CHAPTER 15 MAAGANG NAGISING si Antheia nang sumapit ang araw ng Linggo. Mali. Hindi naman kasi siya talaga nakatulog dahil sa kakaisip. Naupo siya sa kama. Ginulo niya ang buhok kaya naman mas gumulo iyon. Ito na ang araw na makikita niya sa unang pagkakataon ang lalaking pakakasalan niya. Ang lalaking pinagkasundo sa kaniya ng mga magulang. Ang lalaking makakasama niya sa habang buhay nang hindi niya alam kung ano ang totoong pangalan. Para sa kaniya, pakiramdam niya ay tila lumiit ang mundong ginagalawan niya ngunit wala na siyang magagawa. Humugot siya ng malalim na hininga. Paminsan-minsan na sumasagi sa kaniyang isip na umatras ngunit sa tuwing maiisip niya ang mga magulang, ang sitwasyon ng kanilang negosyo at ang kalusugan ng mommy niya. 'Okay lang iyan, Anthe