CHAPTER 6 DALA-DALA NI Hera ang kaniyang isang maleta pati na ang sling bag nang huminto ang taxi na sinakyan niya galing pa sa Manila. Pinadiretso niya iyon hanggang dito sa apartment kung saan nakatira si Antheia. Mamaya na siya uuwi sa bahay nila at gusto niya talaga munang makausap ang kaniyang kaibigan. Alas sais na nang gabi ngunit patay pa rin ang mga ilaw sa unit na tinitirhan nito. Wala siyang susi kaya naman nasa labas lang siya ng gate. Kinuha niya ang cellphone sa sling bag saka tinawagan ang kabigan. Sinagot naman iyon ni Antheia. “Nasaan ka ba? Nandito ako ngayon sa harapan ng unit mo… Oo, late na nga natapos, e. So, nasaan ka nga? Ano? Nandyan sa bahay ng student mo? Sige, hintayin na lang kita rito. Okay, ingat.” Pinasok niya ang cellphone sa loob ng bag saka hu