CHAPTER 14 KINABUKASAN AY hinid malaman ni Antheia kung bakit kabado siyang pumasok sa eskuwelahan. Dati naman siyang pumapasok nang ganoong kaaga ngunit ngayon, tila excited siya na hindi niya malaman kung ano. Ang lakas ng kabig ng kaniyang puso habang binabagtas ang daan patungo sa classroom niya. “Good morning po, Teacher Antheia,” bati ng isang estudyante niya. Kasama nito ang yaya nito na ngumiti naman sa kaniya. “Good morning,” ganting bati niya rito. Pasimple siyang luminga-linga sa paligid. Sabi kasi ni Frix noong nakaraang gabi ay ihahatid nito ang anak sa eskuwelahan. Huminga siya nang malalim nang walang makitang Chelsy at Frix. Naglakad siya patungo siya kaniyang classroom. Nandoon na ang ibang mga estudyante niya. Nang sulyapan ni Antheia ang silya ni Chels