HINDI pa rin nakatutok ang tingin niya sa entablado sa pagtakbo ng misa. Imbis na makinig sa bawat salitang inilalabas ng pari tumingala siya sa bubongan ng bulwagan upang tingnan ang kinabitang bakal ng nahulog na pailaw. Sa nakikita niyang mga platform na bakal hindi nga malayong nakakaakyat doon ang sino man. Naalis niya lamang ang kaniyang tingin sa bubongan dahil sa paglapit ng matandang lalaki sa kinauupuan nila ni Aristhon. Samantalang ang dalawang tauhan nito ay nanatiling nakatayo sa likuran ng upuan na para bang mga guwardiya.
Ipinatong nito ang kanang paa sa isa sa pag-upo nito na nakatingin sa kaniya. Pinagmasdan din nito ang mga bubog na kumalat sa pagitan nila't ang katawan ng ilaw sa sahig.
"Ano ang nangyari rito?" ang naitanong nito sa kaniya na hindi niya nagugustuhan.
Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay para sa matandang lalaki. "Huwag ka ngang umasta na hindi mo talaga alam. Sigurado akong ikaw ang may sala sa pagkahulog ng ilaw."
"Bata huwag kang mangbintang." Inalis nito ang nakapatong na paa.
"Totoo ang sinasabi ko. Hindi mo ako maloloko."
Sinamaan niya ito nang tingin sa kaniyang pagtayo. Nakaramdam siya na kailangan niyang magbawas ng likod sa katawan. Hinatid na lamang siya ng tingin hindi lang ng matandang lalaki dahil maging si Aristhon ay ganoon din. Hindi sumusuksok sa tainga niya ang mga naging salita ng pari sa pagsisimula nito ng homiliya. Hindi siya huminto sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa pintuan kung saan humarang sa kaniya ang guwardiyang nagbabantay sa kanilang selda.
"Saan ka pupunta?" ang tanong nito kaagad.
"Gagamit ng palikuran," aniya rito. "Huwag mong sabihing pati pag-ihi bawal."
"Wala naman akong sinabi," ganti nito sa kaniya. "Sumunod ka na lang sa akin."
Nagpatiuna ito sa paglalakad kaya bumuntot nga siya rito. Napapatingin sa kanila ang ibang mga guwardiya sa paglabas nila ng pintuan. Hindi sila nag-usap habang naglalakad pagkaalis nga ng bulwagan ngunit nang makalayo na sila naisipan niya na lamang magtanong dito. Sa nakikita niya naman dito'y mukhang ginagawa lang naman nito ang trabaho, sumusunod kay Aristhon dahil kailangan ng pera.
"Dahil ba talaga sa kasal kaya kailan mo ng pera?" aniya nang silang dalawa na lamang sa pasilyong binaybay nila.
Nilingon siya nito saglit sa paglalakad nito. "Ano ang sinasabi mo?" taka nitong tanong na kunot ang noo. Binalik din naman nito ang tingin sa paglalakad.
"Pakiramdam ko ay mayroon pang ibang dahilan kaya tagasunod ka ni Aristhon."
"Imahinasyon mo lang iyan," sabi naman nito sa unti-unti nilang paglapit sa palikuran.
Hindi na lamang siya nagsalita pa matapos niyon. Ilang hakbang pa ay nakarating na sila sa harapan ng palikuran. Sumilip pa ito sa loob para malaman kung mayroon pang ibang tao. Nang makitang wala naman tumayo na lamang ito sa tabi ng pintuan. Isinenyas nito ang ulo para sa kaniya kung kaya nga tumuloy na siya sa pagpasok.
Umaalingasaw ang hindi magandang amoy ng palikuran sa pagkapanghi niyon. Hindi na nagawang linisan nang maayos ng mga presong nakatukang maglinis. Naiwang nakabukas ang dalawang cubicle kaya kitang-kitan ang paninilaw ng mga inidorong hindi magawang buhusan ng mga gumamit niyon. Hindi siya pumasok sa mga cubicle kundi dumiretso siya sa hanay ng urinal na hindi rin naiiba ang itsura. Pumuwesto siya sa pinakagitna niyon na walang ibang iniisip. Nagawa niya namang makaihi sa kabila ng amoy. Matapos niyon lumapit naman siya sa lababo para maghugas ng kaniyang mga kamay. Madali niyang nabuksan ang gripong malapit nang matanggal. Bumuhos ang malamig na tubig sa kaniyang mga kamay na nanunuot sa kaniyang balat. Hindi pa man siya nakatatapos sa paghugas pumasok ng palikuran ang matandang lalaki kasama ang dalawang tauhan nito. Lumapit kaagad ang mga ito sa kaniya sa pagpatay niya ng grip. Hindi siya nagulat nang hawakan siya sa kaniyang braso ng dalawang tauhan ng matandang lalaki nang maiharap siya rito.
Sumama kaagad ang tingin niya para sa matanda sa pagtayo nito sa kaniyang harapan.
"Relaks ka lang. Wala akong gagawing masama sa iyo," ang nakuha nitong sabihin sa kaniya.
"Walang maniniwala sa iyo," mariin niya namang sabi rito.
Bigla na lamang itong tumawa na kita ang naninilaw nitong ngipin.
"Huwag kang mag-aalala bata. Magugustuhan mo rin ang gagawin ko." Hinawakan siya sa kaniyang pisngi kaya inilayo niya ang kaniyang mukha rito. "Ito ang napapala mo sa pang-iinis mo sa akin."
"Lumayo ka nga." Sinipa niya ito sa tiyan na ikinaatras nito nang hakbang.
Hindi nito nakontrol ang sarili kaya pumasok ito ng cubicle at napaupo sa walang takip na inidoro. Hindi rin naman ito nabasa ng naninilaw na ihi.
Sa galit nito sa kaniya mabilisan itong bumangon. Umalis ito kapagkuwan ng cubicle na nakahanda ang kamao, pagkaraa'y sinuntok siya nito sa kaniyang tiyan na tinanggap niya lamang. Hindi makikita sa blangko niyang mukha na nasasaktan siya sa suntok nito.
"Tarantado ka," nanggagalaiting sabi ni Gustavo sa kaniya. Lumalabas na ang ugat sa leeg nito dahil sa galit sa kaniya. "Makikita mo ngayon ang hinahanap mo," dugtong nito sa muli nitong pagsuntok sa kaniyang tiyan.
Wala naman siyang naging reaksiyon kaya nagtataka itong tumingin sa kaniyang mukha.
"Maghanda ka dahil sa oras na makawala ako lulumpuhin kita," babala niya rito.
Tumawa na naman ito sa ikalawang pagkakataon. "Gawin mo munang kumawala bago ka magsalita nang ganiyan. Napakatapang mo pero wala ka namang nagagawa."
"Maghintay ka."
Hindi na nasundan pa ang sasabihin niya sa pagpasok ni Aristhon sa palikuran. Nabaling ang tingin ng lahat dito.
Sinalubong ng matandang lalaki ang tingin nito.
"Huwag mo kaming pansinin. Nagsasaya lang kami," ang nakuha pang sabihin ni Gustavo.
"Ituloy niyo lang," saad ni Aristhon na nagpasama na naman sa kaniyang mukha. "Ako ang huwag niyong bigyan ng pansin."
Naglakad lang ito patungo sa hanay ng mga cubicle kaya napapasunod na lamang siya ng tingin dito. Hindi na rin niya ito pinagmasdan dahil sa balak na gawin ng matandang lalaki sa kaniya, nakaguhit sa labi nito ang matalim na ngisi na hindi maganda ang ipagkahulugan.
Sa paglapit nga ng matandang lalaki sa kaniya malakas niyang inumpog ang kaniyang ulo sa matigas nitong noo. Napasigaw ito sa sakit na matalim ang tingin sa kaniya, kulang na lamang lusawin siya nito sa pamamagitan ng mga mata nitong nag-aapoy. Hindi ito nagdalawang-isip na suntukin sa kaniyang mukha na sinalubong niya ng sipa kaya hindi siya nito nasaktan. Tumama ang kanang paa niya sa dibdib nito na siyang nagtulak dito para umatras nang ilang hakbang patungo sa nakabukas na cubicle. Humawak ito sa pintunan upang kumuha ng suporta roon nang hindi ito tuluyang matumba. Sinundan niya iyon nang pagtalon sa paghigpit ng kapit ng dalawang tauhan nito sa kaniyang mga braso, ipinadyak niya ang kaniyang mga paa sa lababo na siyang naging dahilan kaya napahakbang ang dalawang mayroong hawak sa kaniya paharap. Sa kabutihang palad nadulas ang paa ng tauhang nasa kaniyang kanan sa basang bahagi ng tiles na ikinatumba nito't nadaganan ang matandang lalaki. Sa nangyari tuluyang bumagsak ang mga ito. Nabitiwan siya ng tauhan nang umalis sa ibabaw na pinuno nitong sumasama ang mukha sa galit. Hindi niya binigyan ng pagkakataon ang tauhang natitirang mayroong hawak sa kaniya sa mukha nito, sinunod-sunod niya ng suntok na nagpapatingala rito. Gayunman lalo pang humigpit ang kamay nito sa braso niya. Dahil dito upang pakawalan siya nito sinuntok nito ng tatlong besew ang siko nito mula sa ilalim. Nagawa niya ngang makawala na siya ring pagsipa niya sa likod ng ikawalang tauhan na bumabangon kasabay ng matandang lalaki. Muli namang natumba ang dalawa papasok ng cubicle. Samantalang ang naiwang nakatayo ay hinri rin nagpapigil sa pagsugod nito sa kaniya. Nang hindi siya nito mahawakan yumuko siya na ibinabangga ang kaniyang balikat sa tagiliran nito, kasabay ng pagbuhat niya rito't pagkapit sa isa nitong kamay. Impit ang kaniyang hininga na binalibag niya ito patungo sa lababo katabi ng hinuhugusan ni Aristhon ng kamay, sa bigat ng tauhan natanggal iyon sa dingding kasabay ng pagbagsak nito sa sahig. Hindi rin naman natigil sa paghuhugas ng kamay ang lalaki sa kabila ng kaguluhan sa loob ng palikuran. Nasapo niya ang kaniyang balikat sa pananakit niyon. Sa pagtayo ng tauhan nagpakawala siya malakas na suntok sa mukha nito na ikinaluhod nito. Nakuha niya pang umilag sa pagsuntok naman sa kaniya ng ikalawang tauhan mula sa likuran pagkagaling nito sa cubicle. Sa laki ng dalawang tauhan kinuha niya na lamang ang natanggal na lababong porselana. Walang pag-aalinlangang inihampas niya iyon sa ikalawang tauhan sa ulo nito. Sa lakas ng hampas niya tumama pa ang ulo nito sa naninilaw na dingding. Kahit ang unang tauhan ay hindi nakaligtas sa kaniya sapagkat pinahahampas niya rin ito ng lababo na siyang ikinabagsak ng mga ito sa sahig na nadurugo ang mga mukha. Sa nakikita ng mga matandang lalaki hindi na ito nakalabas ng cubicle.
"Isa kang halimaw!" ang naibulalas ng matandang lalaki sa kaniya. Umalingangaw ang boses nito sa kabuuan ng palikuran.
Sa narinig natigil siya sa paghampas ng lababo na habol ang hininga.
Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa matandang lalaki hawak ang lababo sa kanan niyang kamay, tumutulo mula sa gilid niyon ang pulang dugo. Humakbang siya patungo rito't natigil siya sa pagsasalita ni Aristhon.
