CHAPTER 5

1130 Words
CHAPTER 5   TILA BA HINDI na nagulat pa ang lola ni Chelsy nang makita si Antheia na papasok sa bahay nila. Malapaad ang pagkakangiti nito habang naglalakad at sinalubong sila. Kaagad na yumakap ang bata sa lola nito saka hinarap siya.   “Mabuti naman at nandito na kayo. Alam ba ninyong nagpaluto ako ng meryenda natin.”   “Naku, Ma’am ayos lang po. Hindi rin naman po ako magtatagal,” nahihiya niyang wika rito saka matamis na ngumiti sa bata. “Hinatid ko lang po talaga siya.”   “Naku, huwag ka na muna umalis, hija. Saka ito lang kasi ang alam kong paraan para naman makabawi ako. Isa, libre na rin ang upa mo this month sa apartment.” Kumindat pa ito sa kaniya.   Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Antheia. “Naku, Ma’am huwag na po. Nakakahiya naman.”   “Naku, huwag mo isipin na nakakahiya dahil kami nga ang nang-iistorbo sa oras mo. Huwag ka mag-alala dahil nagpapahanap na kami ng yaya na siyang mag-aalaga at titingin dito sa apo ko.”   Biglang tumingin ang bata sa ginang. Nawala ang ngiti nito sa mga labi. “Ano pong sabi mo, lola? M-mag-yaya na po ako?”   Hindi siya sigurado ngunit tila ba nagkaroon ng takot na siyang rumihistro sa mga mata ng bata. Napalunok pa ito. Tila nagulat din ang matanda sa itsura ng apo. “C-Chelsy, kailangan mo kasi ng taong magbabantay sa iyo.”   Umiling ito kaagad. “I don’t want to have a yaya, lola. Ayoko po,” anito saka mabilis na pinangiliran ng luha sa mga mata.   Nagkatinginan sina Antheia at si Mrs. Torrelba at nakaramdam din siya ng pag-papanic dahil sa bata. Lumapit siya rito at bahgayang ipinantay ang sarili sa maliit na katawan nito. “Chelsy, wala kang dapat na ikatakot, okay?” Bakas na bakas kasi ang takot sa mukha nito. Hinawakan pa niya ang isang kamay nito. Nanginginig iyon. Lumingon siya sa lola nito.   Lumapit din ito sa apo saka hinawakan ang ulo nito. “Apo ko, sige na. Hindi na ako maghahanap ng yaya mo.” Tumayo ito nang matuwid. “Magbihis ka na muna sa kwarto mo. Kakausapin ko lang si Teacher Antheia mo, okay?”   “O-okay po,” ani Chelsy saka lumingon sa kaniya. “Babalik din po ako.”   Huminga siya nang malalim habang tinatanaw ang bata na paakyat sa hagdan. Nang magtama ang mga paningin nila ni Mrs. Torrelba ay tipid itong ngumiti sa kaniya.   “Halika, Teacher Antheia. Dito tayo,” ani saka naunang maglakad patungo sa mga sofa saka sila naupo.   Magkatapat ang mga sofa na inupuan nilang dalawa ngunit sapat na upang magkausap sila nang masinsinan.   “Pasensya ka na sa apo ko, teacher. Hindi ko akalain na matatakot siya kanina kaya bigla siyang iiyak.”   “Ayos lang naman poi yon sa kain, Ma’am. Nagulat lang po ako talaga na ganoon ang epekto sa kaniyang ng pagkakaroon ng yaya.” Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na bata pa lang ito ay may takot  nang nararamdaman para sa ibang tao.   “Hindi naman iyan ganiyan dati. May yaya siya noon hanggang sa magtatlong taon siya ngunit nang umalis iyon at mapalitan ng isang wlaanghiyang yaya, nagkaroon siya ng trauma. Masama kasi ang ugali niyon at pinagmamalupitan pala ang apo ko kapag hindi kami nakatingin ng daddy niya.” Magkasamang galit at awa ang mababasa sa mga mata ni Mrs. Torrelba.   “Nabanggit nga po sa akin ni Chelsy ang tungkol sa nangyari noong nagkaroon siya ng yaya. Kaya po siguro ganoon na lang ang takot niya ay dahil natatakot siya na baka maulit.”   “Iyon din ang naiisip namin ng anak ko kaya hindi talaga kami kumukuha. Kaso, napapabayaan kasi naming siya.”   “Si Abel po ba? Hindi po ba siya pwede magsundo at mag-alaga sa bata?”   Umiling si Mrs. Torrelba. “Hindi niya iyon trabaho. Actually, hindi kami makapagdagdag ng mga kasambahay dahil ng takot si Chelsy. Si Abel naman, naaawa na kami dahil lahat ay sa kaniya. May driver sana kaming pwede magsundo sa kaniya kaso wala akong tiwala.” Bahagyang humina nag boses nito.   Tumango siya. Gets naman niya kung anong ibig nitong sabihin. Mahirap na kasi ang buhay ngayon. Hindi na mapagkakatiwalaan ang mga taong nasa paligid.   “Hija, pasensya ka na ulit kung naaabala ka naming ng apo ko. Sobrang na-aappreciate naming ang kabaitan mo sa kaniya. Malaking bagay iyong nahahatid mo siya rito.”   Ngumiti si Antheia rito. “Ayos lang naman po. Ang pinag-aalala ko po kasi ay iyong baka dumating po ang mga araw na wala ako school or may biglaan akong lakad, baka hindi kop o maihatid si Chelsy.” Bahagyang nakaramdaman ng hiya si Antheia.   Bahagyang natigilan si Mrs. Torrelba saka tumango. “Naiintindihan ko, hija. Aham, kung ganoon, maaari ko bang ibigay sa iyo ang numero ng anak ko? Para naman tatawagan mo na lang siya kapag susunduin na si Chelsy. Medyo late lang ang uwi niyon dahil  sobrang busy niyon sa business naming lalo ngayon na nagkasakit ako.”   “S-sure po.” Nilabas  ni Antheia ang cellphone mula sa loob ng  bag saka inabot sa kaharap.   Kaagad naman iyon na tinanggap ni Mrs. Torrelba saka nag-type sa screen. Ilang sandali pa ay binalik na nito iyon sa kaniya.   Sabay pa silang napalingon sag awing hagdanan nang makitang pababa na si Chelsy. Nakabihis na ito. Bumalik ito sa kanila saka naupo sa tabi  ng lola  niya.   “Apo, gustom ka na ba?”   Umiling si Chelsy. “Hindi po. Kumain po kaming cookies ni Teacher Antheia habang pauwi kami rito.”   Malaki ang pinagpapasalamat niya nang makitang bumalik na ang sigla nito. Wala na siyang nababasang takot at kung ano man sa mga mata nito.   “Wow! Hindi nga ako nakatikim dahil ang daddy mo, sabi ay sakto lang ang ginawa para sa teacher mo,” Matamis itong ngumiti sa kaniya dahilan upang makaramdam siya ng pag-iinit ng mga pisngi.   Pilit niyang pinagsalawang bahala ang sinasabi nito. Gusto na niyang umuwi dahil baka abutan pa siya ng dilim sa daan. Wala pa naman siyang dalang sariling sasakyan. Magpapaalam n asana siya sa mga ito ngunit nakarinig sila ng tunog ng sasakyan.   “Nandiyan na si Daddy!” masiglang anunsyo ni Chelsy saka tumayo. Naiwan sila ng lola nito sa sala na kapwa napatayo na rin.   “Kumian ka na muna ng meryenda, okay?”   Tatanggi sana siya ngunit kaagad na napunta ang mga tingin niya sa lalaking tila mula pa sa Olympus at masasabi niyang mukha diyos dahil sa mala-adonis nitong mukha at magandang katawan. Tumingin ito na kaniya kaya naman kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Dama niyang nagwawala ang kaniyang puso dahil sa tingin nito kaya pilit niyang kinakalma iyon kahit malabong mangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD