Nanlaki ang mga mata ni Junrel nang makita ang eksenang nakunan ng larawan kagabi at nakalantad iyon sa unang pahina ng isang Filipino national newspaper. Inilagay ito ni Graciela sa kanyang harapan, sa ibabaw ng mesa, habang kumakain siya ng almusal malapit sa balkonahe ng kanyang suite.
Mula sa balkonahe ay tanaw na tanaw niya ang nakakalat na mga gusali na may iba’t iba ang taas, mga taong naglalakad sa mga bangketa at ang mabagal na daloy ng trapiko. Sa background ay maririnig ang nakabukas na TV sa isang international news channel mula sa living room ng kanyang suite. Iyon ang kalimitang gawain niya kapag kumakain.
“Sa tingin mo’y hindi siya reporter, Señor Presidente?” agad na tanong sa kanya ni Graciela na nakasimangot. Tinutukoy nito ang babaeng nakatagpo niya nang aksidente kagabi.
Napakurap-kurap ang binata at tiningnang maigi ang kuhang iyon. Sa tingin niya ay hindi iyon ang mga anggulong nakuha ni Stephani Tomimbang habang nagdiskusyon sila kagabi. Halatang mula sa ibang panig iyon dahil pati ang babae ay nakuhanan din ng larawan at iyon ay akto pang magkalapit silang dalawa sa isa’t isa. Naalala niyang iyon ay dahil sa binalaan niya ang babae nang ayaw nitong ibigay ang cell phone sa bodyguards niya para burahin sana ang kinuha nitong larawan.
Junrel’s jaw tightened, facial muscles twitching as he read the words:
Spain’s Prime Minister Meets His Filipina Lover? Iyon pa ang nasa headline niyon. Napahugot siya nang malalim na hininga, medyo lumaki ang butas ng kanyang ilong.
“At hindi lang ‘yan. Heto pa, Señor Presidente,” ang pagpatuloy pa ng babae na tinakpan ang larawang iyon upang ipakita ang isa pang front page news sa iba namang lokal na diyaryo.
Prime Minister of Spain: Is He on an Official or Personal Business? Napakamot ang binata sa kanyang baba habang pinasadahan ng mga mata ang laman ng balitang iyon. Naiintindihan naman niya dahil English ang gamit na medium ng mga national newspaper sa Pilipinas.
“At heto pa,” ang dagdag pa ni Graciela na inilagay ang isa pang diyaryo sa ibabaw niyon.
Napapikit siya nang saglit ng kanyang mga mata bago nagsalita. “Call that number on the name card right away if you haven’t yet, Graciela!” His tone was hard but controlled. Nakatiim-bagang pa siya.
“I will call to confirm, not for you to have a tour,” saad nito.
Nagkiskis ang mga kilay ng binata. “No, proceed as I told you before. You can give your honest opinions on everything, but you’ll still follow my orders as my chief of staff, Graciela.” Parang kompetisyon ang titigan nila sa isa’t isa. Obviously, this woman didn’t like the idea from the very beginning. But heck. He was the prime minister of Spain!
“As you say, Señor Presidente,” she said resignedly and left.
Napasunod pa ng tingin ang binatang nakasuot lang ng light blue robe. Ang maikli niyang dark brown na buhok ay medyo basa pa galing sa shower. Pinalandas niya ang mga daliri sa buhok at napatinging muli sa newspapers. Ibig lang sabihin sa mga larawan ay hindi lang isa ang sumusunod sa kanyang paparazzo kundi maraming paparazzi. Ang buong akala niya ay hindi pa siya talaga masundan kahit naka-low profile ang pagbisita niya nang opisyal. Kahit na nga sumang-ayon ang presidente ng Pilipinas dahil ni-request niya ay nakalusot pa rin talaga sa media itong presensiya niya rito. Siguro ay na-leak ang itinerary niya mula sa kampo nila mismo, walang duda roon. Iyon lang naman ang may alam na aalis siya ng hotel sa mga sandaling iyon.
Well, what did he expect? He was a public figure, a politician. He should’ve known better. It was stupid to believe that he could definitely hide from the media. He shouldn’t think like an imbecile!
Kung hindi lang din sana siya lumabas ng kotse ay baka naman ay hindi ito nangyari. Pero kasi parang may tumulak sa kanyang lumabas ng sasakyan kaya ganoon. No, scratch that. Walang tumulak sa kanya. May humila sa kanya at iyon ay ang babaeng iyon. Hinila siya nito nang hindi man lang nag-effort.
Napahilot na lang siya sa kanyang noo habang napahugot ng isang malalim na hininga.
***
Nagising na lang si Bop kinabukasan nang hindi dahil sa kanyang alarm na nai-set kundi dahil sa tawag ni Nicole sa kanya. Nakasimangot siyang napaupo sa kama na sinagot iyon.
“Late na ba ako?” Saka sinulyapan niya ang relong nasa dingding ng kanyang kuwarto. Alas siyete y media na at kailangan niya palang pick-up-in ang mga turista nang alas otso. Kaya nagmamadali siyang pumunta ng banyo upang mag-toothbrush habang kausap si Nicole.
“Hindi ‘yang mga turista natin ang problema mo ngayon, Bop. Nasa office na ako dahil sa balita na nabasa ko sa diyaryo. Alam mo naman si Dominic, may daily issue kami ng diyaryo dahil gusto niyang malaman ang sports news araw-araw!” Nakikinita na lang ng dalaga na umikot ang mga mata ng buntis sa kabilang linya.
Napatigil siya sandali sa pagto-toothbrush para magtanong kahit bumubula ang kanyang bibig. “So? Ano’ng kinalaman ko sa news na ‘yan?” Saka napaikot siya ng mga chinitang mata. “May nangyari ba sa asawa mo? Ako ba ang sinabing kabit?” pabirong aniya.
Napatawa ito kahit paano. “Hindi ka naman nakinig, eh. Sabi ko ngang problema mo, ‘di ba? Hindi ang asawa ko. Kaya naman nagpahatid na ako kay Dominic nang maaga rito sa office para kausapin ka rin. Akala ko pa naman ay maaga ka ngayon dahil nga sa may sched tayo ng tour.”
“Tsk! Nandito pa ako sa bahay. Parang nagloloko ang alarm clock ko at hindi ako nagising ng 6:30!” Binuga na niya ang toothpaste at saka nagmumog nang mabilis.
“Nasa front page ka ng newspaper, Bop… kasama ang prime minister—”
Naibuga niya ang tubig nang tuluyan dahil sa narinig. Dumapo ang likido sa salamin kaya nabasa ito. Nanlaki rin ang kanyang singkit na mga mata habang napatitig siya sa malabong repleksyon niya sa salaming nasa harap. Nakadikit ito mismo sa dingding, sa ibabaw ng lababo.
“What?” naibulalas niya. “Anong kasama ko ang prime minister? Paano nangyari ‘yon? At sinong prime minister? Wala akong kasamang politiko! Ni ayokong ma-stress sa maruming politika natin, eh, sasama pa kaya sa isang prime minister nang mula sa kung saang bansa pa ‘yan? Ano ako?” palatak niya.
“Ano ba kasi ang nangyari? Bilisan mo! Puntahan mo na ako sa office at nang malaman mo!” tugon ng kausap.
Napamura siya at mabilis na nag-shower saka nagbihis. Hindi pa nga siya nagsuklay ay agad siyang nagpaalam sa abuela na papasok na sa trabaho habang nakanganga si Nena na nakatingin sa kanyang hitsura.
Umiling siya sa katulong. “Huwag ka nang magtanong. Buksan mo na kaagad ang gate! Bilis!” Tinawagan naman niya si Benjamin para puntahan na ang mga turista at daanan na lang siya sa opisina pagkatapos.
Hindi na siya nag-abalang mag-google gamit ang internet connection ng phone niya. Mas mabuti na kung ano iyong makikita niyang sinabi ng kaibigan para save na rin siya ng oras.
‘Ano raw ‘tong nasangkutan ko? Nakaka-stress, ah!’
***
“Busy ang linya ng cell phone niya simula kanina. Susubukan ko ang landline number niya,” ang pagpaalam ni Graciela kay Junrel.
Nakatayo siya at nakamasid sa bintana habang nasa loob ng kanyang slacks pockets ang mga kamay. Kumain lang siya nang kaunti at uminom ng kape saka nagbihis ng navy blue three-piece suit na may stripe black-and-blue tie. Hindi na siya mapakali dahil sa balitang iyon na mukhang laganap na sa buong Pilipinas sa mga oras na ito. Malamang ay umabot na rin iyon sa Espanya. Hindi nga lang niya tsinek ang internet dahil parang mas nakakatakot malaman kung ano ang pinabulaanan naman ng Spanish reporters doon. Ayaw niyang mas lalong ma-stress lalo na sa mga sandaling ito.
“May sumagot na,” ang sabi pa ni Graciela sa wika nila.
Nakikinig na lang siya habang kausap nito ang kung sinumang nasa kabilang linya. Tinakpan nito ang mouthpiece ng telepono.
“Legit na travel agency ang numero. Ano’ng gusto mong sabihin ko ngayon sa babaeng kausap ko, Señor Presidente? Talaga bang gusto mo ng tour mamayang gabi?” tanong nito.
Napasulyap siya sa kanyang smartwatch. Quarter to eight na ng umaga. Dapat ay naghahanda na siya papuntang Malacañang. Nag-iisip muna siya nang sandali.
“Magpa-book ka na lang para mamayang gabi katulad ng sinabi ko sa ‘yo. At sabihin mong dapat si Stephani Tomimbang ang tour guide.”
Sinunod naman nito ang gusto niya. Pagkatapos ng tawag na iyon ay humarap itong muli sa kanya. “Nag-confirm ang babaeng nagngangalang Nicole na wala silang tour na naka-schedule mamayang gabi at sumang-ayon siyang si Stephani Tomimbang ang magiging tour guide mo. Ibinigay ko na lang ang address ng hotel natin para siya ang pumunta rito.”
“Okay. That’s good. Now, let’s just get ready to meet Pres. Roa.” Pinakawalan pa niya ang isang malalim na hininga.
Hindi niya pa alam kung paano resolbahin ang issue niya sa mga oras na ito. Dapat magpokus muna siya sa government affairs at hindi ang mga kuro-kuro ng media rito sa Pilipinas. Parang hindi siya makapaniwalang ginawan ng istorya ang aksidenteng iyon na nangyari kagabi. The heck!
Mga paparazzi ang malinaw na may kagagawan niyon. Siguro ay nasundan sila mula sa airport dahil mula roon ay may mga reporter nang nais siyang interview-hin pero hindi siya nagsalita o ang kahit na sino sa kanyang delegado. At marahil ay mula roon ay sinundan sila sa hotel hanggang sa kanyang short tour sa Makati at hanggang sa pangyayaring iyon na nasali si Stephani.
Bakit ba kasi hanggang ngayon ay gustong malaman ng mga tao ang tungkol sa love life niya? Importante ba iyon habang nasa indefinite term pa niya siya? Marami talagang ususero sa buhay niya. Nakakabanas.