CHAPTER 2

1096 Words
MAINGAY AT puro boses ng mga batang excited ng mag-uwian ang maririnig sa silid-aralan. Si Antheia ay abala sa pagwawalis ng mga alikabok, nilamukos na papel at kung ano-anong mga kalat ng kaniyang mga mag-aaral. Malakas ang ulan sa labas kaya naman hindi na muna siya nagpapauwi ng mgabata. "Class, seat down! Hintayin ninyo ang mga sundo ninyo rito. Huwag kayo sa pinto tumayo't mag-ingay," kalmado niyang wika na agad namang sinunod ng mga bata. Napangiti siya dahil madaling pakiusapan ang mga anak-anakan niya. Dinadampot na niya ang mga kalat na naipon nang maramdaman na may humihila sa pencil cut skirt niya. Kaagad niyang nilingon ito at napangiti nang makitang si Chelsy pala iyon —ang pinakamadaldal at hyper sa klase. "Yes, Chelsy?" tanong niya. "Ahm, teacher, paano po kapag walang sundo? Paano po uuwi?" Gamit ang maliit at matinis na boses nang magtanong ito. Bakas sa mukha nito ang takot at lungkot. Lumingon siya sa labas ng classroom. Malakas pa ang ulan kahit pino ang bagsak ng mga tubig. Amoy na amoy rin ang tubig ulan kung saan. "Bakit? Hindi ka ba susunduin ni Mommy mo?" Umupo siya sa silyang bakante. Isinantabi ang kaninang ginagawa. "Wala po akong mommy, e! Si daddy naman busy sa work. Si Lola may sakit," sagot nito. Nakaramdam siya ng awa para sa bata. Hinaplos niya ang pisngi nitong sobrang taba. Maganda si Chelsy. Matalino rin at bibo. Ngunit, may hindi siya maipaliwanag sa mga mata nito, tila may bahid ng lungkot. Ngumiti siya at nagsalita, "Gusto mo hatid ka ni Teacher Antheia?" Biglang umaliwalas ang mukha nito at mabilis na tumango. Naging malawak ang ngiti saka inutusang ayusin na ang sarili nitong gamit. Ayon sa pagkakatanda niya, ngayong taon lang niya nging estudyante si Chelsy. Grade 2 na ito at transferee mula sa Manila. Pansin nga niyang walang dumadalong magulang  nito sa mga meetings or event ng school. Palaging bukang bibig na 'busy po si daddy'. Inis ang namamalagi sa puso niya para sa ama ng mag-aaral. 'Napakawalang puso niyang ama dahil napapabayaan nito si Chelsy!' Nang tumila ang ulan, unti-unti rin dumating ang mga magulang ng kaniyang mga estudyante. "Bye, teacher!" ani ng mga bata at magulang sa kaniya. "Bye, ingat kayo. See you tomorrow!" sagot niya ngunit ang kaniyang mga mata ay abala. Hinahanap niya si Chelsy. Wala kasi sa upuan ang bata. Tumayo siya at lumapit sa pinto. Nakahinga siya ng maluwag nang mamataan itong nakatayo sa corridor. Nakatanaw ito sa garden at pinagmamasdan ang panaka-nakang patak ng tubig ulan sa mga halaman. Lumapit siya rito at hinawakan ang mga balikat. Tila nagulat pa ito dahil naramdaman niyang umangat bigla ang katawan. "Nandyan ka pala, teacher!" "Hatid na kita?" "Sige po!" Masayang wika nito sa kaniya. Mabilis nilang kinuha ang mga gamit saka isinara ang silid-aralan. Nasa gate na sila halos nang hawakan ni Chelsy ang kaniyang kamay. Natigilan siya. Nang sulyapan niya ito at nakangiti itong malaki. "Bakit?" "Wala po! Masaya lang po ako kasi unang beses pa lang po itong may maghahatid sa akin pauwi." Kumunot ang noo niya. "Wala ka bang mga tita o mga pinsan?" Umiling ito. "Solong anak ng lola si daddy ko. Wala akong mga pinsan, teacher pero ayos lang naman po. Marami po akong kaibigan." Nakaramdam man ng habag para sa munting bata, napalitan din ng paghanga. 'Positibo siya mag-isip. Nakatutuwa.' "DITO NA lang po, teacher," mahinang wika ni Chelsy kaya agad na inihinto ni Antheia ang sasakyan. Una siyang lumabas upang pagbuksan ng pinto ang estudyante. "Salamat po, teacher!" "You're welcome." Tumingala at humarap siya sa bahay na nasa harapan nila  ngayon. Sa itsura pa lang ng gate ay halatang may kaya sa buhay ang pamilya ni Chelsy. Humakbang ang bata at pumindot sa doorbell. Lumingon ito sa kaniya at kinawayan siya, nais lumapit sa tabi nito. Nakangiti siyang sumunod at hinintay nilang dalawa ang pagbukas ng magarang gate. Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate. Isang babaeng nasa edad trenta anyos ang iniluwa noon. Nakasuot ng unipormeng pangkatulong. "Chelsy! Bakit ngayon ka lang?" tanong nito sa bata. Ilang segundo ang lumipas nang tingnan siya nito. "S-sino po kayo?" "A-ako po si Teacher Antheia. Wala kasing sundo 'yung bata kaya idinaan ko na po." "Ay salamat po—" "Abel, sino 'yan?" tanong ng isang boses babae sa loob ng bakuran. Bahagyang nakakipot kasi ang gate kaya hindi niya matanaw ang itsura at masino iyon. "Lola! You're here?" masayang sigaw ni Chelsy sabay takbo papasok. Nilakihan ng katulong ang gate upang tuluyan siyang makaraan. Bago humakbang papasok ay namataan na niya ang isang ginang na nakapustura. Halata sa edad nito ang karangyaan. Kahit may edad na, makinis at mukhang alagang-alaga ang katawan at sarili. Ngunit, tila may mali rito. Hindi lang niya matukoy kung ano iyon. "Yes, apo. Napaaga ang uwi ng lola mula sa Manila. Sorry kung masyadong busy kami ni daddy mo, ha?" Magsasalita na sana si Chelsy nang sumingit ang katulong. "Excuse me, Senyora. Nandito po ang teacher ni Chelsy." Umangat ang tingin ng ginang sa gawi niya. Puno ng pagtataka ang mukha. Mayamaya pa ay tumingin sa apo. "May ginawa ka bang kasalanan sa school?" "Wala po! Hinatid lang po ako ni teacher kasi wala akong sundo," nakalabing wika nito. Bumakas ang lungkot sa mukha ng ginang at bahagyang ginulo ang buhok ng bata. Hinarap siya nito nang may ngiti sa mga labi. Gumanti siya rito. "Pasok ka, teacher..." "Antheia Cuevas po, Ma'am," pakilala niya. "Antheia Cuevas…parang narinig ko na iyang pangalan mo. Pamilyar. Anyway, thank you so much for bringing my granddaughter here." "Don't mention it, Ma'am." Lumapit ito sa gawi niya at ganoon na lang ang kaniyang gulat nang yakapin siya nito ng mahigpit. "Malaking bagay ang nagawa mo, hija. I'm Felicidad Torrelba," pakilala nito. Nilahad pa ang kamay sa kaniyang harap. Bahagya siyang natigilan. Kumunot ang noo niya bago natawa. "Ma'am, isa po ako sa mga tenant ninyo sa apartment units na pagmamay-ari po ninyo. Hindi ko po alam kung kilala po ninyo kasi bago lang po ako roon." Nanlaki ang mga mata saka tumawa nang pagkalakas-lakas ang ginang. Kahit siya, si Chelsy at ang katulong ay nahawa. "Sabi ko na, e! Your name is familiar, nabanggit ka na ni Amor sa akin. Kumusta na? Halika, pumasok ka muna sa loob at ng makakain ng meryenda. I won't take no for an answer, Antheia," bahagya nitong pinisil ang braso niya. "Abel, palitan mo ng damit ang apo ko at sabihan mo sila Rhizza na ipaghanda kami ng pagkain sa hardin," utos nito sa katulong na agad namang tumalima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD