NAGTUNGO siya sunugan ng basura dala sa isang kamay ang sakong naglalaman ng pinaghalong tuyong damo, dahon at sanga na nanggaling sa taniman. Napapaikutan iyon nang mataas na pader na siyang naghihiwalay sa ibang mga kalapit na gusali, mataas ang bubong nito na mahigit isang palapag ang taas. Pumasok siya roon na tinutulak ang tarangkahang bakal na umirit nang bahagya. Sa unang niyang hakbang pa lang tumama kaagad sa kaniyang ilong ang matapang na amoy ng gasolina. Naisip niyang gumagamit ng gasalino para madaling masunog ang mga basura. Nakatambak sa loob ang mga kumpol ng mga basura, lumapit siya sa isa mga iyon na malalaki ang paghakbang. Sa balak niyang pagbuhos mayroon siyang narinig na pagsigaw dahil sa nararamdamang sakit. Naibaba niya na lamang ang sako't pinuntahan kapagkuwan ang pinagmumulan ng ingay. Madali lang naman niyang nahanap lalaking kumakausap sa kaniya na nakahiga sa lupa ilang dipa ang layo sa incinerator . Kasama nito ang dalawang preso pa na nananakit, nagsisipa ng dalawang preso ang kawawang lalaki.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" sabi niya nang kunin ang atensiyon ng tatlo.
Natigil nga ang dalawang preso sa pananakit sa kawawang lalaki. Lumingon ang mga ito patungo sa kaniya na masama ang mga mukha. Nang mapagtanto ng isa kung sino siya bumulong ito sa kasama na ikinanlaki ng mga mata nito. Pagbalik ng tingin ng mga ito sa kaniya lumakad na ang mga ito palayo, sa ibang direksiyon dumaan ang mga ito sa likuran ng mga nakatambak na basura. Iniwan na lamang ng mga ito ang kawawang lalaki na nang mga sandaling iyon ay bumangon na mula sa pagkahiga mula sa lupa.
"Maraming salamat," ang naisatinig nito sa pagpagpag nito sa mga kumapit na dumi sa suot nito. "Mabuti dumating ka dahil kung hindi pihadong mababalian na naman ako ng buto."
Napatitig siya sa mukha nito. "Kung bakit kasi hinahayaan mong saktan ka ng mga ibang tao rito," aniya na hindi kakikitaan ng sigla. "Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita kong binubugbog ka."
"Ano ang magagawa ko? Mahina lang ako," sabi nito na puno ng pighati.
"Kahit mahina ang isang tao puwede pa rin siyang lumaban," paalala niya dahil hindi nito ang alam ang bagay na iyon. "Kailangan lang gumamit ng utak."
"Hindi mo ako katulad." Pinagmasdan siya nito nang tuwid.
"Kaya naman kahit ang warden hinahayaan mo lang."
Iniyuko nito ang ulo nang makaramdam ito ng hiya. Hindi na ito nagsalita matapos marinig ang tungkol sa nangyari sa palikuran. Humakbang na lamang ito na nilalampasan siya nang makalabas na ito roon. Bumuntonghininga siya nang malalim sa paghatid niya ng tingin, naalis niya lang ang tingin sa likod nito nang hindi na niya ito makita sa paglalalad nito sa gitna ng mga nakatambak na basura.
Hindi na rin naman siya nagtagal pa sa kinatatayuan. Naglakad na siya pabalik sa sako na kaniyang iniwan bago pa man siya hanapin ng guwardiyang nagbabantay sa kanilang selda. Naiwan ito sa taniman nang mabantayan si Aristhon. Nagawa niya namang makabalik sa sako na walang nangyayari sa kaniya ngunit nang ibinuhos niya ang laman napalingon na lang siya sa gawi ng pintuan nang makita ang pamumuo ng usok mula. Kumunot ang noo niya dahil hindi dapat nangyayari, sinusunog lamang ang mga basura sa loob incinerator hindi sa tinatambakan. Sa nasaksihan nagmadali siyang ibuhos ang laman ng sakot. Hindi na siya nakatuloy matapos lumampas tambak ng mga kahoy dahil sa apoy na kumalat sa harapan niya. Sa pagtakbo ng apoy na sinusundan ang ibinuhos na gasolina roon patungo sa mga tambak tumakbo na siya patungo sa tarangkahan. Tumalon siya sa luminyang apoy kapagkuwan ay tinulak ang tarangkan kaagad. Sa kasamaang-palad hindi naman bumukas ang iyon dahil nakandaduhan mula sa labas. Ibinayo niya pa iyon nang makailang ulit para marinig ng kung sino man ang naroon sa kabila na naroon pa siya loob. Natigil siya sa pagbayo ng tarangkahan nang mapaubo siya sa pagkapal ng usok. Mabilis na kumalat ang apoy na siyang sumunog sa mga tambak na nasura. Naghanap din naman siya ng paraan makalabas. Inilinga niya ang kaniyang ulo kaliwa't kanan. Mayroon naman siyang nakitang bintana ngunit kailangan niyang dumaan sa nagliliyab na apoy. Naibalik niya ang tingin sa tarangkahan nang marinig niya ang pagsigaw ni Aristhon sa kabila ng tarangkahan.
"Benjo! Nandiyan ka pa ba! Sumagot ka!" Pinilit nitong buksan ang tarangkahan na hindi nagawa dahil sa kadena't kandadong inilagay doon ng salarin sa nangyayari.
"Oo!" sigaw naman niya pabalik sabay umubo.
"Dumaan ka na lang sa binatana! Hindi maalis itong kadena! Iikot ako!"
"Iyan na nga ang gagawin ko! Sa kaliwa banda!"
Hindi na nga niya narinig pa ang iba pang sinabi nito sa kaniyang pagtakbo sa dagat ng apoy nang mabilis. Naramdaman niya ang init na tumama hindi lang sa kaniyang suot kundi na rin siya kaniyang balat. Nagawa niya rin naman makalapit sa bintanang salamin. Sinubukan niya pang sipain iyon ngunit hindi naman nabasag sa kapal niyon. Hindi niya nasundan ang pagsipa nang mahirapan na siyang huminga dahil sa kapal ng usok. Sa likuran niya ay patuloy nagliliyab ang apoy. Sa paghihirap niyang iyon lumitaw sa kabila ng bintanang salamin si Aristho dala ang bakal.
"Tumabi ka!" sigaw nito sabay hampas ng bakal sa salamin.
Sa lakas ng paghampas nito nabasag iyon sa isang beses lang. Tumalsik ang mga bubong ng salamin at nahulog sa lupa. Hindi nito tinigilan ang salamin hanggang sa walang matira. Nang ilahad nito ang kamay sa kaniya kinuha niya kapagkuwan ay tinulungan siyang makaakyat sa bintana. Napahawak pa siya sa frame ng salamin na hindi binibigyang pansin ang naiwang matalim na bubog. Sa pagmamadali niyang makalabas kasama ang paghila ni Aristhon natuma sila pareho sa lupa. Bumagsak siya sa dibdib nito na magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Huminga ito nang malalim pagkatitig nito sa kaniya matapos niyang makalaya sa kapahamakan.
"Mananagot talaga sa akin iyong nagkulong sa akin," aniya kay Aristhon.
"Sino naman?" ang naitanong nito.
Hindi pa rin siya umaalis sa ibabaw nito. "Hindi ko alam. Baka ikaw?" hirit niya naman dito.
"Gusto mo bang ibalik kita sa loob?" pagbabanta pa nito sa kaniya.
Hindi na nasundan pa ang pag-uusap nila nang magkaroon ng pagsabog mula sa loob na siyang naging dahilan kaya nabasag ang iba pang mga bintanang salamin. Lumusot pa ang mga apoy na nadala ng buga ng hangin at umabot hanggang sa labas. Mahigpit niyang inihawak ang kaniyang dalawang kamay sa likuran ng kaniyang ulo nang mapangalagaan iyon kung sakalin mang tumalsik ang kung anong mga bagay patungo sa kanila. Mabuti na lamang hindi naman nangyari ang kaniyang naiisip. Wala nang iba pang nangyari matapos nga ang pagsabog.
