Chapter 5

1472 Words
Nanlaki ang mga mata ko nang ang unang mabungaran paglabas ko ng kwarto ay hindi sina Daddy at Andrea, kung hindi si Nikon. Prente itong nakaupo sa hapagkainan habang sumisimsim ng kape. And I don’t know why, but the first thing that comes to my mind is to go back to my room. But before I could do that, I immediately stopped myself. Well, napansin na kasi niya ako at siguradong lalo lang magiging awkward kung bigla na lang akong aalis. Kaya huminga na lang ako ng malalim tsaka tuluyang pumasok ng dining room. “Good morning,” nakangiti niyang bati sa akin matapos kong maupo sa katapat niyang upuan. I gave him a faint smile and just nodded. “Andrea is with your father in the study room,” he said. “Nakikipagnegosasyon na naman kasi ang kapatid mo para hindi muling kunin ng daddy nyo ang credit card niya.” “Oh.” Tumangu-tango ako. “It will surely take a while.” She promised not to get drunk last night yet she broke that and we even bothered this man just so we could go home. Kaya siguradong hindi niya basta makukuha ang gusto niya. Papahirapam muna siya ni Daddy. Matapos kong maglagay ng pagkain sa pinggan ko ay doon ko lang napansin ang suot na damit ni Nikon. Napakunot ang noo ko habang nakatitig doon dahil sa pagkakaalam ko, may ganoong design ng t-shirt si Daddy. I know that because I was the one who gave that same shirt to him. And it was a customized design that I made. Napansin niya kung saan ako nakatingin kaya itinuro niya iyon. “Your dad let me borrow his clothes. Nasukahan kasi ni Andrea ang damit ko kagabi.” Lalong kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. “You spent the night here?” Tumango siya. “Your father insisted. Besides, this is not the first time I slept here.” Sa sinabi niyang iyon, doon ko tuluyang na-realize kung gaano kalalim ang ugnayan niya kina Daddy at Andrea. They liked him and trusted him, without even a hint of a single doubt. And I don’t know why I suddenly felt scared of their relationship. I feel like it is going to be a problem, not for them, but for me. I mentally shook my head and shifted my attention to my food. Hindi na rin naman siya nagsalita kaya pinilit ko ang sarili ko na huwag na ding pansinin ang presensya niya. Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa pagkain ang cellphone dahil sunod-sunod na naman ang message na natatanggap ko mula sa aking kasintahan. ‘Kumain ka na ba?’ ‘Aalis ba uli kayo ni Andrea ngayon?’ ‘Tawagan mo ako bago ka umalis, ah.’ ‘Video call tayo mamaya tapos ipakita mo sa akin kung saan kayo pupunta.’ ‘Miss na kita.’ ‘Uwi ka na dito.’ ‘Gusto na kitang makasama.’ Napabuntong hininga na lang ako at pinatay ang cellphone ko. Kung noon ko natanggap ang mga message na ito, siguradong kikiligin ako. Pero alam ko kung ano ang intensyon na nakakabit sa bawat mensahe na ito. “Addy!” Mula sa likod ay yumakap sa akin si Andrea. Ipinatong pa niya ang baba sa ulo ko. “Help me convince Dad to give my card back.” Bumuntong hininga akong muli. “Why would I do that?” I asked. “It is your fault, right?” “I know,” pag-amin niya. “And I am sorry for breaking my promise.” Kumalas siya ng yakap sa akin at naupo sa tabi ko. “But can’t you blame me? Nasa isang restaubar kaya tayo. Hindi talaga maiiwasan ang pag-inom ng alak doon.” Bumaling ako sa kanya at pinaningkitan siya ng mata. “Yes, hindi maiiwasan ang pag-inom ng alak. Pero ang pagpapakalasing?” Napanguso siya at nagpa-awa pa sa akin. “Sorry na.” “It is your decision,” sambit ni Daddy nang pumasok dito sa dining area. “Siguradong hindi naman maiiwasan ang mapagastos kayo dahil nagbabakasyon ka dito. Pero kung ako ang tatanungin, ayaw kong humahawak muna ng pera ang batang iyan habang narito.” Napaismid si Andrea at bumaling kay Daddy. “You are treating me like I am younger than Addy.” “Dahil kung umakto ka ay para bang mas bata ka pa sa kanya,” ismid naman ni Dad. Napailing na lang ako. “Stop arguing, please?” pigil ko sa kanila. “We have a guest, just in case you forgot.” Sabay silang bumaling kay Nikon na mukhang hindi naman bothered sa pagtatalo ng dalawa. Pagkuwa’y muli silang bumaling sa akin. “Nah, it’s just Nikon,” ani Andrea. “Normal na sa kanya ang makitang ganito kami ni Dad.” Tumangu-tango pa si Dad. “He is already part of the family so it is okay to be like this in front of him.” “So, let’s go back to our topic,” sabi pa ni Andrea. “Please tell Dad to give my credit card back. Promise, hindi na talaga ako magpapakalasing, lalo na kapag magmamaneho ako.” Andrea doesn’t really need her card. Wala naman siyang dapat pagkagastusan lalo na’t may sarili naman akong pera na pwede naming gamitin tuwing lalabas kami para mamasyal. Pero kilala ko ang kapatid kong ito. Hindi niya gusto na siya ang nililibre. Mas gusto niya iyong siya ang gumagastos, lalo na kung para sa aming mga kapatid niya. Lagi niyang sinasabi na nagtatrabaho siya para sa pamilya niya kaya gagastusin niya ang pera niya para rin sa pamilya. At dahil wala pa naman siyang boyfriend, asawa o anak, sa aming mga kapatid at magulang niya inilalaan ang lahat ng mayroon siya kahit pa alam niyang may kanya-kanya na din naman kaming pinagkakakitaan. Bumuntong hininga ako. “Just give it back, Dad.” “Yes!” masayang sambit ni Andrea at agad na inilahad ang kamay sa harap ni Dad. “Sabi ko na nga ba’t hindi ako mahihindian ni Addy.” Dad just shook his head but I know that he also wants to give it back. Ayaw lang niyang sa kanya manggaling ang desisyon dahil baka hindi magtanda itong kapatid ko. “Just keep your promise, Andrea.” Inilapag niya sa palad nito ang card. “Ibabalik kita sa mommy mo kapag hindi ka nagtino.” “As if you won’t miss me.” Muling bumaling sa akin si Andrea. “Let’s go downtown later. Ipapasyal kita.” At bago pa ako makasagot ay agad na siyang tumakbo palabas ng dining area kaya bumuntong hininga na lang ako. Basta galaan ay hindi magpapapigil ang isang iyon. “Bakit hindi niyo isama si Nikkon sa lakad niyo?” Mabilis ang naging kilos ko nang sambitin iyon ni Dad. “Para na rin may katulong ka sa pagkontrol sa gastos ng kapatid mo,” dagdag pa niya tsaka bumaling kay Nikkon na kakatapos lang sa kanyang pagkain. “Kailangan ka ba sa restaurant mo?” Umiling ito. “I have time to spare,” sagot nito. “Besides, I was also thinking of going downtown today to buy some things.” This time, tumingin na siya sa akin. “If it is okay for me to tag along?” My whole body wants to scream and say no. Pero ano naman ang idadahilan ko para pagbawalan siyang sumama sa amin? Jusko! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ganito ang nagiging reaksyon ko sa lalaking ito? I mean, he didn’t do anything wrong to me. In fact, mula nang makilala ko siya kahapon ay wala na siyang ginawa kundi maging mabuti sa akin. But my instincts are telling me to stay as far as I can away from this man. Nag-iwas ako ng tingin at yumuko. Nagpanggap na abala ako sa pagkain. “Well. I don’t see any problem with that,” I said. Trying my best to sound normal. “If it doesn't bother you.” “Then, I will take my leave.” Nag-angat ako ng ulo upang muling tumingin sa kanya. Tumayo na siya at kinuha ang mga pinagkainan niya tsaka inilagay iyon sa lababo. “I will just go home and get ready. Kotse ko na ang gamitin natin para hindi na hassle sa inyo ang pagbalik sa restaurant.” Tumango ako. “Drive safe and thank you again.” Ngumiti siya sa akin at sinamahan na siya ni Dad palabas ng bahay. At para bang doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makahinga ng maluwag. Shit! What the hell is happening to me? Bakit ba may ganitong epekto sa akin ang lalaking iyon? No! Hindi ito maaari! That man is close to my family. I don’t want to create any possible thing that might ruin that

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD