Kabanata 16

2541 Words
INABALA niya ang kaniyang sarili sa paglalaba ng damit niya bilang preso sa piitan na iyon dahil dalawang pares nga lang naman ang mayroon siya. Sinuot niya na ang natitirang malinis na damit kung kaya kailangang malabhan ang narumihan. Natatagalan siya nang kaunti dahil sa estado ng kaniyang nilalabhan. Napapabuntonghininga siya nang malalim habang pinagmamasdan ang nasunog na laylayan. Mabuti na lamang kaunti lamang ang nasunog. Kahit anong gawin niyang pagkusot doon hindi na talaga maalis ang pangigitim niyon. Hindi na siya nagtungo sa paliguan para maglaba. Pinili niya na lamang na gawin iyon sa banyo sa kanilang selda. Ginamit niya ang maliit na palanggana sa paglalaba na nakabaluktot ang dalawang tuhod. Hindi siya gumamit ng bangko dahil wala namang ganoon doon. Tanging pagkusot niya sa damit ang maririnig sa loob ng banyo. Liban pa roon naglalaro sa kabuuan ng silid ang halimuyak ng sabon na ginamit niya na amoy rosas. Sa paglalaba niya'y tahimik namang nagbabasa si Aristhon sa kinauupuan nito na nakasandig ang likod sa dingding. Ang mga paa nito ay nakaunat, nakapatong ang kanan sa kaliwang paa. Sinukuan niya rin ang pagkusot sa laylayan dahil kahit ano pang gawin niya ay hindi nga mawawala iyon. Minabuti niya na lamang ng magbanlaw na't nang maisampay niya na iyon. Binuksan niya ang gripo't binanlawan nga ang nilabhan, bumuhos ang malinaw na tubig mula sa bibig ng gripo paibaba sa kaniyang damit kaya naaalis ang bolang nakabalot dito. Naghintay lamang siya ng ilang minuto nang umapaw ang tubig. Matapos nga niyon binanlawan na nga niya ang kaniyang nilabhan, naging mabilis ang paggalaw ng kaniyang mga kamay, kinusot niya't piniga ang mga iyon nang maalis ang sabon. Sa unti nga ng nilabhan niya natapos rin siya kaaagad, ipinatong niya ang pinigang damit sa inidoro na natatakpan. Sa kaniyang pagtayo'y hawak niya sa isang kamay ang palanggana habang ang malayang kamay ay isinasara ang gripo. Hindi na siya lumabas para maisampay ang kaniyang mga nilabhan. Lumapit lamang siya sa bintana kung saan naroon ang sampayang gawa sa bakal. Gumamit siya ng hanger nang maayos siyang makapagsampay. Habang ginagawa niya iyon hindi niya mapigilang tumingin sa labas dahil sa paglalagay ng ibang mga preso ng banderitas. Nagsiakyat ang ilang sa ibabaw ng fence nang maitali ang dulo ng banderitas na iba-iba ang kulay. "Ano bang mayroon?" ang naitanong niya kay Aristhon nang isampay niya ang kaniyang salwal. "Bakit naglalagay ng mga banderitas? Mayroon bang piyesta rito sa loob?' Hindi inalis ni Aristhon ang tingin sa binabasang libro. Gayunman sumagot pa rin naman ito. "Nagdadaos ng palaro ang ang kompanya ng sapatos rito sa piitan kapag mga ganitong araw. Isinali na kita." Sa narinig nilingon niya ito na salubong ang dalawang kilay nang isasampay niya na ang pantalon. "Bakit mo ako isinali? Hindi man lang nagtanong muna kung gusto ko ba," maktol niya rito. Nang mapagtanto niyang tumutulo ang tubig mula sa hawak niyang basang pantalon, isinampay niya rin iyon kasama ang pang-itaas at ang salwal. Bumalik siya kapagkuwan sa banyo nang mailagay doon ang maliit na palanggana. "Huwag kang magreklamo," sabi sa kaniya ni Aristhon. "Tatlo ang kailangan para makasali. Dahil wala naman akong ibang alam na puwedeng isali ikaw na nga ang nilista ko." "Ibig mong sabihin sasali ka rin?" ang naisatinig niya nang lumabas siya ng banyo't naupo sa gitna ng selda na nakabaluktot ang mga paa paharao kay Aristhon. "Oo," tugon nito sa paglipat nito sa pahina ng binabasang libro. "Soccer ang sasalihan natin. Hindi na masama ang premyo." "Magkano ba?" pag-usisa niya rito. Hindi pa rin siya nito makuhang tingnan. "20,000." "Sinu-sino naman ang mga makakalaban natin?" Hindi na niya masyadong inusisa ang mga nangyayari. Mas mainam nga namang sumali siya sa palaro para isipin ng mga nakakakita sa kaniya na wala siyang ibang pakay sa piitan na iyon. "Dalawa lang ang sumali ngayon. Makakalaban natin ang grupo ni Gustavo." Napatango-tango siya sa huling sinabi ni Aristhon. "Kung tatlo ang kailangan, sino naman iyong isa?" "Paparating na siya." "Sino naman kaya?" taka niya namang tanong na siya rin niyang paglingon sa pinto dahil sa pagbukas niyon. Nagsalubong ang dalawang kilay niya nang makitang pumasok doon ang alalay nitong kalbo. "Akala ko naman kung sino ang isinali mo," dugtong niya na mababanaagan ng pagkadismaya. "Sino naman ang gusto mo? Wala namang ibang tayong kasama rito kundi siya," sambit naman ni Aristhon. Hindi na gaanong namumula ang mukha ng alalay nito matapos ng ilang araw na pananatili nito sa loob ng klinika. "Ang naisip ko ay kumuha ka sa ibang selda," sabi niya naman dito sa kaniyang pagtayo. Lumapit siya sa estante't nagpakulo ng tubig sa heater na maliit. "Pasensiya na, boss. Ngayon lang nakabalik," sabi ng alalay na iniyuko pa ang ulo. Sa likuran nito ay sumara na ulit ang pinto. Hindi tiningnan ni Aristhon ang alalay nito sa sinabi nito. "Sa susunod kasi huwag kang manghamon kung hindi mo naman kaya," paalala ni Aristhon. Pinagmasdan siya ng alalay matapos nitong marinig ang sinabi ni Aristhon. Hindi naman siya natatakot na salubungin ang tingin nitong sumama pagtama sa kaniya. "Ano? Gusto mo pa rin ba ng away?" paghahamon niya pa rito. Wala rin naman itong sinabi sa kaniya nang alisin na rin nito ang tingin sa kaniya. Nabaling naman ang tingin niya kay Aristhon nang mayroong itong masabi. "Templahan mo rin ako ng kape," sabi nito sa kaniya. Bago pa man siya makapagsalita, inunahan na siya ng alalay nito. "Ako na ang magtitimpla para sa iyo, boss. Hindi niya alam ang timpla mo," ang nagmamadali nitong sabi. Lumakad ito patungo sa estante kung saan siya nakatayo. Tinulak pa nga siya nito na kaniya namang ikinaatras nang dalawang beses habang nagpapalabas ng mainit na hininga. Inihanda nito ang dalawang baso na pagsasalinan nito ng mainit na tubig. Napapatingin na lamang siya sa ginagawa nito. "Kung makapagsalita ka para namang nagtitimpla ka talaga nang purong kape. Samantalang instant coffee lang naman ginagamit dito," aniya rito. "Parehas pa rin ng lasa kahit ako pa ang magtimpla." Nilingon siya nito na masama pa rin ang tingin. "Tumahimik ka riyan," sabi naman nito nang magsalin na ito ng kumulong tubig sa plastik na baso. "Ikaw ang tumahimik. Saka ako ang nag-init niyan kung makagamit ka." Binangga niya ang kaniyang braso rito para matulak niya ito. Nagawa niya namang pahakbangin ito palayo. Hindi naman nagpapigil ang alalay dahil tinulak naman siya nito na kaniyang muling ikinahakbang. Nagmadali pa itong magtimpla kaya nasagi nito ang isang baso. Dahil doon natapon ang laman niyong mainit na tubig sa sahig. Napasigaw pa ito dahil nabuhusan ang tiyan nito. "Bwisit ka!" mariin nitong sabi sa kaniya. "Iyan ang napapala mo," ganti niya naman dito. "Nanahimik ka na lang sana sa sulok." Hindi na naituloy ng alalay ang sasabihin nang magsalita si Aristhon. "Huwag na kayong magtimpla ng kape. Maupo na lang kayo," sabi nito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa hawak na libro. Sa balak na pag-alis ng alalay sa estante sinita niya na ito. "Saan ka naman pupunta? Linisan mo iyan," sabi niya rito na lalong ikinasama ng tingin nito. Tinuro niya ang natapong mainit na tubig, tumutulo iyon sa sahig mula sa ibabaw ng estante. Sa inis ng alalay nagtungo na lamang ito ng banyo. Samantalang siya naman ay hindi niya pinakinggan ang sinabi ni Aristhon. Nagtimpla pa rin siya ng kape. Kinagat niya ang instant coffee nang mabuksan iyon. Ibinubuhos niya iyon sa baso nang bumalik na ang alalay dala ang pamunas. Tiningnan siya nito nang tuwid sa paghalo niya sa kape gamit lang ang mahabang pakete na pinag-alisan niyon. Humakbang na lamang siya palayo sa harapan ng estante sa pagpunas ng alalay sa natapong tubig. Naupo siya sa sahig na nakabaluktot ang mga paa ilang dangkal ang layo kay Aristhon. Balak pa rin sanang magtimpla ng alalay ngunit nang tingnan nito ang maliit na kahon nalaman nitong wala nang laman. Muli na naman siyang nakatanggap nang masamang tingin mula rito na hindi niya binigyang pansin sa pagsimsim niya ng kape habang nakatingin sa kawalan. Nang makainom ibanaba niya iyon sa kaniyang kaliwa. Walang kung anong tumatakbo sa kaniyang isipan nang mga sandaling iyon. Sadyang nakatulala lamang siya. Nang muli siyang iinom ng kape natigalgalan na lamang siya dahil imbis na baso ang mahawakan niya kamay ni Aristhon ang nahawakan niya na pinangkuha nito sa baso. Nagsalubong pa ang kanilang mga tingin. Sa nangyari inalis niya ang kaagad ang kaniyang kamay kaya itinuloy na nito ang pag-inom na hinayaan niya na lamang. Dumikit ang mapula nitong labi sa bibig ng baso na nadikitan din ng kaniyang labi. "Ano ang iniisip mo?" ang bigla nitong naitanong sa kaniya nang ibaba na nito ang kape. Nilingon niya ito nang siya naman ang kumuha sa kape. "Wala naman," sagot niya naman at uninom ng kape. Mainit man iyon ngunit balewala lang sa kaniya. "Sigurado ka?" Inilipat nito ang pahina ng libro. "Oo. Sasabihin ko ba kung hindi," hirit niya naman dito. Muli siyang napatitig dito nang hawakan siya nito sa kaniyang ulo. Hinintay niya kung ano ang gagawin nito na sinasalubong ang mga mata nito ngunit wala rin namang nangyari. Siya na lamang ang nag-alis sa kamay nito sa pagpapatuloy nito sa pagbabasa. Sa huling inom niya ng kape ibinigay niya na ang natitira rito na ininom din naman nito. Inilang lagok lamang nito iyon bago nito ibinigay ang baso sa alalay nitong katatapos pa lamang sa pagpunas sa sahig. Tinanggap din naman ng alalay ang baso't itinabi iyon sa estante. Matapos niyon nagtungo ito ng banyo upang isampay ang basang pamunas. Umalis lamang siya sa kaniyang kinauupuan nang makaramdam naman siya na kailangan niyang umihi. Nagkasalubong nga silang dalawa ng alalay sa pintuan ng banyo. Pinigilan pa siya nito sa kaniyang balikat at nagsabi nang pabulong, "Hindi mo ako mapapalitan. Hindi mo maaagaw ang posisyon ko bilang alalay ni Boss." Inalis niya ang kamay nito. "Walang nang-aagaw sa pagiging alalay mo," saad niya. Nakuha niya pang pilipitin ang kamay nito na nagpangiwi rito kaya binawi nito ang kamay at ito na lamang ang kusang lumayo sa kaniya na hindi niya kailangang itulak. Pagkalabas nito roon lumapit ito sa mga gamit nito't naglabas ng baraha. Samantalang siya naman ay umihi na sa inidoro matapos niyang alisin ang takip niyon. Ibinaba niya ang garter ng suot niyang pantalon na walang siper kasama ang salwal para siya ay makaihi. Hindi gaanong karami ang naipong maruming likido sa pantog niya kaya naging madali lamang ang kaniyang pag-ihi. Sa pagtaas niya sa kaniyang suot na pantalon gamit ang isang kamay, ang malaya naman niyang kamay ay nagbuhos nang pumailalim ang naninilaw na tubig. Sa paglabas niya ng banyo nadatnan niya ang dalawa na nakaupo sa gitna ng selda. Hindi na nagbasa pa si Aristhon ngunit ang librio nito ay nasa kanan lamang nito. Binabalasa ng alalay nito ang baraha habang naghihintay lang naman ito. "Maupo ka. Sumali ka nang malibang ka naman," saad sa kaniya ni Aristhon. "Maglaro na labg muna tayong tatlo." Hindi na niya sinalungat ang nasabi nito. Lumapit nga siya sa kinauupuan ang mga ito't nupo na rin sa sahig. "Ano bang lalaruin natin?" ang naisipan niyang itanong. Si Aristhion na ang kaniyang tinanong dahil sigurado namang hindi siya sasagutin ng alalay nito. "Pusoy," tipid nitong sagot. "Mayroon parusa kapag natalo. Iyon na lang ang gagawin natin dahil hindi naman tayo puwedeng gunamit ng pera. Ano? Gusto mo pa rin ba?" "Oo naman. Ako pa talaga ang tinanong mo?" ganti niya naman dito. "Baka mamaya matalo ka." "Ayos lang. Ang mahalaga ay nakapaglaro ako," sabi na lamang niay rito. "Ano ba ang parusang naisip niyo?" "Maghuhubad ng damit isa-isa," pagbibigay alam nito sa kaniya. Napatango siya sa narinig mula rito. "Hindi naman pala mabigat ang parusa." Ibinaling na nito ang tingin sa alalay sa paglatag nito ng mga baraha sa kanilang harapan. Maging siya ay ganoon na rin naman ang kaniyang ginawa. Sa pagtatapos ng alalay sa paglatag kinuha niya ang mga barahang para sa kaniya, binuklat niya iyon hanggang sa dulong baraha't pinakatitigan. Nang magsawa sa kakatingin inayos niya na iyon. Walang nagsasalita sa kanilang tatlo kaya natapos siya sa pag-aayos ng baraha. Sa paglagay niya ng baraha sa uluhan mula sa ilalim tumigil na siya. Napapatingin naman sa kaniya si Aristhon sa hindi niya pagkilos habang naghihintay sa mga ito na matapos. "Ang bilis mo naman," puna ni Aristhon. "Bakit pakiramdam ko'y sanay kang maglaro ng baraha." "Hindi naman gaano," pagsisinungaling niya rito. Hindi nga ito nagkakamali sa nasabi. Mas pinili niyang huwag na lamang sabihin dito ang katotohanan. Naghintay din naman ito sa para sa alalay. Natagalan nang kaunti ang kalbo sa pag-aayos ng baraha. Sa bagal nito napapahikab na siya kaya tinakpan niya ng palad ang nakangangang bibig. "Tapos na ako. Puwede na ito," sabi pa nito na buo ang kompiyansa sa baraha. "Mananalo ako kaagad sa mga baraha ko." "Kung ganoon ibaba mo na," utos ni Aristhon. "Kayo na lanag muna para mayroong gulat," suhestiyon naman ng lalaki. Hindi naman iyon binalewala ni Aristhon inilapag nga nito ang hawak na mga baraha. Napatitig siya sa baraha't nalaman niyang panalo siya laban dito. Nakuha pang ngumiti matapos masaksihan ang barahan ni Aristhon. Inilapag na nga nito ang mga baraha kaya napabuntonghininga siya nang malalim. Inakala niyang matatalo siya nito ngunit sa nakita niya sa ayos ng mga baraha ang panalo sa unang paglapag nila ay siya. Napatitig si Aristhon sa mga baraha nang maisa-isa nito. "Nandaraya ka na naman ba?" mariing tanong nito sa alalay na kalbo. "Hindi, Boss," pagtama naman nito sa maling akala ni Aristhon. Huminga nang malalim si Aristhon sa pagbaling nito ng atensiyon sa kaniya. "Ano pang hinihintay mo riyan?" sabi nito na mababanaagan ng inis dahil nga sa natalo ito. Sa narinig ibinaba nga niya ang mga barahang hawak niya. Magkaiba ang reaksiyon ng dalawa sa nakita ng mga ito: ngumisi nang matalim si Aristhon; ang kalbo naman ay kumunot ang noo. Hindi na nagtanong pa si Aristhon sa paghubad nito ng polo't iniwan ang pangloob ng puting t-shirt. Samantalang ang kalbo ay napapakunot ang noo nang maghubad na rin ito ng polo. "Pakiramdam ko siya ang nangdaya, Boss," sabi naman ng kalbo sa muli nitong pag-ipon nito sa mga barahang nagamit na. "Natalo ka lang kung anu-ano ang naiisip mo," aniya sa kalbo. "Galingan mo kasi. Gamitin mo ang utak mo. Oo nga pala, wala na niyon." Lalong sumama ang tingin nito sa kaniya sa paglalagay nito ng mga baraha sa kanilang harapan. Hinayaan lang naman sila ni Aristhon na inilagay naman ang buong atensiyon sa barahan. Sa ikalawang pagkakataon natalo pa rin naman ang mga ito. Dahil doon pinagtitinginan naman siya ng dalawa sa paghubad ng mga ito sa puting t-shirt. Sa pagtakbo ng mga sandali walang mintis na siya ay nanalo hanggang sa salwal na lamang ang natitirang saplot sa katawan ng dalawa. Nauna pa nga siyang nagbaba ng mga baraha ngunit talo pa rin ang dalawa. "Tama na nga. Nangdaraya ka talaga," matigas na sabi ni Aristhon sa kaniya. Hindi na nito hinubad ang salwal kahit na natalo ito. Samantalang ang alalay nito ay iniligpit na ang mga barahan. Napapabuntonghininga siya nang malalim sa pagtingin niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD