HINDI pa man nakatatagal ang araw nang huling ipinasok siya sa bartolena ngunit naroon nga siya't ibinalik siya roon. Sumuksok na naman sa kaniyang ilong ang hindi kaaya-ayang amoy nito. Nasapo niya ang kaniyang ulo sa pagmulat ng kaniyang mata dahil sa pagkirot niyon matapos nga siyang iumpog ni Aristhon sa dingding. Namumuo sa kaniyang dibdib ang galit para rito habang sumasagi sa kaniyang isipan ang nangyari. Mabagal siyang kumilos nang maiupo niya ang kaniyang sarili na siyang pagkatok sa pintong bakal ng bartolena. Naiangat niya ang tingin sa manipis na butas sa pinto kung saan pumapasok ang liwanag. Sumisilip roon ang pares ng mga mata na kaagad din naman niyang nakilala kung sino ang nagmamay-ari. Hindi nga siya nagkamali sa bagay na iyon dahil nag-iisa lang naman ang taong kung tumingin sa kaniya ay matalim.
"Ano pa ang gusto mong mangyari?" ang naitanong niya kay Aristhon.
Nagsindi ito ng sigarilyo na narinig niya sa pagtunog ng pangsindi nitong gawa sa bakal. "Wala naman. Gusto lang kitang disiplinahin," sabi naman nito sa kaniya.
Kumunot ang kaniyang noo sa narinig. Hindi niya nagugustuhan kung paano nito sabihin ang mga salitang iyon.
"Ikaw pa talaga ang magdidisiplina samantalang ikaw ang dapat ang higit na matuto sa ating dalawa," hirit niya naman dito.
"Nagkakamali ka riyan," pagtama nito sa kaniya. "Sinasabi ko na sa iyo hindi magandang galitin mo ako. Ang ginawa mong pagkagat sa labi ko ay isang malaki mong kasalanan sa akin. Sa katulad mong hindi nakikinig sa ibang tao kailangang mahirapan ka. Mananatili ka rito nang ilang araw. Hindi. Dapat ilang linggo nang magutom ka. Hindi ka nga naman nakararamdam ng ano mang sakit kaya iyon ang nababagay sa iyo na siyang magiging dahilan ng panghihina ng katawan mo."
"Bagay lang sa iyong masugatan sa labi. Hindi naman tamang ako ang pagdidiskitahan mo para lang mawala ang kalibugan mo sa katawan. Hindi mo nga dapat ako hinalikan at hawakan ang aking katawan."
"Ano ang mali roon? Nasa piitan tayo kaya wala ritong mga babae. Hindi rin naman sa iyo bago ang pakikipagtalik ng dawalang lalaki sa napapansin ko sa iyo. Kaya dapat huwag kang magtaka," sabi naman nito sa kaniya.
"Pinapunta mo sana rito iyong artista," mariin niyang sabi rito.
Hindi siya ganoon madaling papuntahin rito. Gaya nga ng sabi mo isa siyang ring artista. Maraming mga taong nakatingin sa kaniya. Kung kaya nga para makapunta rito siya sa piitan nagdadaos ng palaro rito na hindi mo naman puwedeng gawin araw-araw. Liban pa roon nagsasawa na rin naman ako sa babaeng iyon. Hindi ko na ako nasasarapan sa kaniya. Sandal, nagkakamali nga lang pala ako. Noon pa man ay hindi nga pala talaga. Masyado na siyang gamit. Wala na siyang lasa kung sa pagkain, hindi nalalagyan ng pangpalasa," ang mahaba-haba nitong sabi sa kaniy. "Saka dapat ka pang magpasalamat sa akin dahil tinutulungan pa kita para makaramdam ka nang ligaya. Kulang lang ang katawan mo sa mga haplos. Kaya kitang painitin nang hindi nahihirapan."
"Huwag ka ngang magpatawa. Kahit ano ang gawin mo walang mababago sa akin. Kailanman ay hindi mangyayari ang gusto mo." Inunat niya ang kaniyang mga paa sa pamamanhid niyon. Nakasandig ang kaniyang likod sa maramung pader ng bartolena.
"Hindi mo masasabi na hindi nga dahil nagsisimula pa lang tayo," ang nakalolokong sabi ni Aristhon. "Dadalhin kita sa langit. Hintayin mo lang. Darating tayo sa araw na iyon."
Sumama ang kaniyang mukha sa narinig mula rito. "Wala ka nang magagawa pa sa akin."
"Bakit naman wala? Ako ang mayroong kontrol sa ating dalawa."
Sinalubong niya ang mga mata nitong nakasalip. "Mula ngayon puputilin ko ang kung anong koneksiyon nating dalawa. Huwag mo na akong kakausapin mula sa araw na ito. Hindi ka rin puwedeng lumapit sa akin," sabi niya rito. "Kung gusto mong mapatay si Gustavo gawin mo. Hindi ko gagawing tapusin ang kaniyang buhay dahil sa iyo."
"Kinakalaban mo ba ako?" ang naitanong nito sa kaniya.
"Ano sa tingin mo?" ang matapang niya namang sabi na walang ano mang takot na nararamdaman para rito.
"Huwag mo nang subukan," mariin nitong sabi. "Hindi ka mananalo sa akin."
"Hindi ka isang diyos. Tao ka lang. Marami akong puwedeng gawin para makaganti sa iyo. Hindi ako katulad ng mga tao rito na natatakot sa iyo."
"Alam ko kaya nga ako natutuwa sa iyo. Lalo lamang akong ginaganahan kung ganiyan ka. Kaya sinasabi ko sa iyo sumuko ka na. Hayaan mo na akong gamitin ang katawan mo. Lumuhod ka na lang sa harapan ko nang hindi ka mahirapan."
Sinipa niya ang pintong bakal ng bartolena na ikinakalatong niyon. Iba ang kaniyang naging pagkaintdi sa huling pangunusap nito. "Hindi ako luluhod sa harapan mo," mariin niyang sabi.
"Ano bang naiisip mo? Ang gusto ko lang namang sabihin ay humingi ka ng patawad sa akin," saad ni Aristhon. "Huwag mong sabihing gusto mong lumuhod katulad nang nakita mo sa palikuran. Nakatikim ka na marahil ng saging."
"Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin dahil hindi rin naman ako maapektuhan."
Hindi nito binigyang pansin ang nasabi niyang mga salita. "Kung hindi man hayaan mo't papatikim kita. Sigurado ako magugustuhan mo."
Bumugo ito nang usok mula sa bibig kaya naglaro iyon sa hangin, lumusot pa iyong sa manipis na bintana.
Nadagdagan ang sama sa kaniyang mukha na kung nakakabutas lang ang mata niya kinana pa nasira ang pinto.
"Sarilinin mo ang katawan mo. Huwag mo akong isinasali. Kailanman ay hindi ko magugustuhan ang sinasabi mo. Hindi rin ako magpapakatapang makatikim lang."
"Sayang naman," ang nasabi ni Aristhon. Wala naman itong nararamdamang panghihinayang kabaliktara ng naging mga salita nito sa kaniya.
"Hindi ako nanghihinayang," ang buong tiwala niyang sabi.
Humithit ng sigarilyo si Aristhon sabay buga ulit ng usok. Tinapon na rin nito ang hindi pa man naaupos na sigarilyo.
"Minsan ba ay hindi mo naisip na lalaki ang kailangan mo para mabuhay ang libido mo sa katawan?" ang naisipan nitong sabihin.
Napaisip din naman siya dahil sa narinig. Hindi niya naman malaman kung hindi ito nagkakamali sa nasabi dahil hindi niya naman sinubukang makipaglaro ng apoy sa lalaki nang nasa labas pa siya. Ito pa lang ang nagpangahas na angkin ang kaniyang katawan.
Hindi na lamang siya sumagot dahil hindi niya rin naman alam kung paano gawin iyon. Naisip niya rin na hindi siya dapat nakikipag-usap dito tungkol sa bagay na iyon. Wala iyong maidudulot sa kaniya na maganda. Ang laman nga lang naman ng isip nito ay ang makamundong bagay na hindi niya nararanasan, hindi ito makakatulong sa kaniya. Hindi naman niya nais na alamin pa kung tama ang mga naging salita. Kuntento n siya siya sa kaniyang naging sitwasyon. Noon pa man hindi rin naman siya nagkaroon man ng pagnanais na maranasan ang mga ganoong bagay. Kung titingnan sa malayo mistula lang siyang rebultong nakakagalaw na walang taglay na pagnanasa sa katawan.
"Hindi ka ba natatakot na mag-iba ang gusto mo? Mula sa babae'y magiging lalaki na ang hahanapin mo?" aniya rito imbis na sumagot sa naging katanungan nito sa kaniya.
Kung tatanungin niya ang sarili niya ng parehong katanungan hindi niya rin alam kung paano sasagutin dahil ni minsan hindi naman siya nagkagusto. Iniisip pa nga lang niya bianggit naman ni Aristhon.
"Ikaw ba. Hindi ba problema sa iyo ang pagniniig ng dalawang lalaki? Tumugon ka mga sa halik ko, hindi ba?"
"Ako ang unang nagtanong. Sagutin mo muna ako." Tumayo siya pinto nang masilip niya si Aristhon sa labas. Tuwid lamang itong nakatayo na pinaglalaruan ang ginintuang bakal na pangsindi.
Masyadong maliwanag sa labas kay naipipikit niya ang kaniyang mata sa panunubig iyon. Wala nang ibang tao sa dakong iyon na kinalalagyan ng mga bartolena.
Nakasuksok ang kaliwang kamay ni Aristhon sa bulsa ng pantalon nito. Hindi nito alintana ang init ng araw na ikinakunot ng kaniyang noo. Sa kagustuhan nitong guluhin siya tinitiis nito ang pinapakawalang init ng araw.
Sinalubong nito ang kaniyang tingin sa maliit na bintana. Sa pananatili niya sa bartolenang iyon nagsisimula nang maramdan niya ang inti na pinapakawalan ng araw na siyang pumapaso sa kaniyang balat. Maging ang kaniyang ulo't tila sasabog na sinasabayan ng paglabas ng mga pawis sa kaniyang katawan. Mistulang naging empiyerno ang bartolena sa kaniya nang sandaling iyon mahirap na ngang takasan. Sa paraan ng pakikipag-usap ni Aristhon sa kaniya katulad ng nauna nitong sinabi mananatili siya sa loob niyon. Makakaya niya naman ang gutom at init ngunit kung balikan siya ng pananakit ng ulo hindi malayong mahihirapan siya.
"Hindi ka rin naman sumasagot. Kanina pa ako nagtatanong sa iyo," ganti naman nito sa kaniya.
Hindi na nasundan pa ang pag-uusap nila sa pagdating ng guwardiyang nakatuka sa kanilang selda. Lumapit ito sa likuran ni Aristhon. Mahahalata ang pamumula ng mukha nito gawa nang nasuntok ito sa opisina ng warden. Malalaki ang nagiging paghakbang nito sa haba ng mga paa nito.
Pagkalapit ng ng guwardiya doon na lumingon si Aristhon na inaalis ang atensiyon sa kaniya.
"Pinapapunta ka ng warden sa opisina niya," ang kaagad nitong sabi na walang paligoy-ligoy pa.
"Bakit naman daw?" Isinsuksok ni Aristhon ang hawak na pangsindi sa bulsa ng suot nitong pantalon.
"Pag-uusapan niyo raw ang tungkol kay Benjo," pagbibigay alam naman ng guwardiya.
Sa narinig ni Aristhon sinilip siya nito sa maliit na bintana kaya hindi niya pinigilan ang sarili na magsalita.
"Bakit niyo naman ako pag-uusapan?" ang naitanong niya rito.
"Hindi ko alam," tugon nito sa kaniya. "Siguro gusto ka ring ikama. Pero huwag kang mag-alala kapag ganoon nga hindi ko siya pagbibigyan. Dapat ako lang ang makakatikim sa iyo."
Uminit ang ulo niya sa narinig.
"Wala ka talagang magawa. Tigilan mo ako."
Binalewala na lamang nito ang sinabi niya. "Balikan na lamang kita mamaya," pagbibigay alam nito sa kaniya.
"Ipinasok mo pa ako rito kung madalas ka rin namang pupunta rito," maktol niya rito dahil hindi niya ito talaga maintindihan.
"Simple lang. Natutuwa akong guluhin ka." Tinalikuran na lamang siya nito sa paghakbang nito palayo ng bartolena.
Sa paglalakad nito'y sumabay ang guwardiya kaya hinatid na lamang niya ang mga ito ng tingin na matatalim. Hindi na lumingon pa ito sa kinalalagyan niyang bartolena. Hindi huminto ang mga ito kaya lalo pa silang lumayo. Inalis niya lamang ang tingin dito dahil sa init na kaniyang nararamdaman. Naupo siya kapagkuwan na nakatalikod sa pintuan.
Napapabuga siya ng hangin nang kahit papaano ay maibsan ang nararanasan niya init. Ngunit hindi naman iyon nakatulong. Kahit ang pagpagpag niya sa kaniyang suot ay hindi nakakapagbigay ng ginhawa sa kaniya. Naisipan niya na lamang na maghubad ng kaniyang suot mula sa pang-itaas hanggsang sa kaniyang pantalon. Iniwan niyang saplot sa katawan ay ang salwal. Ibang-iba nga talaga ang init sa loob ng bartolena. Hindi malayong magkakatotoo ang sinabi ni Aristhon na manghihina ang kaniyang katawan hindi lang dahil sa pagkagutom, init nga ng araw ang magiging kalaban niya. Sa pagbalik ng katahimikan hindi niya napigilang isipin kung tama nga bang kalabanin niya si Aristhon. Hindi nga rin naman siya makakakilos nant maayos sa piitan kung galit ito sa kaniya katulad nga ng nangyayari sa kaniya nang sandaling iyon. Ngunit hindi niya rin naman ito puwedeng hayaan sa gusto nito sapagkat indikasyon iyon ng pagiging mahina. Sa pinagsasabi nitong lalaki ang kailangan niya sumagi sa isipan niya ang alaalang hindi niya gustong balikan ng madalas. Kaya walang problema sa kaniya ang paglalaro ng dalawang lalaki nakita na ang katulad niyon nang bata pa siya. Dating trabaho ng kaniyang ina ang pagbibigay aliw na kahit mayroon na itong asawa ginagawa pa rin nito, ang ama niya nga rin naman ang nag-utos rito para mangyari iyon. Sa pinupuntahang aliwan ng kaniyang ina ay hindi lang babae't lalaki ang makikitang naglalaro sa sulok, naroong mayroon ding parehas na kasarian lalo na ang kapwa lalaki. Sa madalas na pagdala ng kaniya ina sa kaniya sa aliwan mayroong mga pagkakataon na kamuntikan na siyang magahasa. Hindi lang natutuloy dahil sa siya mismo ang nanakit gamit ang ginawang kutsilyo ng kaniyang ina para sa kaniya, mukhang lang ballpen sa labas pero kapay inalis ang takip maliit na kutsilyo iyon. Hindi na bago sa kaniya ang makakita ng mga lalaking nagsusubuan at kumakadyot sa likurang mga butas.
Naputol lamang ang paglalakbay ng kaniyang isipan dahil sa malakas na pagsipa sa pinto. Humarap nga siya rito kaya nalaman niyang mayroon na namang taong sumisilip sa kaniya mula sa labas.
Nakatayo roon si Sebastian na mayroong matalim na ngisi sa labi nito. "Sa wakas nakagawa ka rin ng mali na ikinagalit ni Aristhon," kaagad nitong sabi nang magkasalubong ang kanilang mga mata. "Hindi siya marunong magpatawad kaya hindi niya makakalimutan ang ginawa mo hanggang sa huli. Magsisimula na ang kalbaryo mo sa piitang ito."
"Kung magsalita ka'y kilalang-kilala mo si Aristhon gayong hindi naman talaga," ang nasabi niya rito.
"Kilalang-kilala ko rin naman talaga siya. Siya ang madalas kung sundan liban sa iba," pagbibigay alam nito.
Nagsalubong ang dalawang kilay para rito dahil sa palagay niya ay purong kasinungalingan lamang ang mga nauna nitong nasabi sa kaniya sa taniman.
"Akala ko ba ay matutuwa sa iyo si Aristhon dahil lang sa galit siya sa akin? Nagkakamali ka roon."
Ikinapit nito ang mga daliri sa maliit na bintana nang masilip siya nito.
"Magagawa ko ang lahat para mabaling niya ang atensiyon sa akin," ang naisipan nitong sabihin na matatalim. "Hindi ka na makakalapit sa kaniya. Ako na ang papalapit sa iyo."
"Alam mo kung gusto mong dumikit sa kaniya, gawin mo. Hindi iyong idadamay mo pa ako sa kalokohan mo."
"Paanong hindi kita madadamay samantalang sa iyo siya madalas tumingin ngayon? Isa lang ang ibig sabihin niyon natutuwa siya sa iyo."
Hindi nga ito nagkakamali na natutuwa sa kaniya si Aristhon na hindi niya na lamang sinagot.
"Nagkakamali ka sa bagay na iyan," ang nasabi niya nang hindi na humaba pa ang usapan na iyon.
Sinioa nito ang pinto kaya muling umingay sa loob ng bartolena. "Hindi ako nagakakamali sa mga napapansin ko."
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala," ang tinatamad niyang sabi pagkaramdam niya nang katamaran para kausapin pa ito.
Tinalikuran niya na lamang ito sa muli niyang pag-upo sa sahig. Napasinghot siya nang makaamoy siya ng usok. Nalaman niya na lamang kung bakit nang ipasok ni Sebastian ang patatsulok na paputok sa bartolena. Hindi niya nagawang patayin pa iyon nang sumabog na iyon kalapit ng kaniyang hita. Sa lakas niyon nabingi ang kaniyang dalawang kawawang tainga. Hindi pa man nanunumbalik sa dati ang kaniyang pandinig ipinasok pa ni Sebastian ang isa pang paputok. Hindi lang basta isa ang ipinasok nito dahil mayroong pangalawa pa. Nang hindi siya tuluyang mabingi tinakpan niya ang kaniyang tainga ng dalawang kamay. Tumawa pa ito nang mapakla para sa kaniya sa paglayo nito sa bartolena na tumatawa pa rin at malalaki ang paghakbang. Pagkababa niya ng dalawang kamay nakaririnig siya nang mahabang alingawngaw. Sa inis niya ay naikumyos niya ang kaniyang kamao. Pinagsisipa pa niya ang pinto nang malakas na para namang makalalabas siya roon. Tumigil lamang siya nang maramdamang niya ang init ng pawis na bumabalot sa kaniya. Hindi pa siya makahinga nang maayos dahil sa naipong roon ng mg papatok. Napapabuga siya ng hangin nang kumalma ang kaniyang sarili.