Chapter 11 - Boyfriend

1387 Words
NAPAHINTO sa pagsuklay ng buhok si Grecela nang mapansin niya ang ilang pasa sa hita at bewang niya. May ilang love marks din siyang napansin sa leeg at dibdib niya. Napaigtad siya sa gulat nang biglang yumakap mula sa likuran niya si Vas. Hindi man lang niya napansin ito. “Sh*t!” Gulat itong napatingin sa katawan niya nang makita ang ilang pasa. “I-I'm sorry, baby. I should have been careful last night.” Mabilis siyang umuwis ng tingin at saka kinuha ang tuwalya at ibanalot sa katawan. “I-It's okay. M-Mawawala din naman agad ito,” kagat-labing sabi niya. Nahihiya siya rito dahil hindi siya sanay na hubo't-hubad sa harapan nito kahit na nakita na nito ang buong katawan niya. Humalik ito sa leeg niya at mas lalong namula ang pisngi niya dahil sa hiya. Muli niyang sinuklay ang buhok niya. Yumakap naman ulit ito sa likuran niya at pinagmasdan siya mula sa salamin. “What were you doing at the Cardinal Hospital last day?” Napahinto siya sa pagsuklay nang marinig niya ang tanong nito. Kinakabahang sinalubong niya ang mga mata nito mula sa salamin. “H-How did y-you know I went there?” tanong niya. Hinalikan nito ulit ang leeg niya at ngumiti sa kanya. “I found out through the GPS in your phone. Was it your day off?” “Ah—,” napalunok siya ng ilang beses. Nagtatalo siya sa isip niya kung ano ang dapat niyang sabihin. Sasabihin ba niyang pinuntahan niya ang ama niya at nag-usap sila? Maniniwala kaya ito? Hindi na ba ulit ito magtatanong pa? Hindi pa naman siya sanay magsinungaling. "N-Nakipagpalit ng day off ang workmate ko, V-Vas," kinakabahan niyang sagot. "Pinuntahan ko ang kaibigan ko at nakita ko si Manang Rosie kaya sumama ako sa kanya sa ospital." Humigpit ang braso nitong nakayakap sa kanya. “What were you doing there?” tanong ulit nito. Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya at kinuha ang suklay niya at sinimulang suklayin ang buhok niya. “My father is currently staying there.” Napansin niyang huminto ito sa pagsuklay ng buhok niya kaya hinarap niya ito. “I visited him and we talked," dugtong niya. “Is he alright? Why is he staying there?” Nagulat siya sa tanong nito. May bahid ng pag-aalala ang boses nito. Talaga bang masama siyang tao? O nagpapanggap lang na mabuti? “H-He’s been there for five months now. Malala ang sakit niya kaya kailangan niyang manatili doon," mahinang sabi niya rito. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya papunta sa likuran ng tenga niya. “Then I guess you're now on good terms with your father. I'm glad to know it.” “A-Ah—yes.” Hinalikan nito ang noo niya at saka muling sinuklay ang buhok niya. Pinagmasdan niya ang mukha nito at muli na namang pumasok sa isip niya ang mga larawan tungkol rito. A part of me still doesn't want to believe that he's a monster. But I trust my father. And I want to be with him again. I don't want to waste any moment. Gusto kong makasama ulit ang tanging pamilya ko. “Is there anything wrong, baby?” Napatingin siya rito at puno ng pag-aalala ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “I want to tell you something,” lakas-loob na sabi niya. “Go ahead, baby. I'm listening,” nakangiti nitong sabi. “I want to go back home, V-Vas. My father needs me. I want to take good care of him,” seryoso niyang sabi rito. Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa kaba. But she can't find any reason for him not to allow her to come back home. Yes, he saved her before and she's very thankful for that, but that's all. Ngumiti ito sa kanya at muling hinawi ang ilang hibla ng buhok niya. “Of course you can go back home. I will just visit you from time to time. It's good because I will finally meet your father.” “Eh?” gulat niyang tinignan ito. Magsasalita pa sana siya pero siniil siya nito ng halik sa labi. Mahigpit na umikot sa bewang niya ang braso nito at mas lalo nitong idiin ang sarili sa kanya. Ilang sandali lang ay pinutol nito ang halik at hinalikan siya sa noo. “I hope your father will approve of me as your boyfriend.” Napalunok siya ng wala sa oras nang marinig niya ang sinabi nito. Her plan is to leave his house and him completely. Pero mukhang hindi magiging madali ang lahat. Mukhang mahihirapan ako. _________________________________ KINUHA ni Vas ang cellphone sa bulsa niya nang bigla itong tumunog. Naglakad siya papunta sa terrace at saka sinagot ang tumatawag sa kanya. "Spill it, Paul," seryosong sabi niya sa kaibigan niya. Muli niyang pinagmasdan si Grecela na mahimbing na natutulog sa sofa. Nanonood ito ng favorite nitong Korean drama kanina pero bigla itong nakatulog. "Negative," sagot nito. "He's just lying to her," dugtong nito. "Hmm. Tama nga ang hinala ko," mahinang bulong niya. "He's planning on something. Sasabihin ko agad sa iyo kapag alam ko na kung ano ang binabalak niya." "Thanks," tipid niyang sagot. Paul ended the call. Ibinalik niya sa bulsa ang cellphone niya at muling bumalik sa sofa kung saan nakahiga si Grecela. Tinitigan niya ang mala-anghel nitong mukha. Until now, his feelings towards her have been the same. And until now, the danger is still surrounding her, waiting to devour her when there is a chance. Pero hindi niya hahayaang may masamang mangyari rito. Gagawin niya ang lahat para protektahan ito kahit ang buhay niya ang kapalit. Bigla itong gumalaw at dahan-dahan na nag-inat ng katawan. Idinilat nito ang mga mata at nagulat nang makita siyang nakatitig rito. "V-Vas, k-kanina ka pa diyan?" nahihiya nitong sabi at saka bumangon. Umupo siya sa tabi nito at hinalikan ito sa pisngi. Hinding-hindi siya mapapagod kakahalik rito. "Yeah," sagot niya at hinawakan ang kamay nito. Kinuha niya ang juice nasa mesa at ibinigay rito. Ininom nito ang juice at siya naman ay kumuha ng popcorn ay kinain ito. "Nakatulog pala ako," mahina nitong sabi. Ngumiti siya at humiga. Ginawa niyang unan ang hita nito na ikinabigla nito. "Kailan mo balak umuwi sa bahay niyo?" panimula niya. "Ah— ahmm...." huminto ito sa pagsasalita at saka nag-isip. "This week.... or maybe the next day.... or," malungkot itong tumingin sa kanya. "... tomorrow," mahina nitong sabi. Dahan-dahan siyang tumango. Mukhang gustong-gusto na talaga nitong umuwi at wala na siyang ibang magagawa pa. Hindi niya ito pwedeng pigilan dahil ayaw niyang maging masama siya sa paningin nito. At may hinala siyang may ginawa ang ama nito dahilan para gusto na nitong umuwi agad. Inaasahan na niya na mangyayari ito. Bumangon siya at umupo ng maayos sa tabi nito. Hinawakan niya ang malambot nitong kamay at pinagmasdan ito. "Can you go back home next week?" tanong niya rito. Nag-aalanganin itong sumagot sa kanya. "My f-father needs me, Vas," mahina nitong sabi sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi mapabuntong-hininga. Sa oras na umalis ito sa poder niya ay siguradong maraming magbabago sa kanilang dalawa at ayaw niyang mangyari iyon. Sa loob ng walong buwan ay nasanay na siyang palagi itong nakikita. Nasanay na siyang palagi itong kasamang kumain. Nasanay na siya na kasama niya ito sa bahay niya at magkatabing matulog. "How about the next day?" pakiusap niya. "I want to spend a whole day with you at the beach tomorrow. I know magiging busy ka na. I will miss you. So please, come with me tomorrow," malungkot niyang pakiusap rito. Hindi na niya napigilan ang emosyon niya. She made him weak, both emotionally and mentally. Grabe ang epekto nito sa kanya. Nararamdaman niyang dahan-dahang nagbabago ang sarili niya dahil rito. He's not the kind of guy who would think about what other people think or do. He doesn't empathize. He doesn't care. But when she came into her life, he changed. He wants to become a better person now for her. He wants Grecela to love him. "Please, come with me tomorrow," pakiusap niya ulit. Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya nang ngumiti ito sa kanya at tumango. "Okay, I will come with you." "Thank you, my Grecela," masayang sabi niya. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD