NAGISING na lamang siya dahil sa isang tabong tubig na binuhos sa kaniyang mukha, nanunuot ang lamig niyon sa kaniyang namumutalang balat. Nararamdaman niya ang bigat ng kaniyang katawan at nalaman niya na lamang kung bakit nang imulat niya ang kaniyang mga mata na umuubo dahil sa pumasok na tubig sa kaniyang bibig. Nakalambitin siya sa kisame na para bang siya ay kakatayin ng buhay katabi ng bilugang ilaw, natatalian ang kaniyang kamay ng kadenang bakal.
Sa harapan niya ay nakaupo si Aristhon sa isang silya, isinandig nito ang likod habang nakabukaka. Wala na silang ibang kasama sa kusina nang sandaling iyon. Silang dalawa lamang ang naroon matapos paalisin ni Aristhon ang mga alagad nito. Nakaipit sa bibig nito ang sigarilyo kaya naglalaro ang usok niyon sa mukha nito, lumalayo lamang ang usok sa bawat pagbuga nito ng hangin. Inalis niya rin naman kaagad dito ang kaniyang tingin para pagmasdan ang kaniyang kahubdan, nakalantad sa paningin nito ang kaniyang masilang bahagi na hindi niya rin naman ikinahihiya.
Ibinalik niya ang tingin dito nang linisin nito ang lalamunan sa mahina nitong pagtikhim. Sinalubong niya ang mapunuri nitong mga mata.
Inalis nito ang hindi pa nauupos na sigarilyo sa bibig, inipit nito sa dalawang daliri nang hindi mahulog sa sahig.
"Balita ko ay isa kang mamamatay tao," ang nasabi nito sa kaniya.
Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito sa pag-aakalang nakikilala siya nito.
"Saan mo naman narinig ang bagay na iyan?" tanong niya rito sa pag-iisip ng mga maisasagot niya rito sa puntong hindi ito tumigil sa pag-usisa sa kaniya.
Humithit ito ng sigarilyo sabay buga sa usok na umabot pa sa kaniyang mukha, nasinghot niya ang tapang niyon na sumasabit sa kaniyang ilong.
"Doon sa matandang si Gustavo," tugon naman nito na hindi naalis ang tingin sa kaniyang mukha. "Hindi ba't pinatay mo ang mga tauhan niyang naiwan sa labas."
Pinitik nito ang sigarilyo nang mahulog ang abo niyon sa sahig.
Nagtaka lang siya nang bahagya sa sinabi nito na kaagad din namang naalis.
"Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo," pagsisinungaling niya rito.
"Iyong pinatay mo sa aliwan bago ka pumunta rito." Hindi siya nagtaka na kung bakit nasabi nito ang bagay na iyon. Wala nga rin namang imposible sa katulad nito ang pagkuha ng impormasyon tungkol sa nangyayari sa labas ng piitan.
"Wala akong ideya na tauhan sila ni Gustavao," marahang niyang sabi. "Pinatay ko lamang ang mga iyon sa utos ng senador. Sinabi niyang kailangan ko ng patunay na gusto kong magtrabaho sa kaniya kaya ginawa ko nga."
"Sinong senador naman?" dagdag nitong tanong.
"Si Ildefonso," sagot niya naman dito.
Saglit itong nanahimik sa pag-iisip nito na siya ring lalong pagdiin ng tingin nito sa kaniya. Iyong inaasahan niyang maniniwala ito sa kaniya ay hindi naman nangyari sa sumunod na mga salitang lumabas sa bibig nito.
"Dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi mo?" Pinakatitigan nito ang kaniyang hubad na katawan.
"Ikaw, kung gusto mo. Puwede ring hindi," ang naisipan niyang sabihin hindi para subukan ito. Sa tingin niya lang ay magandang ganoon ang sabihin niya nang mas maging kapanipaniwala siya.
Nadagdagan ang kabigatan sa mukha nito. "Sino ang nag-utos sa iyo na pumunta rito?" ang sumunod nitong tanong na hindi niya naman masagot ng direkta.
"Walang nag-uutos sa akin."
"Balak mo ba akong patayin?" sabi nito na hindi binigyang-pansin ang nasabi niya.
"Hindi ka ba naguguluhan sa sinasabi mo?" aniya sa lalaki. "Dahil ako nagugululuhan ako sa iyo. Marahil marami nga talaga ang taong kinamumuhian ka kaya naiisip mong mayroong papatay sa iyo. Sinasabi ko sa iyo hindi ako nakulong para patayin ka."
"Nagsisinungaling ka. Hindi ko gusto ang nagsisinungaling." Humithit ito sa sigarilyo kapagkuwan ay inilapit ang umaapoy na dulo sa butil sa kaniyang kanang dibdib. "Hindi lang ito ang mararanasan mo kung hindi ka magsasabi sa akin ng totoo," pagbabanta nito sa kaniya.
"Kahit ano ang gawin mo sa akin hindi pa rin magbabago ang sasabihin ko," sabi niya na totoo rin naman.
Naramdaman niya man ang init ng sigarilyo ngunit hindi pa rin naman makita ang sakit sa kaniyang mukha na nanatiling blangko ang emosyon. Bahagya itong natigil nang walang marinig na pagdaing sa kaniya. Nakuha pa nitong idiin pa lalo ang sigarilyo sa dibdib niya nang makasiguradong hindi ito nagkakamali sa nakikita nito.
"Nakatutuwa naman," ang nasabi nito nang tuluyan itong tumigil. Inilagay nito sa bibig ang sigarilyo kaya muling nagliwanag ang dulo niyon. "Mukhang sinanay ka para kapag dumating ang ganitong sitwasyon hindi ka magsasalita. Sino naman ang gumawa niyon sa iyo?"
Pinagmasdan niya lamang ang mukha nito dahil hindi rin naman ito nagkakamali sa bagay na iyon. Wala siyang sinabi tungkol sa naging kalagayan niya.
"Isa kang mangmang kung iniisip mo talagang narito ako para patayin ka," aniya nang hindi niya masagot ang naging katanungan nito. Sinabi niya na rin iyon nang matigil ito sa katatanong sa kaniya.
Sinalubong ng mga mata nito ang kaniyang tingin na walang ano mang makikitang apoy dito. "Kung hindi ako ang sadya mo, sino ang gusto mong patayin?" ang sumunod nitong sabi sa pagsandig nito sa upuan. "Imposibleng walang dahilan kaya ka narito ngayon."
Pinag-isipan niya ang sinabi nito't sa huli ay napagdesisyunan niyang magsalita na lamang. Wala rin namang mawawala sa kaniya kung malalaman nito kung sino ang dapat niyang patayin sa piitan na iyon. Hindi malayong matutulungan pa siya nito, ang kailangan niya lamang ay kunin ang tiwala nito. Para magawa niya ang bagay na iyon kailangan niya nga talagang sagutin ang gusto nitong malaman.
"Kapag sinabi ko sa iyo kung sino, matutulungan mo ba ako?"
"Hindi," ganti nito sa pagbitiw nito sa sigarilyo sa sahig. "Pero papakawalan kita kung gusto mo." Dinikdik ng paa nitong nababalot ng sapatos ang sigarilyo hanggang mapatay ang apoy at mapipi.
Huminga siya nang malalim bago muling magsalita. "Gaano naman ako nakakasigurado na gagawin mo nga?"
"Mayroon akong isang salita." Inilabas nito ang cellphone mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. Nagbasa ito ng kung anong mensahe roon na natanggap nito.
"Si Gustavo ang kailangan kong patayin," pagbibigay alam niya rito.
"Bakit naman siya?" Ibinalik nito sa bulsa ang cellphone nito sa piitan na iyon matapos mabasa ang mensahe.
"Hindi mo na dapat tinatanong. Bakit naman hindi? Masyado na siyang maraming inosenteng buhay na tinapos. Nararapat na mamamatay na rin siya nang mapagbayaran niya ang mga kasalanan niyang nagawa."
"Marami rin naman akong napatay. Dapat mamatay na rin ako, hindi ba?"
"Sino ba ang hindi dapat nararapat na mamamatay sa lugar na ito? Kahit ako'y nababagay nang mawala."
Gumuhit ang matalim na ngisi sa labi nito. "Bakit mo naman piniling pumatay ng tao? Sa edad mo marami kang makukuhang ibang trabaho na hindi kailangang magbuwis ng buhay," wika nito sa seryosong boses.
"Kailangan ko nang maraming pera. Malaki ang bayad sa bawat pagpatay ko."
"Tama ka rin naman," pagsangayon naman nito sa kaniya.
Mayroon lamang isang bagay na gumugulo sa kaniya nang sandaling iyon na nakuha niya rin namang linawin nito. "Bakit mo ako hahayaang makawala sa pagkagapos?" tanong niya.
Hindi kaagad siya sinagot ni Aristhon sa pananahimik nito saglit na nakatitig sa kaniya.
"Simple lang. Mas makakabuti sa akin na mawala na rin si Gustavo. Hindi ko man siya kakompentensiya dahil nasa mababa siyang lebel kailangan niya pa ring mabura."
"Kung ganoon bakit hindi mo na lang siya pinapatay gayong nagkaroon ka nang maraming pagkakataon habang narito sa piitan," paalala niya rito.
"Naghahanap pa ako ng gagawa niyon." Tumayo ito mula sa pagkaupo't lumapit patungo sa kaniya. Hinawakan siya nito sa baba, sa labis na diin ng mga kamay nito ramdam niya ang bigat ng mga daliri nito. "Ikaw na ang tatapos sa kaniya. Kung magawa mo iyon matutulungan pa kitang makalabas dito nang buhay," sabi nito nang itaas nito ang baba't niya habang pinipisil ang kaniyang labi.
Muli na naman itong napapatitig sa kaniyang labi habang ang isa nitong kamay ay sinuksok nito sa bulsa ng pantalon. Sa paglabas nito sa susi, binitiwan na nito ang kaniyang baba. Hindi nito inaalis ang tingin sa kaniyang labi nang
buksan nito ang kandado ng kadena, kumakalatong ang kadena sa paggalaw ng mga kamay nito roon. Mayamaya nga'y mariring na lamang ang paglagitik ng susi sa kandado't tuluyang lumuwag ang kadenang iginapos sa kaniyang mga kamay. Dahil doon bumagsak siya sa sahig sa dalawa niyang mga paa. Pinitik nito patungo sa kaniya ang susi kung kaya natamaan siya sa pisngi bago iyon mahulog sa sahig.
Wala itong sinabi sa paglalakad nito patungo sa gilid ng kusina kung saan nakapatong ang hinubad nitong mga damit niya. Itinapon nito ang mga iyon sa kaniya na nasalo niya naman nang sabay ang lahat.
"Kailangan talagang hubaran pa ako. Puwede namang hindi," ang nasabi niya nang isampay niya sa balikat ang pang-itaas at pantalon.
Inuna niyang isinuot ang salwal na siyang pagbaling ng tingin ni Aristhon sa kaniya. "Balak ko pa sanang sugatan ang katawan mo," sabi nito sa kaniya pagkabitiw niya sa salwal.
"Bakit hindi mo nga tinuloy?" ang tinanong niya rito sa pagsuot niya sa pantalon na naging mabilis lang din naman. Sinunod niya kaagad ang pang-itaas na mahaba ang manggas.
"Nagbago ang isip ko," simple nitong sabi na para bang wala talagang mali sa hindi nito pagsugat sa kaniya. "Gaano kataas ang antas ng sakit na kaya mo?"
Pinili niyang huwag na lamang sagutin sa naging tanong nito. "Huwag mo na lamang itanong. Hindi rin naman mahalaga," sambit niya sa pagbutones sa kaniyang suot mula sa ibaba paitaas ng kuwelyo.
"Tama ka." Naglakad itong patungo sa pinto ng kusina na magdadala rito sa labas kaya napapasunod siya ng tingin dito. "Sumunod ka sa akin."
"Bakit?" taka niya namang tanong sa patuloy niyang pagbutones.
Huminto ito sa paghakbang nang siya ay lingunin. "Bilisan mo riyan kung ayaw mong pahirapan na naman kita,"sabi nito sa kaniya. "Sigurado rin naman akong hindi mo gustong ginugulo ka habang narito. Kaya habang nakakulong ka makinig ka sa akin. Wala rin namang mawawala sa iyo."
Matapos nga nang huling sinabi nito binalikan nito ang paglalakad kaya napasunod na rin siya rito. Sa pagtuloy-tuloy nila nakalabas nga sila ng pinto ng kusina na siya pa ang nagsara sa paghakbang niya palabas. Kaagad na tumama sa kaniyang balat ang lamig ng gabi sa pagtayo niya sa harapan lamang ng pintuan. Samantalng si Aristhon ay dumiretso nang lakad na tinutumbok ang gusaling nakatayo kalapit ng pader. Nang aakma itong lilingon na naman sa kaniya humabol na siya rito. Sa katahimikan ng paligid maririnig ang pagkiskis ng kanilang suot na sapatos sa lupa. Naabutan niya rin naman ito kaya nakasabay siya rito hanggang sa makarating na sila sa malaking pinto ng gusali. Tinulak lamang nito nang bahagya ang isang sara ng pintuan sa pagpasok nito. Hindi pa man siya nakakapasok nasilip niya ang loob niyon na wala rin namang kalamanlaman, mayroong lamang ilang mga nakatambak na kahoy sa tabi kalapit ng mahabang upuan. Mataaas ang bubongan ng gusali na gawa sa salamin ang kalahati. Nakalagay sa malayong sulok ang nakasabit na lambat. Naintindihan niya lamang kung para saan iyon nang lapitan ni Arishton ang upuan kung saan nakapatong ang bat. Kinuha nito iyon at pinagmasdan nang maigi. Nang mapagtanto nitong nakatayo lang siya sa pintuan sinulyapan siya nito.
Sa pagsalubong ng kanilang mga tingin humakbang na siya patungo rito. "Hilig mong maglaro ng baseball?" ang naisipan niyang itanong dito.
"Oo. Ito lang ang nilalaro ko nang kabataan ko," sabi naman nito sa kaniya.
Hinawakan nito ang kayumangging gloves na tinapon nito kapagkuwan sa kaniya. Nakaipit sa loob niyon ang puting bola kaya nahulog iyon sa lupa't gumulong. Natigil lang sa paggulong ang bola nang tumama iyon sa kaniyang paa, ang gloves namann ay kaniya namang nasalo.
"Isinama mo lang pala ako rito para magbato sa iyo ng bola. Akala ko naman ay mayroon kang importanteng gagawin dito," aniya nang isuot niya ang gloves sa kaliwang kamay. Pinulot niya rin ang bola na ipinasok niya pa sa gloves.
"Sa tingin mo hindi importante ang paglalaro?" Inihampas nito ang bat sa hangin nang uminit ang mga kamay nito. "Kailangan ng katawan ng isang tao ang gumalaw-galaw lalo na kapag ganitong nakakulong ka."
"Mayroon ka rin naman palang naiisip na ganiyan. Hindi ba't ang laman lang ng utak mo ay puro kasamaan lang." Inilabas-pasok niya ang bola sa gloves nang makailang ulit.
"Nagkakamali ka," pagtama nito sa kaniya sa paghakbang nito patungo lambat.
Nanatili naman siya sa kaniyang kinatatayuan na hindi inaalis ang tingin dito. Sa pagpuwesto nito kalapit ng lambat doon pa lamang siya tumayo sa gitna kung saan magulo ang lupa.
"Nakapagtataka namang ang katulad mo'y marunong pang maglibang," aniya sa kaniyang pagpadyak ng paa sa hangin. Naririnig naman nito ang sinasabi niya kahit na mayroon na itong kalayuan.
Pinaikot nito ang kamay hawak ang bat. "Masisiraan ako ng ulo kapag hindi ko ito gagawin."
"Sira na ang ulo mo. Hindi mo ba alam?" hirit niya dito na ikinatigil nito sa pag-ikot sa bat.
"Nakakalimutan ko minsan."
Humanda na ito sa pagpalo sa bolang kaniyang itatapon. Inilagay nito ang bat sa itaas lamang ng balikat nito. Hindi nito binaluktot ang mga tuhod malayo sa ginagawa ng mga manglalaro. Nakatayo lamang ito nang tuwid na nakatinginn sa kaniya.
"Ibabato ko na," aniya sa pagtagilid niya nang tayo. Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na nababalot ng gloves at hawak ang puting bola kasabay ng pagtaas ng kaliwang paa.
Hindi na bago sa kaniya ang maglaro ng baseball dahil bata pa lang iyon na ang madalas niyang makita. Minsan na siyang tinuruan ng larong iyon ng isa sa mga tauhan ng kaniyang ama. Kahit nang nag-aaral siya iyon din ang nilalaro niya, nagpupunta lang siya sa palaruan kahit na mag-isa. Kinakalaban niya ang makinang tagatapon ng mga puting bola. Sa pagtitig niya sa Aristhon walang sabi-sabing binato niya ang puting bola. Sa lakas ng pagbato niya naging mabilis ang bola. Nakarating kaagad iyon sa kinatatayuan ng lalaki.
Imbis na paluin ni Aristhon ang bola iniwasan nito iyon dahil sinadya niyang ipatama sa tagiliran nito. Ngunit dahil sa naging mabilis din naman ang mga nito hindi nga ito nahirapan na ilaga ang ibinato niyang bola. Tumama na lamang ang puting bola sa lambat na gumawa nang kaunting ingay.
"Huwag mo nang subukan patamaan pa ako," malakas nitong sabi sa kaniya sa pagpatayo nito ng bat sa lupa. "Ulitin mo pa't babasagin ko ang bungo."
"Hindi ko iyon sinasadya. Matagal na iyong huling bumato ako ng bola kaya kinakalawang na ako," palusto niya na lamang sa pagtitig nito nang mariin sa kaniya. Pinalampas na lang din naman nito ang mga nasabi niya sa muli nitong paghahanda. "Bakit mo ako kinakausap nang ganito? Iba rin ang pakikitungo mo sa akin samantalang kakilala lang nating dalawa."
Humanda na rin siya sa muling pagbato sa bola. Inilabas-pasok niya pa rin iyon sa gloves.
"Simple lang. Dahil totoong tao ka. Hindi ka nagpapanggap," ang nasabi nito sa kaniya.
Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa sinabi nito. Hindi niya naman pinakaisip pa ang bagay na iyon sa pagbato niya na nga sa bola. Sa kabila ng bilis ng bola nagawa namang matamaan iyon ni Aristhon. Sa layo ng pagtalbog ng bola tumama iyon sa bubongang salamin sa kaniyang uluhan na siyang naging dahilan kaya nabasag. Nahulog pa nga ang mga bubog patungo sa kaniyang kinatatayuan kaya napaatras siya nang ilang hakbang nang makaiwas siyang masugatan.