Chapter 3

1348 Words
Naiinis na inihinto ko ang kotse ko sa harap ng hotel kung saan ako mag-i-stay ng dalawang araw. Sakto naman na tumunog ang cell phone ko bago ko pa magawang tawagan si Clyde. Naiinis ako at pakiramdam ko ay umabot na sa bumbunan ko ang init ng ulo ko mula pa kanina pagdating ko sa site kung saan ang meeting place namin ng VIP client namin na diamante yata ang oras. “At least, you should know by now how rude your best friend is, right?” Bungad ko kay Clyde pagkasagot ko ng tawag niya which I regretted right away dahil hindi ko naman dapat dito ibunton ang nararamdaman kong inis sa kaibigan niya. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa lalaking ‘yon eh limang minuto lang naman ako na-late sa napag-usapang oras eh umalis agad at pina-reschedule ang meeting namin? Hello? Kasalanan ko ba na ora mismo sila mag-set ng appointment? Anong gusto niya, liparin ko ang Manila to Bataan? Mabuti nga at hindi traffic kanina kaya halos tatlong oras lang ang byahe ko. “Easy, Cal, ano bang nangyari? I heard, umalis raw agad—” “Yeah! Umalis agad ang super VIP bestfriend mo kahit na na-advise ko na ang secretary niya na it will only take five minutes before I arrive at the meeting place.” “Oh! I’m so sorry, Cal. Pagpasensyahan mo na lang ‘yon kasi strict talaga ‘yon sa oras.” Ngumiwi ako. Hindi naman siya ang dapat na humihingi ng pasensya kundi ang lalaking iyon na wala man lang konsiderasyon sa oras at effort ng iba. Alam niya naman siguro kung saan pa ako nanggaling. Huminga ako nang malalim saka ipinikit sandali ang mga mata saka pinilit pa-kalmahin ang sarili. “Ano pa nga ba?” mababa na ang boses na sagot ko. Anyway, baka nga naman may importante pa itong lakad at talagang nagmamadali. At least, hindi naman na-cancel ang meeting namin, ni-reschedule lang. So, technically ay hindi naman ako nag-aksaya ng oras at pagod. Mas ok na rin ‘yon para mapagpahinga ako para na rin hindi naman haggard kapag humarap sa kliyente. “I’m sorry for bursting out, I’m fine now… And he reschedule the meeting by the way, tomorrow morning if I’m not mistaken.” “Yeah! Are you sure you’re fine now?” tila hindi pa naniniwalang tanong nito. “How about take a vacation after you close the deal? One week leave with pay, how about that? Plus of course the bonus I told you awhile ago?” Napatigil ako sa pagkuha ng bag ko saka awtomatikong lumapad ang ngiti ko. “H’wag mo ‘kong binibiro ng ganyan, Clyde, I’ll take it seriously.” “I’m serious.. ever since.. ikaw lang naman ang nagsasabi na hindi ako seryoso sa ‘yo, ‘di ba?” I rolled my eyes saka natatawang umiling. “Hay naku, ayan ka na naman sa mga hirit mo.” Luminga ako upang maghanap ng parking space. Narinig ko ang malutong na tawa sa kabilang linya. “Hindi na talaga ako makahirit sa ‘yo… well, seryoso talaga. You can take a vacation after that.” “’Yong totoo? Gusto mo na yata ako sisantehin eh, kaka-bakasyon ko lang, pinagba-bakasyon mo na naman ako,” nakalabing sagot ko habang abala ang mga mata sa paligid. Muli itong tumawa sa kabilang linya. “Of course not, ikaw pa ba ang hahayaan kong mawala?” Napailing ako. My eyes continuously roam around to look for a parking space. “I’ll call you later, just need to park the car.” “Ok, take care. Hope you enjoy your stay there, Callie.” Ibinaba ko agad ang cell phone pagkatapos kong magpaalam kay Clyde. Mabagal kong pinatakbo ang kotse ko hanggang sa nakarating ako sa may dulo at doon ay himalang walang kahit isang sasakyan sa mahabang hanay ng parking area. I was about to turn the steering wheel towards the first vacant slot nang biglang may mabibilis na sports cars ang sunod-sunod na dumating at isa-isang pumarada sa harapan ko. Mabuti na lang at mabilis kong naapakan ang preno ko. Naniningkit ang mga matang sinundan ko ng tingin ang tatlong mamahaling sasakyan na mukhang sanay na sanay sa pangangarera. Pati ang paraan ng paglusot at pagtigil ng mga sasakyan ay saktong sakto sa bawat espasyo na nakalaan sa bawat sasakyan. Hindi pa man nakakalabas ang mga tao sa loob ng mga sasakyang iyon ay may ilang pang mamahaling sasakyan ang dumating at nagpuno sa lahat ng espasyo na kanina lang ay bakanteng-bakante. Napailing na lang ako habang tinitingnan ang mga sasakyan sa harapan ko na sigurado ako na hindi bababa sa two million ang halaga ng bawat isa. Siguro ay naka-reserve talaga ang parking space na iyon para sa mga mayayamang guests ng hotel. I looked back and was about to retreat to find another space nang halos sabay-sabay na lumabas ang mga lalaking sakay ng mga mamahaling kotse. Sapat na ang magagandang ilaw sa lugar na iyon para makita ko kung gaano ka-gwapo ang bawat isa sa kanila. The lights were more dazzling at the presence of those hot men in front of my car. Seems like God had shower handsome and gorgeous men tonight and I was fortunate enough to satiate my eyes. Napangiti na lang ako though I’m not fancy with super handsome men. Not that I’m being hypocrite here. Pakiramdam ko lang kasi ay sila ang mga tala na imposibleng abutin at kung maabot ko man, I only end up being a loser. Like what just happened before. Napanguso na lang ako and was about to pull over my car when my eyes caught a familiar figure on the the last person came out from a red Ferrari. Lumapit dito ang tatlong lalaki na naunang lumabas at nakipag-high five sa mga iyon. They were smiling from ear to ear at ang iba ay tumatawa pa. They seem to talk about something funny that was just had happened habang napapailing pa ito. I swallowed when I happened to take a glimpse of a man who came out from a red Ferrari when he slightly looked back at my side. Bigla akong kinabahan and my heart seems skipped a beat. There he is. I miscalculated the possibility of crossing our path now that he is back. Napatikhim ako at pilit pinakalma ang sarili. Fully tinted ang kotse ko kaya I’m sure na hindi niya ako nakita rito sa loob. I averted my gaze as I was trying to fool myself that my eyes were just deceiving me kahit pa ramdam ko ang pagwawala ng puso ko. Ilang beses akong lumunok at tumikhim saka pilit na ngumiti. No! This is real as the man fully turned his body and slightly sat in his car hood while staring at my car. The playful smile in his lips gradually vanished. I composed myself and tried not to be affected by his intense gaze which looked like a predator waiting for his prey. Sumunod na tumingin sa gawi ko ang dalawang lalaking tila nakapansin sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito na awtomatikong sinundan ang tinitingnan nito. Kinurap kurap ko ang mga mata ko to calm my nerves. I looked at my side and the back of my car then headed forwardly totally ignoring them. Hindi ko na maintindihan ang kabang naramdaman ko nang makitang tagusan ang mga mata niya sa tinted kong sasakyan. This is the second time I saw him after more than four years but the nervousness I felt inside was the same. Pero bakit? Why do I still feel this way after four long years? We broke up properly. No hard feelings. We both agreed to set each other free. He was okay then and saw how happy he was when we parted our ways. That scene alone proved that I made the right decision. Ipinilig ko ang ulo saka bahagyang tumawa. "You must be overthinking, Callie," mahinang bulong ko sa sarili. I exited the hotel and decided to roam around for a while.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD