Kabanata 5
BUHAT-buhat siya ni Kei habang naglalakad ito papunta sa direksyon kung saan naroon ang building ng clinic.
"Kaya ko namang maglakad mag-isa. Puwede mo na akong ibaba."
Sinamaan lamang siya nito nang tingin. Naitikom din naman niya agad ang kanyang bibig.
Kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi. Nag-aalalangan kasi siyang kumapit sa batok nito.
Sa likod sila dumaan ni Kei at nang nasa clinic na sila ay agad din naman siyang ipinasok nito. Ibinaba siya nito sa kama.
"Patrick, matutulog ka na naman ba—oh, may iba ka pa lang kasama," wika niyong Doktor na babae. Sa hula niya ay kaedad niya lang din ito.
"Hi ma'am, I'm the assign doctor of this clinic. I'm Doctor Melissa Bautista," pakilala pa nito sa kanya.
"I'm Kristina, I'm a professor here," sagot naman niya rito.
Bigla namang lumabas ng clinic si Kei nang walang kahit na anong sinasabi. Basta na lang itong nag-walk out. Napabuga siya ng hangin.
Bumuntong-hininga naman si Doc. Melissa nang mapansin nito ang biglaang pag-alis ni Kei.
"Kapag talaga wala siya sa mood, umaalis talaga siya bigla na walang pasabi. Pasensiya ka na sa kanya ma'am Kristina," wika ni Doc. Melissa sa kanya.
Nagsalubong naman ang kanyang mga kilay. Is she close to her husband?
"Close kayo?" Hindi mapigilan niyang tanong.
"No ma'am but he's always here whenever he don't feel joining his classes."
"Oh, he's one of my students," simpleng sagot niya. Ngumiti lamang ito.
"May I ask, if what happened to you ma'am?"
"Oh, natapilok kasi ako kanina sa hagdan."
"Can I take a look?" Tumango naman siya at agad na tiningnan ang kaliwang paa niya.
"Lalagyan ko na lang ito ng bandage ma'am Kristina para hindi mo magalaw masiyado. I will also give you a pain reliever. Kapag namaga pa ito, you should consider to have some x-ray ma'am."
Tumango lamang siya. Nilagyan na nito ng benda ang kanyang paa. Pagkatapos niyon ay agad din naman siyang bumaba sa kama. Binigyan din naman siya agad ni Melissa ng gamot para sa pain reliever.
"Thank you so much Doc. Melissa for treating my injury."
"No worries ma'am. That's my job," she says and smile at her. She smiled back.
Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya na lalabas na.
"Are you sure you can walk ma'am Kristina?"
"Sure! I can manage," insist niya at agad na lumabas ng clinic.
Hindi naman maipinta ang kanyang mukha dahil sa sakit na nararamdaman niya sa tuwing i-aapak niya ito.
Bigla namang may humila sa ilang hibla ng kanyang buhok. Mabilis siyang bumaling dito at muling bumalik ang inis niya kay Kei.
"Ano!? May problema ka na naman ba!?" inis niyang tanong at halos irapan niya na ito pero nagpipigil lamang siya. Mahina rin ang kanyang boses dahil baka marinig sila ni Doc. Melissa.
Tinaasan lamang siya ng kilay ni Kei ay laking gulat niya nang bigla siya nitong binuhat ulit. Muntik pa siyang mapatili dahil doon.
"Oy! Ano ba Kei! What the hell is wrong with you!? Kaya ko namang maglakad mag-isa. Ibaba mo na ako," aniya habang hindi mapakali sa pagtingin sa kanilang paligid. Natatakot siya na baka may makakita sa kanila at makuhanan sila ng pictures. That will be a big scandal if that rumor spread the entire University. That will be her end!
Masamang titig naman ulit ang ipinukol sa kanya ni Kei.
Inis siyang napatahimik but inside of her is whining like crazy!
Nakarating sila sa parking lot nang walang nakakakita sa kanila. Well, Kei has its own private parking lot. Separate from the usual parking lot that used by the students.
"Kei may meeting pa akong pupuntahan," aniya dahil for sure, kasisimula pa lang niyong meeting at alam niyang may aabutan pa siya kung sakaling pupunta siya roon agad-agad.
Hindi naman siya sinagot ni Kei at nagpatuloy lamang ito sa paglakad. Damn it!
That was her first meeting! She should be there, listening and jotting down notes!
Ibinaba naman siya ni Kei sa tapat ng isang sasakyan. It was a Mercedes Benz, color maroon. Nagtataka tuloy siya kung kaninong sasakyan itong nasa harapan niya. Umikot naman si Kei papunta sa driver's seat at binuksan nito ang pinto.
"Sakay!" Napaigtad naman siyang bigla. Nagulat siya sa biglaang sigaw ni Kei.
Saka lang din niya na-realize that this car was his.
Binuksan niya na ang pinto sa may passenger seat at paika-ika siyang sumakay sa kotse. Napaka-ungentleman talaga nito minsan! Tsk!
Pagkapasok niya ay agad niyang napansin na kinuha nito ang cellphone nito sa bulsa, pagkatapos ay nag-dial ito ng number sa screen.
Curious tuloy siya kung sino kaya tinatawagan nito, tamad kasi itong mag-text at never pa siya nitong na-text simula nang magsama sila sa iisang bobong.
Nakatatlong dial pa ito bago sinagot kung sino man ang tinawagan nito.
"Hello Ysa? Yes, paki-excuse si Kristina sa Dean—I don't care! Gawan mo ng paraan!" ani Kei
Nasapo niya ang kanyang noo. Hindi siya makapaniwalang tatawagan nito ang pinsan nitong si Ysa para lang i-excuse siya sa Dean. Walang alam ang mga head teachers tungkol sa kanilang dalawa ni Kei. She applied to this school, without using a backer to help her. She applied on her own and lucky to her, pumasa naman siya sa evaluation.
Bumuntong-hininga siya. Ngayon ay ma-i-istress na ang pinsan nitong sa ipapagawa ni Kei rito.
She sighs. On the other hand, matagal niya nang hindi nakikita si Ysa. She miss her being so bubbly and charming.
Inilayo naman nito sa tainga bigla ang cellphone nito.
"Hoy! May meeting 'yang asawa mo! Bakit ayaw mong papuntahin 'yan doon! Kuya Kei!" sigaw ni Ysa sa kabilang linya.
Nagulat na lamang siya dahil pinatayan nito ng cellphone si Ysa. Bastos talaga ito kahit kailan! Natampal niya ang kanyang noo.
"Kei baka naman importante 'yong meeting," nakangiwi niyang ani.
Hindi siya kinibo ni Kei at pinaandar na nito ang sasakyan.
"Ano ba nakain mo? Hindi pa tapos 'yong mga klase ko sa ibang section," dagdag niya pang muli.
Walang pa ring pakialam ang expression ng mukha nito sa kanyang sinasabi. Inis siyang napapadyak.
"Bwesit 'to! Sarap kausap!" she mumbled.
Pinatakbo na nito ang sasakyan. She immediately wears her seatbelt. Baka kasi bigla itong magpreno dahil sa kakulitan niya. Injury ang aabutin niya kapag nagkataong ganoon.
"Kei saan ba tayo pupunta?" tanong niya ritong muli.
Ganoon pa rin ang expression ng mukha nito. Hindi nagbabago at hindi pa rin siya kinikibo. Gusto niya na tuloy mapamura dahil sa sobrang inis! Hindi niya lang magawa dahil iyon nga, baka itapon siya niyo palabas ng kotse. He doesn't like hearing her, cursing him.
Nang makalabas na silan school premises ay saka lamang kumalma ang expression ng mukha nito.
"Sa bahay," sa wakas ay sagot nito pero wala namang kabuhay-buhay.
"Eh? Teka ang dami ko pang kailangang gawin sa school, 'di pa nga tapos iyong klase ko tapos gusto mo na akong umuwi agad. Okay ka lang?"
He give him a cold stare again. Bigla siyang natahimik. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. He's really scary when he's not in the mood talking to her and hearing her whines.
Napabuga siya ng hangin at inis na napahalukipkip na lamang. Itinuon niya na lamang sa labas ng bintana ang kanyang mga tingin.