PAGKABALIK ng selda nanonood na lamang si Aristhon ng balita sa telibisyon na nalilipat lamang sa opisina ng guwardiya. Iisang channel lamang ang pinapakita roon na madalas balita ang pinapalabas. Hindi na sana niya balak manood ngunit nang makita niya kung ano ang balita na ipinapahayag ng babaeng tagapagbalita naupo na lamang siya sa sahig sa kaliwa ni Aristhon na hindi nakasandig sa dingding.
Ibinabalita nang mga sandaling iyon ang pagkakawang gawa ng senador na nakausap niya bago siya makulong. Nakangiti itong kumakaway sa mga tao habang naglalakad sa kahabaan ng pinagawa nitong seawall sa isang probinsiya. Nakasunod lamang dito ang mga alalay nito't ang mga sumusuporta ritong mga mamayan.
Sumama ang mukha niya nang makita niya si Daniel sa mga naglalakad sa kanan lamang ng senador. Nakasuot ito ng itim na suit kaya nahuhulaan niyang nagtratrabaho na nga ito sa ilalim ng senador. Naiinis siya rito dahil wala talaga sa plano na magpapahuli siya nang gabing nagtungo sila sa aliwan. Ang pakay niya lang talaga roon ay ang mapatay ang tauhan ni Gustavo na hindi magawang ikulong ng mga pulisya. Ngunit dahil sa kasakiman nito trinaydor siya nito, pinakapal niyon ang papel nito sa senador na nagawa na nga ito.
"Mukha kang galit diyan. Sino ba ang kinaiinisan mo riyan sa balita?" ang naitanong ni Aristhon sa kaniya nang mapansin nito ang itsura niya nang sandaling iyon.
Inalis niya ang tingin sa telebisyon nang lingunin niya ito. "Iyang abogado ng senador ang dahilan kaya nakulong ako. Sinumbong ako sa pulis para malinis ang pangalan niya," pagbibigay alam niya rito. "Gustong-gusto niyan talagang magtrabaho sa senador."
Napatango-tango si Aristhon sa nalaman mula sa kaniya.
"Ano bang gusto mong mangyari sa kaniya?" ang naisipan nitong itanong.
Naguguluhan siyang tumingin sa mga mata nito, makikita sa mukha niya ang pagkalito.
"Hindi kita maintindihan. Ano ang ibig mong sabihin?" wika niya rito.
"Kako kung gusto mo siyang mamatay," paliwanag nito sa kaguluhang ginawa ng mga salita nito. "Puwede ko siyang ipapatay kung gusto mo lang naman."
"Huwag na," pagtanggi niya sa alok nito. "Magtutuos kaming dalawa sa oras na makalabas ako rito. Tatanggalan ko talaga siya nang mga kuko para mas lalo siyang mahirapan dahil sa sakit."
"Ikaw ang bahala," ang tinatamad nitong sabi sa kaniya.
Patuloy lamang sa paglalakad ang senador na sinabayan ni Daniel. Hindi na niya makayang panoorin pa ang balitang iyon kaya hindi niya mapigilang magsalita. Nais niya na lamang ilipat iyon.
"Wala na bang ibang channel?" ang tanong niya rito.
Nakatutok pa rin ang mata ni Aristhon sa telibisyon. "Ang mga guwardiya lang ang nakakapaglipat niyan sa opisina nila," sabi nito. "Walang remote sa mga selda."
Kumunot ang kaniyang noo sa narinig mula sa bibig nito.
"Ilabas mo na," pamimilit niya rito dahil pakiramdam niya talaga mayroon itong sariling remote doon. "Nagpapanggap ka pa riyan na wala. Hindi mo ako maloloko."
Isang ngisi ang gumuhit sa labi nito na isa lang ang ibig sabihin, hindi nga siya nagkamali na mayroon itong natatagong remote. Ibinaling nito ang atensiyon kay Ismael na naroon lamang sa sulok kalapit ng kinakabitan ng telebisyon. Pilit itong nagbabasa ng libro tungkol sa kung paano mabago ang iyong sarili.
"Kunin mo nga Ismael," utos ni Aristhon.
Kaagad din naman sumunod si Ismael na isinasara ang libro nitong hawak. Tumayo ito sa gilid ng telebisyon na isinusuksok ang isang kamay sa likod niyon. Nang ilabas nga nito ang kamay hawak na nito ang manipis na itim na remote.
Lumapit si Ismael sa kinauupuan nila't binigay nito ang remote kay Aristhon. Tinanggap naman iyon ni Aristhon kapagkuwan ay inabot naman sa kaniya.
"Ito. Ikaw ang pumili nang papanoorin," ang nasabi nito sa kaniya.
Bumalik naman sa dating puwesto nito si Aristhon na muli namang binuklat ang librong hawak. Napatitig siya sa kamay ni Aristhon na hawak ang remote.
"Sigurado ka ba?" paniniguro niya rito.
Lalo pa nitong inalapit sa kaniya ang remote kung kaya nga tinanggap niya na lamang iyon. Itinutok niya kaagad ang remote sa telebisyon, mabagal niyang inilipat ang channel nang makahanap siya nang magandang papanoorin. Halos puro balita ang nadaraanan niya kaya kumukunot na naman ang kaniyang noo dahil sa pagkadismaya.
Balak niya na sanang tumigil ngunit sa huling lipat niya sa channel tumigil iyon sa palabas na cartoon na mayroong pamagat na Kung Fu Panda sa huling part nito. Kahit ilang ulit na niyang nakita iyon hindi pa rin siya nagsasawa. Napagdesisyunan na lamang na iyon ang panoorin.
Doon na niya ibinaba ang remote sa lapag sa pagitan nilang dalawa ni Aristhon. Gumawa ng mumunting ingay ang pagbitiw niya.
"Seryoso ka?" ang naitanong ni Aristhon sa kaniya. Ito naman ang tumingin sa kaniyang mukha. "Iyan ang papanoorin mo?"
"Bakit masama ba?" Tinakpan niya ang kaniyang bibig sa kaniyang paghikab. Hindi niya inalis ang tingin sa pinapanood na palabas sa pakikipag-usap niya kay Aristhon sa puntong iyon.
"Hindi naman," ang nasabi nito sa kaniya. "Hindi ko lang inasahan na nasa edad mong iyan nanonood ka pa rin niyan."
Hindi naman siya naniniwalang tingin talaga nito ay walang masama kaya kinausap pa siya nito tungkol sa hilig niyang iyon.
"Sasabihin ko na sa iyo dahil baka hindi mo alam. Matatanda ang gumawa ng mga palabas na ganiyan. Kaya huwag mong tingnan na hindi akma sa edad ko ang manood."
"Sinabi ko na sa iyo na walang masama. Humirit ka pa."
"Hindi kasi ako naniniwala sa iyo," malinaw niyang sabi.
Hindi na nga naalis ang kaniyang mata sa telebisyon dahil dumating na ang palabas sa katapusan nito. Lumingon lamang siya sa pinto nang mayroong kumatok. Nang tingnan niya kung sino ang nakasilip sa rehas sa pinto nalaman niyang si Sebastian.
"Sulat niyo," ang sabi nito bilang tagapagsilbi ito sa piitan. Ipinasok nito sa rehas ng pinto ang kamay hawak ang dalawang sulat.
Tulak-tulak nito ang mataas na card na kipapatungan ng iba't ibang dala nito na pangangailangan ng mga preso. Tumayo naman ulit si Ismael para kunin ang sulat. Hinablot lang nito mula sa kamay ni Sebastian kapagkuwan ay binasa kung para kanino ang sulat na iyon. Natigalgalan lamang siya nang bahagya nang ihulog ni Ismael ang sulat sa kaniyang hita. Ang hawak naman nitong sulat ay binuksan nito sa pag-upo nito, mabilisan nitong pinunit ang sobre sabay basa sa nilalaman niyon. Maging siya ay tiningnan na rin naman niya ang sulat, pinunit niya ang isang dulo niyon. Gumamit ng kulay-rosas na papel ang nagdapala na siyang kaya naglalaro sa loob ng selda ang halimuyak niyon.
"Sino ba ang nagpadala sa iyo?" pag-usisa ni Aristhon sa kaniya.
Umusog ito patungo sa kaniya't kinuha sa kamay niya ang sulat. Sa pagkabigla niya ay nasuntok niya ito sa braso na ikinatigalgal nito.
Hindi rin naman ito gumanti.
"Akin na." Inilapit niya ang kamay dito nang ilagay nito sa nakabuka niyang palad ang sulat.
Hindi siya nito pinakinggan. "Sandali," hirit nito na tinitingnan ang sulat.
Hindi naman siya nag-alalang mayroon itong mabasa na kung ano sa sulat dahil hindi naman totoo ang nilalaman niyong mga salita.
"Ano? Tapos na?" sabi niya pa rito.
Natapos din naman ito sa pagbabasa kaya binalik na nga nito ang sulat sa kaniyang kamay. "May kasintahan ka pala," ang naisatinig nito base sa nabasa nito.
Hindi niya na lamang tinama ang maling akala nito. Binasa niya ang sulat nang malaman niya kung ano ang nilagay ng kaibigan niya roon. Wala namang kakaiba para sa kaniya kaya tinupi niya ulit ang sulat. Tumayo siya kapagkuwan na nakasunod ng tingin sa kaniya si Aristhon, inipit niya sa tuyong damit ang sobre.
"Oo. Mayroon nga. Ano ang akala mo sa akin? Hindi gustuhin?" pagsisinungaling niya rito sa pagbalik niya sa sahig. Ibinalik niya kapagkuwan ang tingin sa telebisyon.
"Alam niya ba ang pagiging inutil mo?" ang naitanong nito. Hindi na nito tinatanggal ang tingin sa kaniya.
"Hindi ka ba titigil sa kababanggit sa bagay na iyan. Hindi na nakakatuwa," maktol niya rito. Naputol ang kanilang pag-uusap nang mabaling ang kaniyang atensiyon sa alalay ni Aristhon na si Ismael dahil sa paghikbi nito. Bumabaha ang luha mula sa mga mata nito. "Ano iniiyak mo riyan?" ang naisipan niyang itinanong.
"Wala kang pakialam," ganti naman nito sa kaniya. Umalis ito sa kinauupuan dala pa rin ang sulat na binabasa.
Naglakad kapagkuwan patungo sa banyo, pagkaraa'y nagkulong roon nang maipagpatuloy nito ang pag-iyak. Hinatid niya nga ito ng tingin hanggang sa maisara nito ang salaming pinto.
"Sinulutan na naman siguro siya ng kaniyang asawa," ang pagpapatuloy ni Aristhon sa kanilang pag-uusap. "Madali siyang maluha pagdating sa asawa niya."
"Hindi ko inasahan na mayroon siyanv asawa. Malayo sa itsura niyang hindi gagawa nang matino."
"Maganda ang asawa niya. Artistahin," sabi nito.
Hindi na nga niya naituloy ng panonood dahil sa mga naririnig niya mula rito. Ibinalik niya na lamang sa channel na naglalahad ng mga balita.
"Ikaw. Mayroon ka bang asawa?"
Sinalubong nito ang kaniyang tingin sa naging katanungan niyang iyon. "Ano sa tingin mo?" tanong nito pabalik imbis na sumagot nanh direkta.
"Mayroon?" ang nag-aalangan niyang sabi.
Tumawa ito sa nasabi niya. "Wala," pagtama nito nang itutok na nito ang mata sa telebisyon.
Ibinigay niya na lamang dito ang remote na tinggap naman nito. Hindi siya nanatili sa sahig sa kaniyang pagtayo. Lumakad siya patungo sa bintana sa pagbuhos ng ulan sa labas. Napapatitig siya sa labas hindi dahil sa natutuwa siya sa ulan. Wala siyang magandang alaala na mayroong kinalaman ang ulan kaya hindi niya magawang magpahalaga rito. Pero ang ina niya gustong-gusto ang ulan. Nakahiligan nitong panoorin ang pagbuhos niyon habang umiinom ng kape. Sabi nito sa kaniya umuulan nang makilala nito ang kaniyang ama nang nag-aaral palang ito sa kolehiya. Naabutan ito ng ulan sa daan kaya sumilong ito sa hintayin ng bus kung saan nga nito unang nakita ang kaniyang ama. Kahit na hindi naging maganda ang pagsasama ng kaniyang magulang binabalikan nito ang ala-alang iyon, ang mahalaga para rito ay iyong masasayang alaala kaya binabalewala lamang nito ang nalungkot. Madalas pa nitong sabihin ang mga iyon sa kaniya na hindi nga magawang isabuhay.
Sa pananatili niya sa bintana tumayo mula sa kinauupuan nito si Aristhon. Nilapitan siya nito kapagkuwan sabay akbay sa kaniyang balikat, ramdam niya ang bigat nang braso nito. Hinayaan niya lamang ito nang sandaling iyon.
"Ano na naman?" ang naitanong niya. Nakatutok pa rin ang kaniyang mata sa pagbuhos ng ulan.
"Gusto mo bang maligo sa ulan? Puwede kong kausapin ang mga guwardiya nang makalabas tayo nang mga sandaling ito," suhestiyon nito.
"Hindi naman sa nakatingin ako sa ulan gusto ko nang maligo. Saka ano ang akala mo sa akin bata?"
"Oo," hirit naman nito.
Sa inis niya rito'y tinanggal na lamang niya ang braso nitong nakapatong sa kaniyang balikat. Hindi siya nakalayo rito sa balak niyang paglayo. Ikinapit pa nito ang kamay sa kaniyang beywang.
Kumunot ang kaniyang noo nang salubungin niya ang mga mata nito.
"Ano nanan ang binabalak mo?" ang naisipan niyang itanong.
Lalo nitong idinikit ang katawan niya rito kaya wala nang paglulusutan ang hangin. "Wala naman. Mayroon ka lang dumi sa leeg," wika nito nang alisin nito ang kamay sa beywang.
Tumaas ang kamay nito na siyang pinang-alis nito sa itim na dumit sa ilalim lamang ng kaniyang tainga. Humawak pa ito sa kaniyang baba't hinaplos ang kaniyang pisngi. Hindi natahimik ang kamay nito dahil lumipat pa ang hinlalaki nito sa kaniyang labi't pinisil-pisil iyon. Lalo lamang siyang napapatitig dito sa hindi niya pagkilos. Hindi naman siya natinag sa kinatatyuan kaya nakukuha niya pa itong kausapin nang hindi ninenerbiyos.
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?" tanong niya ulit dito.
"Oo," sagot naman nito kaya lalo lang siyang naasar. "Gusto mo iyong paghahalikan nating dalawa. Kakaiba ang naramdaman ko. Gusro kong maulit nang hindi ko makalimutan ang pakiramdam.'
Tinulak siya nito sa kaniyang dibdib na kaniyang ikinaatras hanggang sa bumangga ang likod niya sa bintana. Nang aakam siyang tutulakin ito palayo pinigilan naman nito ang kaniyang dalawang kamau sabay inilagay sa kaniyang uluhan.
"Huwag mong ituloy ang binabalak mo," mariin niyang sabi.
Binigyan siya nito nang isang ngisi na alam na alam niya kung ano ang ibig sabihin. Kung kaya nga bago pa nito magawang halikan siya ubod lakas niyang binawi ang kaniyang kamay mula rito. Humakbang siya kapagkuwan palayo. Hindi naman niyang nagawang lumayo nang patirin nito siya sa kaniyang paa. Dahil bumagsak siya sa lupa.
Nanlaki na lamang ang kaniyang mata nang dumapa ito sa kaniyang likuran. Ramdam niya ang bukol sa harapan nitong tumatama sa kaniyang pang-upo sa nipis ng kanilang mga suot. Hindi siya nito pinagbigyan na makatayo sa pagsakal ng isa nitong kamay sa leeg. Naramdaman niya na lamang ang init ng hininga nitong tumatama sa kaniyang tainga.
"Pagbigyan mo na ako. Halik lang naman," ang bulong pa nito sa kaniya.
Dinilaan pa nito ang kaniyang tainga na lalo niya lamang ikinainia dito. "Hindi isang kendi ang halik na kung kailangan mo gusto puwede mong kainin," ang nasabi niya rito sa inis ba bumabalot sa kaniya.
"Babayaran kita kapalit ng halik," pangiingganyo nito sa kaniya. Wala itong pakialam na hindi lang sila ang tao roon. Sigurado siyang naririnig sila ni Ismael na nakaupo sa natatakpanf inidoro.
"Lamunin mo ang pera mo. Ano ang akala mo sa akin pokpok na kailangang mabayaran para lang masunod ang gusto mo?" Natawa na lamang ito sa sinabi niyang iyon na iniaangat ang katawan nang matigil ang pagdagan sa kaniya. Lumuhod ito na nakalagay ang dalawang paa sa kaniyang tagiliran. Dahil dito nakuha niya itong lingunin sa pagtihaya niya. "Nang-aasar ka bang talaga?" ang naitanong niya rito nang salubungin niya ang tingin nito.
Imbis na sumagot pumaimababaw ito sa kaniya kaya impit ang kaniyang naging ungol sa pagkabigla. Sinakap ng mga labi nito ang kaniyang bibig na pinanatili niyang itinikom. Tinulak niya ito ngunit hindi naman ito umalis, humawak pa ito sa kaniyang leeg nang mas magiging mariin ang paghalik nito sa kaniya. Sa hindi niya pagtugon lalo pa nitong ginalingan. Patuloy lang ito sa paghalik sa kaniya. Nanatili pa rin siyang bato sa ilalim nito. Nang hindi ito natuwa sa kaniyang pananahimik ito.
"Hindi mo ba gusto?" ang naitanong nito sa kaniya.
"Buti alam mo," sabi niya naman dito. "Ihinto mo na itong kahibangan mo."
Humigpit ang kapit ng kamay nito sa kaniyang leeg sa muli nitong pagbulong sa kaniyang tainga. "Mamaya na. Hindi pa ako tapos. Kasalana mo ito."
Inilabas nito ang dila na pinadaan nito sa kaniyang kanang pisngi.
"Paano ko naging kasalanan ang kalabugan mo?" aniya rito sa pagbaon ng daliri nito sa kaniyang leeg.
Hindi siya nito sinagot sa pagsakop nito sa kaniyang labi. Sa inis niya rito kinagat niya ang pang-ibabang labi na ikanatigil nito. Hindi niya iyon binitiwan kahit na inilalayo na nito ang mukha sa kaniya. Nalasahan na nga niya ang dugong lumalabas na sugat na nagawa ng kaniyang ngipin. Sa inis nito sa kaniya ipinasok niyo ang isang kamay sa loob ng kaniyang suot na pantalon. Nilamukos nito ang dalawang bilog na maliit na bola. Dahil dito pinakawalan niya na lamang ang labi nito. Pinahid nito ang kamay sa nasugatang labi at pinagmasdan ang dugo na kumapit doon. Sinipsip pa nito ang lumalabas na dugo sa bibig nito. Laking gulat na lamang niya nang mabilis nitong dinura iyon sa kaniyang mukha. Tumayo siya na pinupunasan iyon. Ang sumunod na ginawa nito ang hindi niya inasahan na mangyayari nang sandaling iyon. Hinawakan siya nito sa kaniyang ulo't ubod lakas na ibinangga sa dingding. Bumagsak na lamang siya sa sahig sa pagkawala ng kaniyang ulirat.