bc

Dominant Series 6: Deception

book_age18+
13.5K
FOLLOW
44.2K
READ
spy/agent
fated
second chance
CEO
drama
comedy
bxg
heavy
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Synopsis

"Even death can't prevent me to protect you."

- Farhistt Fortocarrero

Maselan si Farhistt sa lahat ng bagay. Mailap din siya sa babae, kaya walang babaeng nagtatangkang lumapit at umakit sa puso niya.

Lahat naka-organised pagdating sa pag desisyon ng bagay-bagay and he wants everything to be perfect lalo na pagdating sa trabaho. Not till he received an order from the higher organisation.

May kailangan siyang i-rescue na mga kababaehan and one of them ay ang babaeng minsan siyang iniwan at sinaktan.

Warning! R/18

chap-preview
Free preview
1
Napatingin si Farhistt sa apat na lalaking papasok sa loob ng kaniyang pribadong opisina. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi nang makitang duguan ang isa sa kasama ng mga 'to. Sandali siyang tumigil sa pagsusulat at binaba ang lapis.  “What happened?” kahit alam naman niya ang sagot. “Napaaway lang sa kanto.” ngumisi si Magnar at sinulyapan si Gallagher na pinipilit ampatin ang dumudugong noo.  “Why won't you two admit it?” seryusong tanong niya.  Umupo agad sa mahabang sofa si Maccabi at Tiverius na nakangisi. Alam niyang nag-away na naman ang mga ito sa labas.  “Pinag-awayan nila ang isang babae, Yx.” natatawang singit ni Maccabi.  Tama nga ang nasa isip niya. Babae na naman ang pinag-aawayan ng dalawang magkakaibigan na 'to. Hindi na siya nagtaka, nakahiligan na yata ng dalawa na laging iisang babae ang laging nagugustuhan at ang ending, parehong hindi ito napipili.  “Kung hindi kasi maepal 'tong si Magnar, sasagutin na sana ako ng nililigawan ko.” inis na pakli ni Gallagher sabay dirty sign kay Magnar na kampante na ngayong nakaupo sa single couch.  “I'm doing it to save your f*****g ass. Niloloko ka nung pangit at mukhang perang babaeng 'yon pero sige ka pa rin. Dude, you should thank me.” nagdrama si Magnar at umakteng nasasaktan.  Napailing na lang si Farhistt habang nakikinig sa batuhan ng salita ng dalawa. Hinayaan na lang niya ang mga ito at binalik ang atensyon sa ginagawang reports at pag-sorting ng mga bagong assignment na pinadala sa kanila galing sa ibang agency.  Binuksan niya ang naunang file sa kaniyang email at deritso talaga itong naka-address sa kaniya. Nagsimulang maglikot ang kaniyang mata habang nagsimulang basahin ang nilalaman ng file.  Napatingin siya sa apat na kasamang nakaupo ngayon sa couch at kaniya-kaniyang gamit na ngayon ng cellphone sa kamay. Sino sa apat ang ipapadala niya para sa assignment na ito? Si Magnar ay pupunta ito bukas sa China. Si Gallagher, may crime investigation itong nireresolve. Si Maccabi, may binabantayang spoiled brat na dalaga na anak ng isa sa makapangyarihang tao sa bansa. Habang si Tiverius, lilipad ito patungong Russia para makipag-fake transaction sa mga Illegal Gun Dealer.  Napailing siya nang makita niyang choices ay walang iba kundi siya. Pinatay niya ang kaniyang laptop at inayos muna ang pagkakalagay ng bawat bagay sa kaniyang table bago nagpasyang lumabas para lumanghap ng hangin sandali.  Ang Alpha X, isang sekretong organisasyong na kaniyang tinayo nung namatay sa ambush ang kaniyang pamilya at siya lang ang natira. Kukunting member lang meron siya sa organization na ito at hindi basta-basta ang mga myembro niya. Walang nakakaalam sa Dark Alpha X kung ano ang tunay na layunin nito, ang pagkakaalam lang ng mga tao... Isa itong exclusive club para sa mga mayayaman.  Napatitig siya sa mga bagong anim na member na ngayon ay mahigpit na nag-training sa buhanginan. Naglakad siya papunta sa mga ito at inisa-isa pag-ayos ang kamay at paa sa pag-execute ng iba't ibang klaseng martial arts.  “Live as if you were to die tomorrow,” panimula niya at naglakad sa harap ng mga 'to. “Hindi madali maging undercover agent, ang buhay mo rito ay nasa hukay. And the terrible part of it, you digged your own grave.”  Nanatiling tahimik ang mga ito at walang gumalaw. Hinihintay ang kaniyang sasabihin. “Make this training a hell, so the real fight won’t be. When times are difficult, remind yourself that no pain comes to you without a purpose and that in the end, some of your greatest pains become your greatest strengths. Understood?”  “Yes Yx!” magkapanabay na sagot ng mga ito saka siya tumalikod.  Deritso niyang tinungo ang malaking bahay sa kanang bahagi kong saan kompleto sila sa lahat ng kagamitan. Modern hi-technology ang concept ng bahay at hindi basta-basta napapasok ng kung sino man mapadpad sa kaniyang isla at pumasok.  Kapagkuwa'y tumawag sa kaniya ang kaibigan si Cuhen. May pinapagawa ito sa kaniya na kunin ang matandang si Don. Hernandez. Napabuntunghinga siya, until now hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang lahat niyang mahal sa buhay pati na rin ang nag-iisa niyang kapatid na fiancée ni Cuhen. Dito nakatuon ang atensyon niya nung mga nakaraan araw at malinis ang ginawang krimen. Kahit siya, walang nakuhang lead kung sino but Cuhen was desperately want to decode the truth. Hindi rin niya masisi ang kaibigan at minsan naging kasama sa paglilingkod ng bayan.  “I'm counting on you,” anas nito sa kabilang linya.  Tumango lang siya na para bang nakikita siya nito at nagpaalam na sa kabilang linya. Nagpatuloy siya sa paghakbang papunta sa malaking bahay. Iuutos niya ito sa kaniyang tao at itatago ang Don sa kaniyang mansiyon. Hangga't hindi niya napapatunayan na wala itong kasalanan, wala siyang masamang gagawin dito.  “Yx!” Tumatakbong lumapit sa kaniya si Magnar.  “I'm going. Give this shits to Gallagher.” May binigay ito sa kaniyang flash drive. “He hates me.” Tumatawang lumayo ito sa kaniya.  Tumango siya at sinundan ito ng tingin. Napapailing na lang siya sa katigasan ng ulo ng lalaki. Hindi nakakapagtaka kung bakit laging umiinit ang ulo ng kaibigan nito. Nagpatuloy siya sa paghakbang papunta sa malaking bahay. Maghahanda siya sa pag-alis niya papunta sa isang probinsya sa Mindanao. Alam niyang mahihirapan siya nito sa pag-interact ng oras niya kay Cuhen pero may trabaho rin siyang dapat gawin. Mabilisan trabaho lang ang kaniyang gagawin sa probinsya.  Madaling araw ang kaniyang alis at nakapag-book na rin siya. Nag-iwan lang siya ng email message sa lahat na may assignment siyang dadaluhan at babalik siya next week. Konting damit lang kaniyang dinala dahil alam niyang mababaguhan siya pagdating sa probinsya ng Zamboanga.  Una niyang gagawin pagdating sa lugar na iyon, sekreto niyang pag-aaralan bawat galaw ng tao at ng buong lugar saka siya kikilos. Human trafficking ang kasong reresolbahin niya at alam niyang isa ito sa pinakamalaking illegal activities sa buong mundo. May nakapagbigay ng tips na sa province ng Zamboanga ang mga nagtatagong human trafficker at nangunguha ng biktima para dalhin sa Malaysia saka ibebenta sa iba't ibang lugar at gagawing prostitution o alila.  Maaga pa lang nakarating siya sa pupuntahan. Nag-check siya sa isang hotel at inayos ang kagamitan at binuksan ang laptop. Tiningnan niya ng maiigi ang lugar na pupuntahan at malayo-layo pa ang kailangan niyang pupuntahan. Mga sampung oras papunta sa naturang probinsya. Pinagkibit niya ito ng balikat, challenging. Mukhang kailangan niya mag-desguise ng ibang katauhan para hindi siya paghinalaan. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wandering One

read
21.1K
bc

Mr. Childish

read
203.5K
bc

Game of Love (Buenaventura Series #3)

read
31.2K
bc

One Night, One Pleasure | R18

read
136.4K
bc

Senorita

read
13.1K
bc

Reid, The Rancher

read
229.9K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook