I… actually have a boyfriend.
And he is the reason why Andrea, along with my other siblings, wanted me to leave the city and stay here for good.
To be honest, hindi nila gusto ang lalaking iyon. And they never hide their disgust with his attitude even if he is in front of them.
Noong una ko siyang ipinakilala ay hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila dito. But as years pass in our relationship, I slowly regret being in a relationship with him.
I met him accidentally in a cafe even though we were in different towns and we thought that it was a lucky encounter. So, we dated a few times before entering an official relationship.
Okay naman ang naging relasyon namin. Mabait siya sa akin, maalalahanin at talagang inaalagaan niya ako. Laging may update kapag may mga pagkakataon na hindi kami magkasama at talagang hindi nakakalimot sa mga pangako niya.
Pero nagsimulang magbago ang lahat nang mag-isang taon na ang relasyon namin.
Tingin ko ay nagsimula iyon noong minsan siyang nagpunta sa school na pinagtatrabahuhan ko at naabutan niya akong nakikipag-usap sa katrabaho ko.
Wala namang malisya. May sapat na distansya sa pagitan namin ng katrabaho ko at kung tama ang pagkakaalala ko, tungkol din sa trabaho ang pinag-uusapan namin.
Pero pinag-awayan namin ng malala iyon.
Sinabi niyang nagselos siya na makita akong may kausap na iba. Idiniin niya na dapat siya lang ang kausap ko dahil natatakot daw siya na maagaw ako ng iba.
Of course, para sa akin ay para bang ang tamis pakinggan noon.
Kaya nang hingin niya sa akin ang password ng mga social media ko ay hindi na ako nagdalawang-isip na ibigay.
I have friends, men and women. Nakakausap ko sila sa personal at kapag busy naman ay sa mga social media lang.
Pero mula nang araw na iyon ay unti-unti na akong napalayo sa kanila.
He blocked all of my friends on all of my social media. Isinama din niya sa mga binlock niya iyong mga babae kong kaibigan na madalas mag-aya sa akin na gumala.
At mula noon, siya na ang lagi kong kasama.
Madalas niya akong sunduin sa trabaho, lagi niyang hawak ang phone ko at naging araw-araw na ang pagtawag niya para i-check kung nasaan ako.
And I thought that was okay. I convinced myself that it was normal in a relationship.
But it is not!
Kahit sarili kong kapatid ay pinagseselosan niya. Nagagalit siya kapag kasama ko ang mga ito na gumagala. Madalas pa niya akong i-guilt-trip kapag may mga celebration sa pamilya namin at nagkakasiyahan kami gayong siya naman itong ayaw na pumupunta sa bahay namin.
Doon ko na-realized na mali ang nangyayari sa relasyon namin.
At gusto kong tapusin na ang lahat.
But he didn’t let me.
“Kung hindi rin lang isa’t-kalahating gago iyang jowa mo, eh!” gigil na sambit ni Andrea habang abala siya sa pagpapak ng steak na in-order niya. “He is bullying and manipulating you emotionally! Kunyare ayaw ka niyang mawala sa kanya pero hindi ka naman tinatrato ng tama!”
“Wala tayo sa bahay, Andy,” paalala ko sa kanya. “Hinay-hinay sa pagta-trashtalk.”
Inirapan niya ako pagkuwa’y umiling-iling. “At ewan ko din ba naman sayo. Bakit ba sobrang bait mo?”
“Hindi ako mabait, noh?”
“Eh kung ako nga ang nasa sitwasyon mo, aba! Hahayaan ko siyang magbigti makalaya lang ako sa kontrol niya!”
Napailing na lang ako at bumuntong hininga nang maalala kung bakit nga ba hindi ako makakalas sa boyfriend ko kahit na gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya.
Mula kasi noong hinihigpitan na niya ako, madalas niyang sahihin na ikamamatay daw niya kapag nawala ako sa kanya.
Na mas gugustuhin niyang mawala na lang kaysa magkahiwalay kami.
At naikwento pa niya sa akin noon na minsan na din daw niyang tinangkang saktan ang sarili niya dahil iniisip niyang mag-isa siya.
Kaya heto ako, natatakot na baka kung anong gawin niya sa sarili niya kapag iniwan ko siya. Hindi kaya ng kunsensiya ko na gagawin niya iyon sa sarili niya dahil lang sa akin.
Kaya pinipili kong manatili sa relasyon namin kahit sobrang hirap na dahil hindi na ako makahinga.
At kahit paulit-ulit na akong sinasabihan ng mga kapatid ko na tama na.
“Minahal ko din naman iyon kaya kahit mahirap, pinipili ko pa ding mag-stay dahil ayaw kong may mangyaring masama sa kanya,” sabi ko.
“Ay, ewan ko sayo!” Muli niya akong inirapan. “Ilang taon ka na din naman naming sinasabihan. Pero paano ka nakatakas ngayon? Anong sinabi mo noong papunta ka dito?”
“Wala naman siyang palag kay Mommy,” sabi ko. “Kaya wala din siyang nagawa nang sabihin kong si Mommy ang nag-arrange ng bakasyon na ito.”
“Oh.” Tumangu-tango siya. “What about your communication?”
“Sinabihan ko na din siya na mahina ang signal ng mga telecommunications dito kaya bihira lang niya akong mako-kontak.”
“Give me your phone later, okay?” sabi niya na ikinakunot ng noo ko. “Just give it to me.”
Muli akong bumuntong hininga. “Fine.”
I enjoyed the rest of the night admiring the view and the ambiance of this place.
Nakaka-relax din kasi talaga ang lugar na ito. Kahit na marami-rami na ang tao sa paligid ay hindi ito nakakasagabal para makapag-muni-muni.
Ngunit naantala ang pagre-relax ko nang marinig ang boses ni Andrea mula sa bar counter kaya agad akong bumaling doon at napailing na lang ako sa nakita.
Ang dami nang boteng walang laman na nasa harap niya, senyales na uminom siya ng alak kahit napag-usapan na namin kanina na hindi siya iinom.
At sa paraan ng pagsasalita niya, nangangahulugan lang nito na marami na siyang nainom kaya napabuntong hininga ako at tumayo na para puntahan siya.
“Oh.” Agad siyang ngumiti nang makita ako at ipinulupot ang kanyang mga braso sa baywang ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya. “My baby sister.”
Despite being a child from our father’s third partner and an illegitimate child, Andrea showered me with love as long as I can remember.
Never niyang ipinaramdam sa akin na half-sister lang kami dahil buong-buo ang pagtanggap na ginawa niya sa akin.
Kaya naman lagi kong ipinagpapasalamat na sila ang kapatid ko.
“What do you think you are doing?” Tinaasan ko siya ng kilay ngunit lalo lang lumapad ang ngiti siya sa akin at humigpit ang yakap niya sa baywang ko.
“You know how much I love you, right?” She even used her famous ‘puppy eyes’. As if she was begging for me to answer her question.
Muli akong bumuntong hininga at tumango na lamang sa kanya.
“Yey! I love you so much, my baby sister” Isinubsob niya ang mukha sa tiyan ko at ilang sandali lang ay hindi na siya gumalaw pa.
Nang silipin ko ang mukha niya ay muli na lamang akong napailing dahil nakatulog na siya habang nakayakap sa akin.
Paano kaya kami uuwi nito ngayon?
Hindi ko dala ang lisensya ko dahil nasa usapan na namin na hindi siya iinom nang sa gayon ay makapagmaneho siya pauwi.
Mahirap pa namang gisingin ang isang ito kapag nakatulog na nang nakainom.
“Hey…”
Napabaling ako sa kumuha ng atensyon ko at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang may-ari ng restaurant na ito. Ngunit agad kong ikinalma ang sarili ko at walang emosyon na tumingin sa kanya.
“Is there something wrong?”
“Nothing serious,” sagot ko at itinuro si Andrea. “Wala sa usapan namin na iinom siya at ngayon nga ay natulog pa kaya hindi ko alam kung paano kami uuwi ngayon.”
“You don’t know how to drive?”
“Marunong ako pero hindi ako kailanman nagmaneho nang walang dalang lisensiya,” sabi ko. “At…” Itinuro ko ang table kung saan ako nakaupo kanina. May isang bote doon ng wine na in-order ko at halos naubos ko na iyon. “Nakainom na din ako.”
Tumingin siya kay Andrea pagkuwa’y tumingin sa kanyang relo tsaka tumang-tango at muling ibinalik sa akin ang atensyon. “If you don’t mind waiting, I can give you a ride.”
Muling nanlaki ang mga mata ko. “Huh?”
“On the way ang bahay niyo pauwi sa bahay ko kaya pwede ko kayong isabay,” sabi niya. “Just call your father and tell him that I will bring you home. He can pick up your car tomorrow.”
Of course, even though I feel something about this man, I am still hesitant to be with him in an enclosed space. Like hello? I just met him today.
Pero sa mga kwento ni Andrea kanina, bakas ang lubos na pagtitiwala niya sa lalaking ito kaya kahit na nag-aalangan ako ay tumango na lamang ako dahil wala din naman akong ibang choice kung hindi tanggapin ang offer niya.
Kaysa papuntahin ko pa si Daddy dito para lang sunduin kami. Matanda na ang isang iyon kaya siguradong mahihirapan pa siyang bumyahe lalo na’t gabing-gabi na.
“Okay, I will take that offer of yours,” I said. “Thank you.”
Tumango siya pagkuwa’y inalis na ang kanyang apron. “Give me five minutes.” Agad siyang umalis at nilapitan ang isa sa mga staff niya.
Narinig kong nagbibilin siya sa mga ito ng mga dapat gawin bago magsara at umuwi pagkuwa’y iniwan niya dito ang mga susi. Pagkatapos noon ay nagpaalam siya sa ilang kakilala na narito din bilang customer tsaka muling lumapit sa amin.
“Let’s go?” tanong niya.
“I haven’t paid—”
“Don’t worry about that,” he said. “It is in the house.”
Kumunot ang noo ko. “Huh?”
“Or…” Napakamot siya ng ulo. “I can put it in your sister’s tab for now. You can just pay it tomorrow.”
Well, hassle na din kung magbabayad pa ako gayong nakalabas na siya ng counter. At nakayakap pa din sa akin si Andrea kaya mahihirapan din akong kunin ang wallet ko.
Kaya sumang-ayon na lang ako sa suggestion niya pagkuwa’y hinayaan ko na siyang buhatin si Andrea.
Tahimik akong nakasunod sa kanya habang papunta kami ng parking lot. Tinawagan ko na din naman si Daddy at sinabihan siya kung sino ang maghahatid sa amin pauwi kaya siguradong sermon ang aabutin ni Andrea bukas ng umaga paggising niya.
At wala man lang pangamba sa boses niya nang banggitin ang pangalan ng lalaking ito. Kaya ngayon ko tuluyang napagtanto na close talaga ang lalaking ito, hindi lamang sa kapatid ko, kundi maging sa tatay ko.
Nang makarating kami sa kotse niya ay agad niyang inihiga sa back seat si Andrea kaya wala na akong nagawa kundi ang maupo sa passenger seat.
Ugh! Malilintikan talaga sa akin si Andrea bukas. Kung tumupad lang siya sa usapan ay siguradong hindi ako malalagay sa ganitong sitwasyon.