Kabanata 4
MALAKAS na natampal ni Kristina ang kanyang noo. Sinampal niya rin ang kanyang sarili. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang unan at itinakip sa kanyang mukha. Malakas siyang napatili at halos dumugin niya ang kanyang unan na hawak.
"s**t talaga!" gigil na gigil niyang mura.
Nakita nito ang kanyang katawan! Nakita nga ba? Muli siyang napatili at sinabunutan ang kanyang sarili. Kasusuot niya lamang kasi ng kanyang underwear at hubad na hubad talaga siya nang bigla na lamang pumasok si Kei sa kanyang silid. Huli na nang mahablot niya ang tuwalya kanina para itakip sa hubad niyang katawan. Nakita pa rin nito ang hubad niyang katawan. Tiningnan niya pa ang kanyang ibaba. Mabuti na lamang at kapapa-wax niya lamang noong isang araw. Pretty gem pa siya pero walanghiya talaga! Ayaw mawala sa utak niya ang nangyari kanina. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Ano kaya ang mukhang ihaharap niya mamaya. Nakakahiya talaga siya.
Nagbihis na lamang siya at inayos ang kanyang sarili. Taas noo siyang humarap sa salamin. Hindi siya dapat mahiya. Si Kei dapat ang mahiya sa kanya dahil ito naman ang nagpumilit na pumasok sa kuwarto niya. She smirked at herself in front of the mirror. She flipped her hair. Huminga siya ng malalim at dali-dali nang pumanaog at dumiretso sa kusina.
Nadatnan niyang naghahanda na ng dinner ang katiwala nilang si Nida.
"Ma'am kain na po kayo," wika nito nang matapos sa paghahanda.
"Sige," tipid niyang sagot.
Nagsimula na siyang kumain pero agad din naman siyang napatigil. Napatingin siya sa hagdan. Hindi pa bumababa si Kei. Napatanong tuloy siya sa kanyang sarili kung hindi ba ito kakain.
Tinawag niyang muli ang katiwalang si Nida.
"Manang si Kei ho? Hindi ba siya kakain?" kunot-noo niyang tanong dito.
"Ay nako ma'am, nagpaakyat lang ho ng pagkain si sir."
"Ganoon ba?"
"Opo, ma'am."
She scoffs in silence. She assumed nahihiya ito sa ginawa sa kanya kanina. Tumaas ang kaliwang sulok ng kanyang labi. He should be ashamed! Nailing na lamang siya ng kanyang ulo at nagpatuloy na sa pagkain.
Nang matapos siya ay dumiretso rin naman siya kuwarto niya. Inis niyang isinirado ang pinto. Iyong tipong madidinig nito ang pagdadabog niya.
Sumampa siya sa kama at kinuha ang kanyang laptop. Inabala niya na lamang ang kanyang sarili sa paggawa ng lesson plan dahil kung iisipin niya pa ang nangyari kanina, baka matulala lamang siya at walang matatapos na trabaho.
KINABUKASAN nang magising siya ay halos thirty minutes na lang at mala-late na siya sa pagpasok. Hindi na nga siya nakapag-agahan at ipinaligpit na lang kay Manang Nida ang inihanda nitong breakfast.
"Manang, si Kei na lang ho ang tawagin ninyo para kumain ng breakfast," aniya habang papalabas ng bahay. Bitbit ni Manang Nida ang ilang gamit niya sa school.
"Ma'am, umalis po ng maaga si sir Kei. Hindi ko rin po napilit na magmeryenda si sir," sagot naman ni Manang Nida sa kanya.
Napatigil siya sa paghakbang nang nasa tapat na siya ng kanyang sasakyan.
"Hayaan niyo na lang Manang. Alam niyo namang may saltik ang asawa kong iyon. Sige ho, una na po ako," aniya at kinuha ang kanyang mga gamit. Inilagay niya ito sa front seat, pagkatapos ay sumakay na rin naman siya agad sa loob ng sasakyan. Agad din naman siyang pinagbuksan nang guard ng gate. Pinasibad na niya ang sasakyan palabas at mabilis itong pinaharurot.
NANG nasa school na siya ay halos lakad-takbo na ang kanyang ginawa, umabot lang sa Dean's building dahil naroon ang biometric scanner para sa attendance nilang mga guro.
Nang naroon na siya sa building ay muntik pa siyang mapamura sa kanyang isipan dahil sa may mga ilang guro ring nakapila at naghahabol din na huwag ma-late sa pag-scan. My god! Stress na stress na ang kanyang pakiramdam. Nang siya na ay five minutes na lang, late na. Nag-bio siya agad at doon lamang siya nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang at hindi siya late sa pag-scan dahil ang laki ng kaltas sa sweldo kapag late sa pagpasok ang pag-uusapan.
Pagkatapos niyon ay diretso na siya sa klase niya. Hindi na siya dumaan pa sa faculty room.
Habang papunta siya sa classroom niya ay biglang sumagi sa isip niya kung saan kaya nagpunta si Kei. Hindi kasi siya sigurado kung pumasok ba ito o nagbulakbol na naman.
Nang nasa tapat na siya ng classroom ay huminga pa siya nang malalim bago pumasok. Nang itulak niya ang pinto ay takang-taka siya kung bakit ang tahimik ng mga ito at halos nakatulala lamang na nakatitig sa kanya. Kumunot naman ang kanyang noo. This is somehow a miracle?
"Pat, bakit sabay kayo?" bigla namang tanong ng isang student niya. Her name is Sally.
Napakurap naman siya sa kanyang narinig. Natigilan siya at napa-isip. Pat? Patrick?
Dahil sa curious siya ay bumaling siya sa kanyang likuran. Ganoon na lang ang gulat niya dahil nakatayo pala si Kei sa kanyang likuran.
Bakit 'di niya man lang napansing nakasunod pala ito sa kanya. Tumikhim siya ng konti. He give a cold stare. Nothing changes! He always does that to her. Always giving her an impassive look. Like her existence is not visible in his eyes. Nayayamot lang siya kapag umaabot siya sa ganoong ideya.
Nilagpasan naman siya nito at dire-diretso lang na pumunta sa upuan nito.
Pasimple siyang napabuga ng hangin. Bastos talaga 'to kahit kailan. Hindi man lang siya nito binati bilang teacher nito.
She sighs. Iniisip niya kung kailan pa kaya 'to magbabago.
Umupo na lamang siya at inilapag ang dala niyang laptop sa ibabaw ng mesa. Nagsimula na siyang mag-chek ng attendance.
Pinapasadahan niya lamang nang tingin ang bawat bakanteng upuan dahil hindi niya na kailangan na tawagin isa-isa ang mga pangalan ng mga ito dahil mayroon naman siyang sit plan na ginawa. Sinusubukan din niyang memoryahin ang bawat mukha ng mga students niya dahil hindi naman maiiwasan na sa ibang upuan ang ilan umuupo.
"Ma'am?" tawag sa kanya niyong istudyante niyang hapon na si Heroshi.
"Yes Heroshi?" nakangiti niyang sagot.
"Ma'am are you related to Patrick?" tanong nito sabay turo kay Patrick esti kay Kei na nakayuko lang sa arm rest nito.
Wala sa sarili naman siyang napalunok. Pakiramdam niya ay parang natuyo ang lalamunan niya dahil sa tanong nito.
Nang balingan niya si Kei ay nag-angat ito ng ulo at masamang tumitig sa kanya.
"Ahm, what is it again Heroshi? I'm not paying attention to your question. Can you repeat it again?" kunwari niya pang tanong. Nagbibingihan siya para hindi makasagot agad. Nagsisimula nang pagpawisan ang kanyang mga palad. Pakiramdam nga niya ay pati singit niya ay nagpapawis na rin. Damn it!
"I was asking if you're related to Patrick? He's also a Smith," ulit ni Heroshi. Napalunok siyang muli saka tumikhim.
"W-why are you asking by the way?" nauutal niyang tanong din kay Heroshi. She's making the conversation segway.
Napansin naman niyang lahat nang atensiyon ng mga istudyante niya ay nakatingin sa kanila.
Paano ba 'to? Her mind whines.
"Are you guys related? Are you his relative?" Heroshi asked again.
Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. She look at Kei again. He squinted his eyes, giving her a death glare.
What the hell she supposed to do? Ito namang si Kei ay walang pakialam kung nasa hot seat siya ngayon.
Huminga siya ng malalim.
"Ah..."
Bigla namang tumunog ang speaker na nakasabit sa labas ng kanyang classroom.
ATTENTION:
All Professors must proceed to the audio visual room for an emergency meeting. Classes that were on going will immediately be dismissed. Thank you!
Save by the bell! Mabilis niyang isinara ang kanyang laptop at agad na tumayo.
"Heroshi, we'll talk about that some other time."
Bumaling siya sa buong klase.
"Okay, class you're free to go now, goodbye."
"Goodbye ma'am Kristina," they said in chorus.
Bago siya umalis ay hilaw niya pang nginitian na lamang si Heroshi.
Lumabas na siya ng classroom at dumiretso agad sa audio visual room. Sa pagkakaalam niya ay doon daw kasi madalas ang meeting. Iyan din ang sinabi sa kanya ng kanyang best friend na si Sandra.
Nang naroon na siya malapit at papaakyat na sana siya ng hagdan nang bigla na lamang may humila sa laylayan ng kanyang uniform.
"Ay!" daing niya dahil sa pagkabigla.
Natapilok din kasi siya sa biglaan niyang pag-atras. Napadaing siya sa sakit. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at humawak sa hawakan ng hagdan.
"Clumsy." Someone spoke on her back.
Napaangat siya nang tingin dito. Agad na nalukot ang kanyang mukha.
"Bakit ka ba nanghihila bigla!" mariin niyang sigaw pero hindi naman ganoon kalakasan.
Napahawak siya sa paa niyang natapilok. Masakit talaga ang pakiramdam niya.
"Tsk," ani Kei at umismid pa sa kanya. Magsasalita pa sana siya nang bigla naman siya nitong hawakan sa kanyang kamay. Laking gulat niya nang bigla siyang buhatin ni Kei.
"s**t Kei! Ibaba mo ako!" pagpupumiglas niya.
Napatingin pa siya sa paligid nila dahil baka may makakita sa kanilang ibang students. But thanks to God dahil walang taong napapadaan sa gawi nila. Hindi rin naman kasi malapit ang building na ito sa building kung saan naroon ang mga classrooms.
"Shut up or else you're f*****g dead," banta pa nito sa kanya. Bigla naman siyang natameme.