"Tama na iyan. Hindi pa panahon," sa pagpunas nito ng basang kamay sa tissue na kinuha nito sa parisukat na sisidlan.
Hindi siya nakinig sa sinabi nito sa pagtuloy niya sa paghakbang.
"Lumayo ka sa akin! Siraulo ka!" sigaw ng matandang lalaki.
Nakuha pa nitong isara ang pinto na sinipa naman niya. Napaatras ito dahil sa pagtama ng pinto sa mukha nito kaya napangiwi na naman ito sa sakit, hinawakan pa nito ang ilong na nasaktan.
Sa pagbalewala niya sa mga nasabi ni Aristhon hinawakan siya nito sa kaniyang kamay. Dahil dito siniko niya ito na nasangga naman ng isa nitong kamay bago pa man niya matamaan ito sa mukha. Inalis din nito nang pilit ang lababo sa kaniyang kamay kaya nabitiwan niya ito. Bumagsak ang lababo sa naninilaw na sahig bago ito nahati sa dalawa sa pagitan nilang dalawa. Tuwid siya nitong pinagmamasdan, ang mga mata nito ay nagsasabi na dapat siyang makinig dito. Ngunit dahil hindi naman mahalaga sa kaniya ang gusto nitong mangyari binawi niya ang kaniyang kamay mula rito. Hinayaan din naman siya nitong magawa niyon. Inalis niya kapagkuwan ang atensiyon dito sa muli niyang pagbalik ng atensiyon sa matandang lalaki. Tinalikuran niya si Aristhon sa pagkapit niya sa pintuan ng cubicle. Lalong lumayo sa kaniya ang matandang lalaki, sumuksok ito sa sulok para lamang makaiwas sa kaniya. Kapansin-pansin ang takot sa mukha nito, maging ang mga kamay nito ay nakikinig nang sandaling iyon. Gayunman ang nararamdaman nito hindi pa rin iyon sapat para mabayaran nito ang takot na tinanim din nito sa pamilya ng mga naging biktima nito sa labas ng piitan. Ang mga katulad nga naman nito ay nararapat na sunugin ng buhay. Nang makuntento siya sa pagtitig dito inalis na niya ang kaniyang kamay sa pintuan kaya napapasigaw na ito. Sa paghakbang niya papasok ng cubicle bigla na lamang siyang hinila ni Aristhon sa likuran ng kaniyang suot. Sa lakas ng paghila nito' t hindi niya pa inasahan nadala siya nito nang walang kahirap-hirap palabas ng cubicle. Hindi siya nito binitiwan kaya tumama ang likod niya sa matigas nitong dibdib sa pagkatalikod niya rito. Hindi pa doon nagtagpos ang pagpigil sa kaniya nito dahil sa hinawakan pa siya nito sa kaniyang beywang. Iniikot siya nito paharap dito sabay binuhat siya nito sa balikat nito. Nagulat na lamang siya sa pag-angat ng dalawang paa niya mula sa sahig. Wala itong sabi-sabi na inilabas siya ng banyo.
"Ibaba mo ako." Pinilit niyang bumaba ngunit hindi naman siya nito hinahayaan.
Lalo lang nitong itinataas ang kaniyang paa kaya bumabaliktad ang kaniyang paningin.
"Gagawin ko lang sinasabi mo kung makalayi na tayo," sabi naman nito sa kaniya sa paglabas nito ng pintuan buhat siya sa balikat.
Napapatingin na lamang nang tuwid sa kanila ang guwardiyang naghihintay sa nakikita nito sa kanilang dalawa ni Aristhon. Sumabay na ito sa paglalakad paalis sa harapan ng palikuran na hindi siya nito tinitingnan.
Sa pandinig niya ay isang hamon ang sinabi ni Aristhon sa kaniya. Kung kaya nga imbis na magsalita itinikom na lamang niya ang kaniyang bibig. Hahayaan na lamang niya itong buhatin siya dahil mamaya kapag ibaba na siya nito hindi siya aalis sa balikat nito. Ibang direksiyon ang kinuha nito sa paglalakad sa pasilyo kaya hindi nila nakasalubong ang mga tumatakbong tatlong guwardiya patungo sa palikuran. Sa laki ng ibang mga guwardiya tumatalon-talon ang mga tiyan ng mga ito, tumataba nga naman ang mga ito sa kalabisan ng paglamon habang nakaupo sa puwesto ng mga ito. Nakuha niya pang tingnan ang mga ito sa sa pagpasok ng mga ito ng mga ito ng palikuran na nagmamadali. Lumingon pa ang nahuli sa kanila na naging mabilis lang din bago ito sumunod sa mga kasama. Inalis niya ang tingin sa palikuran sa pagtitig niya sa sahig ng pasilyo. Sa pagkabaliktan ng kaniyang ulo nahihilo siyang tingnan ang mga linyang hugis parisukat. Dahil doon naipikit niya lamang ang kaniyang mata. Huminto lang sa paglalakad ito nang makarating sila sa bahagi ng pasilyo na mayroong malapad na bintana. Nang maramdaman niyang ibaba na siya nito pinili niya namang manatili sa balikat nito.
"Hindi ako bababa," reklamo niya rito.
"Ganoon ba?" ang sabi nito na alam niya kung ano ang ibang ipagkahulugan.
Nagsalubong na lamang ang dalawang kilay niya nang bigla siya nito iniikot. Nang makita niyang tatama ang ulo niya sa dingding prinotektahan niya ang kaniyang ulo. Iyon nga lang ang inasahan niyang mangyari ay hindi naman dumating. Imbis tumama ang ulo niya sa pader binalibag siya ni Aristhon sa bintanang salamin. Naramdaman niya na lamang ang pagkabitak niyon sa likuran niya bago siya mahulog sa sahig. Napaupo na lamang siya na nakasandig sa kinakinakapitan ng bintanang salamin.
"Nakakainis ka a," reklamo niya sa lalaki.
Hindi siya kaagad tumayo't nanatili siyang nakaupo kaya pinagmasdan siya ni Aristhon paibaba na para bang nasa isa itong pedestal. Nanatili namamg nagmamasid ang guwardiya.
"Alam ko," pang-aasar nito na lalong dumagdag lang sa init ng kaniyang ulo. "Bakit kasi hindi ka na lang makinig sa akin? Wala namang mawawala sa iyo."
Inilahad nito ang kamay sa kaniya para makipagkamay na hindi niya rin naman tinanggap. Pinalo niya na lamang kamay nito na nagpasiklab sa galit nito. Sa sama ng tingin nito kinuwelyuhan siya nito't itinayo. Pinakawalan din naman siya nito nang tapatan niya ang talim ng tingin nito sa kaniya.
Mahahalata ang pagbagsak ng balikat nito matapos huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili.
"Nasayang lang ang pagkakataon," reklamo niya rito. "Bakit kasi kailangan mo pa akong pigilan? Tapos na sana ang dapat ko gawin habang narito."
Hindi naman siya nito sinagot sa hindi nito pagkilos sa kinatatayuan.
Nilamon ng mga paa ito ang namamagitang espayo sa kanilang dalawa.
"Kung gusto bumalik ka roon pumunta ka nang madala ka bartolena,' paghahamon nito sa kaniya. Nakuha pa nitong ituro ang pintuan ng pasilyo nang hinlalaki kaya hindi na rin naman niya pinilit ang sariling kagustuhan.
Napabuntonghininga siya nang malalim sa pagtitig niya rito. Nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa na naputol lamang sa pagtunog ng sirena sa labas, maririnig ang ingay ng sirena na iyon kahit saang sulok ng piitan.