People said that when they meet a certain person in their lives, they suddenly feel like everything around them is slowing down. Like everything else is getting blurred and the only clear image that they can see is that person.
You can see every little move they make and that slip seconds can give you enough opportunity to memorize every angle of that person.
Yes, that is what I just experienced, as soon as I saw the man standing on the other side of the bar counter.
He is smiling at Andrea, happily talking to her, which I can’t even hear because my full attention is focused only on this man.
Shit! What the hell is happening?
“Addy?”
Napakurap ako nang makita ang mukha ni Andrea sa harap ko.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Are you okay?”
“Huh?” Iginala ko ang tingin at palihim na huminga ng malalim upang maikalma ang sarili ko tsaka muling bumaling sa kanya. “Y-yeah. I am okay. I was just amazed by the things around this place.”
“Did you like it?” nakangiti na niyang tanong na agad ko namang tinanguan. “Well, I helped the owner to design this place.” Hinila niya ako at naupo kami sa high chair na nasa harap ng bar counter. “Anyway, this is the owner of this place, Nikkon.” Itinuro niya ang lalaking nasa bar counter. “And Nikon, this is my baby sister, Mhayvin Adriel. But she preferred to be called Addy.”
I slowly turned my gaze to that man again and smiled at him, trying my best to hide my nervousness. “Hi,” I said. “Nice to meet you.”
He also gave me a warm smile. “Nice to finally meet you, Addy,” he said. “I heard so much about you.”
Kumunot ang noo ko. “Huh?”
“Ikaw ang bukambibig nitong kapatid mo kaya naman marami-rami na din akong nalalaman tungkol sayo,” natatawa niyang sabi habang nakaturo kay Andrea.
Agad akong bumaling sa kapatid ko ngunit sinalubungan lang niya ako ng pamatay niyang puppy-eyes with matching peace-sign.
“Please don’t be mad, Addy,” aniya. “I just don’t have any friends here and he is kind enough to listen to me.”
Bumuntong hininga ako at tumango na lang. “Fine.” Wala na naman akong magagawa para baguhin pa iyon. I just hope she didn’t say anything bad about me.
“Anyway, what do you want to order?” Nikkon handed us the menu. “My place is serving a full course meal with different kinds of liquor.”
“No alcohol for the whole night,” mabilis kong sabi bago pa magsalita si Andrea. Bumaling pa siya sa akin at binigyan ako ng paawa effect niya pero pinandilatan ko lang siya ng tingin at bumaling kay Nikkon. “For starters, please give me one whole roasted chicken and pineapple juice.”
“Sayo lang iyon?” gulat na sambit ni Andrea.
Tumango ako.
Agad naman siyang nag-order ng para sa kanya habang ako ay ibinaling ang tingin ko sa malaking aquarium. Pero may mga pagkakataon na napapasulyap ako kay Nikkon na abala sa pagmi-mix ng mga inumin at pakikipagkwentuhan.
Well, I can’t help it but check him out. What makes this person stand out with the rest that caught my attention.
Medyo bothered kasi ako sa na-experience ko kanina.
Aba! At sino bang hindi?
That was the first time it happened to me.
And yeah, one thing that makes this man stand out is his looks and height.
He is freaking handsome.
Hanggang balikat lang yata niya ako kung pagkukumparahin ang height namin. At para bang higit pa siyang makinis at maputi kaysa sa akin kahit halos hindi naman ako naaarawan.
He has sharp eyes. At para siyang napipikit sa tuwing ngumingiti siya dahil sa pagiging singkit niya.
Hindi naman ganoon kalaki ang katawan niya. Normal size for a petite guy but he has muscles so I guess he is working out.
Agad akong nag-iwas ng tingin nang mapasulyap siya sa akin.
“Ang ganda ng place, noh?” ani Andrea.
Tumango ako. “This is the first time I saw this kind of design,” sabi ko. “It makes the owner look obsessed with maritime creatures and products.”
“Well, this whole place speaks about him,” sabi pa niya. “And you can’t blame him because most of his life, he is in the open sea.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “You know a lot of things about him, huh?”
Ngumiti siya at tumangu-tango. “Napagkwentuhan kasi namin tuwing nabibisita siya sa shop ni Daddy at natataon na nandoon ako. Then, noong tumutulong din ako sa pagde-design dito.”
Sa aming magkakapatid, siya ang madalas umuwi dito kay Daddy dahil maluwag ang schedule niya. She works from home kaya kahit mag-travel siya ay walang magiging problema sa trabaho niya.
But most of the time, sa akin siya nag-i-stay kapag nasa city siya kaya sa kanya ako higit na naging close.
“Is this some kind of getting to know each other?”
Nanlaki ang mga mata niya at hinampas ang braso ko. “Loka-loka ka talaga!” Tinawanan pa niya ako. “Hindi iyan ang tipo ko.”
Nagkibit-balikat ako. “But you will never know, right? Minsan kung sino pa ang hindi mo type—”
“Ay jusko! Itikom mo iyang bibig mo, Addy!” singhal niya sa akin. “Hanggang friends lang kami niyan, noh? Besides, he only treated me as his little sister. We only hangout when I visit here or kapag nadadaan siya sa shop. Pero never kaming lumabas ng kami lang. Parang ang awkward kaya imposible na magkagustuhan kami.”
Napatitig ako sa kanya pagkuwa’y tumangu-tango na lang ako.
At ilang sandali pa ay dumating na ang order ko.
Inaya ko si Andrea na lumipat kami sa mas malaking table na agad naman niyang sinang-ayunan.
Kaya pumwesto kami sa glass wall ng restaurant kung saan tanaw ang city lights.
“So, anong plano mo ngayon?” tanong ni Andrea habang kumakain kami. “Gaano katagal ang stay mo dito?”
Nagkibit-balikat ako. “Naka-indefinite leave ako kaya pwede akong magtagal dito. Sabi ni Mommy, hindi ko kailangan na alalahanin ang trabaho ko sa school dahil may babalikan pa naman daw ako kapag nag-decide na talaga akong umuwi.”
My mom owned a private primary school. And I work there as an assistant teacher. Kaya naging madali sa akin ang makapag-file ng leave na walang kasiguraduhan kung kailan ako babalik.
“She told me to take all the time I need,” dagdag ko.
“Ay nako!” Napairap siya. “Kung ako diyan kay Tita Mavy, pipilitin na lang kita na mag-stay dito at huwag na munang bumalik sa city.”
Bahagya akong natawa at umiling-iling. “Sad to say, you are not my mother. She will never force me to do something that I don’t decide for myself.”
Ganoon ang pagpapalaki na ginawa sa akin ni Mommy dahil gusto niya na matuto akong magdesisyon para sa sarili ko. She valued my opinion on things that I want, but of course, she still guides me.
Tulad na lang nitong pagbabakasyon ko.
It was her who suggested it, saying that I might need some space and time to breathe. But she let me decide whether I wanted to take it or not.
Iyon ang kaibahan ng kinalakihan namin nila Andrea. Iyong nanay kasi nila ay medyo protective sa kanila kaya may mga pagkakataon na pinapakialaman nito ang ilang desisyon nila sa buhay.
Tulad na lang ng madalas na pagta-travel ni Andrea, ang pag-aasawa ni Athena ng isang sundalo at ang desisyon ni Andrew na magtrabaho sa abroad.
Habang ang nanay ni Kuya Clarence at Kuya Emmanuel ay masyadong maluwag. Hinahayaan sila nito sa kahit na anong gusto nilang gawin. Kahit medyo mali na ang desisyon nila ay hindi niya ito pinagsasabihan man lang.
All of them have their flaws but they are all good mothers. They did their best to raised us by doing things they think right for us. At kahit ganoon ang pagpapalaking ginawa nila sa amin, masasabi ko namang pare-parehong kaming lumaki na mabuting tao.
“Yeah, your mother raised you like that,” sabi ni Andrea na nakatitig sa akin. “So, why the hell did you let that bastard control you?”