CHAPTER 18

1150 Words

"IBIG MONG sabihin ay nandiyan kayo ngayon sa bahay nina Teacher Antheia? Sinong kasama ninyong dalawa?" tanong ni Nelson kay Hera nang sabihin niyang nandoon siya. Tumango si Hera na tila ba nakikita siya nito kahit sa cellphone lang naman sila magkausap. "Oo. Nandito rin ang parents niya pati na ang pamilya ng fiancé niya." "Fiancé? Ikakasal na si Teacher Antheia?" "Oo. Pero huwag ka na muna maingay, ha? Kapag ikaw, dinaldal mo sa iba sasapakin kita!" aniya rito. Narinig niya itong tumawa sa kabilang linya. "Oo naman. Hindi naman ako madaldal. Hindi ko alam na may lovelife pala iyang si Teacher Antheia." Ilang sandali itong nanahimik bago muling nagsalita, "so paano ka pag-uwi mo mamaya? Gusto mo bang sunduin kita?" Natigilan siya dahil sa narinig. Noon pumasok ang tanong ni Levy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD