CHAPTER 10 ARAW NG Linggo ay maagang nagising si Antheia. Excited na siyang bumisita sa kaniyang mga magulang. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakatanggap pa siya ng text message mula sa daddy niya na pinapaalalang pupunta siya sa bahay ng mga ito. Masaya siya ngayong okay na sila ng mga kinalakhang mga magulang. Kinuha rin niya ang kotse sa pagawaan noong nagdaang gabi naman ay tumawag ang mekanikong nag-ayos sa kaniyang sasakyan at sinabing okay na ang kotse niya. Nang makuha iyon sa talyer ay kaagad siyang nagtungo sa flower shop. Ibibili niya ng bulaklak ang kaniyang mommy. Iyong paborito nito ang bibilhin niya para naman mapasaya niya ito. Kaagad siyang napangiti nang marinig ang cellphone niyang nagriring at ang daddy niya ang caller. Sinagot niya iyon. “Yes, daddy?” Hi