“So?” Bigla akong napalingon sa kanya nang putulin niya ang katahimikan sa pagitan namin.
Mula kasi nang umalis kami sa restaurant ay wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig namin. Nananatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang siya naman ay nakatuon sa pagmamaneho.
Kaya bahagya akong nagulat nang magsalita siya.
“Are you staying here for good?”
I don’t want to be rude kaya kahit awkward ay agad akong sumagot ng iling sa kanya. “Nandito lang ako for vacation,” sagot ko. “Napilit lang ako ng pamilya ko dahil ang sabi nila, kailangan ko ito.”
“Oh.” Tumangu-tango siya. “Your sister mentioned that you need some place to relax. Marami noon dito na siguradong magugustuhan mo kaya tama lang ang desisyon mong dito magbakasyon.”
“Hindi naman ako pala-labas na tao,” sabi ko at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. “Kaya baka hindi din ako maggala. I just need some space from the life I have in the city.”
Silence filled the car again.
At akala ko ay wala na siyang iba pang sasabihin hanggang tuluyan kaming makarating sa bahay.
Inalis ko na ang seatbelt ko at akma na sanang bubuksan ang pinto ng kotse ng bigla siyang magsalita.
“You can breathe here, Addy.”
Napalingon ako sa kanya at bumungad sa akin ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
“Maybe this place will help you realize that it is okay to let go of things, especially if it is hurting you.”
Kumunot ang noo ko. Does he know something about my situation?
He awkwardly smiled and pointed at Andrea. “She told me things about you so I kinda know your situation.”
Bumaling ako kay Andrea at binigyan ito ng masamang tingin ngunit mahimbing pa din ang tulog nito kaya napabuntong hininga na lang ako at muling bumaling sa kanya.
“Thanks for your kind words but there is always a consequence when you let some things go.” Ibinaling ko na ang atensyon ko sa pinto at binuksan iyon. “And I don’t have the courage to face those consequences that is why it is hard for me to let go.”
Tuluyan na akong lumabas ng sasakyan at eksakto naman na nakalabas na din ng bahay si Daddy.
“Nalintikan na talaga iyang kapatid mo!” Naiiling pa siya nang salubingin ako. “Naabala niyo pa tuloy si Nikkon.”
“Bukas mo na pagalitan, Dad,” sabi ko. “Mahihirapan kang gisingin iyan ngayon.”
Bununtong hininga siya at tumango. “Oh siya. Pumasok ka na at magpahinga. Ako na ang bahala sa kapatid mo.” Lumapit na siya sa kotse at sinundan ko siya ng tingin.
Muling nagtagpo ang tingin namin ni Nikkon dahil nakalabas na din siya ng kotse.
Bahagya na lamang akong tumango sa kanya at nagpasalamat tsaka tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Hindi na din naman ako makakatulong sa kanila dahil ramdam ko na ang epekto ng alak sa sistema ko.
Kaya dumeretso na ako sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili sa kama.
At hindi ko na namalayan na agad din akong nakatulog.
********************
Marahas akong napadilat at agad napaigtad ng bangon. At ang unang hinanap ng mata ko ay ang cellphone ko, tulad ng nakagawian kong gawin paggising pa lang ng umaga.
At halos mataranta ako nang hindi ko ito makita sa table na nasa gilid ng kama ko.
Saan ko ba nailagay iyon?
Nagsimula kong halughugin ang mga maleta at bag na dala ko. Inilabas ang lahat ng gamit na ikinalat iyon sa sahig.
Hindi ko na alintana ang kalat na ginagawa ko dahil sa isip ko, ang mahanap ang cellphone ko ang pinakaimportante sa sandaling ito.
Labis-labis na ang kabang nararamdaman ko. Ilang beses pa akong muntik matumba at bumagsak sa sahig dahil sa pagmamadali kong pumunta sa bawat sulok ng silid ko para lang mahanap ang lintek na cellphone na iyon.
Shit! s**t!
This can’t be happening! Kailangan kong mahanap agad iyon at mabuksan.
“Addy.”
Natigil ako sa ginagawa ko at agad tumingin kay Andrea na nakatayo na sa pintuan ng kwarto ko.
“Kanina pa ako kumakatok at dahil naririnig ko ang pagkakataranta mo ay pumasok na ako.” Tuluyan siyang pumasok at tumayo sa harap ko. “This is what you are looking for, right?”
Sa palad niya ay ang bagay na kanina ko pa hinahanap.
“H-how—”
“I told you last night to give it to me, right?” aniya. “Eh tulog ka pa kaya kinuha ko na. Your network has a bad signal here so I took the liberty of buying you a new one that has a good signal here. Sinalpak ko na at ibinigay sa jowa mong sira ulo. Sinabi ko din sa kanya na tulog ka pa kaya ako ang tumawag sa kanya.”
Kinuha ko iyon sa kamay niya at agad binuksan ang message.
At bahagya akong nakahinga nang makitang maayos ang mga text messages na ipinadala ng boyfriend ko.
“I am sorry for not bringing it back as soon as possible,” she added. “Sorry for giving you anxiety.”
I shook my head and smiled at her. “It’s okay, Andy. In fact, thank you for being so considerate despite the fact that you hated me having communication with him.”
Napairap siya. “As if I have any other choice,” singhal niya. “Siguradong hindi ka mapapakali habang narito hangga’t hindi maayos ang line of communication niyo.”
Ngumiti na lang ako.
“Anyway, breakfast is ready.” Ginulo niya ang buhok ko tsaka tumalikod sa akin at naglakad palabas ng kwarto ko. “Fix yourself and tidy up your things before going down.”
Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita at agad nang isinara ang pinto pagkalabas niya.
At napabuntong hininga na lang ako.
Unti-unting nawala ang kabang naramdaman ko kanina at napaupo na lang ako sa sahig.
Ngunit nananatiling nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko kung saan naka-flash ang dialed number ng boyfriend ko.
I know I have to call him. I am committed to him and it is my responsibility to at least update him on what is happening to me while I am here.
But I have to admit that there is a side in my brain that tells me to just ignore him since he will never be able to reach me here anymore.
Mabilis kong iniling-iling ang ulo ko upang ialis iyon sa isip ko.
I have decided to stay with him even if it is hard for me.
I picked up my phone and pressed the call button. After a couple of rings, the other line answered.
“Hello…”