Kabanata 1
Kabanata 1
“WHAT!? No Daddy, I won’t do that stupid thing!”
Naghy-hysterical niyang pagmamakaawa sa kanyang Daddy.
“But you have to do this… Please understand me,” pagsusumamo rin naman ng kanyang ama.
“Ma’am?” pukaw sa kanya ng katulong.
“Ay kabayo!” bulalas niya. Kanina pa pala siya nakatulala. Bumuntong-hininga siya. Palagi na lang kasi iyon ang naaalala niya sa tuwing napag-iisa siya o kaya naman ay nakararamdam siya ng matinding stress.
“Nako ma’am! Sorry po. Nagulat ko po ba kayo?”
Alanganin naman niya itong nginitian.
“Okay lang, may problema ba?” tanong niya sa katulong. Nasa veranda kasi siya at nawili sa pagbabasa ng fashion magazine.
“Ma’am late na ho kayo,” sagot pa nito sa kanya.
Agad namang nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"Late?" ulit niya pa.
Magkasalubong naman ang kanyang mga kilay at sandali pang napa-isip. Namilog naman ang kanyang mga mata nang bigla siyang may maalala.
"Oh my god!" bulalas niya at natapon pa sa ere ang hawak niyang magazine.
Dali-dali siyang pumasok sa kuwarto niya at agad na inayos ang mga gamit niya. Gusto niyang awayin ang kanyang sarili dahil sa lahat ba naman ng araw na puwede siyang ma-late ay ngayong araw pa!
Dali-dali niya agad na pinusod ang kanyang buhok at naglagay ng konting lip gloss sa kanyang mga labi. Saka saglit na tiningnan ang kanyang sarili sa salamin. Pagkatapos ay lumabas siya agad ng kanyang kuwarto. Ngunit agad din naman siyang napaurong nang makasalubong niya ang ayaw na ayaw niya talagang makita. Gigil na gigil ang kanyang pakiramdam at nakaka-bad vibes talaga ang aura nito.
She clenches her jaw. Hinahagod na naman kasi siya ng matatalim nitong mga tingin. Talagang mula ulo hanggang paa siya nito kung hagurin. Kinikilabutan tuloy siya.
Sinimangutan niya lamang ito at nilagpasan. Nailing siya at nahilot ang kanyang kanang sintido. Mas mabuti pang pumasok na lamang siya kaysa makita ito. Sumasama talaga ang araw niya.
Dumiretso na siya sa garahe at agad din naman na sumakay sa kanyang kulay pula na sasakyang Fortuner. Bago niya ito pinaandar ay kinuha muna niya ang kanyang air-pods saka isinaksak sa magkabila niyang tainga saka nagpatugtog ng pop music. This helps her calm. Pagkatapos niyon ay pinatakbo niya na ang kanyang sasakyan palabas ng kanilang bakuran.
NANG makarating siya ng paaralan ay agad din naman niyang kinuha ang kanyang mga gamit saka lumabas ng sasakyan. Dumiretso siya agad malapit sa office ng School Principal para mag-bio para sa kanyang attendance.
“Good morning Mrs. Smith,” bati pa sa kanya ng guard nang madaanan siya nito.
Alanganin siyang napangiti. Naiilang pa rin talaga kasi siya sa tuwing naririnig niyang tinatawag siya ng ibang tao sa apilyedong 'Mrs. Smith'.
Maniwala man o sa hindi. Yes, she's already married and even if she wants to deny that fact that she's actually a married person at this early twenty-five years of age, she can't. Talagang nakatatak na iyon sa buong pagkatao niya at sa mga taong nakapalibot sa kanya.
Sino nga bang mag-aakalang may asawa na siya? Hindi rin naman kasi halata.
Nginitian niya na lamang iyong guard. Naalala niya, ito iyong guard na nag-assist sa kanya noong isang araw kaya kilala na siya nito.
Pagkatapos niyang makapag-bio ay nagtuloy-tuloy na rin siya papunta sa kanilang faculty room.
“Girl! Ang sama yata ng timpla ng mukha mo?” salubong sa kanya ni Sandra pagkapasok niya.
Si Sandra ang isa sa matalik niyang kaibigan at kasamahan niya ring guro sa paaralang pinapasukan niya. She was teaching Social Studies in tertiary level here at Watson International University.
“Anong akala mo sa mukha ko? Kape?" sagot naman niya sabay upo sa nakalaang desk para sa kanya.
“Ito naman, 'di rin mabiro, pero seryoso bakit nakabusangot 'yang mukha mo? Siya na naman, ano?” ani Sandra sabay upo sa upuang nasa harap ng kanyang desk.
“Sinabi mo pa!” walang gana niyang sagot dito.
“Ano na naman ba ang ginawa niya sa ‘yo?”
“As usual!” matabang niyang sagot dahil iyon naman talaga ang palaging rason niya. He gives her a bad vibes aura!
“Wow! Mukhang 'di ka pa nasanay, ah? Limang buwan na kayong nagsasama pero ganyan pa rin? Walang pagbabago?”
Tumango naman siya at kumikit-balikat.
“Kaya nga! And speaking of our status? It’s always been complicated! Ewan ko nga ba ro’n. Ano oras na ba?”
Itinigil niya na ang usapan tungkol sa buhay asawang mayroon siya. Sa totoo lang ay ayaw niya lang din naman talagang pag-usapan ang tungkol doon dahil sa tingin niya'y wala rin namang kuwenta.
“Seven and thirty minutes na, mabuti na lang at hindi ka na-late dahil first time mo pa naman,” ani Sandra sa kanya.
“Oo nga e,” sagot niya habang inaayos ang gamit niya.
Sandra was the one who came first to apply in this University and because of her, she was able to be here too. Hindi naman sa kailangan may backer pa. Hindi niya ginawa iyon. Talagang kusa siyang nag-apply. Sinabi lang kasi ni Sandra sa kanya na may open slot ang University. Aside from that, kung tutuusin ay puwede naman na siyang hindi dumaan sa mga ganoong proseso dahil kilala naman niya ang may-ari. Pero dahil sa hindi naman siya ganoon ka oportunista ay hindi niya ginawa bilang respeto na rin sa mga kapwa niya guro na naghahanap din ng mapapasukang eskwelahan.
TUMAYO na siya at binitbit na ang kanyang mga gamit. Nagpaalam na rin siya kay Sandra na mauuna na siya sa pagpasok sa kanyang klase.
Habang naglalakad siya papunta sa magiging advisory room niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Kinakabahan siya dahil ito ang unang interaction niya sa mga students.
Huminga siya ng malalim at tinatagan pa rin ang kanyang loob.
She keeps on thinking that she was a teacher and she shouldn’t feel this way. Dapat sa kanya mauuna ang confidence dahil ito ang unang maipapasa niya sa mga magiging estudyante niya.
Napangiti siya. Mabuti na lang talaga at nasa ground floor lang ang kanyang advisory section dahil kung hindi, talagang makapagpapalit siya nito ng flat shoes. Hindi pa naman siya mahilig magsuot ng flat dahil gusto niya talaga na may suot na heels kahit two to three inches lang.
Nang matapat siya sa room advisory niya ay saglit pa siyang huminga ng malalim. Nang mahimasmasan sa kaba ay agad din naman siyang pumasok. Saglit pa siyang nagulat dahil iba’t ibang lahi ng mga estudyante ang nakikita niya. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Kinakabahan siya ulit. Ito pa naman ang unang beses na may sarili talaga siyang advisory section. To think na masiyado pa siyang baguhan sa University na ito.