CHAPTER 11 KABADONG-KABADO si Antheia habang nakaupo siya sa silya sa harapan ng kama ng mommy niya. Ang daddy niya ay nakaupo sa gilid ng kama habang ang mga mata ay nasa kaniya. Napayuko siya. Pakiramdam niya ay isa siyang teenager na sesermunan ng mga magulang. Hindi naman galit ang mga magulang niya ngunit kapwa salubong ang mga kilay. Tumikhim ang daddy niya habang nakatingin sa kaniya. Tumaas ang tingin niya rito. Ang mommy niya, ngumiti sa kaniya ngunit mababakas sa mukha nito ang pagiging mahina. "I'm really sorry, mom. Hinayaan ko pang may mangyaring masama sa inyo bago ko sundin ang pabor ninyo sa akin." Hiyang-hiya talaga siya sa mga ito. Ang daddy niya, noong sabihin niya rito ang desisyon niya ay halatang nagulat at kababakasan ng pagkadismaya. Kahit kailan ay hindi ito