CHAPTER 17 HABANG NASA harapan ng hapagkainan ay walang imik si Antheia. Katabi niya si Chelsy na panay ang tawag sa kaniya. Siya ang nag-aasikaso rito. Kahit hindi naman siya nito tawagin ay siya talaga ang mag-aasikaso rito. Bilang pangalawang ina nito sa eskwelahan ay obligasyon niya itong alagaan at pagsilbihan. “Tingnan mo naman ang anak natin, honey. Ready na talaga maging mommy,” ani mommy niya dahilan upang matigilan siya sa paghihimay ng manook sa pinggan ni Chelsy. Tumingin siya sa mga ito. Magsasalita sana siya ngunit napangunahan siya ng hiya. Dahan-dahan niyang binitiwan ang pagkain saka ngumiti ng tipid sa bata. Humarap siya sa sariling plato. Nasa kabilang gilid ni Chelsy ang daddy nito. Tumikhim ito saka ito naman ang umasikaso sa anak. “Mukha silang happy