I halted in front of the familiar restaurant where we used to eat with the people who treated me so well back then.
Napangiti ako. I missed my favorite Italian pasta na laging inihahanda sa akin noon ni Lola Carmela at ang lugar na ito ang madalas namin puntahan noon kapag nami-miss ko ang luto ni Lola.
Biglang nabalot ng lungkot ang dibdib ko nang muling bumalik sa alaala ko ang huling beses ko siyang nakasama sa lugar na ito at pagkatapos ng araw na iyon ay wala na rin akong naging balita pa tungkol sa kanya.
I still felt guilty dahil hindi ko nagawang tuparin ang ipinangako ko sa kanya.
She only had one request back then pero paano ko siya mapagbibigyan kung ako lang ang may kagustuhang tuparin ang kahilingan niya?
But she’s the most positive and supportive grandmother I’ve ever met. She respects everyone’s decision especially when it involves feelings and emotions.
Sayang nga lang dahil hindi ko na siya nakausap pa mula nang tuluyan akong umalis sa bayan na ito at magtrabaho sa Manila.
Sigurado naman ako na naiintindihan niya ang naging kapalaran namin.
And she would be the most happiest grandmother after his precious grandson found his true happiness.
Tanda ko pa noon na laging niyang sinasabi na wala siyang ibang hiniling kundi makita ang mga apo niya na maging masaya kasama ang mga babaeng minamahal at nararapat sa mga ito.
That’s why, I didn’t hesitate to give way for that wish of becoming true.
At iyon lang ang tanging alam ko na pwede kong gawin para masuklian ang lahat ng kabutihang ginawa ng pamilya niya sa akin.
And that is, to let Kenzo go and give way para sa kanila ng babaeng tunay nitong minamahal.
I smiled as I feel proud of how I managed to save myself from drowning miserably after my first heartbreak.
Akala ko noon ay hindi ko kakayanin ang mawala siya sa buhay ko and I almost killed myself for letting him go.
But here I am, happier and have no regrets after all.
Dahil alam kong dalawang taong malaki ang parte sa puso ko ang naging masaya kapalit ng kalungkutan ko sa loob ng ilang taon.
At nagawa kong buuin muli ang sarili ko pagkalipas ng ilang taon. Ilang taon nga ba akong nalugmok?
Isa? Dalawa? Forget it. Basta ang alam ko masaya ako para sa kaligayahan ng mga taong mahal ko.
Muling pumasok sa isip ko si Kenzo. Kumusta na kaya siya? At bakit siya narito?
The last time I checked, uhm.. when was that? A month after we broke up? Umalis siya ng bansa with Helena.
After that, I restrained myself from stalking him. Dahil pakiramdam ko ay lalong lumalalim ang sugat sa puso ko habang patuloy kong inaalam ang bawat pangyayari sa buhay niya.
And I succeeded to unfollow him na habang tumatagal ay nakasanayan ko na at halos makalimutan ko na siya at ang nakaraan namin.
Well? Not until I saw him again.
Pumasok ako sa restaurant at nagpasyang doon na lang maghapunan.
I still have a lot of time to kill. May sapat pa naman akong oras mamaya para paghandaan ang presentation ko sa client meeting ko bukas.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa hotel. Mas dumami pa yata ang guests habang gumagabi dahil mas lalong napuno ang parking area ng hotel.
Napailing na lang ako at nagpasyang tumawag ng valet to assist me with my car.
Medyo inaantok na rin ako at medyo napagod sa haba ng byahe ko.
Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako sanay sa long drive. We usually have our company driver sa lahat ng client meeting ko lalo sa mga site tripping.
I don’t know what’s got in me para magsolo. Siguro ay na-excite lang ako masyado nang malaman kung saan ang itinerary ko ngayon.
Ilang taon din akong hindi umuwi rito. It’s because, wala naman kasi akong pamilya na uuwian dito kahit pa nga I spent almost twenty years of my life in this place.
Nakangiting nagpasalamat ako sa valet pagkatapos kong ibigay ang susi ng kotse ko.
Dumiretso ako sa front desk to get my keycard and was about to enter into the elevator when I heard a shrill male voice calling out my name.
Napalingon agad ako at hinanap ang may-ari ng boses kasabay ng bahagyang pag-atras ko dahil sa hindi inaasahang pagpulupot ng isang pares ng braso sa katawan ko.
Gulat na napangiwi ako dahil sa sobrang higpit ng yakap sa akin at akmang sisigaw na sana para humingi ng tulong pero agad din akong napatigil sa pagpupumiglas nang marinig ko muli ang boses ng lalaking bigla na lang akong sinunggaban.
“Yes! I found you, Callie!”
Napakunot ang noo ko dahil sa pamilyar niyang boses pero hindi pa rin ako kumbinsido kung tama ang nasa isip ko kaya pinilit kong kumawala sa yakap nito.
“Excuse me?”
Tiningnan ko siya at nasalubong ang medyo namumulang mga mata nito na tingin ko ay galing sa pag-iyak.
Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan makilala ang lalaking kaharap ko.
“Colby?!” hindi makapaniwalang tanong ko. “Ikaw na ba yan? Wow, hindi kita halos nakilala!” tuwang tuwang sambit ko saka hinawakan ang magkabila niyang braso.
He is Kenzo’s half brother na may mental disorder. Kind and sweet but has poor behavior in getting along with other people.
I smiled as I was looking at him up and down. Napansin ko ang ilang kababaihan na napapatingin sa kanya na obvious na kinikilig at ang ilan ay halos mabunggo pa dahil sa kalilingon sa kanya.
Hindi ko naman sila masisisi. Colby possesses nobility with a strikingly hot and perfect body bukod sa sadyang gwapo na ito mula pa noong bata pa siya.
But he has the most hardest flaw that could not easily be cured.
At hindi katulad ng pangkaraniwan ang kapintasan niya. It’s his behavioral disorder due to an accident na noon pa ay tinapat na ng doctor na wala ng lunas.
But looking at him now, of how he has grown up, he is really an eye catching fine good-looking man, a head turner that every girl would want to stare all day long.
At kung hindi ko lang siya kilala ay baka isa ako ngayon sa babaeng mapapalingon sa kanya.
Napatitig ko sa kanya at muling hinawakan ang braso niya.
“Colby? Bakit nag-iisa ka? Sinong kasama mo? Asan ang yaya mo?” nag-aalalang tanong ko habang lumilinga sa paligid.
Bahagya pa akong tumingala sa kanya pero nasalubong ko ang amused na mga mata nito na nakatingin lang sa akin.
“Tinakasan mo na naman siguro ang yaya mo, ano?” akusa ko sa kanya pagkatapos ay hinila ko siya sa lobby at niyayang maupo sa malaking couch na naroon.
“Dito muna tayo. Siguradong hinahanap ka na nila,” sambit ko na nakangiting naiiling.
Naalala ko kasi noong sa kanila pa ako nakatira. Madalas siyang magtago at tumakas. At madalas din na ako ang pinupuntahan niya at niyayaya sa kung saan niya gustong pumunta na hindi ko naman mahindian.
Mas matanda si Kenzo sa kanya ng limang taon at ako naman ay apat na taon ang agwat sa kanya. Hindi na rin nagkakalayo ang mga edad namin pero dahil sa kalagayan niya at pagiging isip-bata ay palaging nasa kanya ang atensyon ng lahat.
Nanatili siyang tahimik na nakamasid sa akin at napansin ko ang madalas niyang paglingon na parang hindi mapakali.
Napatitig ako sa kanya. I could sense discomfort in his movement.
“Are you also staying here, Colby?”
Malamang dahil nakasuot pa ito ng pajama and he really looked like a runaway brat with his slightly disheveled hair.
“Yes.”
Gusto ko pa sana siyang kumustahin pero masyado ng gabi at hindi makabubuti para sa kanya ang magpuyat kaya kailangang maihatid ko siya sa room niya at malamang ay hinahanap na rin siya ng kung sinuman ang kasama nito.
“Wait mo lang si Ate rito, ha?” malambing na paalam ko rito. “Itatanong ko lang kung saan ang room niyo para maihatid na kita.”
Biglang kumunot ang noo nito at gumuhit ang pagtataka sa mga mata nito habang bahagya pang nakaawang ang mga labi niya.
Ngumiti ako at bahagyang ginulo ang buhok niya. “Don’t worry, doon lang ako pupunta, oh!” sambit ko sa paraang nangungumbinsi sa isang bata saka ko itinuro ang nakatayong receptionist sa front desk ng hotel.
Gumalaw ang mga mata nito at kunot na kunot ang noong muling inilipat sa akin ang tingin niya.
Tumingin ako sa suot kong relo. Pasado alas dies na pala ng gabi. Medyo nahihilo na rin ako sa antok kaya hindi ko na pinansin ang malaking pagbabago nito.
Anyway, pwede ko naman siguro siya kausapin bukas.
I patted his hand before I stood up but he tightly grabbed my hand and look at me pitifully.
“What’s wrong?” I asked.
Nagulat ako nang niyakap niya ako nang mahigpit imbes na sagutin ang tanong ko.
“I’m sorry to trouble you a bit, Callie, but I’ll get back to you soon.”
Napakunot ang noo ko at hindi nagawang umiwas habang ibinubulong niya sa akin iyon.
It was strange. Pati ang paraan ng pagtawag niya sa akin. He used to call me Ate from the first we met but now?
Forget it. Ngayon lang naman ulit kami nagkita. Siguro ay hindi na siya sanay o nakalimutan na niya ako bilang ate niya noon.
Napayuko ako nang maramdaman ang maliit na bagay na iniipit niya sa kamay ko.
It was a crumpled paper. I frowned and looked up at him. Pero bago pa ako makapag-react ay mabilis niya akong hinalikan sa pisngi habang mariing hinawakan ang ulo ko.
Napatingala ako nang bigla siyang tumayo. Ngumisi siya at sumaludo sa kung saan saka mabilis na tumakbo palabas ng hotel.
“Colby!”
Gulat na napatayo ako at akmang susundan siya nang mapatigil ako dahil sa mahigpit na kamay na pumigil sa braso ko.