Chapter 13 - From This Moment

1365 Words
KINAKABAHANG nagnakaw ng tingin si Grecela kay Vas. Napalunok siya ng sariling laway nang makitang wala ito sa mood. Diretso lang itong nakatingin habang naglalakad sila papunta sa hindi niya pa alam. Galit kaya sya sa’kin? Kasalanan talaga ‘to nung lalaking ‘yon! I didn't even do anything. Hindi na lang siya umimik pa. Tahimik lang din siyang naglalakad habang pinipilit na makasabay kay Vas. Ilang sandali lang ay bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Bumalik sila sa loob ng resort at sumakay ng elevator. Kagat-labing pinagmasdan niya ang number ng elevator. Hindi siya sanay na ganito si Vas. Hindi siya sanay na tahimik ito. She knows he doesn't like seeing her being hugged by another man. Mukhang galit tagala ito sa kanya. Biglang bumukas ang elevator at muli silang naglakad habang magkahawak-kamay pa rin. Akala niya babalik na sila sa room nila pero isang restaurant ang pinasukan nila. Napansin niyang hindi basa ang damit nitong shorts at sleeveless kaya marahil ay nakapagbihis na ito bago pa man niya makasalubong kanina. Pero basa pa rin ang ilang parte ng buhok nito. Pinagmasdan niya ang paligid at kaunti lang ang mga taong kumakain. Umakyat sila sa hagdan at nang makarating sa ikalawang palapag ng restaurant ay wala siyang ibang taong nakikita. Kunot-noo siyang lumingon kay Vas pero ganun pa rin ang mukha nito. Parang galit na galit sa mundo. Hindi na lang niya ito pinansin. Baka babalik ito sa dati mamaya. Huminto sila sa harap ng mesa at namangha siya nang matanaw niya ang magandang tanawin sa labas. Open space kasi at kitang-kita niya ang malapad na karagatan. Maglalakad na sana siya papunta sa terrace pero nakita niyang ipinaghila na siya ni Vas ng upuan. Naiinis siya at hindi mapakali sa pagiging cold nito kaya lumapit siya rito at niyakap niya ito bigla. Naramdaman niyang nagulat ito sa ginawa niya pero kapagkuwan ay naramdaman niya ang mga braso nitong mahigpit na yumakap sa kanya. “I'm sorry,” bulong niya rito. Ipinikit niya ang mga mata at hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa niya. Ayaw niyang malungkot o ma-disappoint sa kanya si Vas. Nasasaktan siya kapag nakita itong malungkot o galit. She also felt guilty about what happened earlier. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at nagulat siya nang maramdaman ang labi nito sa labi niya. Ipinikit niya ang mga mata at kumapit sa leeg nito. The kiss felt so overwhelming. Nakakagaan ng loob at parang lumulutang siya sa kalawakan. Ang mainit na halik at yakap nito ay dinadala siya sa paraiso. Pinutol nito ang halik at hinalikan siya sa noo. "Don't say sorry, Grecela. I should be the one saying sorry. I got carried away by my emotions." Napangiti siya sa sinabi nito. Hinawakan niya ang pisngi nito at saka mabilis na hinalikan. It hurts to think that she will leave him and that she will go back to where her true home is. Gusto niya ito pero mas uunahin niya ang ama niya. But she will treasure this very moment with him. "I-I'm yours, Vas," nauutal at nahihiya niyang sabi. "And you're the only one that I want too, so don't worry." Ngumiti ito. "So you're confessing that you have feelings for me?" kumikislap ang mga matang tanong nito. Napatigil naman siya at napaisip. Ngumiti siya at kagat-labing tumango-tango. "Y-Yes." Bigla itong mas lumapit sa kanya at sinipsip ang earlobe niya sabay bulong sa tenga niya. "Stop biting your lips, or I won't be able to stop myself from claiming you here." Napalunok siya at ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya. "V-Vas." Muli itong nagnakaw ng halik sa labi niya. "I don't like seeing you with other guys, baby. Gusto ko akin ka lang." "I'm yours, Vas." "Good." Inalalayan siya nitong makaupo at umupo naman ito sa katapat na upuan. "Do you trust me?" biglang tanong nito. Kumunot ang noo niya. "Yes. I t-trust you, Vas." "I'm glad to hear that." Napalingon siya sa mga waiter na may dalang pagkain na naglalakad papalapit sa kanila. Isa-isa nilang inilagay sa mesa ang pagkain at agad din namang umalis. Lumingon-lingon siya sa paligid pero wala pa ring ibang costumers na dumating. "Thanks," nakangiting sabi niya kay Vas nang lagyan nito ng pagkain ang plato niya. "Pansin ko lang, bakit walang ibang guests ng resort ang pumupunta rito, Vas? Mas maganda naman ang tanawin na makikita mula rito." "I told the staff not to let anyone come here," sagot nito at saka sumubo ng pagkain. "Eh? Why would you do that?" nagtatakang tanong niya. "Because I owned this place?" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig niya. "Really?" hindi makapaniwalang sabi niya. So totoo nga ang sinabi ni Sulyka sa akin na sobrang yaman ni Vas. "Eat up, Grecela." Tumango na lang siya at saka nagsimulang kumain. Habang kumakain ay nag-uusap lamang sila tungkol sa mga business ni Vas. At mas lalo siyang namangha sa mga nalaman niya tungkol rito. Pero muling pumasok sa isip niya ang mga larawan na ipinakita ng ama niya sa kanya. Hindi pa rin niya mawari kung talagang totoo ba ang mga iyon. Pero mabilis niya iyong inalis sa isip niya. Right now, she will treasure and enjoy this moment. Pagkatapos nilang kumain ay muli silang lumabas ng resort at nagpalakad-lakad sa dalampasigan. Napahinto siya sa paglalakad nang mapansing wala na siyang makita na mga taong lumalangoy o nakahiga sa buhangin. "What's wrong, Grecela?" "No trespassing ba dito sa bahaging ito?" "Yeah." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Muli silang nagpatuloy sa paglalakad. "Why?" "I just don't want them to come here in this area." "Eh?" Umakbay ito sa kanya at pinisil ang pisngi niya. "You looked really gorgeous in your dress." "Really? hehe. Did you buy this?" tanong niya. "Yeah. I saw it in a store and thought that it would suit you really well. So I bought it." "T-Thanks, Vas." "I've been stoping myself from savoring you," bulong nito sa kanya na ikinagulat naman niya. Namumula ang mga pisnging tinignan niya ito. "V-Vas." Ngumiti lang ito sa kanya at muling hinawakan ang kamay niya. Kumunot ang noo niya nang mapansin niya ang isang floating cottage. Excited na tumingin siya kay Vas at ngumiti naman ito sa kanya. "Do you want to go there?" "Yes, yes," masiglang sabi niya. Natawa naman ito sa reaksiyon niya. Natuwa siya nang makita niya ang sementadong daan papunta sa floating cottage. Hindi niya napansin kanina ang daan dahil naaapawan ito ng tubig dagat. Pinagmamasdan niya ang paa niya habang naglalakad sila sa daan na nababasa ng tubig dagat hanggang sa makarating sila sa cottage. At namangha siya nang tuluyang makalapit rito. Malaki at malawak ang cottage. Ang nagsisilbing bubong nito ay mga nakalugay na kulay berdeng kurtina. May queen size mattress sa loob at sa labas naman ay mauupuan. Mabilis siyang umupo sa gilid at inilubog ang mga binti sa tubig. "Do you like this place?" Nakangiti siyang tumango rito. "Yeah. Ang ganda rito. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klaseng set up na cottage." "I'm glad you like this place," sabi nito at biglang hinubad ang suot na pang-itaas at biglang tumalon sa harapan niya kaya natalsikan siya ng tubig. "Vas!" sigaw niya dahil nagulat siya sa lamig ng tubig. Pero nagtatakang ipinalibot niya ang paningin dahil hindi niya nakita itong lumitaw. "Vas!" kinakabahang tawag niya sa pangalan nito. Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan niya at muling ipinalibot ang paningin. "Vas! Nasaan ka ba!?" Naiiyak siya at kinakabahan na ng sobra. Hindi na siya nag-isip pa at mabilis na tumalon sa tubig. Hinanap niya ito pero wala siyang makita. Pero bigla siyang napasigaw sa gulat nang may biglang yumakap mula sa likuran niya. "Vas!" mabilis niya itong hinarap at naiiyak na tumitig rito. "You're crazy," ang tanging nasabi niya. Mahigpit na umikot sa bewang niya ang braso nito at siniil siya ng mainit na halik. Ipinikit niya ang mga mata at kumapit sa leeg nito. Malamig ang tubig dagat pero mas nag-uumapaw ang nagliliyab nilang katawan. "Akala ko ano ng nangyari sa'yo," hinihingal niyang bulong rito nang maghiwalay ang labi nila. Ngumiti ito sa kanya at hindi niya inasahan ang sasabihin nito. "I love you, Grecela." ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD