Kabanata 25

2542 Words
Sa kaniyang pag-upo sa sahig ng selda, hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili na hapuin ang kaniyang pumipintig na tiyan matapos na pinagsisipa ni Aristhon. Ang kaniyang mga mata ay nakapako sa lalaki sa pagbabasa naman nito ng libro, masama ang kaniyang tingin. Sa kabilang bahagi ng selda nakapuwesto ang lalaki isang dipa't kalahati ang layo sa kaniya. Inilayo niya ang kaniyang sarili rito dahil sa nararamdaman niyang galit para rito. Samantalang ang kasama nilang si Ismael ay inabala na naman ang sarili sa paglalaro ng baraha. Mabilis nitong binasa ang baraha kapagkuwan ay inilatag ang mga iyon sa sahig. Ilang hakbang lamang ang pinto sa kaniyang kinauupuan kaya naririnig niya pa ang ingay na nagmumula sa labas. Naroong mayroong nagsisigawan na preso, nahahaluan iyon ng pagsigaw naman ng mga guwardiya na pumipigil sa mga ito. Dahil dito pinili niyang tumayo na lamang sa pinto. Pinilit niyang silipin ang kaguluhang nangyayari sa labas. Naroon ang grupo ng mga kalalakihan na nagsusuntukan. Walang magawa ang mga guwardiyang nagbabantay dahil maging ang mga ito ay isinali sa kaguluhan. Mayroon na ngang isang guwardiyang bumagsak sa sahig na nawalan ng malay-tao. Hindi kaagad natapos ang kaguluhan kaya matagal ring nanatili ang preso sa pasilyo. Binalibag ng presong malaki ang pangangatawan sa dingding ang presong kulot ang buhok na siyang ikinabagsak ng huli sa sahig. Hindi rin naman nagpatalo ang kulot ang buhok. Sa pagbangon ng kulot mula sa sahig, inilabas nito mula sa likuran ng suot nitong pantalon ang pinatulis na sipilyo. Nang makatayo ito nang tuwid wala itong sabi-sabing tinalon ang presong malaki ang pangangatawan. Kumapit ito sa katawan ng malaking preso at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang makailang ulit ang kaaway. Sa nangyari bumisirit ang dugo sa leeg nito. Tumama ang mga dugo sa mukha ng lalaking kulot. Hindi huminto ang kulot kahit bumagsak ang presong malaki ang katawan. Patuloy pa rin ito sa pagsaksak na para bang gusto nitong alisin ang leeg. Napapabuntong-hininga na lang siya nang malalim na hindi nagtataka sa nangyayari. Sana na nga rin naman siya sa mga p*****n kaya hindi na siya nagulat na away na iyon. Sa puntong iyonndumating na rin ang ibang guwardiya. Pinigilan ng dalawang guwardiya ang kulot sa mga kamay na kusa rin namang nagpadala. Inalis ng nasa kanang guwardiya ang sipilyong sa kamay ng kulot. Nang hilahin ng dalawang guwadiya ang kulot na preso nakuha pa nitong sipain sa mukha ang malaking preso kahit wala na itong buhay. Napasigaw na lamang ito nang dumaloy sa katawan nito ang kuryente mula sa tinusok na taser ng guwardiyang nasa kaliwa. Nanginig ito nang narahas bago bumagsak sa sahig ilang ang hakbang ang layo sa bangkay. Ang iba namang guwardiya ay napigilan na rin ang mga nagsusuntukan na preso. Sa galit pa ng guwardiyang mayroon hawak sa taser pinagsisipa nito ang presong nag-amok. Hindi ito nakuntento sa basta isang sipa lang dahil pinaulit-ulit nito iyon hanggang sa naitaas na lamang ng kulot na preso ang dalawang kamay pananggalang sa mukha habang nagmamakaawa. Hindi niya naman maintindihan ang sinasabi ng preso sa paghalo ng ingay sa pasilyo. Hindi naman pinakinggan iyon ng guwardiya nang sipain nitong muli sa ulo naman ang presong kulot. Sa pagkatalikod niya sa dalawa niyang kasama sa selda, hindi niya napansin ang pagtayo ni Aristhon. Isinara nito ang librong hawak at dinala nito sa kanang kamay sa paghakbang nito patungo sa pinto na kaniyang kinatatayuan. Puno ng kasiguraduhan ang bawat paghakbang nito kaya nakatayo nga ito sa likuran niya. Sa punto ring iyon ay siya niya ring pag-alis ng tingin sa kaguluhan sa labas. Pinihit niya ang katawan pabalik sa mga kasama niya kaya sumalubong sa kaniya ang tumigil na si Aristhon. Napaatras na lamang siya nang isang hakbang nang itaas nito ang kanang kamay. Inihawak nito iyon sa rehas na bakal ng pinto sa itaas lamang ng kaniyang balikat. Dahil dito nagtagpo ang kanilang mga mata, blangko lamang ang mga mata nito kung saan sumasalamin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Liban pa roon, nagkakasabay ang kanilang paghinga na dalawa kung kaya nga naghalo ang inilalabas nilang mainit na hangin sa kanilang harapan. Sa lapit ng kanilang mga mukha kaunting tulak na lang sa ulo ni Aristhon hindi malayong magdidikit ang kanilang mga labi. Hindi kaagad nagsalita si Aristhon kaya nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay na ikinakunot ng kaniyang noo. Nakatitig lamang ito sa buo niyang mukha na para bang isa iyong sinusuring obra. Sa ginagawa nito hindi na rin niya napigilan ang sarili na pagmasdan sa malapitan nang maigi ang matangos nitong ilong na prominenteng makikita sa namumula nitong labi. Naroon pa rin ang sugat sa labi nito gawa ng pagkagat niya rito, hindi pa humihilom iyon dahil kailangan niya nga lang naman kinagat. Lumipat naman ang tingi ni Aristhon sa kaniyang labi. Naisip niyang balak nitong gumanti sa pagkagat niya rito kaya itinikom niya nang mariin ang kaniyang bibig nang hindi nito magawa ang bagay na iyon. Napangisi na lamang sa kaniya si Aristhon dahil na lalo namang ikinasama ng kaniyang mukha. Napapiksi pa siya nang alisin nito ang kamay sa pinto't inilipat sa kaniyang ulo. Sa laki ng palad nito nasakop niyon ang kalbo niyang ulo. Mariin ang pagkahawak nito kaya ramdam niya ang buong mga daliri nito sa kaniyang bungo. Wala rin naman itong iba pang ginawa sa pagkakataong iyon, gayunman hindi niya pa rin inalis ang sama ng tingin dito. Naninigas na lamang siya nang maglakbay ang kamay nitong iyon, mula sa ulo niya pinadaan nito iyon sa kaniyang pisngi na nag-iwan ng mga mumunting init doon. Kapagkuwan ay inihaplos nito sa kaniyang leeg hanggsang namahinga iyon sa kaniyang balikat kung saan siya nito pinisil-pisil nang mariin. Sa diin ng mga daliri nito tumatama iyon sa buto sa kaniyang balikat na siyang nagbibigay sa kaniya ng sakit na kaya niya namang baliwalain. Hindi pa ito nakuntento sa ginagawa sapagkat inilipat naman nito ang kamay. Iniakyat nito iyon mula sa balikat patungo naman sa kaniyang baba. Dumaan muli ang palad nito sa leeg at sinakop ang kaniyang baba. "Gusto mo bang sumali sa labas?" ang nasabi nito sa kaniya. Pinisil nito ang kaniyang namumulang labi na sa kalabisan nawawala iyong sa ayos. Sa inis niya rito, hinawakan niya ang kamay nito't ibinaba iyon. "Bakit mo itinatanong? Papalabasin mo ba ako rito?" tanong niya rito imbis na sumagot sa naging katanungan nito. Hindi niya nagugustuhan kung paano siya nito kausapin nang sandaling iyon na para bang hindi siya dapat nakatayo sa pinto na iyon. Nang papakawalan na niya ang kamay nito mahigipit namang hinawakan nito iyon. Ang higpit ng kapit nito'y nagsasabi sa kaniya na balak nitong baliin ang mga daliri niya. "Naitanong ko na lang naman," ang naisipan naman nitong sabihin sa kaniya. "Hilig mong makipagbasag-ulo kaya naisip kung naiinggit ka na nakatingin lang. Alam mo kasi ang mga katulad mo ay hindi makatulog sa gabi kung walang makakaaway. Kailangang mayroon kang bangga sa bawat araw." Inalis niya ang kamay niya rito ngunit hindi naman nito pinapakawalan. Lalo lamang nitong diniinan ang kapit sa kaniyang kamay. Nagdikitdikit na ang kaniyang mga daliri na kapag hindi nito titigilan tuluyan na talagang mababali ang mga iyon. Sinamaan niya ito nang tingin sa pinaggagawa nito sa kaniya. "Bitiwan mo nga ako," mariin niyang sabi rito. "Ayaw ko. Mag-uusap pa tayo. Mabuti na ito nang hindi ka makaiwas," banat naman nito sa kaniya. Sa klase ng itsura nito nang mga sandaling iyon, hindi talaga ito makikinig sa kaniya. Mayroon nga rin naman itong sariling pag-iisip. Liban pa roon wala namang halaga rito ang mga lumalabas sa kaniyang bibig. "Wala tayong dapat pag-usapan," sabi niya rito dahil iyon naman talaga ang totoo. Wala siyang maisip na nais nilang pag-usapan nang sandaling iyon. Napabuntonghininga nang malalim si Aristhon na mapapansin sa pagbagsak nang balikat nito. Humakbang pa ito patungo sa kaniya. Napaatras siya sa ginawa nito kaya bumangga ang kaniyang likod sa pinto. Idinikit pa nito ang katawan sa kaniya, nasa gitna nilang dalawa ang kanilang mga kamay na tumatama sa kanilang hita. "Ano ang sinabi sa iyo ni Gustavo kaya napapayag ka niya?" Mataman siya nitong pinagmasdan. Magkatagpo ang kanilang mga mata. Hindi niya naman maaring sabihin dito na nakilala siya nito kaya gusto siya nitong kunin. "Wala," pagsisinungaling niya na lamang dito. "Alam mo rin namang kailangan ko siyang patayin. Hindi ko sinayang ang pagkakataon ng panghihikayat niya." Bahagya itong nag-isip dahil sa narinig mula sa kaniy. "Tama rin naman ang naisip mong gawin. Pero hindi ka puwedeng sumama sa kaniya kahit ano parang marinig mula sa kaniya," paalala nito sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo. "Huwag ka ngang magsalita na para bang mayroon kang pakialam sa kaligtasan ko." Ngumisi naman si Aristhon. "Mayroon akong pakialam. Kung pumunta ka kay Gustavo mawawalan ako ng laruan." "Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako isang laruan?" matigas niyang sabi. "Kung hindi ka laruan? Anong gusto mo? Parausan?" Tinulak niya ito sa dibdib nang malakas sa inis niya rito. Hindi naman ito lumayo sa kaniya. "Kinamumuhian kita," ang mabigat niyang sabi rito. "Alam ko," simple nitong sabi na ikinapanting ng kaniyang tainga. Itinikom na lamang niya ang kaniyang bibig kaysa ang magsayang ng laway sa pagkausap dito. "Masahiin mo ako. Kailangan ko ng masahe. Hindi ka puwedeng umiwas." Napaisip siya sa sinabi nito sa kaniya. Mayroong siyang magagawa para makabawi rito habang minamasahe niya ito. Maaari niyang baliin ang mga buto nito't magpanggap na nagkamali lang siya. Kung kaya nga sa huli'y nakapagdesisyun na siya. "Sige ba. Pero matapos nito hindi mo ako guguluhin sa paglipas ng mga oras," aniy kay Aristhon. Sumangayon din naman ito sa kaniya na walang pag-alinlangan. "Walang problema kung iyon ang gusto mo. Marunong akong tumupad sa usapan kaya huwag kang mag-alala," pang-sangayon nito nang pakawala niyo ang kaniyang kamay. Nakuha pa nitong muling pisilin ang kaniyang baba kaya nahampas niya iyon. Sinundan niya ito ng tingin sa paglalakad nito patungo sa lagayan ng mga higaan. Inilabas nito ang higaan. Hindi nito nahawakan ang unan sa ibabaw niyon kaya nahulog iyon sa sahig. Pinulot din naman nito ang unan kapagkuwan ay naglakad sa gitna ng selda sa ilalim ng umiikot electric fan sa kisame. Pinagmasdan niya ang paglatag nito sa banig. Nang bitiwan nito ang unan sa uluhan ng higaan ibalik nito ang tingin sa kaniya. Mariin siya nitong pinagmasdan na alam niya kung ano ang ibig ipagkahulugan. Napapabuntonghininga na nga lang siya nang malalim sa paglapit niya rito. Naupo sa tabi ng higaan habang hinuhunad ang polo kasama na ang puting sando. Nalantad naman sa kaniyang mata ang matigas nitong dibdib at mga malalakas na braso. "Magpapamasahe ka. Wala ka namang gagamiting langis," paalala niya riot sa pagtayo niya sa harapan nito. Sa sinabi niyang iyon nilingon ni Aristhon si Ismael na abala pa rin ang paglalaro ng baraha. "Iyong langis," saad ni Aristhon. Napatigil sa paglalaro si Ismael ng baraha. Iniwan nito ang mga baraha sa sahig at lumapit sa telebisyon. Inilabas niot sa likuran niyon ang langis na nakasilid sa maliiy na plastik na botilya. Pagkakuha nga nito sa langis lumabas na ito't inabot kay Aristhon. Tinangap naman iyon ni Aristhon kapagkuwan ay pinasa sa kaniya. "Puwede na ba ito?" ang naitanong pa nito sa kaniya. Napatitig siya sa hawak nito sabay kuha sa kamay nito. Hindi niya tinatanong kung saan na naman nito nakuha ang langis. "Oo. Ang mahalaga naman ay malagyan ka nang langis nang hindi ako mahirapan," aniya kapagkuwan ay mayroong biglang naisip. "Tumalikod ka na," dugtong niy rito. "Dadapa ako kasi likod ko lang naman mamasahiin mo." Dumapa ng ito sa higaan katulad ng sabi nito sa kaniya. Inilagay pa ito ang dalawang kamay sa ilalim ng unan na ipinipikit ang mga mata. Pinagmasdan niya ang langis bago siya naupo sa tagilian nito. Kapagkuwan ay naglagay siya ng langis sa kaniyang kamay na amoy tsokolte. Matapos niyon sinimulan niya na ang pagmamasahe. Pinatong niya ang kaniyang kamay sa likod nitong naninigas ang mga muscle. Inuna niyang ipaikot ang kaniyang dalawang hinlalaki na mayoong diin. Narinig niya na lamang ang mahinang pag-ungol ni Aristhom na isa lamang ang ibig sabihin. Nasisiyahan nga ito sa pagmamasahe niya rito. Kumunot na lamang ang kaniyang noo para rito. Inilipat niya ang kaniyang kamay sa balikat nito. "Gusto mo bang tapakan ko likod mo? Maganda ring masahe iyon," ang naisipan niyang sabihin nang hindi siya nito paghinalaan. "Mamaya," sabi naman nito sa kaniya. "Bakit alam mong magmasahe?" "Sa ito trabaho ko rati," sagot naman niya na totoo rin naman. Pinasok niya lang ang pagiging masahista para magmanman sa isang politiko nang bago pa lang siya bilang pulis. "Kaya naman sanay na sanay ang kamay mo," ang naisip nito na mayroong ibang ipagkahulugan. Tumalim ang kaniyang tingin para rito. Idiniin niya pa ang kaniyang pagpisil sa balikat nito. Nang matapos siya roon ibinaba naman niya ang kaniyang kamay sa tagiliran nito patungo sa pang-upo nito. Sumasagi ang kamay niya sa garter ng suot nitong pantalon. "Dapat bigyan mo ako ng gantimpala sa pagmasahe ko sa iyo. Walang libro ngayon," ang naisipan niyang sabihin kay Aristhon. Bigla na lamang itong tumihaya kaya natigil siya sa pagmasahe. "Ano ba ang gusto mo?" ang naitanong naman nito sa kaniya. Hindi siya kumilos sa naging tanong nito. "Dibdib ko naman," paalala nito sa kaniya. Inilagay nito ang dalawang kamay sa ilalim na ulo nito kahit nakaunan na ito. Napapabuntong hininga na lamang siyang naglagay ng langis sa kamay. Kapagkuwan ay pahampas niyang ipinatong sa dibdib nito na ikinagulat nito. Sumama ang tingin nito sa kaniya dahil doon nang simulan niyang pisilib ang dibdib nito. "Simple lang. Bilhan mo lang ako ng pizza. Alam ko namang kung ibang bagay ang hihingin ko hindi mo naman maibibigay." "Sige. Mamaya pagkatapos mong magmasahe magpapabili ako. Gusto ko ring kumain ng pizza." Napapapikit pa nga ito ng mga mata. Hindi niya alam kung bakit natutuwa siyang pisilin ang matigas nitong dibdib. Imbis na bumaba ang kamay niya sa tiyan nito tumagal iyon doon na nakuha pang padaanan ang dalawang butil. Nang mapansin niyang kumakagat ng labi si Aristhon itinogil niya ang ginagawa't ibinaba na ang kamay sa tiyan nito. Hindi niya namamalayang nabalot na niya ng langis ang harapan nito. "Dapa ka ulit nang mamasahe natin nang maayos ang likod mo," aniya na sinunod naman nito na walang tanong. "Tatapakan na kita. Huwag kang mag-aalala, malinis naman ang paa ko." Hindi na siya naghintay ng sagot mula rito sa kaniyang pagtayo sa likod nito. Bahagya itong umungol sa bigat niya ngunit hindi naman ito nagreklamo. Sa simula ay maayos niyang tinatapaktapakan ang likod nito ngunit nang tumagal binigatan niya pa lalo. Nakuha niya pa ngang tumalon nang bahagya na ikinapanigas ng katawan ni Arisython. Sa muli niyang pagtalon bigla na naman itong tumihaya na kaniyang ikinadulas. Sa nangyari nawalan siyang balanse't napaupo siya ibabaw nito sa ibaba lang ng tiyan nito. Nararamdaman niya ang paninigas ng paglalaki nito sa kaniyang pang-upo. Sinalubong niya ang masama nitong tingin nang sandaling iyon. Hindi naman siya umiwas, buong tapang niyang hinarap iyon na walang pag-aalinlangan. "Wala ka bang balak na umalis diyan. Mukhang gusto mo ang puwesto mo," sabi naman nito sabay ngisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD