CHAPTER 7 NANG PUMASOK si Antheia, araw ng Martes ay hindi na siya kaagad mapalagay. Tila may kung akong bumabagabag sa kaniya at hindi naman niya matukoy kung ano ang dahilan niyon. Pumasok sa kaniyang klase at namataan niya kaagad si Chelsy. Kausap ng bata ang matalik nitong kaibigan na si Annie. “Good morning, class,” bati niya sa mga estudyante niya na kaagad napunta sa kaniya ang atensyon. Tumayo siya sa pinakasentro sa unahang bahagi ng classroom. “Good morning din po, Teacher Antheia,” sabay-sabay na wika ng mga ito saka ngumiti nang matamis sa kaniya. “So, kumusta ang naging tulog at gising ninyo kanina?” “Okay naman po.” Kaniya-kaniya naman ng sagot ang mga anak-anakan niya. Nadaanan ng mga mata niya si Chelsy na nakatingin lang sa kaniya. Nakangiti ito ng