Chapter 6

1587 Words
“Namukhaan ba ako ni Dominic?” bungad na tanong ni Bop kay Nicole nang dumating na siya sa opisina. Sinusuklay niya ang kanyang buhok habang napatingin ito sa kanya nang nakanganga dahil hindi ito normal na araw niyang impeccable ang hitsura niya. Nakasuot siya ng black slacks na medyo may flare at fitted white blouse na hanggang siko ang manggas. Umiling si Nicole. “Hindi ko alam. Wala siyang sinabi. Pero hindi ko naman binanggit sa kanya ang tungkol sa nakita ko. Natandaan ko kasi ang suot mo at kilala ko ang kotse mo nang makita ko ‘yong picture. Isa pa, medyo malayo ang kuha kaya hindi masyadong halatang ikaw. Dark na kasi ang ibang larawan. Ito, tingnan mo.” Ipinakita nito ang capture mula sa phone nito at tiningnan niya. Napahigit siya ng hangin. “Hindi ko alam! Siya ba ang prime minister na sinasabi mo kagabi sa news?” ngangang aniya at nanlaki ang mga mata. “Oo. Namukhaan ko rin siya. You met the prime minister of Spain, Bop! At sa tingin ko ay hindi niya hahayaang pakawalan ang issue na ‘to. Siyempre, baka may asawa na siya, ‘di ba? Hayst! Dapat nag-google na ako kanina pa, eh, kaya lang naglinis muna ako ng opisina. Pero maghanda-handa ka na! Naku! Nadawit ka pa talaga sa PM, ah!” Napangiwi siya at kinagat ang ibabang labi. “Binigay ko pa naman sa driver niya ang business card ko!” Sumimangot siyang nakatingin sa kaibigan at kabado tuloy ngayon. “Kaya hindi ka talaga makakawala sa kanya!” Nicole stated the obvious. Napatingin siya sa kisame at napasulyap sa kanyang relong pambisig. Pasado alas otso na. “Shet! Saka ko na iisipin ‘yan. Baka naman ay i-ignore niya lang ang balita sa newspapers na walang katuturan. Isa pa, puwede namang sasabihin niya ang totoo at gawing witness ang driver niya at mga bodyguards, ‘di ba? No big deal. Is it?” Pinandilatan niya ang kaibigan. Sumimangot sa kanya si Nicole at ngumuso. “It won’t be enough. Besides, paniniwalaan ba ‘yon ng mga tao? I’m sure that the driver and the bodyguards are sworn to some secrecy and confidentiality! Hindi sila agad na nagbubuka ng kanilang bibig lalo na at maimpluwensiya ang amo nila. Isa pa—” Itinaas niya ang mga kamay. “Nicole, I really don’t have time for this. Kaya aalis na ako at saka ko na iisipin ‘yan. Late na ako! Teka, saan na ba si Benjamin? Nakita ko na ang bus pero wala siya.” Nanlaki ang mga mata niya. “T-in-ext ko siya, ah! Hindi niya pinuntahan ang mga turista?” “Late din siyang nagising. Ano ba’ng nangyayari sa inyong dalawa?” taas-kilay na anito. “Save that thought,” ang aniya sa kaibigan at pinandilatan itong muli bago pa man makapagsalita ito at saka umalis na siya. “Walang namamagitan sa ‘min, okay?” Napatawa si Nicole sa sinabi niya. “Wala akong sinabi, ah! Ang defensive mo!” Hinimas-himas pa nito ang baby bump. Nakasuot ito ngayon ng pastel pink na maternity dress na sexy at hanggang tuhod ang laylayan. Nakita na ni Bop na nandoon sa loob ng bus naghihintay si Benjamin at umalis na rin sila kaagad. Humingi siya ng despensa sa mga Intsik na may “family emergency” siya at ang assistant niya ay buntis kung kaya at na-delay ang tour na ito. Humingi na lang siya ng patawad sa Panginoon sa pagsisinungaling niya. “It’s okay,” sabi naman ni Mr. Chua sa kanya nang may pang-uunawa sa singkit na mga mata. Suwerte siya at mabait ang mga clients niyang ito at hindi pa naman nagrereklamo. So far. Habang naglalakbay sila ay nagsasalita naman siya para ipaalam sa mga ito kung nasaan sila at kung ano ang binabaybay nilang daan. Saka nagkaroon pa sila ng isang game at binigyan niya ng premyo na T-shirt na may printang I’ve been to Philippines sa harap at sa likod niyon ay ang pangalan ng kanyang travel agency. “Sino ang nakaalala ng Pinoy dishes na kinain nila kahapon?” ang tanong pa niya sa wikang Mandarin. Ilang Intsik naman ang nagtaas ng kamay. Si Mr. Chua ang pinili niya na sumagot. “Adobong manok, kare-kare at sinigang na baboy!” Nagkautal-utal pa ito sa pagsagot. Pinalakpakan niya ito at pati ng mga kasamahan nito. Binati at saka pagkatapos ng game na iyon ay tatlo ang naibigay niyang T-shirts para sa tatlong Intsik na tama ang mga sagot. Iba’t iba naman ang kulay ng mga shirts—pula, dilaw at berde. Palagi niya itong ginagawa upang may maibigay na souvenirs para sa mga kliyente at nang hindi rin mababato ang mga ito habang nasa biyahe sila. *** Nag-shake hands ang Spanish prime minister at ang Filipino president. Kinunan sila ng larawan ng official reporters na dumalo sa okasyong ito. Wala na siyang magawa dahil na-leak naman na sa media ang pagdating niya sakay ng Spanish Air Force Boeing 707. Isa pa, kailangan din naman for documentation purposes ang pagbisita niya. Walang kuwenta ang plano niyang magiging low profile ang pagdating niya sa Pilipinas. Sumabog naman na ang balita na nandoon siya at ginawan pa ng issue. “It’s great to meet you finally, Mr. Prime Minister,” ang bati ng presidente sa kanya nang may maluwag na ngiti sa makapal nitong mga labi. Sitenta anyos na ito at mukhang malakas pa. Nakasuot ito ng Barong Tagalog at slacks. Nasa average ang height, kayumanggi ang balat at medyo bilugan ang katawan nito. Ayon sa mga balitang nakalap niya ay kamay na bakal ang gamit nito habang pinamahalaan ang mga tao. Sa tingin niya ay iba nga ito sa ibang mga presidenteng nagdaan. Junrel could feel the firm and warm grip of the older and shorter man’s hand. “The same here, President Roa,” ang tugon niyang may matipid na ngiti. “This is the first country that I’m now visiting since I got to this position.” Pinaupo na siya nito sa isang silyang may mataas na sandalan habang patuloy ang pagki-click ng camera ng mga photographers. Bahagya siyang napahagod ng tingin sa mga ito na may matipid na ngiti. Nag-uusap muna sila ng ilang government affairs bago sila nagkasarilinan sa isang silid ngunit kasama ang kani-kanyang mga bodyguards. Ipinakilala naman niya rito ang kanyang chief of staff bago ito dumistansiya sa kanilang dalawa ng presidente. Patuloy ang kanilang pag-uusap ukol sa kanyang official business. “Even with our current crisis in Spain, and as assured by our Queen Soledad in her last visit a couple years ago, we’re going to support the Philippines. With this in mind, we are still going to continue funding the projects here through the Agencia Española de Cooperacion para el Desarollo.” “Much appreciated, Mr. Prime Minister. We are so grateful for that.” Nakangiti ng pagpapasalamat ang presidenteng Pinoy. Dumako naman ang kanilang usapan sa mga front pages ng iba’t ibang diyaryo sa Manila na inilabas kaninang umaga. “I don’t suppose those rumors and speculations are true,” ang pahayag pa ng presidente. “I’m afraid that the media men here are quite atrocious at times that I myself have a lot of experiences of that even before I was voted as the president of the Republic of the Philippines!” Bahagya siyang napatango sa pangulo ng Pilipinas. “And maybe because they know that you’re a bachelor and the youngest prime minister in the history of Spain at the age of thirty-eight, you’re quite a target of such unpleasant and malicious personal-related issues,” dagdag ni Pres. Roa. Napapilig naman siya ng ulo. “It’s not my first time to encounter such a personal attack and scrutiny by the media. It’s just that the other party involved might be hurt or find some difficulties in the process,” ang tugon niya na may concern sa tono. Napatango naman si Pres. Roa sa sinabi niya bilang pagsang-ayon. “That’s true. But I am sure that the lady will be able to cope with it. She appears to be smart, though I never met her in person,” at saka napatawa ito nang marahan. Ngumiti rin siya nang maalalang magaling ngang mag-Espanyol ang babae. “I think we are on the same page in that matter, Pres. Roa. The truth is that we almost had an accident and things almost went awry, but the matter was settled amicably. And she speaks fluent Spanish to my amazement!” “Oh!” Mukhang na-impress naman ang presidente sa narinig. “I have to admit that I fail in that subject.” Napatawa naman siya sa pabirong pagkasabi niyon ng presidente. “In spite of our being under your reign in the past, it’s only a few Filipinos who know the language, setting aside our so-called Chavacano language that is derived from Spanish. Still, the said language is different from yours,” dagdag pa ni Pres. Roa na ikinatango-tango niya. Tumuloy na sila sa kanilang luncheon meeting pagkatapos niyon. Pinag-uusapan na naman nila ang kanyang gagawing pagbisita sa Leyte. ‘I wonder if she saw the news already,’ napamuni-muni pa siya at bumalik sa isip ang magandang mukha ng tsinita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD