Kabanata 6
BUONG biyahe silang walang imikan na dalawa ni Kei hanggang sa makauwi sila ng bahay.
Pagkaparada nito ng sa sasakyan sa tapat ng gate nila. Ay agad siyang umuna sa paglabas ng sasakyan. s**t! Mura niya sa kanyang isipan dahil masakit pa talaga ang na-sprain niyang paa.
"Bakit ka bumaba!?"
Nagulat naman siya sa sigaw nito. Bumaling siya rito. Bumaba rin ito ng sasakyan at agad siyang nilapitan.
"Nabundat na kabayo!" bulalas niya dahil sa ginawa nitong pagbuhat muli sa kanya. Agad naman na uminit ang magkabila niyang pisngi. Aminado naman siyang bigla siyang kinilig dahil sa ginawa nito. Ngayon lang kasi ito biglang naging concerned sa kanya. Sa limang buwan nilang pagsasama sa iisang bahay, never itong nagkaroon ng concerned sa kanya! As in, ngayon lang!
"Don't even try to struggle. Baka hindi mo magustuhan ang sunod kong gagawin," banta pa ni Kei sa kanya. Napalunok naman siya nang wala sa oras. God! He really have this power to threatened her nerves.
Lumapit naman ito sa gate habang buhat-buhat pa rin siya at siya na rin ang kusang nag-doorbell.
Kung hindi sana siya bumaba ng sasakyan, e 'di sana ay napagbukasan na sila ng guard sa isang busina lang.
Bigla naman siyang inayos ni Kei sa pagbuhat kaya diretso agad ang mukha niya sa matipuno nitong dibdib. Amoy na amoy niya tuloy ngayon ang mamahalin nitong pabango. His scents were flowing straight inside her nostrils. Gladly, the perfume was not that strong and it's smell so masculine.
Hindi niya namalayan na napapapikit na pala siya habang ini-enjoy ang bango ng katawan nito.
Napadilat na lamang siya sa gulat nang biglang kumalabog iyong gate. Pambihira talaga!
Sinipa pala nito iyong gate. Napangiwi siya at natampal ang kanyang noo. Kawawa si Mang Jose, ang kanilang guard dahil hayon bulagta sa daan. Sino ba naman ang hindi bubulagta, nang buksan kasi nito ang gate ay sakto naman sumalubong ang sipa ni Kei.
She's in shocked. Agad naman na tumayo si Mang Jose at nakayuko lamang.
"You're fired!" sigaw ni Kei sa guard nila dahilan para mapanganga naman siya.
Gulat na gulat naman ang itsura ni Mang Jose at hindi makapaniwala sa narinig pero wala itong sinabi na kahit ano. Nanatili lamang itong nakayuko.
Hinampas niya ang balikat ni Kei. Sumimangot naman ito.
"Mang Jose, don't listen to him, sorry po ah. Huwag niyo po pansinin ang sinabi ni Kei. Hindi po kayo sesante," aniya kay Mang Jose.
Agad naman na nagliwanag ang mukha nito sa sinabi niyang iyon.
"Salamat po ma'am Krisina," sagot ni Mang Jose at agad din naman itong umalis sa kanilang harapan.
Tiningnan niya nang masama si Kei.
"What!?"
"Ang mean mo!" sigaw niya pabalik dito.
"I'm not mean! He just don't do his job properly!"
"Mukha mo! Ilang beses na tayong papalit-palit ng guard dahil lang sa ugali mong iyan," hindi mapigilan niyang litanya rito. Sumusobra na kasi ito.
"So what!? Ako ang nagpapasuweldo kaya ako ang masusunod," sagot nito habang papasok sila ng bahay.
Natahimik siya. Sapol siya sa bagay na iyon dahil totoong ito ang nagpapasuweldo sa lahat ng tauhan nila rito sa bahay. Wall flower lang siya kung tutuusin pero hindi naman sa minamaliit niya ang kakayahan niya at ang yaman na mayroon siya. Iyon nga lang kasi, simula nang magpakasal siya kay Kei ay wala na rin siyang natatanggap na kahit anong financial support mula sa mga magulang niya. Sariling sikap at savings na lang ang mayroon siya. Kung may bibilhin man siyang mga bagay na hindi kaya sa budget niya, credit card ni Kei ang gagamitin niya, na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makuhang galawin. Baka kasi insulto lang ang matanggap niya saka never in her life din naman niyang ginawang maggastos na hindi niya sariling pera. Big no!
Sumalubong naman sa kanila si Mang Nida.
"Manang call the doctor and give me some cold compress," utos ni Kei kay Manang Nida. Agad din naman itong kumilos at nagmamadali sa pagpunta sa kusina.
Pagkatapos niyon ay dinala naman siya ni Kei sa study room. Pinaupo siya nito sa sofa.
"Bakit dito?" nagtataka niyang tanong dito. Hindi siya nito sinagot at lumabas ng study room.
First time niyang makapasok dito sa study room. Personal space kasi nito ang study room kaya never pa siyang nakapasok dito. Actually, hindi niya totally naikot ang buong bahay dahil nga sa may mga ayaw ito. He even set her own boundaries kung saan lang siya allowed na pumasok. Even his room, she can't even go there, not even take a peek look.
Napamasid siya sa buong study room. Organize lahat ang mga gamit nito. Sobrang linis at parang kapag ginalaw mo ni ising gamit, baka world war three ang abutin.
Napalingon naman siya sa kakapasok lang na si Kei. Pasimple niya lang sinulyapan ito.
"You look crazy," anito pa. Agad naman na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Pagkatapos ay napasimgot siya. Ang mean talaga nito.
Lumapit naman ito sa kanya at lumuhod sa harap niya. Mataman niya lamang niya itong pinagmasdan. Naghihintay siya sa kung ano ang next move nito.
"Akin na yang paa mo," he says.
Inangat naman niya ang kanyang kaliwang paa kung saan siya na-sprain. Hindi niya napansing may dala pala ito cold compress bag.
"Kailangan pa ba iyan?" Binigyan na ako ni Melissa ng pain reliever," aniya.
"Who's Melissa?" taka naman nitong tanong.
Gulat naman siya sa kanyang narinig.
"Hindi mo siya kilala? Iyong school doctor? Sabi nga niya sa akin, palagi ka raw roon tumatambay. Hindi ba iyon totoo?"
"She's just hallucinating. That wast my first time seeing her. The previous school doctor is the one that I know and he's a man."
"So hindi totoo na lagi ka roon, gaya nang sabi niya?"
"No!"
"Akala ko talaga kasi totoo iyong sinasabi niya kanina. Very convincing kasi ang mga binibitawan niyang salita."
"You know what Kristina? Tumahimik ka na lang. You're so noisy," anito sabay tinanggal ang benda sa paa niya.
Hayan na naman ito sa pambabara sa kanya. Lagi na lang talaga itong masungit. Daig pa nito ang isang matandang malapit nang mag-menopause.
Inilapat naman nito ang hawak na cold compress bag sa kanyang paa. Napangiwi siya dahil sa lamig at hindi mapirmi sa kinauupuan niya.
"Stop moving! Will you?" sita nito sa kanya.
Sasagot pa sana siya pero may biglang kumatok naman sa pinto sabay bukas nito.
"Ma'am, sir? Ito ho," ani Maya, ang isa pa nilang katulong sa bahay. Bata pa ito, mga nasa bente anyos pa at pamangkin ito ni Manang Nida.
Inabot ni Maya kay Kei ang dala nitong box ng first aid kit. Kinuha naman ito ni Kei.
Napansin niya namang 'di pa rin lumalabas si Maya kaya pagsasabihan niya sana ito bago pa mabugahan ni Kei ng kasungitan. Pero nahuli na siya nang bumaling si Kei kay Manang Nida.
"Why are you still here? Get out!" mariing sigaw ni Kei.
Nagulat naman si Maya at natakot bigla kaya kumaripas ito nang takbo palabas ng study room, muntik pa nga itong madapa dahil sa pagkataranta.
Mabilis na lumipad ang kanang palad niya para takpan ang kanyang bibig. Natatawa siya pero pinipigilan niyang huwag matawa. Medyo may awa rin siyang nararamdaman dahil lahat talaga ng mga helper dito sa bahay nila ay natatamaan ng kasungitan ni Kei. Talagang literal itong masungit. Iyong tipong walang pinapalagpas na kahit na sino.
Naka-poker face naman si Kei na tumitig sa kanya. Patay! Umayos siya sa pag-upo at pasimpleng tumikhim. Agad na nawala ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi.
Muli naman nitong Inilapat ang cold compress bag sa kanyang paa at may kasama pa talaga itong pagdiin kaya muli siyang napaigtad.
"Aray!" mahinang daing niya habang nakangiwi ang kanyang mga labi. She can't hide her emotions from him. Kung ma-kapress kasi ito sa paa niyang may injury ay wagas!
"Sorry," he says.
Nagulat naman siya sa kanyang narinig. He looks so worried and for the first time ngayon lang ito nag-alala sa kanya. Ngayon lang din niya ito narinig na humingi ng sorry. Gayong halos lahat nang pabalang nitong pagsagot ay hindi naman nito binabawi para pampalubag-loob.
Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti.
"Masakit pa ba?" tanong nito sa kanya.
"Medyo," tipid niya namang sagot and that was not a lie or an acting.
May kumatok naman ulit sa pinto.
"Wait, it must be the doctor," he says. Tumayo ito at lumapit sa pinto para buksan ito ngunit...
"What!?" galit nitong tanong kay Maya.
Ugh! She rolled her eyes in despair. Hayan na naman ang pagsusungit nito. Minsan talaga ay napapa-isip siya kung may sakit ba ng pagiging Bipolar itong si Kei. Kanina lang mabait at kalmado ito. Ngayon naman balik na ulit sa pagtataas ng boses at pagsusungit. Bumuntong-hininga siya.
Sumilip siya at inusisa kung anong nangyayari.
"Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas," sagot ni Maya pero halatang natatakot ito kay Kei.
Nakikita niya kasing nanginginig ang mga tuhod ni Maya.
"Who's that?" tanong ni Kei pero tulala lang si Maya sa nating tanong nito. Matagal naman na nakasagot si Maya. Saka niya naalala na hindi pala masiyadong nakakaintindi si Maya ng English dahil nakatira ito sa malayo at liblib na lugar ng kabundukan. Ang sabi ni Manang Nida sa kanya, kulang sa edukasyon si Maya kaya hirap ito minsan. Kaya nga pinapapasok niya ito sa school tuwing linggo, para naman hindi ito ma-behind sa lahat at nang magkaroon ito ng maayos na edukasyon.
"Kei pagpasensiyahan mo na si Maya. She doesn't understand English pa kasi, pakitagalog mo na lang," aniya nang mahinahon.
Napalingon naman si Kei sa kanya.
"What? You hired a maid who doesn't understand and speak English?"
Napantig naman ang kanyang tainga dahil sa narinig. Damn this man!
"So, what!? English tutor ba ini-apply ni Maya? Hindi ba't katulong!" pabalang niyang sagot kay Kei.
Hanep din naman kasi ang standard nito sa mga empleyado. Isa sa qualifications nito ay ang excellent with communication skills. Daig pa ang call center!
Ewan ba kung bakit natatagalan ito ni Manang Nida sa pagsisilbi gayong halos isuka na ito ng ilan.
"Then I must fire her!" galit naman na sagot ni Kei.
"Kailan pa naging standard 'yan? Basehan na ba ngayon ang speaking capability! Ang labo ng mindset mo!" aniya pero halos siya lang din naman ang nakakarinig ng mga sinasabi niyang iyon.
"Bakit mo aalisin sa trabaho si Maya? Pamangkin iyan ni Manang Nida. Magkaroon ka naman ng konting consideration!" inis niyang sagot dito.
"Next time you'll tell me!" inis nitong sagot at bahagya nang kumalma ang expression ng mukha nito.
Importante si Manang Nida sa buhay nito. Ito na halos ang nagpalaki rito kaya kahit na panay ang pagsusungit nito sa iba ay hindi niya naman nakitaan na binastos nito si Manang Nida. Exempted ito sa pagiging abnormal ng ugali ni Kei.
"Fine!" sagot niya na lamang dahil ayaw niya nang makipagtalo pa rito.