Chapter 12 - My Girl

1596 Words
NAGISING si Grecela nang may marinig siyang tunog ng cellphone. Naghikab siya at dahan-dahan na kinusot ang mata. Bumaling siya sa kabilang direksyon at niyakap ng mahigpit ang unan. Inaantok pa siya at gusto pa niyang matulog. Ipinikit niya ang mga mata at itinakip ang unan sa tenga niya. Pero hindi pa rin humihinto sa pagtunog ang cellphone. At nang mapagtanto niyang cellphone pala niya ang kanina pa tumutunog ay mabilis siyang bumangon. Inabot niya ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table at tinignan ang caller ID. Kumunot ang noo niya nang makitang unknown number ito. "Sino kaya ito?" Nagdadalawang-isip siyang sagutin ito hanggang sa bigla itong nawala. Umupo siya sa gilid ng kama at muling naghikab at saka humiga. Pero napabalikwas siya nang bigla ulit tumunog ang cellphone niya at ngayon ay agad niya itong sinagot. "Hello? Sino to?" "Grecela." Kumunot ang noo niya nang marinig ang boses nito. Pamilyar sa kanya ang boses. "It's me, your father." Nagulat siya. "P-Pa...." Napalunok siya ng ilang beses. "Kumusta po kayo?... I-I was a-about to call you." Talagang tatawagan naman niya ito kapag pauwi na siya. Narinig niya ang sunod-sunod na pag-ubo nito sa kabilang linya When will you be coming back home? My doctor said that I could go back home next week. He will visit me naman thrice a week." Lumiwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi nito. "Oh, I'm glad to hear that, Pa," masayang sabi niya. "I-I will go back home tomorrow." "I'm glad to hear that, anak. Magkakasama na ulit tayo," sabi nito at muling umubo. "O-Opo papa." "I'm going to rest now. Stay safe and see you soon, Grecela." "Thank you, pa. Pagaling po kayo." Her father ended the call, and she stared at his father's phone number. Dinig niya ang paulit-ulit na pag-ubo nito at mukhang nahihirapan ito sa sakit na iniinda nito ng ilang buwan. "Kailangan ko na talagang umuwi para alagaan si papa," mahinang sabi niya sa sarili. Nagbuntong-hininga siya at muling humiga sa kama. Kumunot ang noo niya nang mapansin niya ang isang paper bag. Bumangon siya at kinuha ito. Nang may makita siyang note ay agad naman niya itong binasa. Good morning, my baby. I'm out for a swim. Come out and meet me at the shore. ~Vas Tumayo na siya at saka naglakad papunta sa banyo. Tinanghali na siya ng gising dahil napagod siya sa byahe. Hindi niya inakala na malayo pala ang beach na pupuntahan nila Vas at hindi lang ito isang ordinaryong beach dahil nagpunta sila sa isang sikat na resort. Pagkatapos niyang maligo ay pinatuyo muna niya ang buhok niya at saka lumabas ng banyo. Kinuha niya ang paper bag at isang summer dress ang laman nito. "Did he buy this for me?" tanong niya sa sarili. Nagkibit siya ng balikat at isinuot ito. She walked to the table and took her comb. She faced the full-length mirror, and she's about to comb her hair again, but after seeing herself wearing the summer dress, it caught her off guard. Bagay na bagay sa kanya ang dress at nagustuhan niya ito. Hapit na hapit sa kanyang katawan at lumitaw ang tinatagong kurba nito. The dress was sky blue in color and reached just above her knees. The dress is surrounded by small sunflowers, and it looks so refreshing. Pero nakaramdam siya ng kaunting discomfort dahil lumilitaw ng kaunti ang cleavage niya dahil sa v-neck style ng dress. Gusto man niyang magsuot ng jacket eh hindi naman babagay. At saka nagagandahan naman siya sa sarili niya. Pinagmasdan niya nang mabuti ang dress na suot niya mula sa salamin at biglang pumasok sa isip niya si Vas. Magagandahan din kaya ito sa kanya kapag nakita siyang suot niya ang dress na binili nito? Napangiti siya sa sarili habang nakatitig sa salamin. "I'm sure magugustuhan niya." Nakangiting kinuha niya ang flat sandals at isinuot ito. Kinuha niya ang cellphone niya at saka lumabas ng room. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang ground floor level. Ngayon niya lang napansin na nasa ika-walong palapag ng resort ang room nila. Ilang sandali lang ay bumukas na ang elevator at agad naman siyang lumabas. Pinagmasdan niya ang mga taong nakakasalubong niya at masasabi niyang bigatin ang mga taong naririto. Iba't-ibang nationality at halatang mayayaman. Pero napahinto siya sa paglalakad nang mapagtanto niyang hindi niya alam ang daan papunta sa dalampasigan. Malaki ang resort at baka abutin pa siya nang tanghali bago mahanap ang kinaruruunan ni Vas. Naisipan niyang lumapit sa receptionist at tinuruan naman siya sa direksyon. Pero sadyang hindi siya magaling sa pag-intindi o pag-visualize sa sinabi ng receptionist. Hindi na siya nagtanong pa at tumango na lang kahit wala siyang naintindihan. Nagsimula siyang maglakad papunta sa direksyon na tinuro ng receptionist. Nakalabas siya ng resort at ilang cottages ang bumungad sa kanya. Saan ko naman kaya makikita si Vas? Sa lawak ba naman ng resort na ito. Humugot siya ng malalim na hininga at muling naglakad. "Are you lost?" Napalingon siya sa lalaking nasa likuran niya. "N-No," tipid niyang sagot at muling nagpatuloy sa paglalakad. Pero nagulat siya ng bigla itong umakbay sa kanya kaya mabilis siyang huminto sa paglalakad at kunot-noong hinarap ito. "I know you're lost, darling. I just want to help you. Saan ka ba pupunta?" sabi nito at biglang ibinigay sa kanya ang isang pulang rosas na hawak nito. "Here. You deserve a flower since you're very beautiful," sabi nito at kumindat pa. Kinuha nito ang kamay niya at ibinigay ang rosas kaya wala na siyang ibang nagawa kundi tanggapin ito. "T-Thanks," ang tanging nasabi niya. "So, where are you heading?" masiglang tanong nito. Nagdadalawang-isip siyang kausapin ito pero dahil gutom na siya at kailangan na niyang mahanap si Vas ay sinagot na lang niya ito. "I'm actually looking for someone. He's swimming out there." Bigla nitong hinawakan ang wrist niya ay nagsimulang maglakad. "Let's find that someone then." "N-No need to hold my hand," sabi niya at saka binawi ang kamay niya. Tumawa ito. "Sorry, darling." Ngumiti ito sa kanya pero umiwas siya ng tingin. Gwapo naman ito pero hindi niya gusto ang awra nito. "Is that someone you're looking for your boyfriend?" "Yes," mabilis niyang sagot. "Oh. Just boyfriend," nakangisi nitong sabi. "I can still snatch you from him since you're not yet married." Kunot-noong tinignan niya ito at nagulat siya nang makitang seryoso ito. "Thanks for helping me, but I can manage. You can go back now to where you're going or something," sabi niya at mabilis na naglakad paalis. Pero nagulat siya nang bigla nitong kinuha ang cellphone niya. "What the— What do you think you're doing!?" Itinaas nito ang kamay at mabilis niyang inabot ang cellphone niya pero dahil matangkad ito ay hindi niya maabot. "Give it back to me!" naiinis niyang sigaw rito. Gwapo sana ito at mukhang mabait pero hindi pala. "I'll give this back to you if you give me your number," nakangisi nitong sabi at biglang pinisil ang pisngi niya. "Bakit ngayon lang kita nakita. You're so gorgeous," dugtong nito pero hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Give it back to me or tatawag ako ng guard," pagbabantang sabi niya na ikinatawa lang nito kaya kunot-noo niya itong tinitigan. "Give me your number, darling." "And why would I give it to you?" "'Cuz I think we're compatible?" "I have a boyfriend." "Kahit kasal na ay maagaw pa," biglang seryoso nitong sabi. "Give it back or else....." "Or else what?" "Hindi matutuwa ang boyfriend ko sa'yo," seryoso niyang sabi pero tumawa lang ito ng malakas. Kinagat nito ang pang-ibabang labi at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. She felt uncomfortable while being stared at by this stranger in front of her. "Your boyfriend must be very lucky," kagat-labing sabi nito. Mabilis siyang lumapit rito at kukunin sana cellphone niyang hawak pa rin nito pero mabilis nitong inilayo ang kamay nito dahilan para mapayakap siya rito. Lalayo na sana siya pero mabilis siya nitong ikinulong sa mga bisig nito. "L-Let me go," kinakabahang sabi niya. Sa halip na bitawan siya ay mas lalo nitong hinigpitan ang brasong nakapalibot sa bewang niya. Pinilit niyang makaalis pero hindi niya magawa. Naiilang na siya sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa. "Give me your number or.....," dinilaan nito ang sariling labi at ngumisi sa kanya. "......let me taste you tonight," bulong nito sa tenga niya. Sasampalin na sana niya ito pero biglang may humila rito. Nagulat siya nang makita si Vas na nanggagalaiting sinuntok sa mukha ang estrangherong lalaki. Bumagsak ito at napaimpit sa sakit. Pero agad naman itong tumayo at susugod din sana pero bigla itong huminto nang makita si Vas. Malapad itong ngumiti kahit na may dugo sa gilid ng labi nito. "Zakharov! What the heck man!" "Don't you dare touch her again," malamig na sabi ni Vas. Lumapit siya rito at mahigpit na kumapit sa braso nito. Natatakot siyang baka sugurin na naman nito ang lalaki. "W-What!?— What do you mean, Zakharov?" "Don't you dare touch my girl again." "Oh! So you're the boyfriend." Tumawa ito ng malakas at itinaas ang kamay na parang nagpapahiwatig na hindi siya lalaban. "I'm sorry, man. You know me. I always hit any girl that I see. I just didn't know that she's your girl." "Keep it in mind that this girl is mine." "L-Let's go, Vas," mahinang bulong niya sa binata ay saka hinila ito. "You're mine." Tumingin siya rito at seryoso naman itong nakatingin sa kanya. Napalunok siya ng ilang beses. "I-I know, Vas. I know," ang tanging nasabi niya. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD