Kabanata 12

2552 Words
NATAPOS nga sila sa pagkain ng almusal na wala nang ibang lumalabas sa kaniyang bibig. Pinunasan niya ang kaniyang labi ng likod ng kaniyang kamay na nakatingin kay Aristhon na nakatitig din sa kaniya. Hindi nito inaalis sa pagtabi niya sa trey na wala na ngang laman. Kakaiba ang tingin nito sa kaniya na hindi niya mabigyan ng kahulugan, mas mainam pa ngang galit ang nakikita niya sa mukha nito dahil malalaman niya kung ano ang tinatakbo ng isip nito. Ngunit hindi nga ganoon ang nakikita niya rito nang sandaling iyon. "Bakit ganiyan ang tingin mo?" ang naitanong niya rito na salubong ang dalawang kilay. Ito naman ay pinagtagpo ang dalawang kamay sa matigas nitong dibdib na binibigyang diin ang pagtitig nito sa kaniya. Hindi na rin naman siya nito nasagot dahil sa katok sa pinto. Binuksan iyon nang guwardiya't pinagmasdan sila ni Aristhon sa pananatili nitong nakatayo roon. "Hinihintay na ang lahat sa bulwagan," pagbibigay alam nito sa kanila. "Dapat na kayong pumunta." Walang kulay ang naging salita nito sa hindi nito gustong tumitingin sa kaniya. Hindi nito dinugtungan ang naunang nasabi sa paghihintay nitong magsalita ang isa sa kanilang dalawa ni Aristhon. Sa pananahimik nga nito ay kinausap nga ito ng lalaki. "Ngayon na ba iyon?" ang naitanong ni Aristhon sa pag-alis nito ng dalawang braso sa dibdib. Kumilos ito nang bahagya sa kinauupuan na kama nang maayos na makaupo sa gilid na siyang naging dahilan kaya umirit ang mga paa sa sahig. Itinapak lamang nito ang mga paa sa sahig na hindi umaalis ng kama. Sinalubong ng guwardiya ang tingin ni Aristhon. "Oo. Naroon na ang karamihan," pagbibigay alam nito sabay baling ng tingin sa kaniya. Inalis niya ang tingin sa guwardiya't pinagmasdan si Aristhon. "Ano ang mayroon?" pag-usisa niya rito. Nailipat ni Aristhon ang atensiyon nito patungo sa kaniya dahil sa naging tanong niya rito. "Misa," tugon naman ni Aristhon sa tuluyan nitong pag-alis ng kama. "Dito ka lang kung gusto mong magpahinga. Pababantayan na lang kita sa guwardiya." Nadagdagan ang pag-irit ng kama sa pagkawala ng bigat nito roon. Hindi naman sumangayon sa nasabi ni Aristhon ang guwardiya. "Inaasahan na ang lahat na dumalo lalo na ang mga bagong dating dito para masimulan na nila ang pagbabago at nang makilala nila ang Diyos," ang mabilisan nitong sabi. Kumunot ang noo niya sa narinig dahil hindi niya nagugustuhan. Napatitig siya sa guwardiya dahil sa bagay na iyon. "Nagpapatawa ka ba? Naniniwala ka na mayroong Diyos?" ang walang pakundangan niyang tanong dito. Inilaylay niya ang kaniyang dalawang paa sa kama. "Sino ba ang hindi?" saad nito pabalik sa kaniya. Sa puntong iyon nagsalita naman si Aristhon. "Ikaw ba, hindi?" ang naitanong nito. Pinagmasdan niya ang nagtatanong nitong mukha. "Naniniwala rin naman," simple niyang tugon. Hindi siya nagsisinungaling sa bagay na iyon. Iba nga lang ang paniniwala niya pagdating sa Diyos malayo sa ibang mga tao. Humirit naman ang guwardiya sa kaniya kaya napunta naman ang tingin niya rito. "Mabuti naman alam mong mayroong Diyos. Kaya dapat kang pumunta nang mabawasan ang mga kasalanan mo," wika nito. Sa tono ng naging pananalita nito'y nababanaagan niya ng pang-iinsulto nito sa kaniya na pinalampas niya lamang kaysa uminit pa ang ulo niya rito. "Wala namang kapangyarihan ang pari para mabawasan ang kasalanan ng isang tao," pagsisimula niya sa naging opinyon tungkol sa bagay na iyon. "Kahit nga magdasal ka sa Diyos hindi ka naman maririnig. Alam mo ba kung bakit? Libangan lang ng Diyos na panoorin ang mga tao." Sumama ang mukha ng guwardiya sa narinig mula sa kaniya. Hindi na ito nakapagsalita dahil naunahan na ni Aristhon. "Lumakad na tayo baka magsimula na iyong misa," sabi nito na walang ano mang kulay. "Kayo na nga lang ang pumunta," aniya rito sa pagtitig nito sa kaniya. "Babalik na lamang ako sa taniman." "Ano ang gagawin mo? Wala nang mga tao roon. Pumunta ka na lang sa bulwagan para makita ka ng mga tao rito sa piitan na gusto mo ring magbago. Kapag nangyari iyon hindi malayong mapapalaya ka. Kailangan mong maging mabuti sa paningin ng lahat," paliwanag nito sa kaniya kung bakit kailangan niyang pumunta sa bulwagan para sa magiging misa. Hindi naman siya sumasangayon sa mga nasabi nito dahil wala sa plano niya ang maging mabuti para sa ibang tao. "Hindi na ako magbabago. Matagal na akong nagbago. Ito na talaga ako." Dumagok siya sa kaniyang dibdib nang mabigyan ng diin ang mga nauna niyang sinabi. "Magsasayang lang ako ng panahon kapag pumunta nga ako." Huminga nang malalim si Aristhon bago ito muling magsalita. "Ano bang kinakatakot mo? Natatakot ka bang masunog?" sabi nito sa malumanay na pagsasalita kaya naguguluhan siya kung nagbibiro ba ito sa kaniya. "Malabo namang mangyari iyang sinasabi mo," aniya rito na totoo rin naman. Hindi naman siya nasusunog kahit sa pagpunta niya ng simbahan nang bata pasilit pa lamang siya dahil sa naging pagtatanong niya. Naitanong niya sa Diyos kung bakit hindi maganda ang buhay niya. Hindi naman siya nakakuha ng sagot dahil malabo nga namang kausapin siya ng Diyos. "Pumunta ka na lang kaya." Nilapitan siya nito sa kaniyang kinauupuan kapagkuwan ayibinaba ang mukha patungo sa kaniyang tainga para bumulong. "Naroon din si Gustavo panigurado. Hindi ba't kailangan mo siyang obserbahan? Papalamlasin mo lang ba ang pagkakataon?" Tumama ang init ng hininga nito sa kaniyang tainga na nagpatayo sa balahibo niya sa katawan. Sa nangyari tinulak niya ito sa dibdib na ikinalayo na ng mukha nito sa kaniyang tainga. "Sige. Pupunta na," pagsangayon niya na lamang dito. Tumayo nang tuwid si Aristhon. "Iyon naman pala e," ang naisatinig nito sa paglalakad nito patungo sa pinto. Umalis siya nang kama na umirit na naman nang bahagya. "Gagawin ko ito hindi para sundin ka," ang nasabi niya rito sa pagsuot niya ng kaniyang sapatos. Nilingon siya nito dahil sa nasabi niya. "Alam ko," simple nitong sabi. "Nahihiwagaan ako sa iyo," ang naisatinig niya sa pagsuot niya sa unang pares ng kaniyang sapatos. "Bakit?" Huminto ito sa pintuan na siya ring pag-alis ng guwardiya roon. "Pakiramdam ko talaga mayroong naglalaro sa isipan mo," paliwanag niya naman dito. "Naghihintay ka lang ng tamang pagkakataon para magawa mo sa akin." Isinuot niya ang huling pares kapagkuwan ay lumakad na siya patungo sa pintuan kung saan ito nakatayo. Imbis na sabihin nito ang laman ng isipan nito nginisian lamang siya nito bilang ganti sa kaniya. Nauna ito nang ilang hakbang sa paglabas ng pintuan. Sumunod din naman siya rito kaagad na hindi isinara ang pinto. Naiwan ang tauhang kalbo ni Aristhon sa loob na mahimbing pa rin ang tulog. Sa pagsisimula nila sa paghakbang nagpaiwan saglit ang guwardiya upang isara ang pinto ng klinika. Sumabay siya ng lakad sa lalaki dahil wala nga rin naman siyang ideya kung saan banda ang bulwagan na pagdadausan ng misa. Sa katahimikan ng pasilyo malinaw na maririnig ang paghakbang nila sa kahabaan niyon. "Paano mo naman mapapatay si Gustavo?" ang nasabi sa kaniya ni Aristhon sa patuloy nilang paglalakad. "Kailangan mo ba ng magagamit? Maaari kitang bigyan kung gusto mo." Nilingon niya ito dahil sa sinabi nito. "Kahit hindi na," pagtanggi niya dahil hindi naman talaga niya kailangan niyon. Hindi na nasundan pa ang sasabihin nila dahil sa ingay din naman ng paglalakad na naririnig niya mula sa kanlurang pasilyo. Ilang sandali pa nga ay nakita na nila ang gumagawa niyon. Nakasalubong nila sa bahaging iyon ng pasilyo ang matandang lalaki na si Gustvo kasama ang dalawang tauhan nito na malabato ang mga pangangatawan, sa likuran ng mga ito nakatayo ang nagbabantay na guwardiya sa mga ito na siyang guwardiyang nagdala sa kaniya sa mga kubol. Gumuhit kaagad ang isang manipis na ngiti sa labi ng matanda pagtama ng tingin nito sa kaniya. "Balak mo talagang sumunod kay Aristhon?" ang nasabi kaagad ng matanda pagtigil nito sa paghakbang. Tiningnan niya ito dahil sa nasabi na hindi humihinto sa paglalakad. "Hindi niya ako tauhan," pagtama niya sa maling akala nito nang malampasan niya ito. "Kung hindi, sa amin ka na nga lang sumali," pang-iinganyo ng matanda. "Marami akong maitutulong sa iyo." "Wala akong balak sumali sa ano mang grupo lalo na sa iyo. Hindi makatutulong sa akin ang katulad mong matanda na. Mapapahamak lang ako dahil sa iyo. Huwag ka ngang magsalita na para bang marami ka talagang magagawa," hirit niya rito sa hindi niya paglingon dito. Sumama ang mukha ng matandang lalaki sa pagsunod nito ng tingin sa kaniyang likod. Wala namang nasabi si Aristhon sa tuloy-tuloy din naman nito sa paghakbang kasunod ang guwardiyang nagbabantay sa kanilang selda. "Hindi maganda kung gagalitin mo si Gustavo. Baka mamaya pagdiskitahan ka niyon. Hindi mo magagawa ang inuutos sa iyo," ang naisatinig ni Aristhon. "Kaya ko ang sarili ko kahit dumating pa ang sinasabi mo. Huwag mo rin akong tutulungan. Wala rin akong balak humingi ng tulong sa iyo." Humugot ito nang malalim na hininga na mapapansin sa pagbagsak ng balikat nito. "Ikaw ang bahala," ang naisatinig na lamang nito dulot ng pagkadismaya. Sa hindi nila paghinto sa paglalakad nakarating na sila ng bulwagan. Nakatayo sa harapan ng malapad na pintuan nito ang mga guwardiya. Hindi pa man sila nakalalapit dito narinig na nila ang pinaghalong ingay ng mga preso. Ilang sandali pa nga ay nakarating na sila sa pintuan kung saan dumiretso lang sila ng pasok na hindi tinitingnan ang ibang mga guwardiya. Paghakbang nga nila sa loob tumama ang mata niya sa entablado sa malayong sulok ng bulwagan kung saan naroong naghahanda ang pari sa harapan ng isang maliit na mesa na inalalayan ng sakristan nito. Sa tabi ng entablado'y nakakalat ang mga guwardiya para bantayan ito. Samantalang ang mga preso sa dalawang hanay ng upuan ay hindi nga natigil sa pag-iingay; mayroong nagsisigawan sa isa't isa; hindi rin mawalawala ang mga nagtatawanan. Walang pakialam ang mga ito sa paring nasa entabado. Nakakalat pa ang ibang mga guwardiya paikot ng bulwagan, naroon ang iba sa itaas ng hagdanan. Hinila siya ni Aristhon sa kaniyang suot patungo sa bakanteng upuan na nasa dulo ng unang hanay. Nagpahila naman siya rito kaya binitiwan na rin naman siya nito. Nilampasan nila ang ilan pang bakanteng upuan sa kanilang paglalakad sa pagitan niyon. Sa kanilang pag-upo naglakad ang warden na naka-itim na uniporme mula sa likuran ng entablado. Hawak nito sa kamay ang isang mikropono. Hindi naman siya nagulat nang bigla na lamang itong sumigaw. "Magsitigil kayo kung ayaw niyong lumabas na putol ang mga daliri! Iisa-isahin ko kayong lahat!" Sa lakas na boses nito na nadagdagan pa ng mikropo umalingawngaw iyon sa kalaparan ng bulwagan. Sa pagbaba nito sa mikropono tumahimik nga ang mga presong naroon, nawala nga ang ingay na kanina lamang ay priminenteng maririnig. "Mukhang kinakatakutan siya rito," ang nasabi niya sa pagtitig niya sa warden. Nakipag-usap ito sa pari na hindi nga niya marinig sa layo ng entablado. "Pumapatay iyan ng preso kapag nasobrahan sa galit," ang nasabi ni Aristhon. Sinulyapan niya ito dahil doon. "Hindi ba't mali iyon?" paalala niya rito. "Hindi siya puwedeng pumatay ng mga preso dahil sa nagagalit siya. Maaari siyang makulong." "Hindi mangyayari iyon dahil sa hindi makalalabas ang mga pagpatay dito sa loob. Ang malalaman lang ng mga tao sa labas namatay sa rambolan iyong pinatay niya," paliwanag niyo na naintindihan niya rin naman. "Kaya naman magkasundo kayong dalawa." Gumuhit ang matalim na ngisi sa labi nito dahil sa nasabi niya. Ibinaling niya na lamang ang tingin sa entablado sa pagsisimula ng misa. Hindi na umalis ang pari sa tabi ng mesa sa pag-awit ng koro ng mga preso na nasa kanan ng entablado. Kasabay niyon ang pagsitayuan ng mga preso maliban sa kanila ni Aristhon na nanatiling nakaupo. Dahil dito natakpan ang kaniyang paningin ng mga presong nasa kaniyang unahan. Nabaling ang atensiyon sa sarili niya nang mayroong siyang naamoy na nasusunog na tela. Sumisinghot pa siya nang makailang ulit para alamin kung saan nanggagaling iyon. Nalaman niya na lang kung saan nang makaramdam siya ng init sa kaniyang likod. Pagsilip nga niya'y nakita niyang nasusunog ang laylayan ng kaniyang suot na pang-itaas. Dahil dito minadali niyang patayin. Iyon nga lang hindi naman mawala ang apoy sa paghampas niya rito ng kamay. Ang ginawa niya na lamang ay ang hubarin ang kaniyang suot sabay bitiw ng damit sa sahig. Pagkalapat ng pang-itaas ng uniporne makailang ulit niyang tinapakan iyon hanggang sa mawala na rin ang apoy. Hindi pinansin ng mga katabi niya ang nangyayari sa kaniya na para bang alam ng mga ito na mayroong masusunog sa kaniyang suot. Wala naman siyang ibang maisip na makakagawa niyon kundi si Aristhon na tumingin sa kaniya nang sandaling iyon. "Ano ang nangyari?" saad nito. Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa narinig. "Nagtanong ka pa," mariin niyang sabi sa pagpulot niya sa hinubad na damit. Tinapon niya iyon sa lalaki kaya tumama iyonn sa dibdib nito. Sinuri nito ang damit nang paikot hanggang tumama ang paningin nito sa laylayang nasunog. "Sino ang may gawa nito sa iyo?" Ibinalik nito ang damit patungo sa kaniya. "Ikaw." Hinablot niya ang damit at sinuot na lamang iyon kahit na nasunog ang laylayan. "Sino pa ba? Wala namang ibang makagagawa nito kundi ikaw lang. Hindi nakatutuwa. Ito ba iyong sinasabi mong masusunog? Mabuti na lang namalayan ko." "Hindi nga ako," pagtatanggol naman nito sa sarili. Lumingon siya sa kaniyang likuran para tingnan kung mayroon pang ibang tao roon. Wala naman siyang nakita kundi dingding lang na isang dipa pa ang layo mula sa kanila. Sa nalaman ibinalik niya ang atensiyon sa lalaki. "Maniwala sa iyong hindi ikaw," reklamo niya sa pagpagpag niya sa damit. Inalis niya ang mga kumapit na alikabok kapagkuwan ay muli niyang isinuot iyon. "Sabi na ngang hindi." Hinila siya nito sabay inipit nito ang kaniyang leeg na siyang nagpapahirap sa kaniya sa paghinga, dumikit siya sa katawan nito. Magrereklamo pa sana siya rito na hindi niya naituloy nang makita niya ang pagkahulog ng spotlight mula sa bubongan. Bumagsak iyon sa kaniyang kinauupuan na hindi naman napansin ng iba sa lakas ng kantahan. Binitiwan lamang siya nito nang tapikin niya ang kamay nito. Mayroon pang napapalingon sa kanila pero binalewala lamang ang lahat. "Ang gandang pagtanggap nito," sa pagtitig niya sa nabasag na ilaw. "Mga tao nga naman. Malaman ko lang talaga kung sino ang may gawa makakatikim talaga sa akin." Sumama ang tingin niya sa paglingon niya kay Aristhon. "Hindi ko gawain ang ganiyan," pagtatanggol nito sa sarili. "Sinasaktan ko nang direkta ang sino man. Hindi ko dinadaan sa ano mang larong pangbata." Sinalubong niya ang mapunuri nitong mga mata. Sumasalamin ang kaniyang buong mukha sa balintataw nito. Sa kaseryosohang nakaguhit doon nasabi niyang nagsasabi ito nang totoo kung kaya nga ibinaling niya na ang tingin sa entablado. Hindi na siya umurong nang upo dahil nga sa mayroong bubong sa gawing kanan niya. Ilang sandali pa ay natapos na ang kantahan kung kaya nga inalapit ng sakristan ang mikropono sa bibig ng pari. Puting-puti ang suot ng pari kasing puti ng buhok nito. Sinimulan na rin nito ang pagsasalita na wala rin namang pumapasok sa kaniyang tainga dahil iniisip niya pa rin kung sino ang nagsunog sa kaniyang su ot at sa pailaw. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng lahat ng mga presong naroon dahil wala man lang naging reaksiyon sa nangyari sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD