bc

My Fake Husband is My Ex

book_age18+
335
FOLLOW
1.2K
READ
second chance
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Paano kung isang araw ay biglang sumulpot ang ex mo at hilinging magpanggap ka bilang asawa niya sa loob ng dalawang buwan? Papayag ka ba?

Siya si Caroline, Callie for short. Maganda, mabait at mapagmahal. Lihim na umiibig sa best friend niyang si Kenzo at nang sa wakas ay tinugon nito ang pagmamahal na matagal niyang itinago ay inakala niyang panghabang buhay na iyon.

Pero nagkamali siya.

Pero sino nga ba sa kanila ang nagkamali? Siya na unang sumuko o ang binata na mabilis na pumayag sa pagbitiw niya?

Kakayanin ba niyang i-reject ang kahilingan nito o kakayanin ba niyang isakripisyo ang damdamin niyang unti-unti nang naghihilom mula sa mapait nilang nakaraan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Kenzo
“Hay naku, Callie, hindi ko na alam kung sino pa ang irereto ko sa ‘yo. Halos lahat na yata ng ka-batch ko at kakilala namin ni Vance ay nai-blind date mo na pero wala ka pa rin talagang nagugustuhan man lang kahit isa sa kanila?” Natatawang nagkibit ako ng balikat saka umiling na lang kay Bianca nang makita ang mukha nitong tila sagad sa buto ang iniindang problema. Hinalo ko pang mabuti ang halo-halo na nasa harap ko at ganadong isinubo ang maliit na kutsara na puno ng laman. Katatapos lang namin kumain ng lunch dito sa paborito naming restaurant. “Ano ba kasi ang type mo? O baka naman babae na rin ang gusto mo?” Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Muntik na akong masamid sa sinabi niya kaya agad kong hinagilap ang baso ng tubig na nasa tabi ko. “Grabe ka naman,” reklamo ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa paratang niya sa akin. Porke ba't wala lang akong nagugustuhan sa mga nanliligaw sa akin eh babae na rin ang gusto ko? Pinahid ko ng tissue ang bibig ko saka pinagsalikop ang mga kamay ko at itinuon ang mga siko sa mesa saka nakangiting tinitigan si Bianca. “First of all, hindi naman kasi ako nagpapahanap sa ‘yo ng boyfriend, ‘di ba? Pangalawa, sa wala talaga ako magustuhan sa kanila eh ano ba ang magagawa ko? At pangatlo, bakit ba atat na atat kang mag-boyfriend agad ako eh bata pa naman ako, ‘no?” nakangiting litanya ko. Twenty four lang naman ako pero kung um-arte ito ay daig ko pa ang higit trenta sa pagmamadali nito na makahanap ako ng boyfriend. Nag-iba ang timpla ng mukha nito at seryosong tumingin sa akin. “You know na aalis na kami ni Vance next month, ‘di ba?” Tumango ako. They will be going to Italy next month and will stay there for good kasama ang anak nila. I can consider Bianca as also my best friend when she married Vance na bukod sa kaibigan ko ay itinuring ko na rin na parang tunay kong Kuya. Kinakapatid ko si Vance dahil Ninang ko ang Mommy niya na matagal ng nakatira sa Italy. Mula ng umalis ang mga ito ay inihabilin na ako rito and he protected me as his own sister. Ulila na kasi akong lubos. Kinupkop lang ako ng best friend ng Lola ko mula ng tumuntong ako ng highschool pero umalis din ako roon nang nasa huling taon ko na sa college. Pagkatapos noon ay namuhay na ako mag-isa hanggang ngayon pero palagi pa rin nakaalalay at naka-suporta silang mag-asawa sa ‘kin. “Gusto ko lang naman na makasiguro na may mag-aalaga sa ‘yo kapag nakaalis na kami. Kung pumapayag ka na kasi na sumama sa amin eh di sana hindi kami nag-aalala sa ‘yo ng ganito.” Lumabi ako saka tumabi sa kanya pagkatapos ay malambing na yumakap dito. “Bianca naman eh, pinapaiyak mo na agad ako. Alam mo naman na nami-miss ko na agad kayo kapag naaalala ko na aalis na kayo.” “Kaya nga sumama ka na lang sa ‘min,” pilit na pangingumbisi nito. Ilang ulit niya nang sinusubukang kumbinsihin ako kahit alam naman niya ang isasagot ko. “In time, susunod naman talaga ako, ‘di ba? Pero hindi pa ngayon, nag-eenjoy pa ako sa trabaho ko,” nakangiting sagot ko saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Bumalik ako sa upuan ko saka itinuloy ang pagkain. “At h’wag mo ng ipagpilitan ang pagbo-boyfriend ko dahil kusa naman iyong darating, ‘di ba? Parang kayo ni Vance, hindi niyo hinanap ang isa’t isa pero see, tadhana ang naglapit sa inyo.” Hindi na ito nakasagot at tumango na lang bilang pagsang-ayon sa sinabi ko dahil nabaling ang atensyon nito nang tumunog ang message tone sa cell phone. “Shocks, I forgot! May usapan nga pala kami ngayon ni Mama,” bulalas nito. “Paano ba ‘yan? Wala pa si Vance,” namumuroblemang dagdag pa nito saka tumingin sa stroller na nasa tabi nito. Himbing na himbing pa rin natutulog doon ang baby nito na anim na buwan pa lang. “Ako na bahala kay Elle, kung hindi mo siya pwede isama,” nakangiting alok ko. “Wala naman akong lakad ngayon kaya pwede akong mag-babysit.” “Wow! Thank you so much, Callie.” Umaliwalas ang mukha nito saka mabilis na tumayo at kinuha ang bag. “Malalagot ako nito kay Papa pag nagkataon… Patapos naman na ang meeting ni Vance kaya maya-maya ay nandito na siya.” “No worries,” nakangiting sagot ko. “Drive safely, huh? H’wag kang masyadong magmadali.” “I will,” sagot nito pagkatapos ay hinalikan ang natutulog na anak saka tuluyang lumabas. Tumayo ako at lumapit sa stroller ni baby Elle kasabay naman ng paggalaw nito at tuluyang pagmulat ng mga mata nito. There she is. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita ang bilugan niyang mga mata na agad kumurba nang bigla itong tumawa nang makita ako. I giggled and touched her chubby cheeks pagkatapos ay kinuha ko ito mula sa stroller. Tuwang tuwa naman itong nagkakakawag at nakakangangang idinikit sa pisngi ko ang bibig niya. “Ikaw talaga, baby. Wala naman tayo sa bahay para paliguan mo na naman ako ng laway mo,” nanggigigil na kausap ko rito pagkatapos ay diniinan ko ang halik sa mataba nitong pisngi na lalong ikinatuwa nito. Nahihirapang inabot ko ang cell phone ko nang tumunog iyon habang hawak ng isang kamay ko si baby Elle. Mabuti na lang at kahit papaano ay marunong na akong humawak ng baby dahil palagi akong nasa bahay nila tuwing rest day ko. Sinagot ko ang tawag ni Vance na on the way na raw dito sa restaurant kung saan sana kami sabay-sabay na magla-lunch pero dahil nga may emergency meeting ito ay kami na lang ni Bianca ang nagtuloy. “On the way na raw ang Daddy, mo, baby!” nakangiting baling ko ulit kay Elle na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin habang pilit na inaagaw ang cell phone mula sa kamay ko. “No, baby, isusubo mo lang ito,” kausap ko rito saka nagpasyang tumayo para salubungin na lang si Vance sa labas. Ibibili ko na lang muna siya ng toys habang wala pa ang Daddy nito. Hindi ko naman kasi naitanong kung saang lugar na ito, baka malayo pa eh mabilis pa naman mabagot ang baby na ‘to sa isang lugar at hindi ko alam ang gagawin kapag umiyak ito. “Let’s go, baby. Sa labas na lang natin hintayin ang Daddy mo,” patuloy na kausap ko rito habang tumatayo at akmang muling itong ibabalik sa stroller nang may bumangga sa likod ko. “Urgh!” gulat na daing ko. “Ooops, I’m sorry,” narinig kong sambit ng isang baritonong boses na mabilis na humawak sa beywang ko para pigilan ang pagsubsob ko. “I’m sorry, Miss hindi ko sinasadya…” Patagilid akong umayos ng tayo at hindi ko siya pinansin. Agad kong tiningnan si baby Elle na gulat na nakatingin sa akin habang nakahikbi ang mukha na hindi naman umiiyak. Nagulat lang siguro pero inamo ko pa rin. “I’m sorry, baby, nagulat ka ba?” malambing na tanong ko habang papaharap sa lalaking bumundol sa likuran ko. “Hindi sinasadya ni Mommy—” “Callie?” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong napatingin sa kaharap ko. Napalunok ako at sandaling naumid ang dila ko nang makilala ito. Maybe exage, pero eto at parang tumigil na naman sandali ang paggalaw ng paligid ko. “Kenzo?” Hindi ko alam kung narinig niya ang pagtawag ko sa pangalan niya dahil ako mismo ay tila kinapos ng hangin ng sambitin iyon. Pakiramdam ko ay nagkabuhol-buhol ang laman ng tiyan ko sa sandaling pagtatama ng mga paningin namin. Alanganing ngumiti ako pero agad din napawi nang sundan ang tinitingnan nito. Napayuko ako at tiningnan si baby na maingay na dumadaldal na kahit sino ay hindi maiintindihan. Muli akong lumunok dahil pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko saka pilit na nginitian ito. Wala akong ibang naisip ng mga sandaling iyon kundi ang umalis sa harapan niya. “H.. hi! I..kaw pala… Uhm, sige mauna—” “Callie!” Napalingon ako nang marinig ang boses ni Vance. Mabilis itong lumapit sa tabi ko pagkatapos ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang hapitin niya ang beywang ko. Nagulat man ay parang nakukuha ko na ang ibig sabihin ni Vance sa inakto nito. Just looking at his darkened eyes, parang naulit lang ang nangyari noon. Nangingiting tiningnan ko ito na matamang nakatingin kay Kenzo habang ito naman ay madilim ang mukhang sinalubong ang masamang tingin ni Vance. Kung nakakamatay siguro ang masamang tingin, malamang ay pareho na silang nakahandusay ngayon. Nakamaang na palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. What’s that for? Naguguluhang tanong ko sa sarili. “Let’s go, Callie!” Kinuha nito mula sa akin si baby Elle saka makahulugang tiningnan ako. Napakurap-kurap ako ng mata saka tumango. Sinulyapan ko si Kenzo na noo'y mas lalong dumilim ang mukha nang kinuha ni Vance ang kamay ko at mahigpit na hinawakan ako sa pala-pulsuhan saka hinatak palabas. Gusto ko pa sana siyang lingunin pero pinigilan kong mabuti ang sarili ko. Dahil ayokong ipagkanulo ako ng sarili kong mga mata sa oras na lingunin ko siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.5K
bc

His Obsession

read
92.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook