Prologue
“I have something to tell you,” sabi ko sa kanya matapos makababa sa motor niya. Tumayo ako sa bandang harap niya para matitigan ko ang mga mata niya. “Good news and bad news. Which one do you prefer to hear first?”
“Unahin mo na ang bad news,” aniya.
Huminga ako ng malalim tsaka hinawakan ang kamay niya. “Whatever happens, I cannot choose you.”
After I said that, I saw pain lingering in his eyes, though he still tried his best to hide it by forcing himself to smile.
Arg! This is the reason why I have been trying to avoid him before. Pero masyado siyang makulit at hindi ako tinigilan hanggang sa ako na mismo ang sumuko.
“But—” Muli akong huminga ng malalim. “The good news is there is a high possibility that I will fall in love with you.” I smiled at him and immediately ran towards the gate of our house.
I looked at his direction and I almost laughed at his direction.
Para bang iyong huli kong sinabi ay naging sapat para mawala lahat ng sakit na nakita ko sa mga mata niya kanina.
“Don’t think too much, mister.”
Tumingin siya sa akin, bagaman pinipigilan niya ang ngiti ay hindi iyon nakaligtas sa paningin ko. “You are bad, Mhayvin.” Naiiling siya habang ginugulo ang kanyang buhok. “You are really bad.”
“I am just telling you what I feel.” I gave him a sweet smile and waved my hand. “Goodnight, mister. See you tomorrow.” Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay namin at doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Hindi kasi madaling aminin ang bagay na iyon lalo na sa isang tulad ng lalaking iyon. Pero at least, nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita.
Well, hindi ko na din pala dapat ipagtaka.
Dahil sa dami ng mga nakapaligid sa akin, siya lang ang nakapagpalabas kung ano talaga ang ugali ko. Sa mga araw na nakakasama ko siya, siya ang higit na nakakakilala sa akin kumpara sa mga taong matagal ko nang kilala.
Bumuntong hininga ako tsaka sinilip ang phone ko na kanina pa nagba-vibrate. “Kailangan ko nang bumalik sa reyalidad. Tapos na ang mala-fairytale experience ko para sa araw na ito.”
Isang reyalidad kung saan hindi ko kailanman matatakasan hangga’t nananatili akong mahina.