Chapter 5 - Money and Gambling

1466 Words
"WHERE is he?" tanong ni Vas kay Paul. "We locked him up in the basement," sagot nito. Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Paul ay mabilis siyang pumunta sa kompanya niya. At ngayon ay sabay silang naglalakad papunta sa basement kung saan nito ikinulong ang lalaking ipinahuli niya rito. Tumango siya sa mga tauhang nakasalubong niya hanggang sa makarating sila sa pinto ng basement. Binuksan ito ng tauhan niya at agad naman siyang pumasok at nakasunod lamang sa kanya si Paul. Kinuha niya ang isang bakanteng upuan. Dinala niya ito sa harapan ng lalaking nakagapos at may tabing ang mukha. Kinuha ni Paul ang tabing sa mukha nito at umupo naman siya sa harapan nito. Kinuha niya ang baril sa gilid niya at nilalaro-laro ito gamit ang daliri niya. Napatingin sa kanya ang lalaki. Puno ng pasa at sugat ang mukha nito. Namamaga din ang kaliwang mata nito dahil sa bugbog na inabot nito sa mga tauhan niya. Vas smirked when he didn't see any fear in his eyes. "I know you're trained not to speak a single word. But maybe you want to say something before I end your life," seryoso niyang sabi rito. Ngumisi lamang ito sa kanya kaya nakita niyang may dugo sa ngipin nito. Dumura ito sa harapan niya at natatawang umiling. "You shouldn't mess with me, and you know that." Kinasa niya ang baril at muling tumitig sa mga mata nito. "Nagbibigay ako ng ikalawang pagkakataon. I kill people for a reason." "Huwag ka ng magpanggap na mabuti kang tao. Libo-libong tao na ang pinatay mo at alam iyan ng lahat," nakangisi nitong sabi. "Hindi mga tao ang pinatay ko kundi mga demonyo. At isa ka na dun." Umalingaw ang tatlong putok ng baril sa silid. Pasalampak itong bumagsak sa sahig at hindi na gumagalaw. Nakadilat pa rin ang mga mata nito at tila nakatitig sa kanya. Matatakot ang ordinaryong taong makakakita rito pero siya, hindi. "Nakasunod na siya kay Grecela simula noong nagpunta siya ng ospital," panimula ni Paul. Hindi pa rin niya inaalis ang paningin sa lalaking pinatay niya. "Nagsisimula na naman ulit siya," komento niya. "Sa ngayon, alam na niya ang address ng bahay mo at mga lugar na maaari mong puntahan," babalang sabi nito sa kanya. Ibinalik niya ang baril sa gilid niya. "Hmmm. He won't dare step on my territory." "Not now. He's still busy looking for your uncle." "Until now, he still doesn't know that he's looking for a ghost," he said while smirking. Tumayo na siya at agad naman na sumunod sa kanya si Paul. Sabay silang lumabas at sumakay ng elevator. Ilang minuto ang lumipas bago nila marating ang top floor ng building kung saan makikita ang opisina niya. Nang makapasok sila sa loob ay dumiretso siya sa couch at agad din namang umupo sa katapat si Paul. Kinuha niya ang envelope na nasa mesa at inilabas ang mga larawan. "He lost billions in gambling," sabi niya rito. Pinagmasdan niya ang mga larawan ng lalaking naglalaro sa isang Casino. Nakangiti ito habang naglalaro pero halatang pilit ang mga ngiti dahil sa malaking perang nawala rito. "That's why he's been organizing prostitution and the sale of illegal firearms again," hula nito. "You're right," pagsang-ayon niya rito at ipinakita ang ilang larawan kung saan makikita ang mga inosente at batang babae na hubo't-hubad na ikinulong sa isang silid. Napailing-iling ito dahil sa mga larawang ipinakita niya. "Ang nagagawa nga naman ng pera," komento nito. "May mga tao talagang kayang gawin ang lahat kahit masama para lang sa pera," dugtong nito. Sumandal siya sa sofa habang tinititigan ang larawang hawak niya. "He even killed a whole family just because of money." Seryosong napatingin si Paul sa kanya. Nagsalin siya ng alak sa dalawang baso at ibinigay dito ang isa. Alam ng kaibigan niya ang masalimuot niyang nakaraan. Alam nito ang lahat ng mga napagdaanan niya. At ganun din siya rito. Alam niya ang tungkol rito kung kaya't pinagkakatiwalaan nila ng lubusan ang isa't-isa. Sa kabila ng mga napagdaanan niya ay nakahanap siya ng kaibigan na masasandalan niya ng walang pag-aalinlangan. "He will surely pay for what he did," sabi nito at nilagok ang alak. "We will make him pay for what he did," seryoso niyang sabi at saka nilagok ang alak niya. "So, what's the plan for tonight?" tanong nito sa kanya. Nag-inat ito ng katawan, naghikab, at biglang humiga sa couch. Kinuha niya ang larawan sa mesa at ibinato sa kaibigan niya na agad naman nitong sinalo. "We will save all those innocent girls. Five of them were abducted from the orphanage. We will save them." Napailing-iling na lang siya nang muli itong naghikab. Tinamaan na naman ito sa pagiging tamad. "Just the two of us?" inaantok na tanong nito. "Two is better than one," sagot niya at saka tumayo. Naglakad siya papunta sa magkatabing dalawang malalaking painting. Pinindot niya ang button na nasa bulaklak ng painting at bigla itong bumukas. Iba't-ibang klase ng baril ang bumungad sa kanya. Malapad ang ngiting lumapit si Paul at huminto sa tabi niya. Nakangisi itong kumuha ng dalawang baril. "Bring it on!" masigla nitong sabi. Papakitaan lang ng iba't-ibang klase ng magagandang baril itong kaibigan niya ay gaganahan na ito sa bakbakan. Kung pwede lang ubusin nito ang lahat ng kriminal sa mundo ay gagawin nito. Napailing-iling na lamang siya nang makitang lumabas na ito ng opisina niya. Nauna pa talaga itong umalis. ____________________________________ ISINUOT ni Vas ang earpiece at tumango kay Paul. Sinimulan niyang tahakin ang madilim na pasilyo at ito naman ay nagsimula na ring maglakad papunta sa deck ng barko. Ilang sandali lang ay narinig niyang nagsalita si Paul mula sa earpiece. "Deck is clear. Exit is ready." Natawa siya nang marinig ito. Kakasimula pa nga lang nila pero napatay na agad nito ang mga nagbabantay sa deck. "Copy that," ang tanging sagot niya. "Papunta na ako sa silid kung saan ikinulong ang mga batang babae," sabi nito. Huminto siya sa paglalakad. Nagtago siya sa likuran ng malaking estatwa at mabilis na binaril ang tatlong bantay na dumaan sa harap niya. "Nakita ko na ang silid. May dalawang nagbabantay. Just wait for my signal." "Copy that." Tinahak niya ang kabilang pasilyo at pinagmasdan ng maigi ang pinto na nadadaanan niya. Nang makita niya ang hinahanap niya ay mabilis niya itong binuksan. Agad niyang nakita ang taong hinahanap niya at agad itong binaril. Kinuha niya ang maskarang para lamang sa mga negosyanteng bibili ng mga batang babae. Kinuha niya ang ribbon na may nakasulat na numero at isinuot ito. Walo lamang ang mga panauhing negosyante ang inimbitahan kaya kailangan niyang patayin ang isa at palitan ito para makapasok siya sa auction room. Lumabas siya ng silid at agad na tinahak ang pasilyo papunta sa auction room. "Duwag pala talaga ang lalaking iyon. Hindi man lang nagpunta rito," dinig niyang sabi ni Paul. Natawa siya sa isip niya dahil sa sinabi nito. Tumango siya sa apat na lalaking nagbabantay sa pinto ng silid. Ipinakita niya ang ribbon sa wrist niya at agad nitong binuksan ang pinto. "I'm in," mahinang sabi niya sa kaibigan mula sa earpiece. "Kill all of those assh*les," sagot nito. "What time is it?" tanong niya rito. "Time to go home. Your wife is waiting for you," agad nitong sagot at napangiti naman siya. Umupo siya sa bakanteng upuan at anim pa lang ang nakita niyang nakaupo. Tumingin siya sa wristwatch niya at mag-aalas syete na ng gabi. Kailangan ko ng makauwi ng 7:30. Inilabas niya ang silencer at isa-isang pinagbabaril ang anim na negosyante. Walang kahirap-hirap niyang pinatay ang mga ito. Muli siyang umupo at hinintay ang ika-pito at nang pumasok ito sa silid at maisarado ang pinto, ay mabilis niya itong binaril. "Save them now, Paul," agad niyang sabi sa kaibigan. "Superman is coming." Binuksan niya ang pinto at gulat na napatingin sa kanya ang apat na nagbabantay. Mabilis niyang binaril ang mga ito at sabay-sabay itong bumagsak sa sahig. Bigla siyang may narinig na putok ng baril. Napalingon siya sa likuran niya at isa sa mga negosyante ay buhay pa kaya agad niya itong binaril. Napatingin siya sa braso niya at nakita niyang nadaplisan siya ng bala. "Transferring on our yacht." Dinig niyang sabi ni Paul. Mabilis niyang tinahak ang daan papunta sa deck ng barko at nang makarating siya ay lahat ng batang babae ay ligtas ng nakalipat sa yacht na pag-aari niya. "Let's go home," sabi niya kay Paul at agad naman nitong pinaandar ang yacht. Nang makalayo na sila sa barko ay bigla naman itong sumabog. Lumayo siya sa kaibigan niya at nang mapag-isa siya ay agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya. He quickly dialed a number, and he's thankful that she quickly answered his call. He's missing something. And that is his girl. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD