Chapter 2

1581 Words
Sumisinghot na pinahid ko ang luha ko nang tuluyang tumalikod sina Bianca at Vance. Nakatanaw pa sa akin si baby Elle na tila nakikisimpatya sa lungkot ko habang buhat-buhat ito ni Vance habang papasok na sila sa departure area. Nakalabi ito at namimilog ang mga matang nakalahad ang isang kamay na tila gusto akong abutin na muling ikinatulo ng mga luha ko. Muli akong kumaway sa mga ito nang muling lumingon si Bianca na nagpapahid din ng luha. Kinabig naman ito ni Vance na lumingon din sa akin saka malungkot na tumango. Nakangiting tumango-tango ako at nag-thumbs up para ipakita sa kanila na ok ako. Pagkatapos noon ay tumalikod na rin ako nang tuluyan na silang nawala sa paningin ko saka lumabas ng airport. Huminga ako nang malalim saka pilit na pinasaya ang sarili. ‘Hindi naman sila nawala, bakit ba ‘ko umiiyak? For sure, lagi rin naman kaming magkakausap through video call,' saad ko sa sarili. Nakakalungkot lang dahil mami-miss ko sila. Siguradong maninibago ako dahil wala na akong mapupuntahan tuwing wala akong pasok sa trabaho. Wala na akong lalaruin na baby. Wala na akong sermon na maririnig mula kay Vance tuwing hindi siya sang-ayon sa mga ginagawa ko. Malayo na sila sa akin. Malayo na ang mga kaibigan ko na tanging pamilya ko. Tuluyan na ‘kong ulila. Pumikit ako nang mariin saka pilit ang ngiting ini-adjust ang katawan para sipatin ang mukha sa salamin. Medyo namumula pa ang mata ko dahil sa pag-iyak. Kinuha ko ang face powder sa bag ko saka nag-retouch. Masaya ako para kay Ninang dahil sa wakas ay makakasama na niya si Vance kaya hindi ako dapat malungkot. Sanay naman na akong mag-isa at alam ko naman na maninirahan talaga roon ang pamilya ni Vance. Pinaghandaan ko na nga ito pero heto talaga siguro ako… iyakin kahit ilang beses ko nang naranasan ang maiwan mula pa nang bata ako. I cheer up. Pwede naman ako sumunod sa kanila anytime dahil matagal na rin ako pinipilit ni Ninang na doon na rin tumira. Ako lang ang tumatanggi dahil ayoko rin naman na isipin nila na masyado akong dependent sa kanila. Isa pa ay may gusto rin muna akong patunayan sa sarili ko. Sa career, sa buhay? Ewan ko. Siguro ay hindi ko lang talaga nakikita ang sarili ko sa ngayon na tatanda sa ibang bansa tulad ng plano nila. Pinaandar ko ang kotse at nagpasyang dumiretso sa office. Halos isang linggo na akong naka-leave dahil sinulit namin ang bonding. One week staycation sa Baguio at doon na rin kami nag-celebrate ng birthday ko kahapon. Pagdating sa office ay nagulat ako nang biglang pumutok ang ilang party popper at nagsabugan sa mukha at ulo ko ang mga confetti. May napadikit pa sa bibig ko dahil bahagya akong napatingala habang nakangaga. “Happy birthday, Callie!” sabay-sabay na sigaw ng mga officemate ko na lahat ay nakatayo at tila sadyang nakaabang sa pagdating ko. Nakangiting napakunot ang noo ko nang lumapit sa akin ang kumekendeng kendeng pang si Evan habang hawak nito ang isang round cake na may nakasinding kandila sa ibabaw. Si Nelson naman na isa rin sa mga kasamahan ko rito ay iniabot sa akin ang isang bouquet ng puting tulips at ilang paper bags. “Make a wish muna, gurl,” masayang utos nito ni Evan. Nakangiting tumungo ako saka sandaling pumikit pagkatapos ay hinipan ang kandila at saka nagpasalamat sa kanila. “Ay, I’m so touched. Thank you sa inyo ha? Nakakahiya naman nag-abala pa kayo,” sambit ko habang tinitingnan ang mga pagkain sa ibabaw ng table na pinagtabi-tabi nila kaya humaba iyon. “Ang dami nito ah! Para sa birthday ko ba talaga lahat ng ‘to?” tanong ko habang isa-isa silang tiningnan habang hindi nawawala ang ngiti ko. Feeling super special ko tuloy ngayon. “Uh-huh!” maarteng sagot ni Evan saka tinusok ng tinidor ang isang piraso ng shanghai. “This is all for your birthday but you don’t have to thank us dahil wala naman kaming ambag sa lahat ng ito.” Napakunot-noo ako habang natatawa sa kaartehan ng baklang ito. “So, kanino galing ito?” balewalang tanong ko pero siguro ay hindi ko na kailangan pang magtanong. Kinapa ko ang cell phone ko nang mag-ring ito. Ngumiti ako saka tumingin kay Evan na bahagyang nakasilip sa cellphone ko pagkatapos ay kinikilig na binunggo ako sa braso. “Go, gurl, kanina pa ‘yan tawag ng tawag just to check if you’re here na,” utos nito na halos gusto na yatang agawin ang cellphone ko. “Bilis na, bago ko pa agawin sa ‘yo si Fafa Clyde.” Naiiling na nag-excuse ako sa kanila saka tinungo ang sarili kong opisina. Ilang buwan pa lang nang ma-promote ako sa mid level management ng isa sa mga namamayagpag na real estate company sa bansa as legal assistant after almost three years ko rito at alam kong marami ang nagtataas ng kilay sa promotion kong ito. But I don’t care. Lahat sila ay nakangiti pero alam ko naman na ako ang madalas nilang topic. Kaya nakikipag-plastic-an na lang ako sa kanila. Trabaho naman ang kailangan ko rito at hindi ko kailangang i-please sila. “Happy birthday, Cal! Pasensya ka na hindi pa rin ako makakauwi…” “It’s ok, Clyde. Bakit ka ba nagso-sorry?” natatawang tanong ko. Para naman kasing boyfriend ko siya kung maka-guilt feeling eh kung tutuusin ay ako nga ang dapat mahiya dahil siya ang Boss ko at siya lang din naman ang anak ng may-ari ng kumpanyang ito. Well, dati na siyang nanligaw sa akin pero hindi ko siya sinagot. Masyado pa akong focus noon sa trabaho at masyado pa rin fresh sa akin ang break-up namin ng ex ko. Isa pa ay ayokong pagtsismis-an kami sa trabaho na kahit pala hindi maging kami ni Clyde ay mangyayari pa rin. They thought that I used Clyde and my charm to get a lot of clients kaya mabilis akong na-promote. “Ang dami mo pa nga ipinahanda, gumastos ka na naman. But anyway, thanks. May utang na naman ako sa ‘yo,” birong sambit ko. “Not this time, honey,” nakangiting biro nito. “Oh!” sambit ko na sandaling sinulyapan ito. Kinuha ko ang handle ng cell phone ko at ipinatong iyon sa table pagkatapos ay umupo sa swivel chair ko saka prenteng humarap ulit siya. “What do you mean? Don’t tell me, kukunin mo na ‘kong abay sa kasal mo,” biro ko. Sanay naman kami magbiruan at madalas nga ay asaran pa. Kumportable ako sa kanya simula pa noong una kaming magkita. Mabait naman kasi ito at hindi suplado kahit pa narito na rin yata lahat ng katangian ng isang lalaki na gugustuhin ng isang babae. “Abay? Ewww!” maasim ang mukhang sagot nito. “Pwede bang bride na lang?” Tumawa ako saka inilapit ang mukha sa screen ng cellphone ko saka nakangising pinandilatan ito. “No.” “Ang sama mo talaga!” kunwari’y nagtatampong sambit nito. “E ano ba kasi ang kapalit no’n pa-birthday effect mo?” Muli akong sumandal sa swivel chair habang binabasa ang planner ko. “Umuwi kasi diyan ‘yong bestfriend ko and he wants to buy a property. I want you to accommodate him and give him the most excellent villa na meron tayo. Sa ‘yo ko lang pwede ipagkatiwala ‘yon since expert ka na sa pag-handle ng VIP clients though I know na hindi na scope ng trabaho mo ‘yon. But I’ll give a big bucks after you close the deal as a bonus.” Napakunot ako ng noo saka pinagsalikop ang mga kamay ko. “’Yon lang ba? No prob,” nakangiting sagot ko. “Just give me his contact details and I’ll get an appointment. And give me some details on what he prefers for the unit. Binata ba siya, may asawa, ilan ang anak?” “Actually, hindi ko pa naitatanong kung sino ang ititira niya roon pero siguro it’s for his family. May sarili naman siyang penthouse diyan. So, maybe a unit for a family of three. Fyi, medyo maselan lang ang isang 'yon kaya give him the best of our villa, ok?” “Ok, got it. I already have in mind.” We chatted for a while and I ended the call. Binuksan ko ang laptop ko to check my emails. Siguradong tambak na ang trabaho ko kaya sisimulan ko na. Tutok ang mga mata ko sa harap ng monitor nang narinig ko ang katok sa bukana ng office ko. I always keep my door open co’z I don’t want to be secluded. Siguro ay dala pa ito ng trauma ko when I saw my parents when they died. “Excuse me, Ma’am Callie,” nakangiting sambit ni Sherly na secretary ng department head namin. “Ipinasasabi po ni Boss na ngayon ang meeting niyo with the VIP client. Naitawag na raw po iyon sa inyo ni Sir Clyde.” “What? As in today? Anong oras daw? Kaka-inform lang sa ‘kin ni Clyde about that,” kunot ang noong tanong ko. Tumingin ito sa notes na dala nito saka nakangiwing tumingin sa akin. “Actually, it’s five in the afternoon pa naman po pero ang meeting place po ay sa Bataan.” Lalong kumunot ang noo ko pagkatapos kong silipin ang relo ko. “It’s almost two o’clock in the afternoon… Seryoso kayo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD