Kabanata 24

2555 Words
NAKAHINGA lang siya nang maayos sa paglipas ng mga sandali. Unti-unti na ring nawala ang usok na naiwan ng paputok. Nakuha niya pang idikit ang kaniyang ilong sa maliit na bintana para makasinghot ng sariwang hangin. Nasa posisyon siyang ganoon nang dumating sa kinalalagyan ng mga bartolena ang matandang lalaki na si Gustavo kasama ang dalawa nitong alalay na malalaki ang pangangatawan. Sa likuran ng mga ito ay nakabuntot na guwardiyang nagbabantay sa mga ito. Hindi kaaya-ayang pagmasdan ang itsura ng tatlo sa likuran ng matanda na nagsasabing hindi gusto ng mga itong mapunta sa dakong iyon ng piitan. Hindi pa man nakakalapit ang mga ito sa kaniyang kinalalagyang bartolena napansin niya na ang matalim na ngisi ng matandang lalaki na hindi maganda ang ipagkahulugan. Sa bilis ng paglalakad ng mga ito nakarating kaagad ang mga ito sa harapan ng bartolena. Sa pagsenyas ni Gustavo ng ulot nito lumapit ang guwardiya sa bartolena. Naharangan nito ang maliit na bintana. Mabilisan nitong binuksan ang bartolena, gumalaw ang mga kamay nito sa kandado hawak ang susi. Matapos ng mahinang tunog naalis na nga ang kandado kapagkuwan ay hinila na nito ang sarang bakal. Sa pagkalatong ng sara pumasok ang bumubugang hangin sa bartolena na siyang panadaliang nagbigay sa kaniya ng kaginhawaan. Nabawsan ng hangin ang init na nararamdaman ng kaniyang katawan. Napapaatras siya nang hakbang habang pinagmamasdan niya ang matandang lalaki, ang dalawang kamay nito ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon. Wala sa ayos ang suot nitong polong asul, namamantsahan ang dibdib niyon ng kinain nitong pansit. Maging ito ay nakatitig sa kaniya samantalang ang mga kasama nito ay nanatili lamang na nakatayo sa gilid nito. Nakaguhit sa mukha ng tatlo ang pagkadisgusto hindi na rin bago para sa kaniya. "Wala ka bang balak lumabas diyan?" ang unang nasabi ng matandang lalaki nang alisin nito ang mga kamay sa bulsa. Kahit nanghihina na ang boses nito nabahiran pa rin iyon ng saya sa gusto nitong mangyari. "Siguradong init na init ka na kaya huwag ka nang tumagal pa riyan. Malaya ka na sa bartolenang iyan." Hindi rin naman ito nagkakamali sa nararanasan niya nang sandaling iyon. Nararamdaman niyang napapaso na ang kaniyang balat dahil sa init. Liban pa roon tumatagatak na ang pawis sa kaniyang buong katawan, makikita ang mga butil-butil sa kaniyang sentido't leeg. Dumaan pa nga ang pawis sa kaniyang kanang mata kaya naipikit niya iyon dahil sa alat. "Ano ba ang kailangan mo?" ang naitanong niya rito. Pinahid niya pawis sa kaniyang mata kung kaya naimulat niya na iyon nang maayos. Inalis na matandang lalaki ang ngisi sa labi nito matapos maintindihan kung bakit ganoon ang kaniyang naging tanong. Napalitan iyon nang malapad na ngiti na siyang nagpalitaw samedyo naninilaw nitong ngipin. Huminga ito nang malalim bago magsalita na mapapansin sa pagbagsak ng balikat nito. "Tinutulungan lang kita," wika nito sa muli nitong pagsuksok ng isang kamay sa bulsa. Nagsalubong ang dalawa niyang kilay sa narinig na siyang ikinakunot ng kaniyang noo. "Mukha ba akong humihingi ng tulong?" saad niya rito dulot ng pagkadismaya. "Hindi," tugon naman nito. "Gusto lang kitang ilabas ng bartolena dahil kung hindi ko gagawin iyon tatagal ka riyan sa loob." Sumama pa lalo ang kaniyang mukha sa pinagsasabi nito. Pinili niya na lamang na isuot ang kaniyang hinubad na damit. Inuna niya ang pantalon kasunod ng puting sando. "Hindi mahina ang utal ko para maniwala sa iyo na gusto mo lang talaga. Sigurado akong mayroon pang ibang dahilan kaya narito ka ngayon." Isinuot niya na rin ang asul na polo, iniwan niya iyong hindi nakabutones. Nilaparan pa nito ang ngiti kaya lumabas na lahat ng ngipin. Itinigil naman nito iyon nang bigyan niya ito nang masamang tingin na nagpatamimi rito. "Wala naman akong ibang gustong mangyari. Nais ko lang na sumali ka sa grupo ko," paliwanag nito sa intensiyon nito sa kaniya nang mga sandaling iyon. "Kung sasali ka pihadong magagalit si Aristhon. Iyon din naman gusto mo, hindi ba? Dahil kung magalit siya sa pag-alis mo ibig sabihin niyon talo siya. Pagmamay-ari ka niya. Hindi niya gustong mayroong nang-aagaw sa kaniyang mga pag-aari mapabagay man o tao." Higit niyang hindi nagustuhan ang sinabi nito. Hindi kanaisnais sa kaniyang pandinig na dumagdag lang sa inis nagsisimula na namang lumitaw sa kaniyang sarili. Napagdesisyunan niyang lumabas na nga ng bartolena dahil hindi niya gusto ang init sa loob. "Ano ang pinagsasabi mo?" mariin niyang sabi rito. "Hindi niya ako pag-aari. Hindi niya ako magiging pag-aari." "Sa tingin mo hindi. Pero sa paningin ng mga nakapaligid sa iyo katulad namin, pag-aari ka niya. Iyon talaga ang halaga mo kay Aristhon na gagamitin niya kung kailan niya gusto. Ano sa tingin mo ang dahilan kaya walang umaaligid sa iyo? Dahil iyon sa takot ng mga preso kay Aristhon." "Kung sasali ako sa inyo, ano naman ang balak mong ipagawa sa akin?" pag-usisa niya rito. "Wala naman. Malaya ka pa ring makagagalaw," pang-iinganyo nt matandang lalaki. "Basta manatili ka lang sa grupo nang makita ni Aristhon na hindi lahat ng bagay ay mapupunta sa kaniya." "Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi mo," aniya na siya ring pag-ihip ng hangin sa kanila na siyang nagpasayaw sa kaniyang suot na polo. "Maniwala ka sa mga salita ko. Wala naman sa itsura ko ang nangloloko." Hindi nga makita sa itsura nito na nanglalamang ito ng kapwa pero hindi pa rin masasabi niyon na hindi nga nito pag-uugali iyon. "Pag-iisipan ko," ang tinatamad niyang sabi. "Hindi mo kailangang pag-isipan. Hindi ka magugulo ni Aristhon sa paglipat mo sa akin katulad nang hindi kita mapakialaman sa pananatili mo sa kaniya. Saka liban pa roon mas magiging ligtas ka kapag nasa akin ka. Hindi mauulit ang nangyari sa incinerator." "Hindi ka nakakasigurado riyan," pagtama niya rito. "Mayroon kang makakasamang magbabantay sa iyo. Sa paraang iyong magiging ligtas ka." Hindi niya talaga mapigilang isipin na mayroon itong dahilan kaya gusto siya nitong kunin. Hindi niya lamang maisip kung ano. "Sabihin mo muna kung bakit gustong-gusto mo akong kunin?" "Kilala ko kung sino ka. Sapat na ba iyon para makinig ka sa akin?" pagbibigay alam nito. Kumunot ang kaniyang noo sa narinig. "Nagkakamali ka lang sa naiisip mo," pagtama niya rito. "Huwag mo nang ipagkaila dahil pinaimbestigahan na kita sa labas. Saka kamukhang-kamukha mo ang ama mong Hideo nang bata pa siya. Matagal niya akong nakasama kahit nang sa dati pa kaming grupo kaya alam ko ang itsura ng kabataan niya." Huminga siya nang malalim sa narinig. Wala na rin namang saysay pa na itanggi pa nga niya ang mga nalaman nito. Ang naisip niya lang ay kung bakit tinutulungan siya nito. Hindi niya gustong malaman ng kaniyang ama kung naroon siya. Pero dahil sa mga sinabi ng matandang lalaki hindi na mangyayari iyon. "Kahit tulungan mo pa ako habang narito sa piitan, hindi magbabago ang tingin ng ama ko sa iyo. Malabo ka niyang pakinggan," paalala niya rito sa pag-uugali ng kaniyang ama. "Kilalang-kilala ko si Hideo. Makikinig siya sa akin. Marami rin naman akong naitulong sa kaniya bago siya makarating sa kung ano siya ngayon," ang sabi ng matandang lalaki na puno ng kompiyansa sa sarili. "Alam ba ni Aristhon kung sino ka?" Hindi niya ito kaagad nasagot nang makita niya si Aristhon na lumabas ng tarangkahan sa gusali sa likuran ng matandang lalaki. Katamtaman lamang ang bilis nito sa paglalakad patungo sa kanila. Hindi nito kasama si Ismael kundi ang guwardiyang nagbabantay lamang sa kanila. Ibinalik niya ang tingin sa matandang lalaki. "Bakit hindi mo siya tanungin dahil narito na rin naman siya?" suhestiyon niya rito. Sa sinabi niyang iyon lumingon nga ito sa gusali. Tumama nga ang mata nito kay Aristhon na patuloy pa rin sa paglalakad. Matapos na magsalubong ang tingin ng mga ito ibinalik ng matandang lalaki ang atensiyon sa kaniya. "Palagay ko ay hindi niya alam. Dahil kung alam niya hindi ka niya papahirapan," ang naisip nitong sabihin sa kaniya na mayroong punto rin naman. "Mas mabuting hindi niya nga alam. Saka nang pumasok sumali siya sa ama mo bata ka pa. Hindi malayong hindi ka niya matandaan. Pinalabas nga rin namang patay ka na." "Mukhang marami kang alam bago kumalas sa ama ko," komento niya rito. Sumilay na naman ang isang ngiti sa labi nito. "Siyempre naman. Minsan na akong naging kanang kamay ni Hideo," pagbibigay alam nito siyang naging patunay sa mga nalaman nito tungkol sa kaniya. Hindi na rin nasundan pa ang pag-uusap nila ng matanda sa pagdating ni Aristhon. "Ano naman bang gusto mong mangyari Gustavo't kinakausap mo pa si Benjo?" matapang na sabi ni Aristhon na tumayo sa kaniyang kanan. Pinitik nito ang hindi pa man nauupos na sigarilyo patungo sa matandang lalaki Tumama iyon sa dibdib bago mahulog sa lupa. Sa nangyari balak lumapit ng dalawang bantay kay Aristhon na hindi rin naman natuloy nang itaas ng matandang lalaki ang kanang kamay para pigilan ang mga ito. "Pinapalipat ko siya sa akin," sabi naman ni Gustavo. "Gagawin na niya ngayon mismo. Sa pag-uusap namin ay hindi mo siya hawak kaya puwede siyang madesisyun kung saan siya pupunta. Nakapagdesisyun na siya." Sa narinig nilingon siya ni Aristhon na puno ang galit ang mga mata. "Totoo ba ang sinabi niya?" mariin nitong tanong sa kaniya. Hindi niya iniwasan ang tingin nito, sinalubong niya iyon nang taas noo. Naghahamon na naman ang mga mata nito na hindi niya rin naman maaring atrasan. "Ano sa tingin mo?" ang walang buhay niyang saad Nagdagdagan ang talim ng mga mata nito sa mga sinabi niya. "Hindi ka puwedeng sumama sa kaniya." Inalis nito ang unang butones ng suot nitong asul na pula, lumitaw ang dibdib nitong walang suot na sandong puti. Tumigil lamang ito sa pag-alis sa mga butones nang makarating ito sa pinakagitna. "Bakit naman hindi?" panunuyam niya rito. Nagsisimula na namang uminit ang ulo niya rito. Sa tono ng naging salita nito mukhang ngang tingin nga nito sa kaniya ay isang pag-aari. "Hindi ako magkakaraon ng problema kung nasa grupo ako nila. Kaysa naman manatili ako sa iyo. Hindi ko malaman ang tinatakbo ng isip mo. Nahihirapan akong intindihan ka." Bago ito muling magsalita hinawakan siya nito sa kaniyang kanang kamay kapagkuwan ay hinila siya palapit sa katawan nito. Bumangga ang balikat niya sa dibdib na ikinatigalgal niya. Inilapit pa nito ang bibig sa kaniyang tainga na hindi siya pinapakawalan. Napapatingin na lamang sa kanila ang ibang mga naroon. "Nagkakamali ka sa pinili mo," mariin nitong sabi. Nararamdaman niya ang init ng hininga na inilalabas ng bibig at ilong nito sa kaniyang tainga na siyang nagpatayo sa balahibo niya sa batok. "Magiging laruan ka niya. Gagawin kang parausan. Hindi ka na makakalabas ng selda niya kung pumasok ka roon. Makalalabas ka pero bangkay na." Sinubukan niya pa itong itulak na hindi niya naman nagawa. Muli lamang siya nitong hinila't humigpit pa ang kapit ng kamay nito sa kaniya. "Kung makapagsalita ka para namang hindi mo ginagawa ang bagay na iyon?" ang mabilis niyang sabi na walang hingahan. Muli nitong inilapit ang bibig sa kaniyang tainga. "Magkaiba kaming dalawa. Papahirapan ka niya. Samantalang sa akin, hindi lang ako ang masasarapan pati na rin ikaw," sabi nito. Nakuha pa nitong dilaan ang kaniyang tainga. Nabasa nang kaunti ng laway nito ang balat. "Nakalimutan mo atang nawalan na ng sensasyon katawan ko," paalala niya rito. "Magbabalik ang lahat ng sensasyon mo. Nagsisimula pa lang tayo," ang nakaloloko nitong sabi. Pinilit niya na ngang kumawala rito. Marahas niyang inalis ang kamay nito sabay tulak sa dibdib nito, naramdaman niya ang tigas niyon sa kaniyang mga palad. Napaatras ng ilang hakbang si Aristhon palayo sa ginawa niyang iyon. "Kahit ano pang mangyari sa akin hindi na magbabago ang isip ko." Naalis ang galit sa mga mata nito't wala nang emosyon na pinapakita pa sa kaniya. Sa pananahimik nito sinuksok nito ang isang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. Inilabas nito mula roon ang isang maliit na revolver. Sa paghakbang nito nang isa itinutok nito ang baril sa kaniya, dumikit ang nguso niyon sa kaniyang nakakunot niyang noo. "Papatayin na lang kita nang hindi ka mapakinabangan ng iba," saad nito sa kaniya. Hindi naman siya kinakahabang tingnan ito nang mga sandaling iyon. Hinawakan pa niya ang kamay nitong hawak ang baril. "Iputok mo," paghahamon niya rito. "Akala mo naman matatakot ako sa iyo. Nagkakamali ka roon. Hindi ako natatakot na mamatay kung hindi mo alam." Ibinaba nito ang gatilyo kaya hindi na napigilan ng matandang lalaki na magsalita. "Pagsisihan mo ang gagawin mo," babala ni Gustavo kay Aristhon. Imbis na baliwalain ni Aristhon ang sinabi ng matandang lalaki, inalis nito ang baril sa kaniyang noo. Inilipat nito ang pagkatutok sa matandang lalaki kasunod ng pagpaputok. Hindi na nga nakakilos ang dalawang alalay para maprotektahan ang matandang lalaki. Tinamaan nga ito sa balikat nito na nasapo pa nito't pinagmasdan ang nagdurugong kamay. Sa kalabisan ng sakit nitong nararamdaman natumba na lamang ito. Sinalo rin naman itong ng dalawang alalay kaya napaupo lang ito sa sahig. Sa balak na paggalaw ng guwardiyang nagbabantay sa matanda iniling ng guwardiyang nagbabantay sa kanila ang ulo nito na ikinatigil nga ng kasamahan. Bumitiw ang isang alalay para sumugod kay Aristhon. Nanigas na lamang ito sa pagtutok ni Aristhon ng baril dito. "Subukan mong gumalaw kung ayaw mong maging bangkay," babala ni Aristhon sa inis na nararamdaman nito nang sandaling iyon. Sa pagbaba nito ng barik napatitig na lamang siya mukha ni Aristhon. "Nag-iisip ka pa ba?" sambit niya hindi para dagdagan ng apoy ang galit nito. Nais niya lamang ipaalala rito ang magiging resulta ng ginawa nito sa matandang lalaki. "Binali mo ang sanduguan. Hindi ka ba nag-aalalang pati ikaw ay ipapatay?" Hindi na rin naman ito nagtaka sa lumabas sa kaniyang bibig na hindi niya rin gaanong binigyang pansin. Mas mahalaga sa kaniya na makausap niya ito tungkol sa ginawa nitong pagbaril sa matandang lalaki. "Hindi siya mamatay. Malayo sa bituka ang tama ng baril. Sinigurado akong magkakasugat lamang siya." Itinapon nito ang baril sa kanilang guwardiya. Nasalo naman iyon ng guwardiya na hindi pumuputok sabay suksok niyon sa bulsa ng pantalon. Nasapo niya ang kaniyang noo hindi lang dahil sa init ng araw maging dahil sa hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Hindi niya inasahan na magkakagulo ang dalawang tao dahil lang sa kaniya. Lalo lamang siyang naiinis sa tingin ng mga ito sa kaniya na isang laruan na puwedeng pagpapasapasahan. "Hindi pa rin magbabago ang isip ko," mariin niyang sabi. Nanumbalik ang sama ng tingin niyo sa kaniya. "Kahit hindi magbabago ang isip mo babalik ka pa rin sa selda," matigas nitong sabi sa kaniya. "Wala akong balak na sundin ka." "Alam ko kaya nga bubuhatin na lang kita." Hindi siya kaagad nakapagsalita nang buhatin na naman siya nito sa balikat nito. Sa inis niya rito kumakawag-kawag siya sa paglalakad nito palayo sa walang malay-tao na matandang lalaki na inaasikaso ng dalawang alalay. Ngunit wala pa ring naging magandang resulta ang ginagawa niya. Bigla na lamang siyang mayroong naisip nang ibaba siya nito. Hinawakan niya ang tainga nito sabay lamukos doon. Napaaray na lamang ito sa ginawa niya't binalibag siya nito sa lupa na kaniyang ikinagia. Napangiwi na rin siya nang sipain pa siya nito sa kaniyang tiyan nang makailang ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD