Napilitan si Farhistt na magpasama kay Odessa sa bayan ayon na rin sa pangungulit ni Mang Bartolome. Isang kupasing tshirt at pantalong maong ang kaniyang suot para hindi siya halata nung umalis sila. Nakasuot din siya ng kupasing sumbrero at nakatsinelas na parang isang ordinaryong mamayan. Ang gusto niya sana, siya ang umalis mag-isa para hindi siya mahirapan pero wala siyang choice.
“F-frahisto,” untag sa kaniya ni Odessa.
Nakasakay sila ngayon ng motorsiklo papuntang bayan at magkatabi sa upuan. Nararamdaman niyang naiilang ang dalaga sa kaniyang tabi pero hindi niya pinansin iyon, siguro hindi lang sanay ito sa kaniyang presinsya.
“Yes?”
“Bisaya language ang gamit ng mga tao rito baka——”
“It's okay, nakakaintindi ako ng lenggwaheng 'yan.”
Tumango ito at hindi na muling nagsalita pa hanggang sa dumating sila sa bayan. Tulad ng kaniyang inaasahan, maraming napatingin sa kanila. Titig na titig ang ilan sa mga kababaihan, kahit may mga anak na sa kaniya. Mabilis niyang nilibot ang tingin at lihim na pinag-aralan bawat galaw ng mga tao. Normal lang para sa kaniya.
Sa wet market sila unang nagpunta. Masasabi niyang palakaibigan si Odessa dahil kilala ito ng lahat. May ibang nagtanong kung anong relasyon niya sa dalaga at namumula lang ito sa tuwing may nagsasabi na bagay sila. Lihim lang napailing si Farhistt sa isipin iyon, hindi ang tulad ni Odessa ang kaniyang tipo pagdating sa babae. Wala rin siyang hilig sa ganiyan simula nung mawala ang kaniyang pamilya. Mas naka-focus ang kaniyang atensyon sa mga bagay-bagay na nagbibigay ng kakaibang sigla sa kaniya.
“Kagwapo ba nimo dong, oi. Kiligun man sab ta bisag guwang nako!” Ang gwapo mo naman hijo. Kikiligin ako kahit matanda na!
Lihim siyang natawa sa sinabi ng matandang nagbebenta ng mga gulay at bigas. Binigyan pa sila nito ng libreng sangkap at mga gulay. Maluwang na tinanggap naman ito ni Odessa habang siya ay nanatiling nagmamasid pa rin sa paligid.
“Frahisto?”
Napatingin siya kay Odessa. Nakatingin ito sa kaniya pero namumula ang pisngi, “Wala ka bang bibilhin?”
Kung sasabihin niyang wala, baka magtaka lang ito. Namili siya ng groceries para sa dalawang linggo niyang pananatili. Nagulat ang dalaga sa daming binili niya lalo na nung bumili siya ng maliit ng TV para kay Mang Bartolome para hindi ito mabagot sa bahay.
“B-baka wala ka ng pera...”
Ngumiti lang siya at hindi na sumagot nung bumaba na sila sa motorsiklo pauwi. Walang kahirap-hirap na pinasan niya ang isang sakong bigas at karton na punong-puno ng groceries sa isang kamay at sa kabilang kamay, ang maliit na TV. Nagpresinta ang dalaga na tulungan siya pero hindi niya pinansin. Nagulat pa si Mang Bartolome nang makitang silang maraming pinamili.
Deritso siyang umakyat sa itaas papunta sa kaniyang silid at tinawagan si Maccabi thru watch hologram. Itatanong niya rito kung nagawa ba ng lalaki ang kaniyang pinagawa na kunin si Don. Hernandez.
“Yes, nakuha ko na.”
“Good. Dalhin mo siya sa mansion ng Fortocarrero at ikulong sa guest room.” Pinatay niya agad ang tawag at napabaling ang kaniyang atensyon sa laptop na dala.
Kinuha niya ito at binuksan ang secret website ng Dark Alpha X. Napatango siya habang binabasa bawat report ng mga kasama niya sa site. Walang naging problema bawat assignment ng kaniyang mga kasamahan kaya sa dalawang linggo niyang pananatili sa bayan ng Bayog, hindi muna siya bibisita sa kanilang grupo.
Bumaba siya at nagtungo sa kusina, nakita niyang busy sa paghahanda ng tanghalian nila ang dalaga. Lumapit siya rito at nag-alok ng tulong. Agad itong naging balisa at hindi makatingin sa mga mata niya.
“Huwag na, kaya ko naman.”
Hindi siya nagpumilit kaya nagpasya siyang lumabas ng bahay at sandaling nagpahangin sa ilalim ng punong kahoy sa unahan. Napakunot lang siya ng noo sa tatlong kalalakihan na dumaan at papuntang batis. Ang instinct niyang sundan ito ay nauwi sa ere nang marinig niya ang malakas na tili ng dalaga sa loob ng bahay. Dali-dali siyang pumasok sa loob at nakita niyang takot na takot ito sa ahas na nasa bubong ng kusina nakapulupot.
Humakbang siya papalapit dito at walang takot na hinila ang ulo ng ahas at pinatay ito gamit ng kaniyang kamay. Napasigaw ang dalaga sa takot na baka matuklaw siya. Natawa na lang siya, hindi siya natatakot sa ahas. Tao ang dapat katakutan dahil mas mas delikedado ang tao kesa hayop o kahit anong makamandag na insekto.
“Hey, Odessa? Okay ka lang?” nag-alala naman siya sa dalaga na hindi makagalaw sa tabi. Kinailangan pa niya itong lapitan at yugyugin.
“O-okay lang a-ako!” namumutlang saad nito at nanginginig ang kamay. Bumalik ulit ito sa pagluluto pero hinawakan niya ang braso ng babae at pinigilan ito. “Ako na ang magluluto, magpahinga ka na lang. Nanginginig ka.”
“May nangyaring masama ba rito?” Nagmadaling pumasok si Mang Bartolome na alalang-alala.
“Wala ho, 'Tang.” Dumistansya sa kaniya ang babae at nagbigay ng espasyo sa kanilang dalawa.
Napahinga ng maluwang ang natanda at nagpaalam. Bumalik ito sa sala kung saan masaya itong nanonood ng palabas sa TV.
Hindi naman pumalag si Odessa sa kaniyang sinabi. Tumango ito at umupo sa kawayang upuan habang pinapakalma ang sarili. Nanatili lang itong nakatingin sa kaniya habang siya na ang naghanda ng lulutuing ulam.
Dahil sanay na si Farhistt sa ganito nung nasa Army pa siya, hindi na siya nahirapan gumalaw na parang sanay na sanay siya sa ganitong pamumuhay. Nakatingin lang sa kaniya ang dalaga at hindi nagsalita habang busy siya sa pagluluto. Ramdam niya ang matiim nitong titig sa kaniya at nang tingnan niya ang dalaga, agad namula ang magkabilang pisngi nito.
“Saan kayo nag-iigib ng pang-inum tubig dito?”
“S-sa kabilang kapitbahay pa sa unahan.”
Tumango siya. Napapansin niyang wala ng mga laman ang mga gallon kaya mamaya, mag-iigib siya para hindi na ito mahirapan sakali.
“M-may asawa ka na?”
Napatingin siya sa pabiglang tanong ni Odessa na ngayon ay nakatingin sa kaniyang kamay, especially sa kaniyang suot na singsing. Agad naman itong nagtakip ng bibig nang maalalang masyadong personal ang naging tanong nito sa kaniya.
“Yes,” walang gatol na sagot niya. Wedding ring nila ito ng asawa niyang matagal ng nasa langit ngayon. Walang nakakapagpalit nito sa puso niya kaya lagi niya itong suot.
Hindi na rin siya bago ro'n na maraming nadidismaya sa tuwing nalalaman may asawa na siya. May ibang sumubok na landiin at tuksuhin siya sa kama pero wala... walang epekto sa kaniya. Matagal ng patay ang kaniyang puso at ang tanging gusto lang niya, mag-focus sa organisasyon na kaniyang binuo.