Pagkawala ng apoy na umabot sa labas umalis na rin siya ibabaw ni Aristhon, ipinatong niya ang kaniyang kamay sa gilid ng mga dibdib nito. Tumayo na rin naman ito halos nagkasabay nilang ginawa iyon.
"Mayroon talagang mga taong gagawin ang lahat masaktan ka lang kahit wala ka namang ginagawang masama," ang naisatinig niya nang ayusin niya ang kaniyang suot na polo.
Sinilip nito ang patuloy na pagkasunog sa loob ng gusali. "Tama ka rin naman diyan," pagsangayon naman nito sa kaniya. "Ano bang ginawa mo't naikulong ka sa loob? Nawaala ka ba sa sarili mo?'
Ibinalik nito ang atensiyon sa kaniya sa pananatili nilang nakatayo roon. Hindi niya naman inatrasan ang tingin nitong sumama, sinalubong niya iyon na buo ang loob.
"Malay ko bang mayroong nagbabasalik na ako ay patayin. Nagdala lang naman ako ng basura. Nakita mo rin naman ang pag-alis ko nag taniman, hindi ba?"
"Nakalimutan mo atang kinamumuhian ka ni Gustavo," paalala nito sa kaniya.
"Wala naman dito ang matandang iyon. Paano naman niya nalaman na papunta ako ng incinerator?" aniya sa pagtakbo ng kaniyang isipan.
"Kahit saab ka magpunta rito sa piitan mayroon pa rin siyang mga mata. Sino ba ang nakakita sa iyo na pumasok riyan?"
"Tatlo lang naman. Hindi ko kilala ang dalawa," sagot niya rito. "Pero iyong isa ay iyong kumakausap sa akin."
"Sino?" kaagad nitong tanong sa kaniya. "Si Sebastiab ba?" dugtong nito nang mapagtanto nito kung sino ang tinutukoy niya.
"Oo. Siya nga," tugon niya nang sumagi sa isipan niya ang mukha ng lalaki.
"Baka siya nga ang nagkulong sa iyo sa loob," ang naisip nitong sabihin.
"Bakit naman niya gagawin sa akin iyon?" taka niyang tanong. "Wala naman akong ginagawa sa kaniya?"
"Toso ang taong iyon. Hindi mo dapat pinaniniwalaan ang pinapakita niya't sinasabi sa iyo. Kaya ko nga hindi nagugustuhan ang taong iyon."
Kumunot ang noo niya sa narinig mula rito. "Lahat naman ng tao kinamumuhian mo," komento niya rito.
"Hindi naman lahat," pagtama nito sa kaniyang naging opinyon. "Paano naman pagdating sa iyo?"
Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito dahil alam niyang higit itong toso kahit na kanino. "Basta hindi ako naniniwalang magagawa ni Sebastian ang nangyari. Hindi malayong mayroong nag-utos sa kaniya," pagbibigay niya nang diin.
"Posible," simple nitong sabi.
"Hahanapin ko siya nang matanong. Kung siya nga ang mayroong gawa masasaktan siya sa akin," aniya sa kaniyang paghakbang.
Hindi siya nakatuloy nang pigilan siya nito sa braso. "Bigyan mo muna nang pansin iyang kamay mo," wika nito na nakatingin sa kaniyang kamay.
Sinabi nito itinaas niya ang kanang kamay nang mapagmasdan niya iyon. Nalaman niyang nasugatan nga siya nang mahaba sa kaniyang palad, kumalat man ang dugo huminto na rin iyon. Hindi naman siya nag-aalala sa nangyari sa kaniya.
Ibinaba niya rin naman ang kamaya matapos niyang tingnan. "Malayo naman ito sa ugat. Mamaya ko na intindihan baka magtago pa ang Sebastian na iyon," aniya kay Aristhon sa paglalakad niya paalis sa gilid ng gusali.
Napapasabay na lamang sa kaniyang si Aristhon na iniiling ang ulo.
"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na wala kang pakiramdam," ang nasabi nito dulot ng pagtataka.
Pinalusot niya lamang sa dalawa niyang tainga ang narinig mula rito. Hindi niya ito nilingon sa patuloy niyang paglalakad. Sa hindi nila paghinto nakarating na sila sa harapan kung saan naroon ang ibang mga presong nakikiisyoso kasama ang ibang mga guwardiya. Naroon sa tarangkahan ang dalawang guwardiya na pilit tinatanggal ang kadena gamit ang tubo. Napapalingon pa sa kanila ang ilan kahit na si Ismael na nakatayo sa gilid ng mga preso katabi ang guwardiya nila. Sa likuran ng ibang mga preso'y sumisilip si Sebastian. Nang tumama ang tingin nito sa kaniy umatras ito nang lakad na isa lang ang ibig sabihin, mayroon nga itong alam sa nangyaring pagkasunog sa loob. Imbis na abangan pa ang mga susunod mangyayari sa gusali na iyon mabilis siyang naglakad patungo kay Ismael kaya napapabuntot na lang si Aristhon. Dumaan siya sa pagitan ng mga preso nang mahabol niya ang lalaki.
Sa pagtakbo nito't tumakbo na rin naman siya. Sa laki ng kaniyang paghakbang naabutan niya ito kaagad. Hinawakan niya ito sa likuran ng suot nito na ikinatigil nga nito sa pagtakbo.
"Wala akong kinalaman sa nangyari," ang saad nito kaagad na inilalagay ang mga kamay sa harapan ng ulo nito sa pag-aakalang matatamaan ito sa kaniya.
Hinila niya ito sa suot kaya napapahakbang rin naman ito. "Ano ang pinagsasabi mo? Wala pa nga akong naitatanong," aniya sa lalaki.
"Hindi ko talaga kasalanan ang pagkulong sa iyo," sabi pa rin nito.
Dinala niya ito patungo sa taniman. Sa likuran nila ay nakasunod si Aristhon. "Tumahimik ka muna bago pa ako hindi makapagpigil," pagbabanta niya rito na ikinatamimi nito.
Hindi na nga ito nagsalita sa pagpasok nila sa taniman. Nagtuloy-tuloy sila nang lakad hanggang sa makarating sila sa likuran ng matatas na halaman. Doon niya pa lamang ito binitiwan. Nagkamali pa ito ng hakbang sa pagkalampa nito makalayo lang sa kaniya kaya natumba ito sa lupa. Puno ng takot ang mukha nito nang mga sandaling iyon.
Nag-iskwat siya sa harapan nito kaya napapagapang ito nang paatras tinapakan niya ang paa nito kaya natigil ito na nakangiwi. Nang sandaling iyon din ay nakatayo na sa kaniyang likuran si Aristhon na nagsindi ng sigarilyo.
"Sino ang nag-utos sa iyo na ikulong ako?" ang naisipan niyang itanong rito nang makakuha siya ng sagot.
"Walang nag-utos sa akin," ang nanginginig nitong sabi.
Kumunot ang kaniyang noo sa narinig. "Sinabi ko na nga sa iyo," ang naisatinig ni Aristhon na pinatunayan ang mga nasabi nito sa lalaking iyon. "Hindi ako nagkakamali na siya nga. Akala mo siguro ay nakikipagkaibigan iyan sa iyo."
Bumuntonghininga siya nang malalim para pakalmahin ang kaniyang sarili ngunit hindi naman iyon nangyari. Lalo lang kumukulo ang dugo niya habang nagbabalik sa isipan niya ang pagkalat ng apoy. Dahil dito idiniin niya pa ang kaniyang paa sa bukong-bukong nito, balak pa nitong alisin ang paa niya kaya pinilipit niya ang daliri nito na ikinasigaw nito nang malakas.
"Bakit mo ginawa iyon? Nahihiya ka ba na nakita kitang pinapasakan ng p*********i sa bibig? Kung iyon ang gusto mo wala akong pakialam doon," mariin niyang sabi rito. "Sumagot ka bago ko baliin ang itong kamay mo."
Nag-aalangan itong tumingin sa kaniya. "Hindi ko gusto ang katulad mo. Naiinis ako sa iyo dahil kahit wala ka mang ginagawa binibigyang pansin ka ni Aristhon," ang nanggagalaiti nitong sabi. "Ginawa ko na ang lahat. Nagpaalilala na ako pero wala pa ring nangyayari."
"Huwag mong sabihing mayroon kang gusto kay Aristhon?" aniya rito nang maitnindihan niya ang pinagsasabi nito. Sa hindi nito pagsagot nalaman niyang hindi nga siya nagkakamali. Tumayo na siya nang tuwid matapos niyang bitiwan ang kamay nito. "Magsama kayo kung gusto mo. Wala akong pakialam kung ano pang gawin niyo. Pero huwag mo akong idadamay. Mula ngayon huwag ka na ring lalapit sa akin kung ayaw mong maging lumpo."
Sa inis niya rito pinadyakan niya ang bukong-bukong nito na lalo nitong ikinasigaw. Humawak ito sa paang nasaktan nang lumayo na siya rito patungo sa gripo. Nilampasan niya lamang ang naninigarilyong si Aristhon. Nakarating naman siya sa gripo na nakabuntot sa kaniya ang lalaki. Samantalang si Sebastian ay naglakad paalis ng taniman na umiikang. Nakasalubong pa nito ang guwardiya nila dala ang maliit na plastik na kahon.
Hindi niya tiningnan si Aristhon sa paghuhugas niya sa sugat ng kaniyang kamay, nakatingin lang din ito sa kaniya na walang lumalabas sa bibig nito. Nang maalis nga ang dugo kitang-kita niya na nga ang hiwa sa kaniyang palad. Mabuti na lamang hindi gaanong malalim ang sugat. Sa pagpatay niya sa gripo ay siya ring pagtayo ng guwardiya sa kaliwa ni Aristhon.
"Halika't gamutin natin iyang sugat mo," sabi naman nito.
Nilingon niya ito dahil doon. "Ako na ang gagawa. Kaya ko namang mag-isa," saad niya nang agawin niya ang maliit na kahon sa kamay nito.
Wala na rin naman itong nagawa sa paglalakad niya patungo sa upuan. Naupo siya roon pagkarating niya't inilabas ang panglinis ng sugat. Marahan niyang nilagyan ang hiwa na hindi ngumingiw gamit ang bulak. Nang matapos tinapon niya ang bulak na siya ring pag-upo ni Aristhon sa kaliwa matapos nitong sumunod sa kaniya. Ang guwardiya naman ay nagtungo na lamang sa labas ng taniman para magbantay.
Nang tatalian na niya ang kaniyang kamay ng bendahe kinuha iyon ni Aristhon sa kaniyang kamay. Tinapon nito ang sigarilyong hindi pa nauupos at hinawakan ang kamay niyang mayroong sugat. Sa balak niyang pagbawi rito humigpit ang kamay nito. Napabuntong hininga na lamang siya nang malalim nang hayaan niya ito. Hindi nga rin niya naman matatalian nang maayos ang kamay gamit lang ang isang kamay. Nakuha pa ni Aristhon na hipan ang kaniyang kamay nang makailang ulit, naramdaman niya ang init ng hininga nito sa kaniyang palad.
"Hindi ko tipo ang taong iyon," saad nito sa kaniya na ang tinutukoy ay si Sebastian.
Sinimulan nitong balutin ng bendahe ang kaniyang kamay. Hindi niya inasahan na masasabi nito ang bagay kaya nagtataka siya rito.
"Bakit mo sinasabi sa akin?" pag-usisa niya rito.
"Gusto ko lang malaman mo. Baka inisip mong nakipagsiping din ako sa taong iyon. Kahit lumuhod pa siya sa harapan ko't magmakaawa hindi mangyayari iyon." Sinalubong nito ang kaniyang mga mata na mayroong ngisi sa labi.