Chapter 5

1698 Words
“Kenzo?” I tried to escape from his grip dahil nag-aalala ako kay Colby pero mas hinigpitan pa niya ang hawak sa braso ko at ang ipinagtataka ko ay ang galit na nakapaskil sa mukha niya. “Kenzo, si Colby! Baka kung mapaano siya!” Naguguluhang tiningnan ko siya. Bakit parang hindi siya nag-aalala sa kapatid niya gayong dati rati ay sobrang protective niya rito? “What did he tell you?” seryosong tanong niya sa akin habang halos magsalubong na ang mga kilay niya. “Tell what?” naguguluhang balik tanong ko sa kanya. “Why don’t you look after him?” I asked hurriedly as I looked at him in confusion and took another glanced at the exit. Sakto ang pagtigil ng isang itim na kotse kung saan mabilis na sumakay doon si Colby. Nilingon ko si Kenzo na matalim ang mga matang nakasunod sa papalayong sasakyan. Nang tuluyang maglaho sa paningin namin ang kotseng sinasakyan ni Colby ay marahas itong bumuntong hininga at binitawan ang braso ko saka dinukot sa bulsa ng suot na jeans ang cellphone. I have a puzzled look and literally don’t know what to do. What I am really worrying about is Colby. Pero paano ko naman siya hahabulin? Nakasakay na siya sa humaharurot na sasakyan. I sighed. Better to wait for Kenzo and see how he would deal about it. Maya-maya lang ay narinig ko na ang maawtoridad nitong boses. “Do keep an eye on him. Siguraduhin n’yo lang na hindi siya masasaktan…Ok… He’s still on his medication and make sure na hindi malalantad ang pangalan niya, understood?” Kunot-noong napatingin ako sa kanya and he looked at my direction at the same time while putting back his phone on his pocket. Hindi ko naman sinasadya na makinig sa pag-uusap nila nang kung sinuman ang inutusan nito na bantayan si Colby pero sa paraan ng pagtingin niya ay alam kong inaakusahan niya ako. And I admit I’d eavesdropped. Worried lang naman ako sa kapatid niya na naging malapit na rin sa akin noon. And the past four years couldn’t take away the closeness we had before. Colby was so dear to me at minsan ko nang itinuring na kapatid. Well, not only that he was really like a little brother to me but because I considered him as my brother in-law. “Kailan pa kayo nagkikita ng kapatid ko?” “What?!” I gazed up at him in a more confusing look. Tanong iyon pero pakiramdam ko ay mas lamang ang paratang sa tono ng boses niya. Pero bakit? I only saw him just now. Ngayon nga lang ulit ako napadpad dito sa bayan na ‘to. He frowned and looked down. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at noon ko lang naalala ang bagay na inilagay ni Colby sa kamay ko bago siya umalis. Maliit at lukot na papel iyon. Tiningnan ko si Kenzo na seryoso pa rin ang mukha saka bale-walang binuksan ko iyon. I know it’s just something not so important. Knowing how playful Colby was, malamang basura lang ito mula sa mga pinaglaruan niya. “Ano ‘to?” curious na tanong ko saka inangat ang maliit na plastic na nasa loob ng maliit na papel. Inangat ko ang mga mata ko nang maramdaman ang mabibilis na yabag na papalapit sa amin at huminto sa tabi ni Kenzo. I was still holding the tiny plastic in my hand while looking back at the policeman who had just arrived. Pawisan ito at mukhang galing sa pagtakbo. Medyo hinihingal pa ito nang humarap kay Kenzo. “Sinusundan na sila ng mga kasamahan ko.” pagkatapos ay bumaling sa akin nang hindi siya pinansin ni Kenzo. He was neatly wearing his uniform and his warm smile shows a friendly look. Bahagya akong ngumiti bilang tugon sa ngiti niya pero agad din iyong nawala nang mapansin ko ang paglukot ng mukha nito nang mapatingin siya sa hawak ko. Hindi agad ako nakahuma nang bigla niyang hablutin ang bagay na hawak ko at matamang sinuri iyon. Nakamaang ko siyang pinagmasdan habang sinusuri iyon na habang tumatagal ay lalo rin tumitiim ang mga labi nito. Tumingin siya kay Kenzo with a questioning look then Kenzo nodded. He then shook his head and glared at me. “Tsk! Pinahirapan mo pa ako.” Dinukot niya ang posas mula sa bulsa niya at laking gulat ko nang hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko at pinosas-an iyon. Nanlalaki ang mga matang tiningala ko siya habang abot-abot ang pagkabog ng dibdib ko. “Teka! Anong kasalanan ko? Bakit mo ‘ko pinoposas-an?!” “Sa presinto ka na magpaliwanag, Miss,” nakangising utos nito. “At mabuti pa ay sabihin mo na rin kung sinu-sino ang mga kasama niyo kanina.” Tiningnan ko si Kenzo na tahimik lang na nakamasid sa amin. He was looking at me disappointedly. Napalunok ako at tumingin sa paligid. May ilang guests at staff ng hotel na nakatingin sa amin. Nakakaagaw na kami ng atensyon at ramdam ko na rin ang pag-iinit ng mukha ko. Wala akong kasalanan at lalong wala akong ginagawang masama pero hindi ko mapigilan ang hindi mapahiya lalo’t nakikita ko ang pagbubulong-bulungan ng mga taong nakapaligid sa amin. “Sir, mukhang nagkakamali po kayo. Hindi ko alam ang sinasabi mo.” “You have the right to remain silent…” and the spill went through. Hindi ko na halos maintindihan ang mga sinasabi niya at namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa loob na ng police mobile car. “This is absurd. Ano bang kasalanan ko at dinala n’yo ako rito sa presinto?” nanginginig ang katawan ko sa galit na mas lamang sa takot na nararamdaman ko. “Oo nakakatawa naman talaga, ako nga muntik mo ng matanso kanina… Tsk, tsk! Sayang, maganda ka at mukhang edukada pero kinulang ka yata sa aruga kaya nakuha mo pang mag-drugs.” Napatingala ako sa pulis na sapilitang umaresto sa akin kanina. He smirked while shaking his head upon looking at me. I frowned and rolled my eyes. “Drugs? A-anong drugs?” Bumukas ang pinto at pumasok ang isa pang nakaunipormeng pulis. May dala itong nakabukas na folder habang binabasa ang nasa loob nito pagkatapos ay tumingin sa akin. Ibinaba niya ang hawak na folder saka ibinaling sa amin ang atensyon. “Siya ba ang girlfriend ni Colby?” tanong nito sa kausap kong pulis na sigurado ako na ako ang tinutukoy. “Most probably…” “No! Hindi ako girlfriend ni Colby. And why would you asked about it? Anong koneksyon kung girlfriend ako ni Colby o hindi sa dahilan ng pagkaladkad niyo sa ‘kin dito?” I still feel puzzled. No! I’m starting to get nervous again as I watched the policeman holding the tiny plastic that was given to me by Colby. The thought that it was really an illegal drugs, then I must be really in trouble. Pero bakit? At si Colby, imposible na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot. “Sir, mukhang may misunderstanding po rito,” saad ko. Worries hit me at the thought that Colby must be in danger. Siya ang nagbigay sa akin ng bagay na pinagsusupetsahan nilang illegal drugs at ang mga pulis na nasa harapan ko ay imposibleng magkamali sa pagkakalinlan ng ipinagbabawal na gamot. “Ibinigay sa akin ni Colby ang plastic na ‘yan without saying anything. Sigurado ako na nakuha niya lang kung saan ‘yan. May mental disorder si Colby at madalas siyang magpunta kung saan-saan. For sure, nakuha niya lang ang… ang bagay na ‘yan kung saan..” Nakakunot ang noong tumingin sa akin ang pulis na umaresto sa akin na tinawag na Justine ng kasamahan niyang pulis, then he smirked. His reaction gave me a hint that something was amiss that I need to understand. “Since, mukhang kilalang kilala mo si Colby kahit na sinasabi mo na hindi mo siya boyfriend then alam mo siguro kung sino ang mga kasama niya ngayon at kung saan sila pupunta.” Nangunot ang noo ko at bago ko pa masagot ang tanong niya ay muli itong nagsalita, “That way, Miss, we can consider your case, kung makikipagtulungan ka sa ‘min.” “Sir, hindi ko nga alam kung nasa’n si Colby at maniwala kayo sa ‘kin, ngayon ko lang siya nakita after so many years. At isa pa anong kaso ko? You can check the CCTV at the hotel to prove my statement.” “Tsk! Tsk! CCTV ba kamo?” Muli itong ngumisi. Kanina pa ako naiinis sa paraan ng pagngisi niya na para bang kasinungalingan lang ang lahat ng sinasabi ko. But I dare not to provoke him, not now lalo na’t wala akong idea sa pinanggagalingan ng akusasyon nila sa amin ni Colby. “Burado lahat ng CCTV footage ng buong hotel buong araw. At kung tama ang hinila namin ay kagagawan iyon ng grupo na kinabibilangan ngayon ni Colby. Kaya kung may nalalaman ka na kahit anong detalye tungkol sa kanila ay mas makabubuting sabihin mo na sa amin ngayon at baka sakaling maabswelto ka… Pero kung talagang wala kang kinalaman sa kanila, umpisahan mo nang makiusap kay Sullivan kung gusto mong makalabas dito.” “S-sinong tinutukoy niyo? Sinong Sullivan?” I only have one in mind who owns that name pero bakit sa kanya ako makikiusap? “Tsk! Tsk! Hindi magugustuhan ng kaibigan ko kapag nalaman niya na hindi mo na pala siya kilala ngayon,” sambit ng pulis na si Justine na lalong ikinakunot ng noo ko. Bumaba ang tingin ko sa tapat ng dibdib nito at binasa ang apilyedo na nakasulat doon. His name is familiar as much as his face pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Or maybe, isa siya sa mga pulis na nakikita ko na rito dati pa noong nakatira pa ako sa bayan na ito. “By the way, hindi na ako magtataka kung pati ako ay nakalimutan mo na.” Dagdag niyo habang naiiling na nakatingin sa akin. “Remember the day you were almost hit by the car? Ako ang nagdala sa ‘yo sa hospital.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD