ALAS SAIZ na ng gabi nang magpaalam si Antheia kina Chelsy at Senyora Fely. Madali niyang nakagaanan ng loob ang mga ito dahil sadyang masiyahin at gaya ng kaniyang estudyante, bibo rin ang lola nito.
"Dito ka na lang maghapunan, hija. Pasensya ka na kung inabutan ka na ng dilim. Nalibang ako sa kuwentuhan," wika nito saka sinundan ng tawa.
"Wala po 'yon. Kahit naman po ako ay nalibang. Naku, gustuhin ko man po ay marami pa akong gagawin sa bahay." Naglalakad na sila papunta sa entrada ng bahay. Si Chelsy ay nakakapit sa mga kamay at napapagitnaan nila.
"Gano'n ba? Sige sige. Sa susunod ha? Buma—"
Pare-parehas silang natigil nang makarinig sila ng busina mula sa labas ng gate. Biglang kumalas so Chelsy sa pagkakahawak sa kanila at mabilis na tumakbo palapitsa bakal na gate.
"Daddy! You're here! Yehey!" Paulit-ulit ang sigaw nito habang binubuksan ang gate. Kahit medyo hirap ay sinubukan nitong magawa ang nais. Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng pagpatay ng makina.
"Nandito na pala ang anak ko. Halika't ipapakilala kita sa Daddy ni Chelsy," ani Senyora Fely.
Sa hindi maipaliwanag na pakiramdam, biglang lumakas ang t***k ng puso niya. Hindi sa natatakot siya pero unti-unting kasing bumabangon ang inis niya para dito.
'Pabayang ama! Siguro ay pangit ito at matanda na. Kulubot ang balat at amoy mahabo! Balbas sarado siguro at mukhang 'di naliligo—'
Hindi na niya naituloy ang pagpipintas dito nang matanawan ang isang mala-adonis na lalaki. Kahit may suot itong long sleeves polo ay bakat na bakat ang mga biceps nito't ibang muscle sa dibdib.
'May abs kaya siya?'
'Hoy, Antheia! Lubayan mo nga! Halay mo! Remember, palagi siyang walang oras sa anak niya!'
Kumumot ang noo niya dahil sa mga naiisip. Humigpit ang hawak niya sa bag at pinagmasdan ang mag-ama. Nakangiting nakatingin ang lalaki kay Chelsy. Bumubuka ang bibig nito pati ang bata at ilang sandali pa ay binuhat ito.
"Mabuti at maaga rin ang uwi mo, hijo!" ani Senyora Fely.
Lumapit ang mag-ama. Kitang-kita niya kung paano bumulong ang anak dahilan upang sandaling matigilan ang lalaki. May binulong din bilang sagot saka yumakap si Chelsy rito.
'Sweet ng bata.'
"Hi, ma," wika nito.
Gustong mangilabot ni Antheia. Buong-buo kasi ang boses nito at tunog makapangyarihan. Tila kapag nagbitiw ito ng utos, kaagad na susundin.
Nais niyang sulyapan ang lalaking nasa harap na niya pero wala siyang lakas ng loob. Sa isip-isip ay labis na pagsisisi dahil panay pintas ang inabot nito pero sa personal ay ubod ng gwapo.
"Anak, this is Chelsy's teacher, Ms. Antheia Cuevas," turan ni Senyora Fely.
Noon pa lang siya tumingin sa lalaki. Tila may magnet na humigop sa kaluluwa niya nang magtama ang kanilang mga mata. Ang mga nito ay mapupungay at kulay gray. Matangos ang ilong at may makapal na labi. Kamukha niya si Chelsy, hindi maikakailang anak niya ito.
Tumikhim ang lalaking nasa harap niya.
"G-good evening, Mr. Torrelba," aniya sabay lahad ng palad.
"Evening." Lumipat ang tingin nito sa ina. "Pasok na po kami. Pagod ako." Iyon lang at hindi man lang inabot ang kamay niyang naka-umang. Pumaok at dumiretso na sa loob ng kabahayan dala ang anak.
"Bye, teacher! See you on Monday po!" sigaw ni Chelsy pero hindi niya binigyan ng pansin ang mag-aaral.
'D-dinedma a-ako?'
Naiwang mukhang tanga si Antheia. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkapahiya sa sinabi ng lalaki at sa hindi pagtanggap sa kaniyang kamay.
'Sungit!'
Tumikhim si Senyora Fely nang mapansin ang nangyari. Mabilis siyang gumawa ng pekeng ngiti rito. Bahagya pa siyang natigilan nang makitang nakatitig na ito sa kaniya. Bagaman at nakangiti, alam niyang gusto lang ipakita nito na ayos lang iyon.
"I am sorry for what happened," hinging paumanhin nito sa kaniya.
Sinuklay niya ang buhok saka ngumiti. "Ayos lang po, Ma'm. Baka sadyang isnabero lang talaga ang daddy ni Chelsy."
"Oo. Bueno, bumalik ka rito bukas, ha. Wala kasi akong makausap dito. Palaging si Chelsy, e ang daldal naman masyado at masyadong malawak ang mga tanong. Napapagod ako sa kaniya." Natawa silang dalawa sa tinuran nito.
"Susubukan ko po. Mauna na po ako," aniya saka lumabas ng gate.
Habang binabagtas ni Antheia ang daan, lumilipad ang kaniyang isip.
'Ano kaya nangyari sa mommy ni Chelsy?'
Naisip niyang tanungin ang ginang kanina ngunit agad din na napigilan ang sarili. Masyadong pribado na ang ganoong klaseng tanong. Kanina, habang nasa sala, pasimple niyang pinag-aralan ang kabuuan ng sala. Maraming mga paintings ang naroon at mga larawan ng mag-lola. Kataka-takang kahit isang larawan ng magulang ni Chelsy ay wala. Lalo ng daddy nito.
'Ang gwapo ng lalaki na iyon. Sayang kasi isnabero. Hays. Kaya siguro iniwan ng asawa ay ganoon ang ugali niya.'
Ngumiwi siya sa naisip at umiling.
'Walang silbi ang gwapo niyang mukha kung hindi siya mamamansin.'
Kinambyo niya ang manibela at inihinto sa gilid ng apartment unit niya. Nang makababa, mabilis na binuksan ang gate at ipinarada ang sasakyan.
BUMUNTONG-HININGA si Antheia nang isara ang pinto ng ref. Nakapameywang siya habang ang isang kamay ay may hawak na baso na may laman na tubig. Mabilis na gumapang ang lamig ng likidong iyon at gumapang sa kaniyang ulo.
Hinimas niya ang sintido saka pumunta sa sala. Naupo siya sa sofa at humarap sa lamesitang pinagpapatungan ng laptop.
Kumakalam na ang kaniyang sikmura ngunit kailangan muna niyang tapusin ang mga lesson plans at pati ang pagkokompyut ng mga nakaraang quizzes ng mga bata.
Tunog ng doorbell ang nagpatigil sa kaniyang ginagawa. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang gate. Nang makilala kung sino ang nandoon, napangiti siya.
"Levy!" bati niya sa kaibigan.
"Kumusta ang bagong lipat-bahay? Are you comfortable in this place?" tanong nito habang nakamata sa garahe at sa labas ng kaniyang apartment unit.
"Of course. Pasok ka!" aniya.
"Thanks. I bought you some cakes. I know you're starving. You look so thin, babe." Itinaas nito ang box ng cake sa kanang kamay.
Napangiti siya. Alam na alam talaga ni Levy ang paborito niya. Inaya niyang pumasok ang binata na agad namang tumalima.
Levy Arcanghel is her boy best friend. Nakilala niya ito since highschool. Naging madalang ang pagkikita nila nang magkolehiyo dahil medisina ang kursong kinuha nito. Hanggang ngayon ay nag-aaral pa rin itong maging doktor.
Matanda lamang ito ng ilang buwan sa kaniya at talagang maaasahan.
"Mabuti at pinasyalan mo ako. Magtatampo na kasi talaga ako, e."
"Been very busy these past few weeks. Finals na naman. Where is Hera?" tanong nito habang umiinom ng tubig.
Nasa sala na sila at kasalukuyang kumakain ng cake. Sarap na sarap si Antheia sa Black Forest cake. Paborito niya kasi ito.
"Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon pero baka nasa bahay lang din. Abala iyon kasi siya ang ipapadala sa Manila for conference meeting. Why?"
"Nothing. Nice place, huh? Mukha lang maliit sa labas."
"Thanks," aniya saka pinunasan ang bibig gamit ang tissue.
"Musta buhay-buhay?"
Ngumiwi lang muna siya bago nagkuwento sa kaibigan. Komportable siyang naglabas ng sama ng loob at hinanakit para sa foster parents niya. Mabuti at dumating ito dahil kahit paano, gumaan ang kaniyang nararamdam.