CHAPTER 16 NAKAGAYAK NA ang hapagkainan at quarter to 12 na ngunit wala pa rin ang lalaking pakakasalan ni Antheia. Habang tumatagal na wala pa ito ay mas kinakabahan siya at hindi niya malaman kung ano ang gagawin habang naghihintay. Naramdaman niya ang paghawak ni Hera sa kaniyang kamay. Nilingon niya ito. “Ayos ka lang ba?” tanong nito. Kakaupo lang nito sa tabi niya dahil kinausap ito ng kaniyang mommy sandali. Habang ang kaniyang ama ay si Levy naman ang kinausap. Siya namay ay hindi mapakalai at pabalik-balik sa sala na naglalakad. Naupo lang siya sa sofa nang lumapit si Hera at ito mismo ang nagtulak sa kaniya na maupo. “Ayo slang naman ako. Medyo kinakabahan.” “Gusto mo ba ng tubig?” tanong ng kaibigan niya. Umiling siya. “Okay lang ako. Hindi naman ako nauuhaw.