Maaga pa lang, nagising na si Farhistt sa tuktugaok ng manok sa labas. Nag-push up muna siya at nag-sit ups bago tuluyang bumangon. Niligpit niya rin ang kinahihigaan at inayos ang pagkaka-file ng mga 'to sa isang tabi. Una niyang nabungaran ang dalagang nagngangalang Odessa sa kusina at nagluluto ng umagahan.
Nung makita siya ng dalaga, biglang naging asiwa ito at hindi agad mapakali sa ginagawa kaya nagpasya siyang lumabas at tumambay sa bakuran. Lalanghap lang siya ng hanging probinsya. Mamaya lang ay magsisimula siya sa assignment niya na walang magsususpitsya sa kaniyang galaw at kilos bilang bagong salta sa lugar na ito.
“B-baka gusto mo ng kape...”
Napalingon siya sa babae, may dala itong isang tasang may black coffee at nahihiyang inabot sa kaniya. Walang kangiti-ngiting tinanggap niya iyon at tinikman.
“Thanks.” Masarap ang kape at purong puro iyon, walang halong kemikal.
Bumalik agad ang dalaga sa loob habang siya ay marahang ininom ang kape. Masarap mamuhay sa probinsya, kung siya ang papipiliin pero sa trabahomg meron siya ngayon... malabo. Tatlong taon din siya sa army at hindi madali sa battle field. Minsan na rin silang pinadala sa Marawi at Julo ng kaibigan si Cuhen nung nasa destino pa sila. Ilang beses din muntikan kunin ni Satanas ang kanilang buhay pero mismong kamatayan, takot makisali sa buhay nila.
Tiningnan niya ang suot na relo, saka lang niya naisip na pwede niyang kausapin dito si Maccabi. Bumalik siya sa kaniyang silid sa itaas para makausap ito. Gano'n nga ang kaniyang ginawa, binuksan niya ang kaniyang watch hologram. Lumabas ang mga contacts ng Alpha X members at una niyang tinawagan ang lalaki.
“Yx!” bungad nito sa kabilang linya. Nakangiti ito at halatang wala itong tulog dahil na rin sa hitsura nitong nagmukhang zombie.
“What happened to you?"”
Tumawa lang ito sa kabilang linya at napakamot. “That spoiled brat run away from me again last night,” nababagot na sagot nito. "You shouldn't give me that lousy assignment, Yx. It's unfair to me!”
Tumaas lang ang sulok ng kaniyang labi at umiling, “Find this man.” sinend niya sa lalaki ang background file ni Don Hernandez. Ito lang ang pwede niyang pagkatiwalaan, maliban sa hindi mabigat ang assignment na nakapasan sa balikat nito.
“My new assignment?” nabuhayan ito ng dugo at tuluyang nagising.
Umiling siya at nagpaalam. Ngayon araw ay magsisimula siya. Masyado siyang conscious sa oras para walang gawin ngayon. Tinungo niya ang kusina at binalik ang tasang kape. Napansin niyang wala ang babae ro'n pero may nakasalang na lutong kanin at kaldero sa kalan de kahoy. Nagpasya siyang lumabas ng bahay at nakita niya si Odessa na nagbibiyak ng kahoy gamit ang palakol.
Sandali siyang napahinto at napatitig sa dalaga, mukhang sanay na sanay ito sa hirap. Nagpasya siyang tulungan ito dahil tingin niya'y aabutin pa ito ng susunod na taon sa laking kahoy na binibiyak nito.
“Ako na.”
Nagulat naman ito sa kaniyang presinsya at mabilis na kumalat sa makinis nitong psingi ang pamumula. Nagsimula itong maging asiwa at hindi kayang tumingin sa kaniyang mga mata. “K-kaya ko naman...”
“No you don't. Ako na para mabilis matapos.” Hindi na naghintay si Farhistt sa isasagot nito. Walang sabing humakbang siya papalapit sa dalaga at naghubad ng damit pang-itaas.
Kitang-kita niya ang pagkagulat nito sa kaniyang ginawa at deritsong bumaba ang tingin nito sa kaniyang 6 packs abs. Napakagat labi ito at mabilis na tinakpan ang mga mata. Naiiling na lang siya sa kainosentehan ng babae.
Sinimulan niyang biyakin lahat ng mga kahoy na nando'n na walang kahirap-hirap. It feels good. Nauunat ang mga muscles niya at ang preskong hangin sa umagang iyon ay nagpadagdag ng kakaibang sigla kay Farhistt. Matapos niyang nabiyak lahat ng kahoy, tinulungan na rin niya ang dalagang mag-arranged ng mga basang kahoy para matuyo, at 'yong tuyo ay dinala niya sa kusina.
“Saan ba ang batis dito?” seryuso niyang tanong kahit alam niya kung saan ang deriksyon. Kailangan niyang maligo bago siya pupunta ng bayan at kumuha ng mga impormasyon.
“S-sa unahan mga limang daan metro ang layo. Lumiko ka pag nakita mo ang isang malaking talisay ng puno.” Hindi pa rin ito makatingin sa kaniya. Siguro dahil hindi niya suot ang kaniyang pang-itaas na damit.
Mula sa sala, pumasok naman si Mang Bartolome at nagsuhestyon na samahan siya ni Odessa mamaya papuntang batis at baka mawala siya. Gusto niyang matawa dahil kahit minsan hindi siya nawawala. Marami siyang paraan kung kaniyang gugustuhin pero dahil ordinaryong mamayan siya sa baryong ito, kailangan niyang mamuhay bilang isa sa mga taong nando'n na hindi mapapansin kung anong klaseng tao siya.
Tahimik silang naglalakad ng dalaga papuntang batis pagkatapos ng almusal. Dahil hindi naman siya sanay kumain ng almusal, tumambay lang siya sa labas at nagmamasid nung magpasya ang babae na umalis na sila.
“Anong sadya mo sa lugar na ito?”
Hindi siya umimik sa katanungan ni Odessa sa kaniya. Alam niyang magtatanong ito kung bakit siya napadpad dito at normal iyon. “Ilang taon ka na?”
Ito naman ang hindi nakaimik sa kaniyang tanong, nag-atubli pa ito at kahit hindi nito sabihin alam niyang namumula na naman ang pisngi ng dalaga.
“Pwede mo akong tawagin kuya—”
“24 na ako!”
Tumango siya. Hindi halata sa edad nito dahil kung pagmamasdan ang kabuuan ng babae, para itong kakatungtung lang ng bente anyos. Nahahantulad niya ito sa sa isang babasaging bagay; madaling mabasag. Inosenteng-inosente ito at mahinhin gumalaw. Ibang-iba sa mga babaeng nakikita at nakakasalamuha niya araw-araw sa Maynila.
Bumungad sa kanila ang magandang batis at makikitang malinis na malinis ito. Maraming punong-kahoy sa paligid at mahihirapan pumasok ang sinag ng araw sa parteng kinatatayuan nila. Nagsimula siyang maghubad ng damit pang-itaas at nagtira ng boxer. Agad nag-iwas ng tingin ang dalaga sa kaniya at nagtungo sa unahang bahagi.
“Mag-iingat ka, medyo may kadulasan ang mga bato rito.”
Hindi siya sumagot. Nagsimula siyang sumuong sa tubig at napapikit sa lamig. Tamang-tama, makakapag-isip siya habang magbabad sandali sa malalim na bahagi. Wala na siyang marinig na ingay sa dalaga kaya pinikit niya ang mata habang nakasandal ang kaniyang likod sa may kalakihang bato at malayang dumadaloy ang tubig dito.
“Ayy!”
Napabangon siya at mabilis pa sa alas-kwatrong napatakbo sa kinaroroonan ni Odessa. “Are you okay?” natigilan siya. Basa ang buong katawan nito at sa hitsura ng dalaga, nadulas ito at bumagsak sa tubig.
“Oo! O-okay lang ako, bumalik ka na ro'n.”
Napatango siya at hindi na muling nagtanong pa kung kailangan ba nito ng tulong dahil mukhang nahihirapan itong tumayo. Nag-decide siyang ipagpatuloy ang pagbabad para makapagpunta agad siya ng bayan. The sooner, the better.