May binigay na tao sa kaniya si Maccabi na pwedeng tumulong sa kaniya pagdating sa nasabing probinsya ng Zamboanga. Ang eksaktong address na pupuntahan niya ay baryong Bayog. Isang may katandaang lalaki ang sumundo sa kaniya sa terminal at nagpakilalang kaibigan ng ama ni Maccabi ito. Ito na rin mismo ang magiging guide niya papuntang baryo ng Bayog.
“Ilang araw o linggo kayo mananatili sa baryong iyon, Sir?”
“Depende pero pinakamataas na ho'yang 2 weeks,” ganting sagot niya sa lalaking nagngangalang Domenggo.
Mabilis itong tumango. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin mo sa lugar na 'yon, Sir basta mag-iingat ka lang.”
Tumango siya at tiningnan ang dinaanan nila. Sakay sila sa isang bus papuntang Baryo ng Buug saka sila tuluyan sasakay ng isang habal-habal para makapasok ng tuluyan sa nasabing lokasyon.
“Nasabi na rin sa'kin ni Maccabi, Sir, na ako na bahala sa inyo sa lugar na pupuntahan natin. May kapatid akong nakatira sa lugar ng baryong pupuntahan natin. Bukas ang tahanan nila para ro'n kayo tumuloy at magpanggap na pamangkin na galing Manila. Mainit kasi ang mga mata ng mga tao sa mga bagong salta.”
Napangiti siya. Ito ang nagugustuhan niya kay Maccabi, advanced lagi ito. “Salamat.”
Bibigyan niya ito ng kaukulang bayad. Hindi madaling bumuhay at magtago ng isang kagaya niya dahil pwede rin itong ikapahamak ng mga ito pag nalaman ng kaniyang mga kalaban. Pero sinisigurado niyang malinis siya gumawa at hindi pa siya nagkakamali kahit kailan.
Tulad nga nang sabi ni Mang Domenggo, nagpanggap siyang pamangkin ng kapatid nitong tatawagin niyang Mang Bartolome simula ngayon. Masayang tinanggap siya nito na parang tunay na kamag-anak. May katandaang na rin ang lalaki at paika-ika na itong naglalakad. Wala na itong asawa at may mga anak na babae pero nagsialisan at nagkaro'n nang sariling pamilya.
Hindi masyadong kalakihan ang bahay pero para kay Farhistt, tama na iyon. Hindi siya maarte, ma-organisado lang siyang tao pero hindi siya namimili ng lugar na mahihigaan at makain pagdating sa mga ganitong bagay.
Sa ikalawang palapag siya ng bahay matutulog, habang ang matandang lalaki naman ay sa ibaba kung saan ando'n ang silid nito.
“Mayamaya lang ay darating ang pamangkin ko rito——” tumingin ito sa kaniya at hinintay na kaniyang dugtungan. Mukhang nakalimutan nito ang kaniyang pangalan dahil kakasabi pa lang ito ni Domenggo kanina bago umalis.
“Frahisto,” dahil sa uri ng kanilang trabaho, hindi nila pwedeng sabihin ang kanilang totoong pangalan.
Natawa ang matanda at napakamot-kamot sa ulo. “Tama, akalain mo bang nakalimutan ko agad pangalan mo. Matanda na kasi ako at makakalimutin na rin.”
Tumango lang siya sa sinabi nito habang nakaupo sa silyang kahoy na gawa sa kawayan. Lihim niyang pinagmasdan ang buong kabahayan at nakikita niyang kulang sa kagamitan ang matanda. Meron lang itong radyo at maliit na compartment. Wala rin kagamit-gamit maliban sa maliit nitong electric fan na may kalumaan na rin at tatlong ilaw na nagkokonekta sa sala, sa kwarto sa itaas at sa kusina.
Maraming puno sa palibot ng bahay at mga halaman kaya malamig sa loob ng bahay nang gabing iyon. Medyo nakaramdam na siya ng antok dahil na rin sa subrang haba ng kanilang binyahe at sa subrang galaw ng sinasakyang habal-habal.
“Ang tagal naman ng pamangkin kong 'yon,” bakas sa boses ng matanda ang pag-aalala.
Inisip niyang bata ang hinihintay nito kaya tahimik lang siya habang nagsasalita ang lalaki.
“Naku talagang batang iyon, oo! Saan na kaya 'yon? Masyadong nawili na naman sa paglalaba sa batis kasama ang mga bagong kaibigan.”
“Saang batis ba ito Mang Bartolome at ako na ang magsusundo,” hindi niya mapigilang sabihin iyon. Nakikita niyang sobrang pag-aalala na ito at hindi mapakali sa inuupuan.
“Huwag na hijo, hindi mo pa alam ang pasikot-sikot sa baryong ito at baka——”
“Tatang andito na ako!”
Mula sa pintuan, napatingin si Farhistt sa bagong dating. Napakunot ang kaniyang noo nang mapagtantong hindi pala ito bata, isa itong babae na tingin niya'y nasa early 20's. Deritso itong lumapit sa matanda matapos maibaba ang batyang nasa ulo at nagmano sa lalaki.
Pasensya na kayo Tang, ang kulit kasi ni Tina. Hindi namin napansin na ginabi na pala kami. Kumain na ba kayo? Magluluto pa pala ako——” natigilan ang babae nang mapatingin ito sa kaniyang deriksyon. Bahagya itong nagulat at hindi makahuma.
Napansin din niyang basang basa ang suot nitong puting bestida kaya hindi maiwasan hindi lumitaw ang hugis ng katawan nito. Nauna siyang nag-iwas ng tingin.
“M-may bisita pala tayo, Tatang?”
“Siya si Frahisto, ineng——”
“Manliligaw ko?”
“Hindi. Kasama siya ng Tiyo Domenggo mo kanina. Ilang linggo lang siya rito sa'tin at pagkatapos no'n ay babalik na siya sa Manila.”
Tumango lang ang babae at hindi na nagsalita pa. Napansin niyang nagtungo na ito sa kusina at saka naman siya nagpaalam sa matanda na magpapahinga muna siya sandali. Pumayag naman ito pero pinasundan siya agad sa babaeng hindi niya alam ang pangalan para dalhan ng banig, unan at kumot.
“I-ikaw na bahala rito.” mabilis itong nagpaalam at nagmamadaling lumabas.
Nagkibit lang siya ng balikat sa inasta ng dalaga. Naglapag siya ng banig sa lapag na yari sa matibay na kahoy. First time niyang matulog sa isang bahay na walang foam pero hindi siya nagrereklamo. Sinunod niya ang malambot na unan saka humiga. Pinikit niya ang kaniyang mata at nang maalala na kailangan niyang tawagan si Maccabi, dali-dali niyang kinuha ang cellphone sa kaniyang back pack bag.
Napailing siya nang makitang walang signal. Binalik niya sa bag ang cellphone at bumalik sa pagkakahiga. Napatitig siya sa bubong at nag-isip. Hindi niya namalayan ang oras na gano'n ang kaniyang posisyon, hanggang sa nagpasya siyang matulog. Anyong pipikit niya na ang kaniyang mata nang mula sa pintuan ay may marahan kumatok.
“Yes? Come in.” Umupo siya at hinintay na magbukas ang pintuan. Ilang segundo ang nagdaan bago bumukas ang pintuan at nakita niya ro'n ang babae na nahihiyang tumingin sa kaniyang mata. “What do you want?”
“A-ah... Eh...”
Saka lang naisip ni Farhistt na puro english ang lumabas sa kaniyang bibig. Sandali siyang tumikhim at tumingin dito, “May kailangan ka ba?”
“A-ang sabi ni Tatang, tawagin daw kita at baka gutom ka na.”
Halatang nasisilong ito sa kaniyang presinsya kaya bago pa ito maasiwang tuluyan, tumango siya at sumunod sa dalaga kahit ang totoo gusto niyang magpahinga. Pakikisama lang ang kaniyang gagawin at una't una, bisita lang siya sa bahay na ito.
Napansin niyang nakapaa lang ang babae at hindi pa rin ito nagpapalit ng damit. Napabuntunghinga siya at napatingin sa kaniyang suot na bagong tsinelas na halos hindi kumasya sa kaniyang paa. Pinasuot ito sa kaniya ni Mang Bartolome at baka raw hindi siya sanay sa lamig ng sementong lapag.
Masayang mukha ng matandang lalaki ang bumungad sa kaniya sa kusina. Ang nakikita niya ro'n ay isang kahoy na mesa na kasya lang sa apat na tao at silyang kawayan na mahaba at walang sandalan. Mabilis itinuro ni Mang Bartolome ang upuan sa harap nito.
Tahimik lang siyang umupo at napatitig saglit sa plato at kutsarang nasa harapan niya.
“Masarap magluto ang pamangkin ko hijo!”
“Tatang!”
Naiiling lang siya sa at isang tipid na ngiti ang binigay sa matanda. Bahagya siyang nagulat nung bago sila nagsimula sa pagkain, nagdasal muna ang dalaga. Napatitig siya rito habang nakapikit ito at malayang nagpapasalamat sa hapag-kainan. Not bad. May angking ganda ang babae at mukhang hindi ito probinsya tingnan.
“Amen.”
Nag-iwas agad siya ng tingin nang magmulat nang mata ang mga ito. Tinanggal naman ng dalaga ang takip ng mga pagkain at do'n niya napansin na isang native tinolang manok ang nakahanda sa kanilang harapan. Nakaramdam tuloy siya ng gutom pagkaamoy niya sa masarap na amoy ng luto nito.
“Kumain na tayo.” Si Mang Bartolome.
Tumango lang siya at tahimik na tinikman ang lutong ulam. Napapikit siya at nagustuhan niya ang lasa. Napasulyap siya sa dalaga, namula agad ang mukha nito nang makita niyang nakatitig ito sa kaniya. “Masarap.”
“Sabi sa'yo hijo!” palatak ni Mang Bartolome, “Odessa, nagustuhan niya luto mo.”
“Tatang!”
“Kuu, mahiyain talaga itong pamangkin ko. Alam mo ba Frahisto, subrang bait ng batang 'to. Anak ito ng kapatid ko na nasa Luzon pero mas pinili na rito mamuhay pansamantala para may kasama ako. Iniwan na kasi ako ng mga anak ko at ito na lang si Odessa ang parang anak ko ang kasa-kasama ko rito sa bahay.”
“Tatang naman, kumain na ho tayo.”
Lihim na napangiti si Farhistt nang mamula ito ng husto habang inasikaso ang pagkain ng matanda. Halos magkulay rosas na ito sa subrang hiyang naramdaman. Odessa... Bagay rito ang pangalan.