CHAPTER 19 DUMAAN ANG dalawang linggo, naging mabilis ang mga paghahanda ng mga magulang nina Antheia at Frix. Dahil abala silang dalawa sa pagtuturo at sa negosyo, hinayaan na lang nila ang mga ito sa pag-aayos ng lahat. Napansin din niyang naging mas close silang dalawa ni Chelsy dahil mas naging clingy ito sa kaniya. Natatawa na lang siya dahil kahit sa school, mommy ang tawag nito sa kaniya dahilan upang magtanong ang mga estudyante niya kung bakit at paano iyon nangyari. Proud na proud naman si Chelsy na sinasabi sa mga kaklase na ikakasal na siya sa daddy nito. Bakas naman sa mga mukha ng mga bata ang pagkalito. Alam niyang mahihirapan ang mga ito na makaintindi dahil bata pa lang ang mga isipan ng kaniyang mga estudyante. Nangungulit ang mga ito da kaniya. Humugot si