi ni Janeca.
“I'm here to tell you guys that I'm doing better kaya huwag kayong mag-alala. I'll make sure to visit you guys very soon again,” nakangiti niyang sabi.
“Are you going to leave now?” tanong ni Sulyka.
“I-I need to. I'm sorry,” malungkot niyang sagot.
“Rhea and Lorraine are gonna be here soon, Grecela. Maybe you can wait a little bit,” sabi Janeca na tinutukoy ang dalawa pa nilang kaibigan.
“Hindi ako pwedeng magtagal rito, Janeca. Baka malaman ng ama ko na nagpunta ako rito at baka kung ano pa ang gawin niya sa inyo,” malungkot niyang sabi.
Mangiyak-ngiyak na lumapit sa kanya si Sulyka at niyakap siya ng mahigpit. Ilang sandali lang ay kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya. “Just call us anytime, Grecela, if you need us. We are always ready to help you.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “Thank you, Sulyka. Thank you, Janeca.”
“Come back soon,” malungkot na sabi ni Sulyka.
“Kailangan ko ng umalis. Magkikita pa tayong lahat sa susunod,” sabi niya sa dalawa niyang kaibigan.
Muli niyang niyakap ang dalawa. Pagkatapos ay nagpaalam na siya at saka umalis.
Habang nakaupo sa may bus stop ay biglang bumagsak ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Mabilis naman niyang pinunasan ang mga ito at saka pinilit na alisin sa isip ang lungkot na nararamdaman niya.
Ilang sandali lang ay nakasakay na siya ng bus. Naisipan muna niyang magpagala-gala sa loob ng mall kaya hindi na muna siya umuwi sa bahay ni Vas kung saan siya nakatira.
And speaking of Vas. Napahinto siya sa paglalakad nang muling lumitaw sa isip niya ang mukha nito. She completely gave her virginity to her savior and she didn't regret giving it to him. She completely trusted her life to Vas the moment he saved her eight months ago.
Wala sa sariling kinagat niya ang pang-ibabang labi. Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya nang muling bumalik sa alaala niya ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa kanya.
Nabalik siya sa katinuan nang may batang biglang bumangga sa kanya. Nadapa ito kaya agad niya itong tinulungang makatayo.
“Ayos ka lang ba?” pag-aalalang tanong niya sa bata.
“Sorry po,” magalang nitong sabi sa kanya at agad na tumakbo palayo.
Kunot-noo niya lang sinundan ang likuran nito hanggang sa tuluyan na niya itong hindi makita. Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa mapadpad siya sa food court.
Tinitignan niya ang mga pagkain na nadadaanan niya at napahinto siya nang may makita siyang fried chicken. Napangiti siya at agad na kumuha ng pera sa sling bag niya.
At dahil marami pang taong bumibili ay naghintay muna siya. Habang naghihintay ay ipinalibot muna niya ang paningin sa paligid para maghanap ng bakanteng upuan.
Biglang napahinto ang paningin niya nang mahagip ng mga mata niya ang isang matandang babaeng nakaupo hindi kalayuan sa kanya at nakatingin ito pabalik sa kanya.
Parang biglang huminto sa pagtibok ang puso niya nang magtama ang paningin nilang dalawa.
“M-Manang R-Rosie,” mahinang bulalas niya.
Hindi niya magawang bawiin ang paningin niya. Bigla na namang bumalik ang takot at pangamba sa puso niya nang makita niya ito. Gusto niya itong lapitan pero natatakot siya.
Pero nagtaka siya nang mapansin niya nakatingin lamang ito sa kanya at parang naghihintay na lumapit siya.
Nag-iwas siya ng tingin at napalunok ng ilang beses. Muli niya itong tinignan at napag-desisyunan niyang lapitan ito.
Nang makalapit siya sa ginang ay ngumiti ito sa kanya. Pero ang klase ng ngiti nito ay may bahid ng lungkot at pag-aalala.
Kinakabahan siyang umupo sa katapat nito. “M-Manang Rosie. A-Anong ginagawa niyo rito?”
Ngumiti ito sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niyang nakapatong sa mesa. “Grecela, kumusta ka na?”
“A-Ayos lang po ako. K-Kayo? Kumusta po kayo? A-Ano pong ginagawa niyo rito?” sunod-sunod niyang tanong sa ginang.
Nagbuntong-hininga ito. “Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, Grecela.” Humugot ito ng malalim na hininga. “Gusto kang makausap ng iyong ama. Pinapunta niya ako rito para pakiusapan kang umuwi at makipag-usap sa kanya.”
Tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa kaba at takot nang banggitin nito ang ama niya. “M-Manang Rosie— alam niya kung nasaan ako?” Mas lalo siyang natakot nang pumasok sa isip niya na alam nito kung saan siya nakatira. Siguradong mapapahamak si Vas.
“Ipinahanap ka niya dahil gusto ka niyang makausap, iha.”
“A-Ayoko po. Ayoko na po siyang makita,” mabilis niyang sabi.
Muli nitong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. “May sakit ang iyong ama, Grecela. Limang buwan na siyang nasa ospital. Gusto ka niyang makausap dahil gusto niyang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa niyang masama sa iyo.”
“A-Ano?” gulat niyang sabi.
Nagulat siya nang makitang tumulo ang luha mula sa mga mata nito. “Nagsasabi ako ng totoo, Grecela. Naaawa ako sa iyong ama at sa iyo, Grecela, kung bakit kailangan pang umabot sa ganito ang lahat. Bigyan mo ng pagkakataon ang iyong ama, iha. Iyan ang hiling niya habang nabubuhay pa siya.”
Gulat na gulat siyang nakatingin sa ginang. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Biglang nawala ang takot at kaba sa puso niya sa halip ay napalitan ito ng awa, lungkot, at pagkasabik na makita ulit ang ama niya at magkaayos sila.
Hindi niya inaasahan na magkakasakit ito. Gaano ba kalala ang sakit nito at bakit limang buwan na itong nasa ospital?
“H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Manang Rosie,” mangiyak-ngiyak niyang sabi.
“Sumama ka sa akin ngayon sa ospital, Grecela. Kausapin mo ang iyong ama. Hindi ka niya pipiliting manatili. Gusto ka lang niyang makausap,” seryoso nitong sabi.
Umiwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya alam kung makakabuti bang sumama siya rito o hindi. Pero nag-aalala siya sa ama niya kahit na sa kabila ng lahat ng nagawa nitong hindi mabuti sa kanya.
“N-Natatakot ako, Manang Rosie,” mahinang bulong niya rito.
Pero ngumiti ito sa kanya. “Huwag kang matakot, iha. Nagbago na ang iyong ama. Totoong nagbago na siya.”
Parang bigla siyang nawalan ng tinik dahil sa sinabi nito. Kung totoong nagbago na ang kanyang ama ay hindi siya magdadalawang-isip na bumalik sa bahay nila.
Kapagkuwan ay humugot siya ng malalim na hininga at saka tumingin sa ginang. Lumiwanag ang mukha nito nang makitang tumango-tango siya.
********