“Adriel!” Masaya akong sinalubong ni Andrea pagbaba ko pa lang ng sasakyan. Agad niya akong niyakap ng mahigpit na ikinatawa ko.
“Seriously, Andy? Parang hindi tayo magkasama noong isang araw, huh?” Ginulo ko ang buhok niya. “Nauna ka lang sa akin umuwi dito kahapon, hindi ba?”
Kumalas siya ng yakap at nakangusong tumingin sa akin. “Why? Masama bang ma-miss ka kahit isang araw pa lang tayong hindi nagkikita?”
Muli akong natawa at napailing na lang tsaka siya niyakap. “Oo na po, wala na akong sinabi.” wika ko. “Na-miss din naman kita.”
“Kung na-miss mo ako, dapat dito ka na lang.” This time, mas mahigpit ang yakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong pakawalan. “Stay here for good, Adriel. Huwag ka nang bumalik sa inyo.”
Napangiwi ako sa hinihiling niya at hindi makasagot.
Hindi naman ako basta-basta makakapagdesisyon tungkol sa bagay na ito. Lalo na sa sitwasyon ko ngayon.
Tumingin ako kay Daddy na kanina pa kami pinapanood para humingi ng tulong. Siya lang ang makakapagpatigil kay Andrea na hingin sa akin ang ganitong bagay.
Mukhang na-gets naman niya ang pinapahiwatig ko dahil mabilis siyang lumapit sa amin at pareho kaming niyakap. At dahil hindi pa bumibitaw sa akin si Andrea ay naipit siya sa gitna namin.
“Yah! Daddy!” reklamo niya habang pilit tinutulak si Daddy.
“Ang drama mo kasi.” Ginulo ni Daddy ang buhok niya. “Huwag mong kulitin si Adriel tungkol sa bagay na alam mong komplikado.” Akma niyang pipitikin ang noo nito ngunit mabilis itong nakalayo sa kanya kaya nailing na lang siya tsaka bumaling sa akin. “Kamusta naman ang byahe mo? Hindi ka ba nahirapan sa pagmamaneho?”
“Okay po ang byahe,” sabi ko. “Mom chose a car that is easy to drive.” Yumakap ako sa kanya. “I missed you, Daddy.”
“I missed you too, baby.” Hinaplos niya ang buhok ko. “Mabuti at pinayagan ka ng Mommy mo na mag-stay dito.” Kumalas siya ng yakap sa akin at kinuha na ang mga bag ko tsaka kami iginiya papasok ng bahay.
“Actually, siya po ang nag-insist na magbakasyon ako dito for the meantime,” sabi ko. “Siya din ang nag-asikaso ng lahat ng gamit at sasakyan ko para lang masiguro na aalis ako doon.”
“Good to hear that,” ani Andrea na agad kumapit sa braso ko habang papasok kami ng bahay. “At least, hindi lang ako ang nag-i-insist na lumayo ka sa lugar na iyon.”
“Andy…” saway ni Daddy.
Napasimangot si Andrea at napairap na lang. “Fine! I won’t talk about that anymore,” aniya. “Siguraduhin mo lang na talagang bakasyon ang punta mo dito, okay? Hindi iyong nandito ka nga pero iyong isip mo ay nandoon sa Manila.”
“Pumunta ako dito para mag-relax at unwind kaya hindi mo kailangang mag-alala.”
“Then, let’s go out later? Maraming bagong bukas na restaurant sa bayan,” sabi niya. “Siguradong magugustuhan mo ang mga pagkain doon.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Libre mo ba?” tanong ko na ikinasimangot niya kaya natawa na lang ako. “Joke lang. Alam ko naman na hanggang ngayon ay naka-hold pa din ang allowance mo.”
Pasaway kasi ito at dahil hindi uubra sa kanya ang pagiging grounded lang, hino-hold na din ni Daddy ang allowance niya para magtanda siya sa mga kalokohan niya.
Andrea Maelynrose is my half-sister. She is one of the five siblings I have with our father. And she is only three years older than me.
Nagkahiwalay ang mommy niya at si Daddy because of some reason that they didn’t bother to tell us and after a year, Dad met my mother.
Wala namang kahit anong isyu sa pagitan naming magkakapatid.
They were all nice and loving to me since I was the youngest. And we were all close even though we rarely saw each other.
Close din ako sa dalawang ex-wife ni Daddy dahil nagkikita kami noong panahon na isinasama ako ni Daddy sa mga bahay nila para bisitahin ang mga kapatid ko doon.
And to be honest, magkakaibigan din ang mga nanay namin kahit na iisang lalaki lang ang minahal nila.
I am Mhayvin Adriel Madeira, 23 years old at nangangarap ng masayang reyalidad na matagal nang ipinagkait sa akin ng tadhana.
___________________
“Pinayagan ka ba talaga ni Daddy na magmaneho?” tanong ko kay Andrea na ngayon ay nasa harap ng steering wheel ng sasakyan ko.
Nasa byahe na kasi kami papunta sa bayan para bisitahin iyong mga bagong bukas sa restaurant na sinasabi niya sa akin kanina.
Pinagpahinga lang niya ako ng mga ilang oras dahil mahaba-haba ang naging biyahe ko papunta sa probinsyang ito. At nang sumapit ang ika-anim ng gabi ay agad na niya akong pinakilos para makaalis kami.
Karamihan kasi sa mga restaurant dito ay nagse-serve ng alcohol kaya ang opening nila ay iyong pahapon na hanggang madaling araw.
“Hindi ba’t sinunog na niya ang driver’s license mo kasi ilang beses na kang muntik madisgrasya?”
“Adriel, hindi ako nakainom kaya pinapangako ko sayo hindi tayo madi-disgrasya.” Hindi na siya nag-abala pang tumingin sa akin dahil nananatili ang atensyon niya sa pagmamaneho. “At lalong hindi din tayo iinom. Kakain lang tayo doon.”
“Weh?”
Eksaktong natigil kami sa stop light kaya inis siyang bumaling sa akin. “Kung hindi ako nagmamaneho, masasabunutan talaga kita!” singhal niya sa akin. “At sinasabi ko sayo, hindi tayo iinom ng kahit kaunting alak dahil alam kong ngangawa ka lang kapag nalasing ka. Ayaw kitang alagaan kapag lasing noh.”
Muli na niyang pinaandar ang sasakyan nang mag-green light.
“And for your information, si Daddy mismo ang nagpakuha sa akin ulit ng lisensya noong banggitin pa lang ng mommy mo ang tungkol sa pagbabakasyon mo dito,” paliwanag niya. “Kaya huwag kang praning diyan, okay? Nangako din ako kay Daddy na hindi magpapasaway hangga’t nandito ka.”
Natawa ako sa sinabi niya. “Ibig sabihin, kapag umalis ako ay magpapasaway ka uli?”
Tumawa din siya at umiling-iling. “Ayokong mangako,” sagot niya. “Alam mo naman na g**o mismo ang lumalapit sa akin.”
Maangas ang dating ni Andrea. Kilos lalaki kasi dahil ganoon siya pinalaki ni Daddy. Noong nag-aaral pa siya ay makailang ulit na pinatawag sina Daddy at ang mommy niya sa guidance office dahil nanuntok siya ng kaklase o kaya naman ay nanaksak siya ng kamay ng ka-schoolmate niya.
Ang dahilan niya, dinedepensahan lang niya ang sarili dahil binu-bully siya ng mga ito. Dagdag pa, hindi naman daw niya pinapansin noong una pero nang hawakan na siya ay napatid ang pasensya niya kaya hindi na nakapagpigil na saktan ang mga ito.
Of course, proud si Daddy dahil alam niyang hindi papaapi ang anak niya. Pero dahil napapadalas ang pakikipag-away nito ay napuno na din si Daddy.
Nang mag-college ito ay sinimulan niyang parusahan si Andrea tuwing papasok ito sa g**o. Mahigpit kasi ang pinapasukan niya noon at ayaw ni Daddy tulad noong high school siya ay palipat-lipat pa siya ng school dahil madalas siyang ma-expel.
Habang ako?
Well, dahil nga bunso ay masyadong naging protective sa akin ang buong pamilya ko. They treat me like a princess, give me everything I want and don't even let me get hurt, even just a small mosquito bite.
Naging depende ako sa mga magulang at kapatid ko hanggang paglaki and I guess that was one of the reason why I am not like Andrea who can protect herself in any kind of pain.
“Hoy!” Tinapik ni Andrea ang balikat ko at doon ko lang napansin na nakatigil na pala sa isang parking lot ang kotse namin. Natanggal na din niya ang seatbelt namin at kunot noo siyang nakatingin sa akin. “Tulala ka na diyan. Okay ka lang?”
Ngumiti ako at tumango. “Nag-iisip lang ako kung ano ang masarap kainin ngayon.” Binuksan ko na ang pinto ng kotse at lumabas tsaka bumaling sa establishment na nasa itaas ng burol.
“This is the newest restobar here.” Hinawakan ako ni Andrea at hinila papunta sa hagdan paakyat sa burol na kinalalagyan ng kakainan namin. “I knew the owner of this place. Galing sa shop ni Daddy ang mga furniture niya dito sa restaurant niya.”
“Oh?” Dad has a small furniture shop here in the province. Sinimulan niya iyon nang maghiwalay sila ni Mommy at magdesisyon na manatili dito.
And Andrea is helping her run this small business.
We finally arrived at the top of the hill and were greeted by the cozy outdoor setup by the restaurants. And even though it was still new in the area, many people were already dining there.
Well, maganda ang view sa buong paligid. Tanaw ang city lights, lalo na’t unti-unti nang dumidilim ang langit. Mahangin dahil nasa bahagyang hilaga ang probinsyang ito. A perfect spot for someone who just wants to relax and unwind.
Para sa tulad kong hindi sanay na pumupunta sa mga ganitong klaseng lugar, I can’t believed that I find this place comfortable.
“Let’s go inside.” Hinila na ako ni Andrea. “Most of their customers like to hang around here. Kaya siguradong kaunti lang ang tao sa loob.”
And it is more cozy inside the restaurant.
Maluwag ang buong lugar. May stage kung saan naka-set up ang iba’t-ibang band equipment at mayroon ding space for dance floor.
“Dating marine soldier ang may-ari nito,” Andrea said. “And before that, naging crew din siya sa cruise ship kaya puro marine products ang nakadiplay dito sa paligid.”
“Oh.” Inililibot ko ang tingin ko sa paligid habang hinihila ako ni Andrea papunta sa bar counter.
Most of the displays here are souvenirs from different countries. Ships in the bottle, miniature parts of boats and yachts. They also have a big real-life anchor that was placed in the middle of the restaurant.
But the biggest attraction here is the full-length aquarium, filled with colorful corals and fish that probably came from different parts of the world.
“Good evening, owner,” bati ni Andrea sa barterner kaya agad akong napatingin doon.
At isang matamis na ngiti ang bumungad sa akin galing sa lalaking hindi ko inakala na magkakaroon ng malaking parte sa buhay ko.